Share

The President's Twins
The President's Twins
Author: WrongKilo

Prologue

Artemis' POV

“Fuck,” malutong kong mura sa aking sarili habang ramdam na ramdam ang sakit ng baril sa aking braso. Ang hapdi rin ng daplis ng balang tumama sa akin ay nanunuot mula sa aking tigiliran. 

Hawak-hawak ko pa rin ang baril ko habang pinapatahan ang natang hawak ko mula sa aking kanang kamay. 

“Shhh, I’m sorry, Baby… Babalik si Mama… I promise that Mommy will come back to you…” sambit ko sa aking anak bago ko hinalikan ang kaniyang noo. 

I will make sure that I’ll come back to my son when the time comes pero sa ngayon? I need to give him to his father first. I need his father’s protection because right now, pinaghahabol ako ng Tigers, ang assassination company na kinabibilangan ko. 

Nagtraydor ako. They’ll kill me when they see me. Hindi lang ako. Pati ang mga anak ko. 

“Mahal na mahal ka ni Mama, babalikan kita… I love you, Baby…” Kasabay ng pag-iyak ni Black ang pagbaba ko sa kaniya sa basket na dala ko. Pinindot ko lang din ang doorbell bago ako nagtago. I need to see him getting inside safe. Napapikit na lang ako nang makita ko ang kaniyang ama na kinuha siya. Ang seryosong mga mata nito’y panandaliang nagulat. I have the letter there. Maski ang necklace na binigay niya sa akin ay suot-suot ng anak namin ngayon. He’ll know that he’s our son. 

Mas lalo ko nga lang nakitaan ng galit ang kaniyang mga mata habang sinusubukang luminga sa paligid. Of course, he’s mad. I was his biggest mistake. Ang pagtitiwala niya sa akin ang isa sa pinakamalaking pagkakamali niya. 

He called his security at pinapahanap ako. I wasn’t called Umbrielle if I’m not good at hiding in shadows. 

Mabilis akong nakatakas doon. I called my brother using my burner phone. 

“This is Umbrielle, what’s going on in your side now?” tanong ko mula sa kabilang linya. 

“Leo speaking. I already bring your daughter to a safe place. We are here in Cebu. I’ll tell you the exact location. Make sure that you’ll come here immediately. Don’t you dare die, Ate,” he said. Tila nabunutan ako ng tinik nang marinig ang sinabi nito. 

I certainly can’t die. I need to protect both of my children. 

Nagkahiwalay kami ng kapatid kong si Ares matapos akong target-in ng ilang kasamahan ko sa Tiger. 

My brother doesn’t have a strength skill but he have his brain. Nalaman nila kung saan kami nakatira. Ang plano’y itatakas dapat naming dalawa si Athena at Hades but things got fuck up. Nagkahiwalay kaming magkapatid at muntikan nang parehong mamatay. They don’t know about my children, ang alam lang nila’y nagtago ako matapos kong patayin si Governor, father of my children’s father. Alam kong balak akong patayin ng head ng tigers matapos ng mission. 

They want all the people involved to close their mouths at isa na ako roon. I work fucking hard for them but looks like in the end, they’ll still kill me. I don’t really know what’s the deal with Governor but I know for sure that it’s big. 

Nakatakas si Ares dito sa Manila at napadpad nga sa Cebu but I still can’t do it. Masiyadong maraming naghahanap sa akin. I won’t be able to protect both of my son and daughter kung pananatilihin ko sila sa aking tabi. This is the reason why I came up in a decision to give my son to Zelo for now. Babawiin ko rin ang anak. Isang taon at kukunin ko na ito. Papahupain muna panandalian ang paghahanap ng grupo niya at ng tiger sa akin. 

Iyon nga lang ay kung hindi pa ako mapapatay ngayon. I wore my cap when I saw tigers running after me. A lot of people don’t really know about my face. Pwera lang sa big boss at ang anak nitong si Honey. 

Nasa railings na ako ng daungan ng barko nang maramdaman ko ang pagtutok ng baril sa akin. 

“Funny how the greatest assassin like you will die in my hands, huh?” It’s Honey, the daughter of our big boss. Napangisi na lang ako roon. She really thinks she can kill me with her skill, huh?

“If I’ll die right now, I’ll bring you at hell with me,” sambit ko na bago kinasa ang baril na hawak. Yes, I wasn’t really scared to die pero iba na ngayon, I already have son and daughter who I’ll give a better life. 

Before she can even click the gun, napatumba ko na ito. 

Bago pa rin ako mahawakan ng mga kasamahan ko sa trabaho’y nabaril ko na ang mga ito. Ang iba pa rito ay tinitingala ako nang nasa Tiger pa ako but look at them treating me like a trash that they needed to throw away. 

“Oh, well, see you again, Honey!” nakangisi kong sambit bago tumalon sa tubig. Hindi ko na narinig pa ang mga sigaw ng mga ito. Matagal akong hindi huminga dahil ilang putok ng baril ang ginawa nila sa tubig. Nakalayo ako nang panandalian, sakto rin na paalis na ang barko. Doon na agad ako sumakay. 

Sa isang kwarto ako nakapasok. Napatingin sa akin ang babaeng nasa loob. Kunot ang noo habang hindi binababa ang hawak-hawak na mga dokumento. 

“You got the wrong room,” she said before getting back to her work. Nangalkal ako ng damit na maisusuot mula sa kaniyang luggage at nagbihis ng damit habang para naman siyang walang naririnig at nakikita. Panandalian ko itong nilingon. 

“You didn’t see anything,” ani ko na nakabihis na ng gown ngayon. She smirk before she shook her head. 

“Are you a criminal?” she asked me with a laugh pero agad na napatingin sa harap nang pinto nang marinig ang tawag sa kaniya. 

“Seb, are you there? You can’t just luck yourself there, Mayora… Kahit anong gawin mo’y hindi mo na matatakasan ang kapalaran mo. Magpapakasal ka o papatayin kita?” tanong pa ng tinig mula sa labas. Napangisi ako roon. 

“Want me to kill him for you instead?”

“Nah, putulin mo lang ang dila’y ayos na,” she said before rolling her eyes. 

“Sebriz Teodora Del Rosario, Mayor of Biliri, Cebu. I’ll take your payment after this, might need your help.” Isang malapad na ngisi ang pinakawalan ko bago ako lumabas sa bintana ng barko. Hmm, looks like I still need to kill someone tonight, huh?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status