MasukJokoKailangan ko ng mga kakampi, pero hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Gayunpaman, ng makita ko si Zac na masinsinang nakikipag-usap kay Diane, nagkaroon ako ng ideya. Ililibre ko ang pamangkin ko at kukumbinsihin siyang tulungan ako. Iyon ang plano ko. At dahil madaldal siya, sasabihin niya sa akin ang lahat ng alam niya at parang marami siyang alam.“Zac, sasama ka ba sa akin sa lunch?” tanong ko sa pamangkin ko, na ngumiti.“Syempre naman,” sagot niya.“Let’s go,” yaya ko sa kanya.“Bumalik ka sa opisina ng alas-dos, Mr. Ventoza. Hindi kita hihintayin!" babala ni Diane.“Yes, boss,” sabi ko, habang sumisipa sa ere na parang isang matampuhing teen-ager.Mahilig si Zac sa steak at fries, kaya dinala ko siya sa restaurant na naghahain ng pinakamasarap na karne sa city. Bribe ito para sa impormasyon na kailangan ko.“Tito, ang galing mo ngayon! Gustung-gusto ko ang lugar na ito!” tuwang-tuwa si Zac.“Good. Alam kong mahilig ka sa steak at fries, kaya kita dinala rito
JokoUmalis ako sa bahay ni Jackie na alam kong kailangan niya ang mga kaibigan niya at hindi niya sila tatawagan. Kaya tinawagan ko si Diane at sinabi sa kanya ang lahat; hindi ko na kailangan magtanong, tiniyak sa akin ni Diane na kokontakin niya ang mga girls at pupunta silang lahat. Pero syempre, binigyan niya ako ng malutong na sermon, na binibigyang-diin kung gaano ako katanga. Matagal ko ng hindi naririnig ang salitang iyon, pero iyon mismo ang sinabi niya at tama siya.Ang aking mga takot, kawalan ng seguridad at lahat ng kalokohan na kinakatawan ng tatay ko sa buhay ko ay nagpabagsak sa akin. Malaki ang posibilidad na hindi ako mapapatawad ni Jackie. Pero kailangan kong patuloy na sumubok.Hindi nagtagal ay biglang pumasok sa bahay ko sina Hubert, Lucas at John. Sinabi nilang magpapalipas ng gabi ang mga girls kasama si Jackie at tulad ng pangangailangan niya sa kanyang mga kaibigan, naroon din sila para suportahan ako at ibalik ako sa realidad. Nag-usap kami at naglasi
JackiePakiramdam ko ay nadurog ang puso ko. Hindi lang ito isang pagtataksil, kundi ilan. At higit pa rito, hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Mas pinili niyang maniwala sa isang kasinungalingan kaysa makipag-usap sa akin. Wala man lang siyang lakas ng loob na makipaghiwalay sa akin, nakipag-date lang siya sa iba at iniwan ako sa isang tabi. Hindi tama iyon!Pagkasara ko ng pinto, dumulas ako pababa at umupo doon sa sahig at umiyak ng malakas habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatili doon sa sahig at umiiyak, pero parang hindi nauubos ang mga luha, na parang nabuksan ang mga pintuan ng isang dam at hindi na maisara at binabaha ako ng sakit.Nakakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib, nahihirapan akong huminga at hindi ko mapigilang umiyak. Tumunog ang doorbell ng apartment at hindi ako bumangon para tingnan kung sino ‘yon, tumunog itong muli at nanatili akong hindi gumagalaw, umiiyak at nakakaramdam lamang ng sakit. Pagkatapos
JokoUmalis ako sa bahay ni River at pumunta kina Ate Hope, pero sina Jackie at Roman lang ang nasa isip ko. Nababaliw na ako. Pagdating ko, niyakap ako ng ate ko at kitang-kita kung gaano siya nasaktan sa ginawa ni Felipe–nagpapasalamat naman ako dahil sa pagkakataong ito ay mulat na ang kanyang mga mata. Yun nga lang, naging napakasakit para sa kanya ‘yon.Nagsimula kaming mag-usap at ikinwento ko sa kanya ang lahat ng natuklasan ko sa Social Club, ang panggigipit, ang mga posibleng reklamo kay Felipe, ang ginawa niya kay Jackie pati na rin ang nagawa ko sa kanya, at ang pagsuyo-suyo ni Felipe kay Jackie.Sa huli, nakahiga ako sa sofa ng ate ko, ang ulo ko ay nasa kandungan niya, umiiyak na parang sanggol at nagsisisi na ako ay isang mapusok na hangal na kumikilos muna at nag-iisip mamaya.Pinayuhan ako ng ate ko na ipaglaban si Jackie at humingi ng tawad sa kanya at huwag sayangin ang oras. Kahit ang bayaw ko, na karaniwang nakikinig lang, sa pagkakataong ito ay tinawag ang ate
JackieLumabas ako kina Isabelle dahil hinihintay na ako ni Roman sa labas. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.“Hey, nakakainis ang mga mata mo, ang ganda!” sabi niya, tuwang-tuwa.Napakagwapong lalaki ni Roman. Hindi siya kasingtangkad ni Joko, pero mas matangkad siya sa akin. Kulot ang itim niyang buhok hanggang balikat na laging nakatali o kaya naman ay naka-man bun, mapusyaw na kayumangging balat, maitim at nakangiting mga mata, at makapal na balbas na may ngiti na napakaputi at perpekto ng ngipin.“Sus, binola pa ako.” Pumasok ako sa kotse at isinara niya ang pinto.“Hindi bola ‘yon. Kaya naman dadalhin kita sa isang lugar na mas malayo sa city, pero magugustuhan mo ito. Farm house na may restaurant na bukas sa publiko. Ayos lang ba?” tanong ni Roman sa akin na puno ng pag-asam.“Gusto ko! Ayos lang.” sagot ko, nakaramdam ako ng ginhawa na hindi ko naramdaman sa loob ng maraming araw.Habang nagmamaneho, nagkwentuhan kami tungkol sa mga simpleng bagay. Mar
JokoSh*t.Nakatayo ako sa pintuan ng apartment ni Jackie, nakatitig sa pinakamagandang babae sa mundo, nakatayo sa harap ko na walang suot kundi isang masikip na puting t-shirt at isang maikli at puting shorts na kapareho ng kulay. Imposibleng hindi ko siya pagnasaan.“Nagising lang ako sa tawag ni Diane, tapos tinawagan mo ako. Nakalimutan kong hindi ako nakabihis. Pero nakita mo naman na ‘to. Kaya tuloy ka at umayos ka, maghahanda ako.” Medyo nahihiya niyang sabi.Tumalikod siya para umalis pero hindi ko napigilan. Pumasok ako, isinara ang pinto at at hinila siya sa mga bisig ko, pinagdikit ang aming mga labi sa isang mainit, basa, at madamdaming halik. Nang maghiwalay kami para huminga, ngumiti ako sa kanya.“Good morning, my Goddess, you are smokin’!”Binitiwan ko siya at medyo nanghihina siyang naglakad sa pasilyo, naiwan ako na may malaking ngiti sa mukha. Hinalikan ko siya at hindi niya ako tinanggihan; tumugon siya. Pumunta ako sa kusina at pinagtimpla siya ng kape







