Share

Chapter 1

Artemis’ POV

“Nagkaroon ng pag-atake sa airport matapos makalapag ang sinasakyang eroplano ni Presidente Leonard Zelo pagkagaling sa America nitong alas siete ng umaga. Kasama pa umano niya ang pamilya na sinundo mula sa America.” Agad akong napalapit sa television kaya napatingin sa akin si Seb. 

“Why?”

“He’s with my son, Seb!” ani ko na napatingin pa sa batang naka-blurred na dumaan mula sa eroplano. 

“Huh? Paano mo nakilala? Ni hindi nga pinakita ang mukha,” aniya sa akin subalit nang makitang seryoso ako’y napanguso siya. 

“What do you plan to do now? Will you take him?” tanong niya sa akin. Hindi niya na kailangan pang tanungin ‘yon dahil ‘yon naman talaga ang plano but fuck Zelo, hindi ko alam kung alam niya na nakamanman ako o ano pero nang kukunin ko na ang anak 4 years ago, dinala niya sa America si Hades. 

I tried to go to America sa tulong ni Seb, Mayor of Cebu now, pero hindi ako nagtagumpay. They have a lot of guards, muntikan na akong mahuli isang beses akong nagtungo sa isang event na kasama ang anak. Tagong-tago rin ang tinutuluyan ng mga ito. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Zelo dahil alam kong marami rin siyang kalaban at pinoprotektahan niya ang anak ko o dapat magtanim ng panibugho dahil alam na alam niya na kung paano ako kumilos nang patago kaya todo bantay. 

“I’ll wait what will happened for now,” ani ko pero hindi na rin mapakali at gustong-gusto nang kunin ang anak. 

But it was really a good decision to work for Seb. She’s also giving me that secret information from the Politicians. I’ve been her 4 years bodyguard since that night sa barko. Her father, a governor in Cebu at that time, wanted to marry her off to some of his close friends. That dirty friend of his even tried to molest Seb, I didn’t kill him but well, he can’t use his hands now. Sapat na para matuto sa leksiyon. 

Hindi niya naman alam na kami ang may pakana ni Seb niyon, I work in a shadow and that’s when I easily do that. Sa sobrang dami niyang kinalaban, iba na ang kaniyang napagbintangan.

“Due to what happened in the airport, Mister President is hiring a bodyguard,” aniya na napatingin sa akin. 

“I’ll resign being your bodyguard then,” ani ko kaya agad siyang napangiwi sa aking. 

“Agad-agad? Ni hindi ka man lang ba magdadalawang isip? Parang wala tayong pinagsamahan, huh?” reklamo niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa. 

“Once I get my son, I’ll come back immediately as your guard,” ani ko kaya napatango siya sa akin. 

“As you should.” Inayos niya ang kaniyang salamin bago ibinigay sa akin ang dokumento na inaprubahan niya. It’s my resume telling that I work for her for years. Hindi naman talaga mahirap pumeke nito dahil sa kapatid kong si Ares. 

We already plan this alternatives many times. I just don’t do it dahil na rin alam na nasa ibang bansa ang anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapatapak ng pilipinas si Hades. 

“You are going to Manila, Mama? When will you go back to me though?” tanong ng aking bunsong si Athena habang iniaabot ang mga gamit na dadalhin ko roon. Nginitian ko siya ng tipid. 

“Babalik akong kasama na ang kambal mo, Athena... You’ll be a good girl while Mommy is gone, right, Baby?” malambing kong tanong kay Athena na siyang napatango lang din sa akin. 

“I’ll be a good girl, Mama. Don’t worry about me,” she said before fixing her eyeglasses. Bahagya kong tinitigan ang anak. Kuhang-kuha niya rin talaga ang cat eyes na mga mata ng kaniyang ama. Maski ang pagkamatalino nito’y sa kaniya niya namana. Ang freckles at curly hair nito’y nakuha niya rin sa kaniya. 

“Mama promise you that we’ll be happy more once we finally be with your brother,” ani ko na ngumiti sa kaniya. Tumango naman siya bago ibinalik ang ngiti mula sa aking mukha. 

“I’ll wait for the two of you, Mama…”  Hinalikan ko lang siya sa kaniyang noo. 

“I love you, Athena…” bulong ko sa kaniya. This kid is really genius at her age. She really suits her name. 

She just watched me while asking if she can train jiu-jitsu once I’m gone. She knows that I’m Seb’s bodyguard, her Auntie. Seb and Ares just got married 2 years ago. 

My daughter doesn’t really know the nature of my work noong hindi ko pa nakikilala si Seb. The big bosses from tigers would like someone to be killed kapag may mga bagay silang hindi napagkakasunduan habang pagdating naman kay Seb, she’s just a chill politicians, mas marami pang inis kaysa sa kinayayamutan niya. 

“We decided to learn that together though? You said you wanted to learn from Mommy?” malambing kong tanong kay Athena. She already knows some martial arts moves. I let her learn. It wasn’t because want her to enter the dangerous type of life but I was more anxious. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, I felt like they are still hunting us down. And it’s not like I won’t protect my daughter. I just want her to know the basics too. 

“Hmm, please, Mommy… so I won’t be so sad when you leave… I’ll miss you…” malambing niyang saad sa akin. 

“It’s not as if Mommy will stay there for a while… but alright, just always remember that you can’t use the things that you’ll learn to do something evil, okay?” 

Our conversation ended nang makaramdam na siya ng antok. 

But I think I doubt if this will just take me weeks or two. Or even more.

“What if I just bring Athena with me in Manila?” tanong ko sa aking kapatid na si Ares. 

“What you’re going to do is dangerous, Artemis, you think your ex will stand still kapag nalaman na nawawala ang anak niya si Hades?” Napabuntonghininga ako roon. Hindi rin ako mapalagay pagdating kay Athena. 

“Just focus on getting your son. As if pababayaan namin si Athena rito,” aniya na napailing pa. 

“You really think na hindi na ako mamumukhaan dito?” tanong ko na kumunot pa ang noo sa kaniya. 

“Yeah, you look so different now kumpara sa unang beses tayong nagkita, you have gray eyes with gray hair and fiercing on the lips that time. Sinasama naman kita sa mga event ko at mukhang wala namang nakakakilala sa ‘yo,” aniya kaya napatango ako. That’s true. Siguro nakatulong na rin na hindi gaanong kilala ng tigers ang mukha ko, ang alam lang nila’y may kulay gray akong buhok at gray na mata. But now all of that are already black.

And just like that, I was already holding my resume while looking at the grand building where the interview for the bodyguards will begin. I’m not Artemis right now. Just I'll Ain Bartolome. 

Seryoso lang ang mukha ko hanggang sa makapasok sa loob, mukhang nasala na ang mga candidate for the bodyguard of the President dahil wala pa kami sa sampu. 

Pinagmasdan ko ang lahat ng naroon, they all look professional. Of course they are. Ipanalangin ko lang talagang hindi si Zelo ang mag-interview sa akin. But I doubt if that guy remembers me. Napakibit ako ng balikat bago tumayo sa aking kinauupuan. 

Ako ang pinakahuling kikilatasin. Pinagmasdan ko lang ang dami ng CCTV dito sa loob but still, I acted like it doesn’t affect me. Nakaisip na agad nang paraan kung sakaling mahuli ako. Still, I was hoping that I can enter malacañang as Zelo’s bodyguard. 

The interview was so easy but they look like they are interested in my answer. 

“Not bad answer, Miss Bartolome,” nakangiting sambit sa akin ng isa sa mga lalaking nag-interview sa akin habang palabas ako ng luxury building na ito. Juan Cloud Rivera, one of the cabinet secretaries of the president. Formal ko itong tinignan at tipid na ngumiti at palabas na sana nang kwarto nang halos pigilan ko ang aking paghinga nang pumasok ang lalaking hindi ko sana gustong makita sa interview ngayon. 

He look so different now. Mas pormal na ang mukha kumpara ngayon. Iba siguro talaga ang hangin sa Malacañang. Lumaki rin ang katawan at bahagyang umawang ang labi ko nang makita ang sugat sa kaniyang braso and those deep scars on his shoulders. 

“Mister President!” Gulat na napatayo ang panel ng mga nag-iinterview nang mapatingin kay Zelo. I can’t believe that the guy in front of me is really the President of the Philippines. He was just a lawyer when we first met. 

“What are you still doing here, Miss Bartolome? Aren’t you aware that one of a characteristic of a bodyguard is giving her employer privacy? You can watch far from your employer,” anang isang babae, Rhealyn De guzman. 

Napatingin sa akin si Zelo roon. Agad kong nakasalubong ang malamig na tingin nito. I calm myself down. You can’t act like you are affected by his stare, Artemis. Today, you are just a bodyguard who wanted to do her best to be in. Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba medyo matagal noong huli akong nagkaroon ng mission o sadyang malakas pa rin ang apekto sa akin nang lalaking nasa harapan ko. 

“Your interview is done, you may go.” Ang kaniyang tinig ay kasing lamig pa rin ng niyebe. 

“Have a nice day, Mister President, see you again.” I was formal but I see him smirk. I don’t know what does that smirk means. Is that because he won’t see me again o namukhaan niya ako? I overthink about that kahit na makaalis na ako roon. Maybe nature na rin talaga ng utak ko ang isipin nang isipin ang mga ganoong bagay. 

I waited for the result for how many days until I received a message that I was finally one of his bodyguards. I got trained for 2 weeks after that too and now we are really going to be Zelo’s bodyguards. 

Nakahilera na kaming tatlo nina Onda at Welsey dahil hinihintay si Zelo na pumasok sa loob.

I was just staring at the room and the CCTVs, hindi rin talaga mapakali ang utak ko kapag nasa iisang lugar lang. I was already planning my escape while looking at the place. Mas mahirap na ngayon dahil paniguradong mas marami nang tauhan si Zelo. 

Napaayos ako ng tayo nang lumapit si Zelo sa aming gawi. The two guards I’m with greeted Zelo while they remain looking down dahil ‘yon ang kabilin-bilinan sa amin. Treat the president with respect, no eye contact at all. Akala mo’y hari ang pagsisilbihan namin sa dami ng habilin nila. 

“Good morning too. No need for the introduction. All you have to do is protect,” he said kaya agad na sumagot ang mga kasama ko. 

“Yes, Sir,” sambit nila sa kaniya. 

“Do you understand?” tanong nito na nasa tapat ko na ngayon. 

“Yes, Mr. President,” sagot ko na lang din. 

“Pasensiya na, Sir, mukhang medyo na naintimidate si Ain,” ani Welsey na siyang hindi na naman napigilan ang bunganga. He was skilled but his mouth is just really something. 

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ng opisina ni Zelo, looks like this will be really easy, huh? Hindi niya ako namukhaan, what I need to do is to find where Hades room is.

Hindi lalabas ang presidente ngayon kaya may mga pwesto kami to guard him for now, I know that there’s really a lot of CCTV here kaya nilingon ko ang dalawang kasamahan. 

“Naiihi na talaga ako, I’ll try to find the bathroom first,” ani ko. Nanatili ang tingin nila sa akin tila sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo but in the end they just nodded at me. 

I’ll make this a reason para kahit paano’y makatakas sa kanilang mga mata ng ilang minuto. I know how much minutes worth for me. For a former assasin like me, even a second is already enough. 

I was acting finding the bathroom but the truth is I already memorize it through the map that theu gave us. 

I found a spot without CCTV, I put a recorder behind one of the mirror, nang ibabalik ko na sa dating ayos ay bahagya akong nagulat nang makita ang matalim na mga matang nakasalubong ko mula sa salamin. Napaawang ang labi ko nang makita si Zelo na may ngisi sa mga labi ngayon. 

“You really think that I can’t recognize you, huh?” he said habang nakatutok sa akin ang baril na kaniyang hawak. Ang mga mata’y kitang-kita ko ang galit at diretsong-diretso sa akin ang tingin mula sa salamin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status