LOGINSANDRA'S POV
"Hindi pa ako nakakaisip ng pwede kong ipatattoo sa iyo, pwede bang sa susunod na lang?" Aniya dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatitig siya sa akin habang tamad na nakasalampak sa sofa ng sala. Nakasuot siya ng sleeveless na pang itaas ag sweat shorts naman sa ibaba. "O-Oo naman, hindi ko rin dala ang mga materials ko." Sagot ko habang nagliligpit ng aking mga gamit. Sinadya kong iwasan ang mga tingin niyang ano mang oras at tiyak na tutunaw sa akin. Hindi pa rin humihinto ang ulan, sobrang lakas pa rin nito. Halos hindi ko kita ang mga sasakyan sa labasan dahil sa nanlalabong glass windows. Malamig din ang buong silid kahit paman hindi naka on ang Centralized aircondioner. "Kumusta pala ang pakiramdam mo?" Tanong niya, ang mga mata'y nasa akin pa rin. "Maayos na maayos na, kulang lang talaga siguro ako sa pahinga," simpleng sagot ko, habang nakatuon pa rin sa ginagawa. Nang matapos sa pagliligpit ay tumayo na ako upang maligo na sana nang magsalita siya. "You can work as my secretary in our company, malaki ang pasahod ko at hindi ka rin masyadong mapapagod, two days a week ang rest day mo," biglaang alok niya. Napapikit ako. Ito ang unang beses na may nag-alok sa akin ng desenteng trabaho. Ngunit, hindi iyon ganoon kadali. Kailangan ko pang bayaran ang utang na loob kay Madam Rowena na hindi ko naman alam kung kailan matatapos. Hindi ako pwedeng basta na lamang umalis nang hindi siya sumasang-ayon dahil alam ko, susumbatan at susumbutan niya ako lalo pa at nang dahil sa akin malaki ang perang kinikita niya linggo-linggo. "Masaya at kontento na ako sa trabaho ko, salamat po sa alok ninyo." Sagot ko at umalis na upang maligo bago pa niya pahabain ang pag-uusap. Nais kong suntukin ang aking sarili dahil sa kasinungaling sinabi ko. Kailanman ay hindi ako masaya sa trabahong mayroon ako. Ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay nais ko nang makauwi sa Rowen's Club House dahil ngayong gabi ay may mga dadagsang customers sapagkat holiday kinabukasan. Ma-momove na naman ang aming exam kaya kailangan ko pa rin na mag-review. Maya-maya ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Madam Rowena, sinasabing kailangan ko nang makauwi dahil maagang magbubukas ang Club House. Marami rin ang nag-aabang sa akin ayon sa kaniya na mga suki ko rin ng ilang taon. Alas onse pa ng umaga at hindi pa ako nakakapagtang- halian. Mamayang pagdating ko pa ako makakain at wala nang mangyayaring pahinga dahil kailan nang maghanda para mamayang gabi. "Kailangang alas dos pa lamang ng tanghali ay nandidito ka na, kailangan mong mag-ayos nang bongga, Sandra." ani Madam Rowena mula sa kabilang linya. "O-Opo, babiyahe na po ako sa ala una." Sagot ko at pinatay na ang tawag nang una niyang ibaba iyon. Nang matapos sa pagligo ay nagbihis na ako. Naglagay ako ng kaonting lipstick at sinuklay ang aking mahabang buhok. Nang maglakad ako papuntang sala ay nakaamoy ako ng bagong lutong ulam. Si Arthur ay naka-apron habang nilalapag sa hapag ang adobong karne ng baboy, mayroon ding soda at left over na cake sa hapag. "It took you an hour to finish your bath, nagluto na lang ako ng pang-lunch natin," malambing ang boses na sambit niya. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig pa rin sa kaniyang malapad na likod. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito at kung ano man ay sana, sana naman ay hindi ako madala. "Kumain ka na." Nang walang narinig na sagot ay muli siyang nagsalita. Naglakad ako ng dahan-dahan habang ang nga mata ay kasalukuyan pinapanood ang pagsisilbing ginagawa niya. Naglatag siya ng dalawang pinggan at unang nilagyan ng kanin ang sa akin at saka ulam. Nakatitig pa rin ako sa kaniya habang ramdam ang mabilis na tibok ng aking puso. "Finish this and I'll take a call." ma awtoridad na niya at nag-excuse bago umalis sa hapag. Tumalima ako at agad na hinawakan ang mga kubyertos na nakabalot pa ng tissue. At dahil ramdam ko na ang pagkalam ng aking sikmura ay agad kong naubos ang kaniyang inihain. Masarap ang pagkakaluto, sakto sa lambot ang karne, at malinamnam ang sabaw ng putahe. Para sa panulak ay nagbuhos ako ng orange soda sa aking baso at diretso iyong nilagok. Napapikit ako ng gumuhit ang tapang ng asido sa aking lalamunan at napapangiti nang maramdaman ang kabusugan sa aking tiyan. Ngayon pa lang yata ako ulit nakakain ng marami. Maya-maya lamang ay bumalik na siya at napangiti nang makitang wala ng laman ang aking pinggan. Ramdam ko naman ang pag-init ng aking pisngi nang makitang mas lalo siyang mapangiti nang mapansing tumingin ako sa kaniya. "Rest and I'll wake you up later, 'cause we'll be going to the mall," simpleng sagot niya. "Kailangan ko nang umalis, may trabaho ako sa 4 pm." Usal ko ngunit umiling lamang siya. "Just rest," tila pagtatapos sa usapan na sambit niya, ngunit nagmatigas pa rin ako. Hindi siya umalma at tumayo na upang hugasan ang aming pinagkainan. Habang tulog siya ay iyon ang aking pagkakataon upang makaalis. Alam kong alam niya na umalis ako, ngunit hindi niya ako pinigilan. Isang gabi niya lamang akong binayaran at tapos na iyon kaya kailangan kong bumalik muli sa aking pinagtatrabahoan. Nang makalabas ay sumakay kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa Rowen's Club House. Pumasok agad ako sa malaking tarangkahan at naabutan ko si Kimberly na nagmumuni-muni sa labasan. Umiinom ito ng kape habang nagseselpon. Napangiti siya nang makitang pumasok ako, ngunit agad ding ibinalik sa screen ng kaniyang selpon ang atensyon. "Hi, San. Kumain ka na?" agad niyang bungad na tanong sa akin. Tumango ako at nagsalita. "Hindi ka pa maghahanda? Malapit na magbukas." Sambit ko ngunit umiling lamang siya. "Mamayang madaling araw pa ako sabi ni Madam Rowena," nakangiting sagot niya na tinanguan ko na lamang upang hindi na humaba ang usapa. Nagsimula na din akong maglakad papasok. Agad akong naligo kahit pa man naligo na ako sa condo ni Arthur. Matapos maligo ay nag-antay ako kay Madam Rowena upang ihatid ang aking susuotin ngayong gabi, na sana ay inihatid na niya bago pa ako kumilos. Habang naghihintay ay lumapit ako sa bintana ng aking kwarto at tinanaw ang labas. Maraming puno sa labas nito at napaka presko rin ng hangin. Napapikit ako habang ninanamnam ang ganda niyon sa pakiramdam. Hindi ko namalayan na halos isang oras na pala akong nakatayo sa harap ng bintana. Napatingin ako sa oras at nanlalaki ang mga matang napamaang dahil alas tres na ng hapon. Bakit hindi pa inihahatid ni Madam Rowena ang susuotin ko? At dahil natataranta na ay lumabas ako ng kwarto, eksakto namang nakasalubong ko si Arabelle. Nakabihis na ito at ayos na ayos na rin. "Nasaan si Madam Rowena?" Tanong ko sa kaniya. "Natutulog pa, mamaya pa 'yon magigising kapag opening na." Sagot niya. "Kailangan ko kasing kunin ang susuotin ko, dapat isang oras ay naibigay niya na," natatarantang sagot ko. Nagbago naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha at saka nagsalita. "Bakit ka magbibihis? Eh diba nirentahan ka ulit for one night ng lalaking rumenta rin sa'yo kagabi?" inosenteng tanong ni Arabelle. Hindi ako naggalaw sa aking narinig. Nirentahan ulit? "Hindi kita—" hindi ko na naggawang tapusin ang sana ay sasabihin ko nang may magsalita mula sa aking likuran. "Sandra, bakit ka nandito? 'Diba ay sana magkasama kayo ni Mr. Mercer? Nagbayad na siya kanina at makukuha mo ang 70% share mo, bukas pagkauwi mo." Si Madam Rowena ang nagsalita dahilan upang mas lalo akong maguluhan. Bakit hindi ko alam? "N-Nagbayad p-po... siya kanina?" Tanong ko, may halong paniniguro at kaba. Bakit niya ba kailangang gawin ito? "Oo, hindi mo ba alam?" Nagbayad siya ng three-hundred thousand for tonight." Sagot ni Madam Rowena. Natahimik ako at inalala ang mga pangyayari kanina. Hindi ko alam kung paano niya ginawa o kung kailan niya ginawa ang pakikipag-usap kay Madam Rowena. Iyon bang habang kumakain ako ay nagpaalam siya upang may tatawagan? Nang matapos ang aming pag-uusap ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan kakaparada lamang. Napangiti si Madam Rowena nang silipin ito mula sa bintana ng sala. "Ay ito na pala siya, nag-text siya sa akin na susunduin ka niya dahil umalis ka raw ng hindi nagpapaalam." ani ng beki kong manager. Nanatili akong natayo habang naglalakad papasok ang mala-prinsipeng bilyonaryo habanv ang mga mata nito ay nakapako sa akin, basa ang buhok, at nakasuot ng business attire. Hinagod niya pataas ang basa pang buhok at nang makalapit ay hinapit ang aking bewang. "Why did you leave without telling me? Hmmm." Bulong niya sa aking tainga. Sa mga oras na iyon ay sabay na nagsitayuan ang aking mga balahibo kasabay nang mabilis na tibok ng aking puso.SANDRA’S POVBago pa man kami tuluyang makalabas ng court room ay naalerto kami nang may isang lalaki na nakaitim ang nahuli ng mga pulis. Pinadapa ito sa gitna habang pinoposasan.“Nautusan lang ako, pakawalan niyo po ako!” Sigaw ng lalaki.“Ano ang nangyayari dito?” Tanong ng hukom.“Nagbabalak po sanang pasabugin ang lugar na ito, mabuti nalang nabantayan at nahuli agad.” Sagot ng pulis na nagpoposas dito.“Sino ang nag-utos sa iyo?” Tanong ng hukom.At inginuso ng lalaki si Emily Mercer na nanlalaki ang mga mata. Itinanggi pa sana niya pero isinumbong na rin siya ng pulis na intern na nakarinig sa pakikipag-usap ni Emily sa telepono bago ang hearing. Ngunit, bago pa man makaalis si Emily ay binangga niya sa balikat sina Madam Rowena at Tita Mirazel na parehong mga nakayuko, habang ako naman ay matalim ang titig niya. Si Arthur naman at si Zillian ay parehong nakayuko habang nakasunod sa mga pulis kasama ang mga magulang nila na masasadlak na sa kulungan.Fives days later…“Ito an
SANDRA’S POV“Ako po si Benjamin Alburo, ang nautusang patayin ang pamilya ng yumaong si Ignacio Asuncion,” wala akong kurap habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng kahel na damit, nakaposas ang mga kamay, habang hindi makatingin ng diretso sa madla.Napatingin naman ako sa kabilang hilera at doon ko namalayan na umiiyak ang kaniyang asawa. Ngunit, ang iyak ay hindi dahil nalulungkot ito dahil masasadlak sa kulungan si Benjie, kun’di dahil nasasabi na ni Benjie ang ilang taong pasanin habang hinahabol ng konsensiya.Napatingin sa akin ang ginang at agad na nag-iwas ng tingin nang titigan ko ito. Nakasuot siya ng lumang bestida at sandalyas, nakalugay ang buhok niya, at maputla. Sa tabi nito ay isang batang payat. Sa itsura pa lamang nito ay malalan nang sakitin.“Can you tell us why did you commit the crime? And who were the master minds of the mass killing?” saad ni Ninong Rey. Siya pa rin ang tumatayong abogado ng kaso.Napatingin si Benjie sa mag-asawang Mercer na nakaposas ang da
THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma
SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo
SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay
SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma







