Share

KABANATA 3

last update Huling Na-update: 2025-09-05 12:06:26

SANDRA'S POV

Lumipas ang ilang araw na hindi na nagpunta ang lalaki sa club. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya sa dalawang beses na pagkakataong dinala niya ako sa motel upang i-kama. Matapos ang huling p********k namin ay ganoon pa rin ang ginawa niya, iniwan niya ako, hindi nga lang sa parke, ngunit sa mall naman sa pagkakataong iyon. Mabuti na lamang ay nawala ang aking inis nang abutan niya ako ng pera na pang shopping.

Sa mga oras na iyon ay wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao sa lugar na iyon habang suot ang isang floral na tsinelas at nighties. Basta ba ay makabili ako ng mamahaling damit sa ibinigay na pera ng lalaki.

Kataka-taka ring walang nag-aalok sa'kin na customer, at hindi rin ako pinagsasalitaan ng magaspang ni Madam Rowena, bagay na palagi niyang ginagawa sa tuwing bakante kami kahit isang araw.

Sa pagsapit ng araw ng Sabado ay nagpunta ang lalaki. Lumabas siya mula sa kaniyang pulang Lamborghini habang nakasuot ng shades. Itinaas niya ang glasses niya habang naglalakad papalapit sa akin na parang diyos. Nakasuot siya ng V-neck na tshirt na halatang mamahalin at pants na kulay itim na pinarteran ng mamahaling Nike white shoes.

"Sandra magbihis ka na, dali!" Pinagtutulak ako ni Madam Rowena papasok sa banyo kahit kakagising ko pa lamang habang nakaupo sa sofa ng sala namin.

"Mr. Pogi, maupo ka lang muna rito ha," malaming ang boses na sabi ni Madam Rowena habang kaharap ang lalaki. Napairap naman ako sa hangin, dahil sa boses niyang gamit kasi kung kami pa ang kausap niya ay pasigaw palagi.

Nalaman ko na nagbayad pala ang lalaki ng mahigit kalahating milyon para hindi ako maitable ng iba. Ngayon naman daw ay magc-camping kami, good for 3 days. Bayad na si Madam Rowena at sa pag-uwi ko daw, makukuha ko ang 70 percent ko na share. Hindi ko man lang alam at para bang hindi na ako ang may-ari ng katawan ko.

Nakasuot ako ng puting spaghetti at itim na shorts na pinartneran ko ng itim na cardigan at saka isinuot ko ang puti kong sneakers. Lumabas na rin ako pagkatapos kong mag-ayos at masigurong nasa bag na ang mga gamit na dadalhin.

"Galingan mo Sandra!" Cheer pa nila sa'kin.

Pumapalakpak pa sina Bettina, Arabelle, Sarah, at Kimberly na gising na sa mga oras na iyon. Putok ang mga mukha sa hindi buradong make up kagabi habang nakasuot naman ng p****k shorts at spaghetti na top.

Nang makapasok na kami sa sasakyan niya ay tinitigan niya ako. Napaiwas ako ng tingin nang suyurin niya ang aking kabuuan.

"Wait." At ganoon na lamang ang aking gulag nang suotan niya ako ng seatbelt.

Nanatili akong nakatitig sa napakagwapo niyang mukha habang patuloy niya pa ring inaayos ang seatbelt ko.

"Bakit kaya niya ako binabalik-balikan?" Napatanong ako sa sarili.

Hinawi niya ang iilang hibla ng aking buhok na tumakas mula sa aking pagkakatali at hinaplos ang aking mukha ng malumanay.

"I missed you. I'm sorry for not showing up for almost a week. Nagka-problema lang sa kompanya." Sambit niya gamit ang malambing na boses.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"CEO ka?" Gulat na gulat kong tanong.

"Bakit? Hindi halata?" sarkastiko siyang tumawa at agad na binuhay ang makina.

Nakatitig parin ako sa kaniya kasi ang gwapo-gwapo niya talaga!

"Bakit sa lahat ng babae ay ako ang binabalik-balikan mo? Aware ka naman siguro na hindi ako sing linis ng inaakala mo." panimula ko at huminga ng malalim. Nagsimula nang umandar ng sasakyan kaya napapatingin ako sa labas ng bintana.

"Bakit? masama ba? I can afford to pay for your body." Nagkibit-balikat siya matapos sumagot sa akin.

"Kung may gusto ka man sa'kin ay mas mabuting pigilan mo na 'yan habang maaga pa, sir. Hindi po ako nakikipagrelasyon" diretsong sambit ko na nagpalingon sa kaniya.

"I made an investigation about your background a few days ago. You are only doing this to support your studies." Usal niya kaya nagulat ako.

"B-Bakit mo kailangang gawin 'yon?" Nakayukong tanong ko.

"I just want to know, Sandra Asuncion." Sagot niya na lalo kong ikinagulat.

"Pwede ko kayong kasuhan sa pinangagawa niyo!" malakas ang boses na sabi ko.

"Ako ang batas, Sandra. Walang pwedeng magdikta o pumigil sa ano mang nais kong gawin." Ngumisi siya matapos sabihin iyon at dinampian niya ng halik ang aking labi at saka pinahahurot ang sasakyan.

Makalipas ang ilang oras na biyahe ay narating na namin ang isang kagubatan. Tahimik ang buong biyahe hanggang sa nakatulog ako. Naggising lamang ako nang maramdaman ng mahinang pagyugyog sa aking mga balikat. Agad kaming bumaba sa sasakyan at sinuong ang masukal na kagubatan. Malamig ang simoy ng hangin at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw.

Nakaka-relax lang!

Buti nalang talaga at nakashorts ako, dahil kung hindi ay mahihirapan akong maglakad.

Naramdaman ko nalang bigla ang mga braso ng lalaki na nakapulupot na sa aking baywang. Nailang ako sa kaniyang ginawa, ngunit hindi ako umalma at hinayaan lamang siya. Bitbit rin niya sa mga oras na iyon ang mga bags namin.

Napaka-gentleman niya kaya naman hindi ko maiwasang kiligin.

"Be careful." aniya at hinawakan ako sa kamay dahilan para tumibok ng kay bilis ang aking puso.

Narating namin ang isang malawak na lugar sa gitna ng kagubatan. Sa gilid ay may waterfalls at ang daming puno na may mga bunga na. May mga ibon na nagsisiliparan kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti. Panay ang kuha ko ng picture at nagselfie na rin ako upang may pang post sa aking i*******m.

"Maganda diba?" aniya habang nakangiti.

Tumango ako ng marahan at ngumiti ng kaonti. Lumapit siya sa'kin at hinila ako papunta sa kaniyang dibdib kaya ramdam ko ang init na nagmumula sa aking pisngi.

"Smileeee!" aniya at pinindot ang button ng camera. Hindi ko iyon inaasahan kaya hindi ako nakangiti ng maayos.

"Ang pangit ko do'n!" reklamo ko kaya naman natawa siya.

"You never been ugly." Usal niya at pinisil ang ilong ko. Nag-init naman ulit ang aking mukha dahil sa sinabi niya.

Nagtulungan kami sa pagtatayo ng tent at nang gumabi ay nag-bonfire kami. Panay naman ang kuha niya ng litrato sa'kin habang naka-stolen ako.

"Ano ba!" Saway ko sa kaniya dahil wala pa rin siyang tigil sa ginagawa.

"Wala yatang anggulo na pangit ka," seryosong sabi niya at tinitigan ako.

"Bolero!" Sambit ko at nag-iwas nang tingin.

Sabay naming kinuha ang mga hotdogs at mga ready to grill na mga manok para sa hapunan namin. Nakabalot ako ng kumot habang pinapanood siyang nagluluto dahil sobrang lamig. Napapalibutan ba naman ng puno ang aming pwesto.

Para tuloy kaming may dalang aircon!

"Whenever I'm very stress in worl, I always go on a camp here, all by myself. The ambience is very relaxing and I can find transquility in here." panimula niya habang nakangiti.

"Paano mo ba na diskubre ang lugar na'to?" Tanong ko at agad na uminom ng tubig.

"Four years ago, I was involved in a chopper crashed. It happens that this is the place where My mom and I had landed. We spent 8 days staying here and it was not bad. " Natawa siya matapos sabihin iyon.

"Hindi kayo napahamak?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain na ng hotdog.

"Nope. It was funny that my Mom fell asleep while flying our chopper." Sagot niya habang natatawa ulit.

"Buti nalang ay hindi kayo na pa'no." Usal ko.

"It was the funniest and memorable experience. Kapag binabanggit ko kay Mom iyan ay pareho kaming natatawa. Sabi niya pa na, it just happened because of her carelessness," mahina niyang sabi habang nakangiti.

Nagbukas siya ng beer at ibinigay sa'kin, saka nagbukas din siya ng para sa kaniya at sabay namin iyong ininom. Pagkatapos ay may kinuha siya sa loob ng tent at paglabas niya ay nakita kong gitara iyon.

Naggitara siya habang ako naman ang kumakanta. Hindi ko napansing nagpapalitan na pala kami ng matatamis na ngiti sa bawat isa na para bang may lenggwahe na kami lamang dalawa ang nakakaalam at nakakaintindi.

"You have a nice voice, do you sing at the club?" Tanong niya habang nag-s-strum pa rin sa gitara.

Tumango ako at nilagok ang canned beer na nasa aking kamay. Kaonti na lamang ang laman kaya inubos ko na. Inalok niya pa ako ng isa pa, ngunit tumanggi na ako.

"Oo naman, kapag pumasok ka sa ganoong trabaho, hindi lang magandang mukha at katawan ang dapat na mayroon ka kasi, kailangan ding talentado ka." Sagot ko.

Tinanguan niya na lamang ako at nagpatuloy kami sa pag-j-jam.

Nang sumapit ang alas diyes ng gabi ay pumasok na kami sa loob ng tent upang magpahinga. Bago ko ipinikit ang mga mata ko ay hinalikan niya ako sa noo.

Napakasarap sa pakiramdam ng kaniyang ginawa na para bang dinuduyan ako sa mga ulap habang ramdam ang mainit at magaan niyang halik sa aking noo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 119

    THIRD PERSON’S POV“Walang hiya talaga iyang mga kapatid mo! At talagang kakalabanin nila tayo?!” Gigil na sigaw ni Emily sa asawang si Zygue na tahimik lamang na nakaupo sa tapat niya.Inis na nag-angat ng tingin si Zygue at matalim na tinitigan ang asawa. Natigilan si Emily at nagulat sa ekspresyon na ipinukol ni Zygue sa kaniya.“Anong gusto mong gawin ko?” Sa wakas ay sumagot na siya sa asawa na kanina pa dada nang dada.“Ano ba sa palagay mo? You need to do something! Ayokong makulong! They will probably be the witnesses and I don’t want that to happened!” Sigaw ni Emily.“Wala na tayong magagawa—”hindi naggawang tapusin ni Zygue ang sana at sasabihin niya nang mapatayo si Emily at iduro siya.“This isn’t the life that you promised me, Zygue… I don’t want to live behind bars!” Sigaw nito na mas lalong nagpainis kay Zygue.Simula nang mahalin niya si Emily ay ginawa niya ang lahat upang mapasaya ito, kahit paman guma

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 118

    SANDRA’S POVPagkapasok namin ni Sidro sa loob ng gusali ng korte ay agad kong naramdaman ang amoy ng malamig na hangin na sumalubong sa amin, halong antiseptic at papel, amoy na parang nagpapaalala kung gaano kalupit at kalinaw ang katotohanan sa mundong ito. Ang bawat tunog ng mga yabag namin ay tila tumatama sa dibdib ko, para bang bawat hakbang ay isa pang pintig ng puso na hindi ko alam kung tatagal pa ba.Pagliko namin sa hallway, agad kong nasilayan si Tita Mirazel at Madam Rowena. Nakatayo sila sa gilid, magkatabi, at parehong nakayuko, mahigpit ang kapit sa kani-kanilang mga bag. Pero nang makita nila kami, bigla silang tumindig nang diretso, at sa mga mata nila ay naroon ang isang lakas na hindi ko inakala na mailalabas nila para sa amin.“Sandra…” mahinang tawag ni Tita Mirazel, at para akong tinamaan ng isang bagay sa dibdib.Hindi ko mapaliwanag kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kami. Siguro dahil hanggang ngayo

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 117

    SANDRA’S POVKinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na kami ni Sidro. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil talagang hindi na ako nakatulog nang maayos, pero pagdilat ko, agad kong naramdaman ang lamig sa dibdib ko. ‘Yong lamig na galing sa takot, sa pangambang baka hindi pumabor sa amin ang araw na ito, at sa bigat ng katotohanang ito na ang pinakahihintay naming sandali, ang pagharap sa mga taong sumira ngbuhay namin.Tahimik rin si Sidro habang iniaabot niya sa akin ang mainit na tasa ng kape. Madilim pa sa labas ngunit rinig na namin ang mga sasakyang paroo’t-parito, nagsisimula na sa kanila-kanilang mga araw.“Ate… uminom ka muna, ang putla mo po,” mahinang sabi niya, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Halatang pinipilit niyang maging matatag para sa aming dalawa.Umupo ako sa tabi niya sa munting mesa sa kusina. Pareho kaming hindi nag-uusap sa loob ng ilang segundo, na para bang hinihintay namin na kusa nang gumaan ang loob namin. Pero hindi ganoon ang buhay

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 116

    SANDRA’S POVNatutulog pa rin si Arthur nang matapos na akong makapag-shower at makapagbihis. Ang isiping ito na ang huling sandali na nagtabi kami sa kama ay labis na nagpapadurog ng puso ko. May mga bagay na hindi na kailangang pilitin, lalo na kung ito na ang mismong dahilan ng unti-unti mong pagkakawasak.Bago ako makaalis ay gumalaw siya at umungol. Habang nag-iisa kami kanina ay amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang bibig, at alam kong lasing siya, lutang, at pagod sa lahat ng nangyari. Malamlam ang kaniyang mga mata na halatang walang tamang tulog at pahinga. Lalong sumikip ang dibdib ko.Alam kong nasaktan ko siya nang sobra, at alam ko ring hindi niya kasalanan na anak siya ng mga taong sumira ng buhay ko.“Mahal kita, Arthur,” mahinang bulong ko, sabay patak ng banayad na halik sa kaniyang noo.Hindi siya nagising. At tulad nang sinabi niya kanina, ayaw niyang gisingin ko siya kapag aalis na ako at kapag iiwan ko na siya.Pagkababa ko ng Solace Condominiums ay agad akong suma

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 115

    [Warning: Read at your own risk, SPG content]SANDRA’S POVHumahagulhol ako sa bawat hakbang ko papalayo sa condo niya, ngunit hindi pa man ako nakakatapak sa elevator ay narinig ko ang mga mabibilis na yapak na papalapit sa akin, at nang lingunin ko ay pag-aari ang mga iyon ni Arthur. Tumatakbo siya papalapit sa akin at agad akong binuhat.“Arthur, anong ginagawa mo?” pinahiran ko ang mga luha habang nakatitig sa madilim niyang ekspresyon na may bahid pa ng luha.Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nakapasok agad kami sa condo at dali-dali siyang pumasok sa kwarto. Inihiga niya ako sa kama, at siniil ako nang malalim na halik.“A-Arthur,” saad ko nang maramdaman na unti-unting nag-iinit ang katawan ko.“Before you leave me, I’ll make sure to f*ck you ‘til I fall asleep… And if that happened, please leave this place without waking me up… and without me even knowing,” saad niya, kahit bakas sa boses niya ang pagkabasag.Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang maramdaman ko ang init ng k

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 114

    SANDRA’S POVMag-aalas dos na nang hapon nang mapagdesisyonan kong umuwi na sa tinutuluyan namin ni Sidro. Ilang araw na din akong absent sa school at napaintindi ko na iyon sa mga professors ko. Huling-huli na ako sa klase, pero babawi ako kapag natapos na hearing.Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isipan ko si Arthur. Nasa condo unit ko pa ang mga gamit ko sa school at mga importanteng mga dokumento. Kailangan ko iyong makuha dahil sa susunod na school year ay third year college na ako, at mag-s-start na ang internship.Kailangan ko lang talaga ng timing na wala roon si Arthur. Ayaw ko pa siyang makita at ayokong may mapag-usapan pa kami dahil tinapos ko na ang kung ano mang meron kami.“Kuya, sa Solace Condominium po,” ani ko sa taxi driver.Araw ng Martes ngayon at alam kong nasa opisina si Arthur sa mga oras na ito. Sa tuwing weekends ay mag-isa ako mula alas siyete nang umaga hanggang alas sais nang gabi, kaya sigurado akong wala siya roon, at pagkakataon kong makuha ang mga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status