Mag-log inSANDRA’S POV
Nang gabing nag-yes ako sa proposal ni Arthur ay sinabi ko sa kaniya na ilihim muna namin ang tungkol sa bagay na iyon, lalo pa at mainit ang mga mata ng ibang fans niya sa akin at hindi sang-ayon ang pamilya niya sa kung anong meron kami. Naintindihan iyon ni Arthur at nirespeto niya ang aking nararamdaman at gustong mangyari.Araw ng Sabado at pumasok na ako sa trabaho. Nalaman kong pumapangalawa na sa ranking ng clothing brand ang Ayolla, kasunod ng bagong clSANDRA'S POVAng pool area ay iluminado ng maliliit na ilaw na nakasabit sa mga sanga ng puno. Parang mga bituin na bumaba mula sa langit at tahimik na nakisalo sa aming hapunan. Sa gilid ay kumikislap ang tubig ng pool, sumasalamin sa mga ilaw at sa mahinang galaw ng hangin.Maayos na naihanda ni Zillian ang mesa. May puting tablecloth, ilang kandila sa gitna, at ang mainit na kare-kare na niluto namin ni Ate Lora ay nasa malaking mangkok na may usok pang dahan-dahang umaangat. Ang amoy ng peanut sauce, bagoong, at bagong lutong kanin ay kumalat sa hangin. Matagal na akong hindi nakakaupo sa ganitong klaseng hapunan. 'Yong hindi nagmamadali, 'yong walang iniisip na trabaho o deadline, at 'yong puro lang pamilya.Nagsimula kaming kumain habang nagkukuwentuhan.“Okay,” sabi ni Zillian habang nagsasalin ng kare-kare sa plato niya, “ikaw naman ang bida ngayong gabi.” 
SANDRA'S POVAng biyahe papunta sa bahay ni Lola Zaniella ay parang isang mahabang buntong-hininga na matagal ko nang hindi nailalabas. Tahimik ang kalsada, ngunit sa loob ng sasakyan, puno ito ng mga kuwento, tawanan, at mga alaala na tila sabay-sabay na bumabalik sa akin.Nasa passenger seat si Lola Zaniella habang ako at si Zillian ay nasa likuran. Bahagyang nakabukas ang bintana kaya pumapasok ang malamig na hangin ng hapon. Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa gilid ng kalsada habang dahan-dahan kaming bumabagtas sa pamilyar na daan. Hindi ko namalayan kung gaano ko sila namiss hanggang sa sandaling iyon.“Hindi mo man lang kami binalaan na uuwi ka, Ate Sandra,” pabirong sabi ni Zillian habang nakasandal ang ulo sa upuan. “Namiss ka namin sobra, Ate!"Napangiti ako.“Kung sinabi ko, baka hindi ako makaalis,” sagot ko. “Baka pinigilan n
SANDRA’S POVUnang araw ng practice for graduation.Maaga pa lamang ay puno na ng ingay ang buong auditorium ng Benison. May mga estudyanteng nagkukumpulan sa kani-kanilang mga grupo, may mga tumatawa, may mga abalang nag-aayos ng kanilang toga measurements, at may ilan ding katulad ko na tahimik lamang na nakaupo habang pinagmamasdan ang paligid.Hindi ko maiwasang mapangiti.Ito na talaga iyon.Ilang linggo na lamang at tuluyan na kaming magtatapos.Sa harap ng stage ay nakatayo si Kaydie Seth Sarmiento. Nakasuot siya ng simpleng polo at slacks habang kausap ang ilang professors. Kahit sa simpleng ayos ay hindi maitatago ang presensya niya.Hindi rin naman nakapagtataka.Siya ang Summa Cum Laude ng buong graduating batch ng Benison University.Ang valedictorian.Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi lang dahil sa matalino siya, kun'di dahil kaibigan ko siya. Ako naman ang sumunod sa kaniya bilang Magna Cum Laude at si Rina ang sumunod sa akin. Dahil doon, halos hindi magk
SANDRA’S POVAraw ng Martes at iyon na ang araw ng huling paghahanda namin para sa application for graduation. Maaga akong nagising nang araw na iyon. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa kakaibang kaba na matagal ko nang hindi nararamdaman. Parang may maliit na ibon sa loob ng dibdib ko na walang tigil sa pagaspas ng pakpak, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa saya o sa takot na baka may mangyaring mali sa huling hakbang na ito.Habang naglalakad ako papunta sa registrar’s office ng unibersidad, mahigpit kong hawak ang folder na naglalaman ng lahat ng requirements ko. Mga transcript, clearance, at kung anu-ano pang papeles na ilang linggo kong pinag-ipunan ng pagod at puyat.Running for Magna Cum Laude.Napangiti ako nang maalala iyon at isang punto na lang sana. Isang maliit na numero na sana’y nagdala sa akin sa Summa Cum Laude.Ngunit hindi ko iyon nakuha.Hindi dahil sa hindi ko kayang abutin, kundi dahil may isang semester na bumagsak ang ilang grado ko, ang semester na halos hi
SANDRA’S POVKinabukasan, masakit pa rin ang mga mata ko pagkagising ko. Hindi lang dahil sa puyat, kundi dahil sa iyak na parang hindi kailanman natapos kagabi. Namamaga ang mga talukap ko, mabigat ang ulo ko, at bawat pagpikit ko’y may kasamang alaala ng ulan, ng yakap, at ng boses na pilit kong ibinaon sa limot pero ayaw tumahimik.Sa harap ng salamin, tinitigan ko ang sarili ko. Mukha akong pagod at mukha akong talunan.Pinilit kong maglagay ng konting concealer sa ilalim ng mga mata ko, umaasang kahit papaano ay matatakpan ang mga bakas ng gabing hindi ko dapat binalikan. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi natatakpan ang bigat na nakaukit sa dibdib ko.Ilang test na lang at mag-eend na. Graduation na ang susunod kong haharapin. Mga dokumento, pirma, clearance, at mga bagay na dapat ikinatuwa ko. Ito ang hinintay ko at ito ang pinaghirapan ko.Pero bakit parang ang puso ko ang ayaw sumabay?Sa loob ng taxi papuntang Benison,
SANDRA’S POVNgunit ganoon na lamang ang paninigas ng aking buong katawan nang bigla siyang lumingon sa aking direksyon.Parang bumagal ang mundo.Sandaling rumehistro sa kaniyang mukha ang matinding pagkagulat, ang mga mata niyang kanina lamang ay malayo at lutang ay biglang nagkaroon ng buhay na para bang may isang multong biglang nagpakita sa harap niya. Samantalang ako, nanatiling nakatayo, parang estatwang inukit ng takot at damdaming hindi ko kayang pangalanan.“A-Arthur,” ani ko, halos pabulong, ngunit sapat para marating siya.Mapupungay ang kaniyang mga mata, at sa paraan ng bahagyang pag-ugoy ng kaniyang katawan, alam kong nakainom siya. May amoy ng alak na hinahalo ng alat ng dagat at ng malamig na hangin ng gabi. Nang tuluyang mag-register sa kaniya ang boses ko, unti-unting nawala ang gulat sa kaniyang mukha at napalitan ng isang blankong ekspresyon, isang pader na pamilyar na pamilyar sa akin.Nagpagpag siya nang ma
SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pa
[Warning: Read at your own risk, SPG content]SANDRA’S POVHumahagulhol ako sa bawat hakbang ko papalayo sa condo niya, ngunit hindi pa man ako nakakatapak sa elevator ay narinig ko ang mga mabibilis na yapak na papalapit sa akin, at nang lingunin ko ay pag-aari ang mga iyon ni Arthur. Tumatakbo si
SANDRA’S POVMag-aalas dos na nang hapon nang mapagdesisyonan kong umuwi na sa tinutuluyan namin ni Sidro. Ilang araw na din akong absent sa school at napaintindi ko na iyon sa mga professors ko. Huling-huli na ako sa klase, pero babawi ako kapag natapos na hearing.Habang nasa biyahe ay hindi mawa
SANDRA’S POV“You can’t do this to us! Wala kang proweba na kami ang pumatay sa mga magulang mo! Remember, we were good friends, hija! Zygue even helped Ignacio to pay your brother’s hospital bills and medications!” pagsisigaw ni Emily Mercer sa loob ng kulungan.Ang kaniyang asawang si Zygue ay ta







