LOGINJACKIEPagkatapos ng lunch, nakatanggap ako ng tawag galing kay Karla. Siya ay isa sa mga tauhan sa bahay ni Joko. Tumawag siya para ipaalam sa akin na naihatid na ng shop ang mga muwebles. Marunong si Karla sa maraming bagay, kasama na ang pag-aayos ng bahay ng walang katulad at napakabait na para siyang isang ina. Nagkakaintindihan kami ng husto, napagkasunduan naming tatawagan niya ako tuwing kailangan niya at ipapaalam niya sa akin sa sandaling dumating ang mga muwebles.Tuwang-tuwa ako. Masayang-masaya akong umalis sa kompanya, pero nang makapasok ako sa kotse ni Joko, napansin kong tensyonado siya. Hinalikan niya ako at niyakap ako ng ilang sandali.“Are you okay?” tanong ko, ramdam kong may mali. Tila pagod at stressed siya.“This day sucks. Gusto ko lang magpalipas ng gabi na nakayakap sayo, Goddess ko.” Bumuntong-hininga siya at binitawan ako, sabay pinaandar ang kotse.“Anong nangyari?” Mas lalo akong nag-alala.“Felipe happened.” Minsan lang nagsalita si Joko.“Ano
JOKOPutek.Nababaliw na talaga si Felipe.Hindi na siya nag-abala pang magpanggap na isang ama na nagmamalasakit sa kanyang mga anak. Ibang klase.Bumalik ako sa opisina at umorder ng makakain ko, para lang hindi ako mainis na makita ulit ang mukha niya. Habang kumakain ako, tinawagan ko ang bayaw kong si Ed at ipinaliwanag ang nangyari. Tiniyak niya sa akin na hindi lalapitan ni Felipe si Hope, ang mga bata, o ang nanay namin. Pagkatapos ay tinawagan ko ang mommy at sinabihan niya akong kumalma, na magiging maayos din ang lahat.Pagbalik nina Juliet at Diane mula sa lunch, tinawag ko sila sa opisina ko. Kailangan ko rin silang babalaan; palagi silang malapit sa akin at maaaring gamitin sila ng tatay ko.“Mga madam, siguro dapat akong umupa ng bodyguard para bantayan kayo,” sabi ko pagkatapos kong sabihin sa kanila ang buong sitwasyon.“Hey, relax lang, hindi kami ang target ng tatay mo.” Sinubukan akong pakalmahin ni Diane, pero napansin kong masyadong tensiyonado si Juliet.
FELIPENapakakomplikado na ng buhay ko! Kinailangan kong umalis agad sa Miami matapos akong i-report ng mga prostitute na iyon para sa party na isinama ko sa kanila. Ayon sa isang kaibigan, hinahanap na ako ng mga pulis at nalaman na nila kung nasaan ako–nauubusan na ako ng oras.Malas!Akala ko mas mapapadali ni Joko ang buhay ko pagdating ko sa Pilipinas at ibibigay niya ang hiniling ko. Kailangan kong pumunta sa Europe. Maraming bansa doon na hindi nag-e-extradite o nagpapatupad ng mga utos ng korte mula sa ibang mga bansa. Pero mas mahal ang paninirahan sa Europe kaysa sa ibang mga bansa, kaya kailangan ko ng mas maraming pera. At kailangan ko ang eroplano kung sakaling kailangan kong umalis ng mabilis. Lahat ng ‘yon ay meron kami. Pero nagpasya ang batang suwail na magpanggap na makapangyarihan sa akin at hindi ginawa ang gusto ko. At hindi rin ako tinutulungan ng walang kwentang si Hope na iyon.Mga walang utang na loob. Pinunas ko na lang sana sa kumot.Parang hindi pa
JOKOItinigil ko ang sasakyan sa pasukan ng building ni River at nakita ko si Jackie na naglalakad kasama ang dalawang bodyguard niya.Hay. Palagi akong nabibighani sa kagandahan niya.Hindi bastang babae si Jackie. Kahanga-hanga siya, lahat ng bagay sa kanya ay perpekto at alam niyang maganda siya. Confident siya sa gandang taglay niya. Naglakad siya na parang isang reyna, nakataas ang ulo, tuwid ang tindig at may kumpiyansa ang mga hakbang.Nang makita niya ako, nagpaalam siya sa mga bodyguard, tumakbo papunta sa akin at tumalon sa mga bisig ko, na nagpapaalala sa akin kung gaano ako kaswerte na ang babaeng ito ay akin.“Namiss kita,” bulong niya sa akin.“I miss you more,” binigyan ko siya ng mabilis na halik at inalalayan siyang pumasok sa kotse.Habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Joey, nagkuwentuhan kami, nagtawanan, nagbibiruan at nag-aasaran. Napansin ko na noong mag-park ako sa harap ng bahay, naging seryoso at tensiyonado siya.“Hey, what’s wrong?” tanong ko, haban
JACKIENagising ako na may matinding sakit ng ulo, malamang ay resulta ng sobrang pag-iyak kahapon. Bukod sa matinding sakit ng ulo at maitim na bilog sa ilalim ng aking mga mata, sa tingin ko ay nasa akin na ang lahat dahil ang sama ng pakiramdam ko.Nadatnan ko si Joko sa sala at nasa proseso ng pagbibigay ng mga tagubilin sa isang batalyon ng mga tao, mga guwardiya at staff ng bahay. Nang makita niya ako, binigyan niya ako ng isang magandang ngiti at inabot ang kamay.“Jackie, how did you sleep? Good morning!” Hinalikan niya ang ulo ko at sinimulang ipakilala ako sa lahat ng mga staff na naroon. Napakaraming tao.Nang matapos ang pagpapakilala, lumabas ang lahat at niyakap ako ni Joko, na siyang nagpakalma sa akin at nagpabuti ng kalooban ko nang kaunti.“Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin ng pabulong sa tenga.“Mmm, not sure. Masakit ang ulo ko and I feel so off,” reklamo ko, habang nakapatong ang aking ulo sa balikat niya.“Naku, kawawa naman!” sabi niya sa isang mapag
JACKIEAng swerte ko lang sa part na mabait ang boss ko. Hindi lang dahil asawa siya ng matalik kong kaibigan kundi pati personal life ko ay may konsiderasyon siya–marahil ay dahil bestfriend niya din naman ang kasama ko kaya ganoon.Isa pa, alam niyang mag-la-lunch kami ni Joko at nasa punto pa kami ng relasyon na kung tawagin ay ‘honeymoon stage’ kahit na hindi pa naman kami kasal. Pero talagang marami kaming gagawin. Kasama na ang pamimili ng mga gamit para sa bahay at nag-enjoy kami sa paggawa nito. Pero pagkatapos akong ihatid ni Joko sa apartment, lalong lumala ang sitwasyon.Pagpasok ko pa lang sa building, inabot na sa akin ng guard ang sulat at halos tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ko ang sobre. Hindi ako makapaniwala na nahanap na naman niya ako. Pero paano?Nagmadali akong pumasok sa apartment ko, hawak ang sobre at wala akong lakas ng loob na buksan ‘yon. Naupo ako sa sofa, takot na takot, nakatitig sa sobreng hawak ko, at hindi ko namalayan kung kailan ako







