LOGINSANDRA'S POV
Umugong ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga audience nang tawagin ang aking pangalan upang mag-perform. Wala akong suot na kahit anong panloob at tanging itim na see-through cover all lamang ang tanging tumatakip sa aking kabuuan. Pulang-pula rin ang aking mga labi at nakalugay ang mahaba at wavy kong buhok. Tumugtog ang musika at nagsimula akong kumanta na naaayon sa ritmo nito. Nakikisabay ang mga tao sa aking pag-awit hanggang sa dumating ang punto na napalitan ang malamyos na musika ng isang musikang mas mapang-akit. Mas lalong lumakas ang hiyawan nang maghubad ako. Walang kahit anong saplot at tanging ang itim kong three-inches high heels ang aking suot. Nagsimula magtayuan ang mga lalaking nakasuot pa ng mga business attires, pawang mga mayayaman base na rin sa tindig at mamahaling mga alahas na suot-suot. Nagsimula silang mag-alok ng naglalakihang pera na kayang bumuhay ng pamilya at magpaaral ng anak. Ang mga lalaking ito ay tiyak na mga pamilyado, napapailing ako habang iniisip na sumisiping sila sa iba at pagkatapos ay umuuwi sa kani-kanilang mga asawa. Habang tumatagal sa mga pagkakataong iyon ay ramdam ko na naman ang bigat ng aking pakiramdam. Matapos kong maligo kanina ay uminom ako ng gamot at naging maayos naman ang aking pakiramdam, ngunit dahil wala akong sapat na pahinga ay ganito, bumabalik na naman. Umiikot na ang aking paningin habang nagpapataasan sila ng mga alok, walang nagpapatalo. Napapangisi sa isang tabi si Madam Rowena na alam niya ay tiba-tiba na naman ang salaping makukuha niya dahil nga sumalang na naman sa entablo at ngayo'y pinag-aagawan "Ang Babaeng May Mabetang Laman", binabalik-balikan na animo'y may sariling gayuma na ganoon na lamang kung hanap-hanapin ng mga customers. Hindi ako proud sa titulong ibinansag nila sa akin, ang tanging iniisip ko lamang ay ang perang makukuha ko mula sa mga binabayad nila sa akin. "Sandra, umayos ka." Bulong ni Madam Rowena mula sa gilid ng entablado nang mapansing medyo napasandal ako sa pole na nasa gitna habanb hinihintay na matapos ang pataasan ng alok. Hilong-hilo na ako, sobrang sakit ng aking ulo, at pakiramdam ko'y ano mang oras ay babagsak na ako sa aking kinatatayuan. Ramdamn ko ang ginaw na gumagapang sa aking balat na walang takip at ang init na unti-unting nagpapahina sa akin. Gusto kong magpahinga pero kailangan ko pang magtrabaho. "10 million!" Napatingin ang lahat sa lalaking mula sa pinakadulong mesa, sumisimsim ng alak habang nakabukas ang dalawang butones sa kaniyang puting long sleeve polo. Tumayo ito matapos ilapag sa marble table ang basong wala ng laman. Nagkaabutan ang aming mga mata. Sa mga oras na iyon ay nais ko na lamang lumubog sa lupa kasi ang lalaking ito ay kapareha ng lalaking bumili rin sa akin kagabi. Bakit naririto na naman siya? Walang kumalaban sa laki ng salaping inalok niya kaya, nang mag-close na ang alokan ay isinama na niya ako. Sa nakagawian ay babalutin niya ako ng coat at saka agad na papaandarin ang sasakyan niya kahit paman hindi pa ako nakakapuwesto ng maayos. Hinilot ko ang akong sentido habang nasa biyahe. Kita ko mula sa front mirror na masama ang tingin niya sa akin kaya naman nag-iwas ako upang hindi magkasalubong ang mga mata namin. "At talagang nagbalak ka pang tumanggap ng kliyente kahit na may sakit ka?" puno ng diin na tanong niya. "Maayos na—" hindi ko naggawang tapusin ang sana ay sasabihin ko nang magsalita siya. Napansin kong huminto ang sasakyan dahil sa traffic kaya naman may pagkakataon siyang kausapin ako ng hindi tumitingin sa daan. "Liar! Ganiyan ba kalala ang pangangailangan mo na kahit may sakit ka ay sige ka pa rin? F*ck, you didn't even get an enough sleep!" Sigaw niya sa akin. Nagitla ako sa ginawang pagsigaw niya kaya biglang nag-init ang aking ulo. Tinignan ko siya nang masama at nagsalita. "Ano bang pakialam mo?" sa gitna ng hilong-hilo kong paningin ay nakaya ko pa ring sigawan siya pabalik. "Wala kang karapatang pakialaman ang buhay ko, customer lang kita! At ano naman kung tumanggap ako ng customer? Ano bang magagawa mo?!" Sigaw ko. Hindi siya nakasagot at nanatili ang mga tingin sa akin. Nasaksihan ko kung paano iyon lumambot nang makita niya ang pangingilid ng aking mga luha. B*weset na buhay 'to! Gustong-gusto kong magpahinga, gustong-gusto kong matulog at huwag magtrabaho. Sino ba ang nais na kumayod habang masama ang pakiramdam? "I-I'm...I-I'm s-sorry." Rinig kong sambit niya, ngunit nag-iwas na ako ng tingin. Maya-maya lamang ay dumating na kami sa aming destinasyon. Alas otso na nang gabi, ngunit kaonti na lamang ang ilaw na makikita. Naglalakihang buildings ang nasa paligid habang nililibot ko ang aking paningin. May nakaparada ring mga mamahaling sasakyan sa garage at nagulat ako nang makita ang nakasulat sa pinakataas. Mercer Condominiums "N-Nasaan... t-tayo?" Tanong ko nang makababa na nang tuluyan. Hindi niya ako dinala sa motel gaya ng palagi niyang ginagawa sa tuwing ikinakama ako. "We're heading to my condo." Sagot niya at hinawakan ang aking isang kamay upang alalayan. Habang naglalakad kami ay palagi siyang napapasulyap sa akin. Nasa ikalabing-apat na palapag ang kaniyang unit kaya naman kinailangan naming gumamit ng elevator. Nakapatay na ang mga ilaw sa paligid at tanging ang City lights na lamang ang tanglaw namin na nag-r-reflect sa bawat glass walls na nadadaanan sa pagbaybay sa mga pasilyo. "Come in." Napalingon ako nang magbukas ang pintuan ng kaniyang unit nang may pindotin siya sa tabi nito. Namangha ako nang masilayan ang loob. Isang malaking flat screen TV, mga controllers, mga cassette tapes, at may kakaonting mga paintings. Minimalist lamang ang disenyo at halatang-halata na lalaki talaga ang nakatira. "Come here." Hindi ko namalayan na nasa kusina na pala siya. Nang makapasok ako roon ay naabutan ko siyang nagluluto ng pagkain. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng apron, dahil agad din namang naluto ang ham at itlog. Tinimplahan niya rin ako ng gatas at saka pinaupo sa isang dining chair na katapat niya. "Kumain ka dahil namamayat ka, pagkatapos niyan ay iinom ka ng gamot," mahinahon ang boses na saad niya. Hindi ko namalayan na tumango ako at kahit walang gana ay kinain ko ang kaniyang niluto. Kahit na simple lamang ay hindi ko malaman-laman kung bakit sarap na sarap ako lalo pa noong ininom ko ang gatas na tinimpla niya. Pinanood ko siyang tumayo habang nagtitipa sa kaniyang cellphone at maya-maya lamang ay may kausap na roon. Matapos ang ilang minuto ay natapos sila sa pag-uusap at eksaktong tapos na rin ako sa aking kinakain. "Just leave it there and proceed to the bedroom." Aniya. Tumango ako at iniwan ang aking pinagkainan sa ibabaw ng mesa at dahan-dahan na naglakad papunta sa natatanging pintuan na alam kong bedroom. Ngunit, lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya pumapasok sa loob kaya naman ay nagdesisyon ako na maligo na lamang. Hindi na rin ako nag-abalang magpaalam. Basta na lamang akong pumasok sa bathroom at namangha nang makita ang mamahaling mga shampoo, sabon, at ilang mga skin care products. Ang malaking bathtub ay nakakamangha rin dahil parang mini swimming pool na ito at ang shower ay kumikinang sa kintab. Matapos maligo ay nagtapis ako ng tuwalya at lumabas ng banyo. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa ng silid, nakadekwatro habang nakatitig na sa akin. Animo'y inaabangan akong lumabas. Maya-maya ay rinig ko na may nagpaalam mula sa labas na sinagot niya naman at pinasalamatan. "Thanks, Charlie. You may go now, see you tomorrow." Sambit niya at rinig kong bumukas ang pintuan sa labas at muling sumara. Akala ko ay lalapit siya at gagawin ang rason kung bakit niya ako binayaran para ngayong gabi, ngunit hindi iyo nangyari. Nagulat ako nang maglabas siya ng tatlong pares ng floral pajamas at jackets na may iba't-ibang kulay at sandamakmak na underwear saka iyon inilatag sa ibabaw ng kama. "Magbihis ka na at nang makainom na ng gamot... Right after that, you go to sleep." Sambit niya at tumayo na. Nanatili akong nakatayo habang pinapakitaan siya ng mga nagtatanong kong mga mata. Ano ang nasa isip niya? "Pero bayad ako, hindi—" hindi ko naggawang tapusin ang sana ay sasabihin ko nang magsalita siya. "I paid millions just to make sure you can get a proper rest here, not to f*ck and exhaust the hell out of you." Sagot niya gamit ang matigas na Ingles. Hindi ako nakagalaw nang tuluyan siyang makalabas ng pintuan. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng aking puso nang muling maramdaman ang kakaibang tibok na sa kaniya ko pa lamang nararanasan.SANDRA’S POVBago pa man kami tuluyang makalabas ng court room ay naalerto kami nang may isang lalaki na nakaitim ang nahuli ng mga pulis. Pinadapa ito sa gitna habang pinoposasan.“Nautusan lang ako, pakawalan niyo po ako!” Sigaw ng lalaki.“Ano ang nangyayari dito?” Tanong ng hukom.“Nagbabalak po sanang pasabugin ang lugar na ito, mabuti nalang nabantayan at nahuli agad.” Sagot ng pulis na nagpoposas dito.“Sino ang nag-utos sa iyo?” Tanong ng hukom.At inginuso ng lalaki si Emily Mercer na nanlalaki ang mga mata. Itinanggi pa sana niya pero isinumbong na rin siya ng pulis na intern na nakarinig sa pakikipag-usap ni Emily sa telepono bago ang hearing. Ngunit, bago pa man makaalis si Emily ay binangga niya sa balikat sina Madam Rowena at Tita Mirazel na parehong mga nakayuko, habang ako naman ay matalim ang titig niya. Si Arthur naman at si Zillian ay parehong nakayuko habang nakasunod sa mga pulis kasama ang mga magulang nila na masasadlak na sa kulungan.Fives days later…“Ito an
SANDRA’S POV“Ako po si Benjamin Alburo, ang nautusang patayin ang pamilya ng yumaong si Ignacio Asuncion,” wala akong kurap habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng kahel na damit, nakaposas ang mga kamay, habang hindi makatingin ng diretso sa madla.Napatingin naman ako sa kabilang hilera at doon ko namalayan na umiiyak ang kaniyang asawa. Ngunit, ang iyak ay hindi dahil nalulungkot ito dahil masasadlak sa kulungan si Benjie, kun’di dahil nasasabi na ni Benjie ang ilang taong pasanin habang hinahabol ng konsensiya.Napatingin sa akin ang ginang at agad na nag-iwas ng tingin nang titigan ko ito. Nakasuot siya ng lumang bestida at sandalyas, nakalugay ang buhok niya, at maputla. Sa tabi nito ay isang batang payat. Sa itsura pa lamang nito ay malalan nang sakitin.“Can you tell us why did you commit the crime? And who were the master minds of the mass killing?” saad ni Ninong Rey. Siya pa rin ang tumatayong abogado ng kaso.Napatingin si Benjie sa mag-asawang Mercer na nakaposas ang da
THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma
SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo
SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay
SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma







