The Power of Love and Blood

The Power of Love and Blood

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-04-25
Oleh:  NielleOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
10Bab
1.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Isang lalaking nagmula pa sa sinaunang panahon ang magbabalik upang hanapin ang kasagutan at ang taong nsa likod ng kaniyang kamatayan. Simula noong araw na nagising siya ay alam na niya ang kaniyang "top priority" at iyon ay hanapin ang taong nagnanais na burahin siya sa mundo. Ngunit mahirap ang pamumuhay sa makabangong panahon kung kaya't kahit ayaw niyang humingi ng tulong ay napilitan siyang lapitan ang nag-iisang babae na alam niyang hindi siya matatanggihan, si Reina San Agustin ang babaeng tinaguriang malas sa lahat ng malas, at ang babaeng nakapagbigay kay sa lalaki ng kakaibang kalituhan sa kaniyang nararamdaman. He does not trust anyone nor believe in love anymore after the betrayel he had experience in the past. While she do believe that love is everything. When the heart of this two opposite people become literally connected what would happen?

Lihat lebih banyak

Bab 1

PROLOGO.

(𝙽𝚊𝚗𝚊𝚒𝚜𝚒𝚗 𝚖𝚘 𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚖𝚖𝚘𝚛𝚝𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚗𝚊𝚜𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚊𝚗?)

Sa loob ng apat na raan at apat na pu't pitong taon ko nang nabubuhay sa mundong ito, nasaksihan ko ang iba't ibang uri ng pagbabago hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Nasaksihan ko kung paano pinaglaban ni Ama ang kan'yang nasasakupan sa mahabang panahon laban sa mga dahuyang mananakop. 

Nasaksihan ko ang pagpanaw ng mga mahal ko sa buhay. Gayon din ang pagpanaw ng mga taong aking kinagisnan sa naturang panahong iyon.

Nasaksihan ko ang pagbabago ng bansang Pilipinas. Mula sa pagsulat ng baybayin ay napalitan ng alpabeto. Hanggang sa tuluyan ng nakalimutan ang makalumang sistemang ito sapagkat hindi hamak na mas madaling isulat ang alpabeto, dagdag pa dito ang mas kumpletong letra kung kaya't mas naging maayos ang pagkakasulat ng bawat salita kumpara sa bayabayin na limitado lamang. 

Saksi ako sa dami ng dugong dumanak sa tinatawag ngayong Luneta Park. Saksi ako sa kalupitang dinanas ng mga Indio sa kamay ng mga gahamang Espanyol. Saksi ako sa pagkabihag ng bansang ating sinilangan, kung paano inalipin at pinagsamantalahan ng dayuhan ang ating bansang iniingatan. Saksi ako kung paano umiral ang hindi patas na batas sa kamay ng gobyerno at mga ordinaryong tao——saksi ako sa lahat ng bagay na ito. Ang pagkabihag ng Pilipinas, at ang muling paglaya nito ay nasaksihan ko——naroon ako, at hanggang ngayon ay narito pa rin ako.

Habang ang mundo ay patuloy sa pag-ikot at pagbabago, ay narito lamang ako,

Natutulog, naghihintay at nakahimlay.

Ako si Arthuro, nag-iisang anak ni Rajah Sulayman. Ang taong nakatakdang mamuhay magpakailanman at tila isinumpa na masaksihan ang pagpanaw ng lahat ng may buhay sa daigdig. Maging ang kasakiman ng mga taong hindi marunong makuntento sa bagay na mayroon sila, kasakiman sa kapangyarihan, at buhay na walang hanggan.

(Sirka 1550-Sirka 1588)

Si Raha Sulayman (Rá·ha Su·lay·mán) ang kinikilalang unang bayani ng Maynila para sa pagtatanggol niyá ng kaniyang kaharian laban sa mga mananakop na Español.

Mula sa angkan ng mga maharlikang Muslim sa Borneo, si Sulayman ang pinunò ng Maynila nang maunlad pa itong pamayanang Muslim. Tumanggi siyáng pasakop sa mga Español sa pamumunò ni Martin de Goiti noong Mayo 1570. Sa pamamagitan ng amaing si Lakandula na pinunò ng Kaharian ng Tondo, nakipag-kaibigan siyá sa mga Español pero lihim na pinaghanda ang mga tauhan niyá.

Nang mapatunayan niyáng ibig talagang manakop ng mga dayuhan, sinalakay ng kaniyang pangkat ang barko ni Goiti sa Look Maynila. Bilang ganti, pinatay ng mga Español ang mga tauhan niyáng naiwan sa himpilan at sinunog ang pamayanan. Pinaghandaan niyá ang pagbabalik ng mga Español.

Noong Mayo 1571, nagbalik ang mas malaking hukbong Español kaya nangalap siya ng mga tauhan sa Hagonoy, Macabebe, at iba pang barangay sa Pampanga.

Natalo sila sa Labanang Ilog Bangkusay at pagkatapos niyon, pinalitan niyá ang pangalan at ginawang Agustin de Legazpi. Nakatulong niyá si Magat Salamat, anak ni Lakandula, sa pagbuo ng hukbo laban sa mga Español. Tinangka nilang pag-isahin ang mga barangay ng Tondo, Pandacan, Polo, Catangalan, Castilla, Taguig, Candaba, Navotas, Maysilo, Bulacan, Tangos, at Cuyo. Natuklasan ng mga Español ang balak, dinakip siyá at kasáma ang ibang pinunòng katutubo ay binitay noong 1588.

Nang matapos ang brutal na pagpatay sa aking Ama na si Rajah Sulayman/ Agustin de Legazpi ay nawalan na ng kapayapaan ang aming buhay. Hindi huminto ang mga Español hangga't hindi nalilipol at napapaslang ang natitirang maharlika na nagmula sa angkan ng aking ama. 

Kung kaya't matapos mapaslang si ama ay nanirahan kami ng aking ina sa kagubatan, para sa kan'yang kaligtasan. Ngunit makalipas lamang ang limang taon ay pumanaw na rin ang aking ina. Lingid sa aking kaalaman na makikita at masasaksihan ko ang araw na pagkawala ng aking mahal sa buhay. Iiwan nila ako at lahat sila ay mamamatay ngunit ako ay mananatiling buhay sa paglipas ng mahabang panahon.

𝐊𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐘𝐀𝐍.

Ang bagay na ito lamang ang may katiyakan sa mundong ito para sa normal na tao. Kamatayan ang huling destinasyon ng tao at ito rin ang katapusan ng paghihirap nila sa daigdig. 

Minsan ko ng hiniling na maranasan ang kamatayan. Ngunit ngayon na narito ako sa madilim na ataol at hinihintay ang pagsundo sa akin ng kamatayan ay nais ko siyang pigilan. Hindi pa ako maaring mamatay lalo na at lingid sa aking kaalaman na ang taong nasa likod ng matagal kong pagkakahimlay ay balak na mabuhay magpakailanman bitbit ang masama at gahamang hangarin.

Dugo na nagmula sa taong buhay lamang ang aking hiling at tanging kailangan upang magising ang aking natutulog na diwa at katawan...

Ngunit ang tanong may nakakarinig kaya sa aking kahilingan kung ang aking kinaroroonan ay isang silid na tila walang nakaka-alam kundi ang mga taong nais lamang pag-aralan ang aking katawan.

Continuará en el próximo capítulo. (𝙸𝚝𝚞𝚝𝚞𝚕𝚘𝚢 𝚜𝚊 𝚜𝚞𝚗𝚘𝚍 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝𝚊.)

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
10 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status