Share

KABANATA 11

last update Last Updated: 2025-09-12 00:02:03

SANDRA'S POV

Malakas akong nagsisigaw habang unti-unting ibinababa ang kabaong nila Mommy at Daddy sa ilalim ng lupa. Hawak-hawak ako ng mga hindi ko kilalang mga tao, ni hindi man lang dumalo ang aking mga kamag-anak na mas lalong nagpapabigat sa aking nararamdaman. Wala silang pakialam at kinahihiya ang kinasangkutang gulo ng aking mga magulang.

"Mommy, Daddy! Please, don't leave me!" Sigaw ko habang humahagulhol.

Sa kabila nama'y ibinababa rin ang kabaong ng kapatid kong si Sidro na kasama ng mga magulang kong nasawi. Wala akong ibang ginawa kun'di ang umiyak nang umiyak na para bang may magagawa pa ang aking mga luha. Hinding-hindi ko kailanman matatanggap ang pangyayaring ito.

Dahil simula sa araw na ito ay mag-isa na lamang ako.

Napag-alaman ko rin na ang lahat ng aming mga ari-arian ay nakasangla at wala ni kaonting pera ang natira para sa aking pag-aaral at araw-araw na pangangailangan. Nahulog ako sa pangangalaga ng mga madre, ngunit nang pagbuhatan nila ako ng kamay makailang beses, na para sa kanila ay uri ng pagdidisiplina ay umalis ako ng hindi nagpaalam.

Ano pa bang saysay? Kung hindi man lang din nila ako matrato nang maayos.

Nagpagala-gala ako sa mga lansangan, walang matutuluyan, at gutom,

Hanggang sa kinopkop ako ni Madam Rowena nang mahimatay ako sa daan at siya ang nakakita. Ngunit, akala ko ang pagkupkop niya ay uri ng makataong pagtulong, upang madismaya lamang ako sapagkat hindi iyon naging ganoon.

"May lahi ka bang Espanyola?" ang unang tanong niya habang nakatitig sa aking hubad na katawan.

Tumango ako.

"My dad's mix is Spanish, meanwhile, my mom's American," mahina ang boses na sagot ko.

"Inglishera ito mamsh!" Singit ng isang bakla sa kaniyang gilid. "Pero infairness, ang ganda niya!" dagdag niya.

"Pwede mo itong kupkupin, mamsh, tiyak na bebenta ito sa mga malalaking tao lalong-lalo na sa mga foreigners!" Sambit naman ng isa, may malaking ngisi sa mukha.

Napangiti ang baklang nagngangalang Rowena at nilapitan ako. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tinignan ako sa mga mata.

"Gusto mo bang magkapera?" Tanong niya sa akin.

Ilang araw na akong walang sapat na tulog at kain, wala rin akong matutuluyan kaya wala akong naiisip na paraan upang makaraos sa araw-araw. Laki ako sa marangyang buhay at wala akong alam sa pagbabanat ng buto, kaya ang ginawa ko'y kumasa ako sa alok ni Madam Rowena na hindi ko inaasahan na katatagalan ko at siyang bubuhay sa akin at magtutustos sa aking pag-aaral.

Naimulat ko ang aking mga mata nang makarinig ng kalansing ng mga kitchen utensils dahil nakabukas nang kaonti ang pintuan ng kwarto. Napatingin ako sa bintana at napag-alamang umaga na.

Maliwanag na sa labas na kita sa glass window mula sa kwartong aking tinutulugan. Tumayo ako at nagbanyo nang sandali, saka nagtungo sa kusina upang sana uminom ng tubig nang maabutan ko doon ang lalaki.

Nagluluto siya, topless, at amoy-amoy ko ang lalaking-lalaki niyang amoy. Magulo ang kaniyang buhok at nakapajamas pa. Napatanong tuloy ako sa sarili kung saan siya natulog kagabi.

"Good morning, how are you feeling now?" Bati niya na sinundan naman agad ng tanong.

Kinapa at pinakiramdaman ko ang sarili. Wala na akong lagnat at magaan na ang aking pakiramdam.

"Maayos na ang pakiramdam ko... S-Salamat...Salamat pala," bakas ang hiya at pagpapakumbaba sa aking boses.

"Eat here." Aniya at huli na nang makaapila ako dahil hinila niya ang isa kong kamay at pinaupo.

Nang mapatingin ako sa orasan na nasa dingding ay nanlaki ang aking mga mata at hindi ko naggawang lunukin ang kinakain.

Pasado alas diyes na nang umaga at may exam ako ngayon!

"Classes were suspended... Just look outside the windows, rain is quite heavy today." Narinig ako ang agaran niyang sambit nang mapansin ang tila natataranta kong ekpresyon.

Nakahinga ako nang maluwag at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Buti na lamang talaga at walang pasok. Nang mag-angat ako nang tingin ay nakatitig na siya sa akin, dahilan upang pamulahan ako ng mukha.

"Since you don't have classes today, what do you want to do?" Tanong niya saka sumimsim sa kaniyang tasa.

Hindi agad ako nakasagot. Sa tuwing walang pasok ay nagtatrabaho lang talaga ako o kaya ay nagpapahinga pero, iba ngayon. Nais kong may gawin para na rin makapag-relax.

Napatingin ako sa makinis at maputi niyang balat. Sa tingin ko ay gusto ko na ulit mag-tattoo dahil matagal na panahon na rin simula noong huli.

"Do you want to be inked?" Tanong ko na nagpagulat sa kaniya.

"Marunong ka?" gulat na gulat na tanong niya pabalik.

Tumango lamang ako at uminom sa aking baso na may mainit na gatas.

"Bakit?" puno ng curiosity na tanong niya.

"Last year, isa sa performance task namin sa finals ay skin inking, doon ako natuto." Sagot ko. Napatango-tango naman siya at saka tumayo na.

"Okay, then I want you to inked me." Sambit niya.

Hindi ko alam kung bakit, sa pagkakataong iyon ay napangiti ako. Pinanood ko siya habang nililigpit ang aking mga pinagkainan na wala ng laman at hinugasan ang mga iyon. Nais ko sanang tumulong, ngunit hindi siya pumayag at baka daw ay mabinat ako dahil kakagaling ko pa lamang sa sakit. Hindi na ako nagmatigas at hinayaan na lamang siya sa kaniyang nais.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumapit siya nang hindi ko namamalayan, saka pinatakan nang magaan na halik ang aking noo. Hindi ako nakagalaw habang ang tibok ng aking puso ay nagwawala nang magpakilala siya sa akin sa unang pagkakataon.

"By the way, I know you didn't ask, but," sandali siyang huminto. "I'm Zaniel Arthur Mercer and the reason why I can afford to pay just to take you out is that, I'm a multi-billionaire." Aniya na naghatid ng kilabot sa aking sistema.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 121

    SANDRA’S POVBago pa man kami tuluyang makalabas ng court room ay naalerto kami nang may isang lalaki na nakaitim ang nahuli ng mga pulis. Pinadapa ito sa gitna habang pinoposasan.“Nautusan lang ako, pakawalan niyo po ako!” Sigaw ng lalaki.“Ano ang nangyayari dito?” Tanong ng hukom.“Nagbabalak po sanang pasabugin ang lugar na ito, mabuti nalang nabantayan at nahuli agad.” Sagot ng pulis na nagpoposas dito.“Sino ang nag-utos sa iyo?” Tanong ng hukom.At inginuso ng lalaki si Emily Mercer na nanlalaki ang mga mata. Itinanggi pa sana niya pero isinumbong na rin siya ng pulis na intern na nakarinig sa pakikipag-usap ni Emily sa telepono bago ang hearing. Ngunit, bago pa man makaalis si Emily ay binangga niya sa balikat sina Madam Rowena at Tita Mirazel na parehong mga nakayuko, habang ako naman ay matalim ang titig niya. Si Arthur naman at si Zillian ay parehong nakayuko habang nakasunod sa mga pulis kasama ang mga magulang nila na masasadlak na sa kulungan.Fives days later…“Ito an

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 120

    SANDRA’S POV“Ako po si Benjamin Alburo, ang nautusang patayin ang pamilya ng yumaong si Ignacio Asuncion,” wala akong kurap habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng kahel na damit, nakaposas ang mga kamay, habang hindi makatingin ng diretso sa madla.Napatingin naman ako sa kabilang hilera at doon ko namalayan na umiiyak ang kaniyang asawa. Ngunit, ang iyak ay hindi dahil nalulungkot ito dahil masasadlak sa kulungan si Benjie, kun’di dahil nasasabi na ni Benjie ang ilang taong pasanin habang hinahabol ng konsensiya.Napatingin sa akin ang ginang at agad na nag-iwas ng tingin nang titigan ko ito. Nakasuot siya ng lumang bestida at sandalyas, nakalugay ang buhok niya, at maputla. Sa tabi nito ay isang batang payat. Sa itsura pa lamang nito ay malalan nang sakitin.“Can you tell us why did you commit the crime? And who were the master minds of the mass killing?” saad ni Ninong Rey. Siya pa rin ang tumatayong abogado ng kaso.Napatingin si Benjie sa mag-asawang Mercer na nakaposas ang da

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 119

    THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 118

    SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 117

    SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 116

    SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status