Share

KABANATA 81

Auteur: Maria Anita
Jackie

Nagtipon ang mga babae sa bahay ni Isabelle, pero labis akong nalungkot kaya sabi ko hindi ako pwede. Siyempre, tinawagan nila ako at iginiit na sumama ako, pero gumawa ako ng kwento tungkol sa matinding sakit ng ulo. Ayokong magalit sila, lalo na si Isabelle na buntis at nangangailangan ng kapayapaan at positibong kaisipan.

Kaya, nanatili ako sa bahay na may dalang libro at pizza. Ginugol ko lang ang katapusan ng linggo kasama si mama at ang amain ko at napakasarap na makasama sila, tulad ng napakasarap na makita ulit si Aron.

At iyon mismo ang iniisip ko ng tumunog ang cellphone ko at sumagot ako ng nakangiti.

“Miss mo na ako agad?” sabi ko ng sumagot ako.

[Hindi ko talaga kaya, tita. Gustong-gusto kita at namimiss kita.] sabi ni Zac, habang nagrereklamo. [Isa pa, may utang ka pa rin sa akin sa Roadmaster, natatandaan mo ba?]

Ang kainan ng mga vintage car.

“Hindi ka pa nakapunta?” Pinilit kong intindihin at naalala kong nakipag-ayos na pala ako sa kanya.

[May date a
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 110

    JACKIEMahal na mahal ko sina Claire at Zac.Kaya naman, nang banggitin sa akin ni Hope na gusto niyang magtravel kasama si Ed, agad kong sinabihan siyang sorpresahin ang asawa niya at i-book ang biyaheng pinapangarap niya at kami na ni Joko ang bahala sa mga bata. Tuwang-tuwa siyang tinanggap ang alok ko.Kaya naman pinilit ko ang furniture shop na ihatid ang mga muwebles ng mas maaga sa schedule at nagbayad ng dagdag para dito, pero sulit ang bawat sentimo. Humingi rin ako kay River ng ilang araw na pahinga, na hindi niya inatubiling ibigay sa akin. Magkakaroon kami ng isang memorable na weekend o higit pa; kailangan ko ang kapayapaan at kagalakan na iyon, at gusto kong makita si Joko kasama ang kanyang mga pamangkin, tutal, nagsisimula na kami ng isang buhay na magkasama.At lalong gumanda ang mga bagay-bagay. Nang malaman niyang sa amin muna ang mga bata, hindi niya alam kung tatawa o iiyak siya. Napagpasyahan kong ibalita sa kanya ng paunti-unti, para mas masaya, kumuha pa

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 109

    JOKOSa wakas, nagpaalam na kanya-kanya naming pamilya para umuwi. Sina Hope at Ed ang huli, nagpaalam na sila pero sina Zac at Claireay nanatiling nakaupo sa sofa.“Tara na, aalis na ang mga magulang ninyo,” sabi ko, nakangiti, iniisip na pareho na siguro silang inaantok.“Nagpaalam na kami, tito!” sagot ni Claire, habang nakatingin sa akin.Tumingin ako sa labas at lumingon si Hope para kumaway bago umalis sa gate. Tumingin ako kay Jackie, na gumanti naman ng kaway. Tumingin ako muli sa mga pamangkin ko na komportableng nakaupo sa aking bagong sofa. Pagkatapos ay tumingin ako ulit kay Jackie, na isinara ang pinto ng may malaking ngiti at dumaan sa akin at hinalikan ako.“Ngayon, mga minamahal ko, gusto ni Tita Jackie ng foot massage!” sabi ni Jackie at umupo sa pagitan nila.Mabilis na umupo si Zac sa carpet, dahan-dahang hinawakan ang mga paa ni Jackie at tinanggal ang suot nitong heels at nagsimulang magmasahe na kahit kailan ay hindi niya ginawa sa akin. Yumakap si Claire

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 108

    JOKOTotoo nga ang kasabihan na if you are with the right people, even the simplest gathering feels so special.Masiglang dumaloy ang usapan namin, mula sa mga simpleng bagay hanggang sa ospital at nakita ko ang mga ngiti sa mga mukha ng nanay ko at ni Hope, na paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin at bahagyang tumango bilang pagsang-ayon sa takbo ng mga bagay-bagay. Alam kong masaya sila na natagpuan ko si Samantha.At wala ng mas hihigit pa–ang nanay ko at future in-laws ko ay maayos at magkasundo. Nag-uusap sila na parang mga magkakaibigan noong bata pa sila at pinag-uusapan na kung gaano kaganda kapag nagkaroon na kami ng mga anak ni Jackie sa hinaharap.Bigla, tumunog muli ang doorbell at tiningnan ko si Jackie ng may pagtataka. Naroon na ang buong pamilya, may iba pa ba siyang inimbitahan?“Ako na,” alok ni Jackie.“Ah, muling nagkita ang buong pamilya. This is so nice!”Lumingon ako at nakita ko si Felipe na pumapasok na parang siya ang hari ng lugar. Walang ha, ni ho

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 107

    JOKOToday is the day.Ngayon ang dinner kung saan ipakikilala namin ang aming mga ina sa isa’t-isa ng pormal. Inayos na ni Jackie ang lahat, hindi man lang ako pinayagan kahit na magpadala ng mga imbitasyon. Tuwang-tuwa siya at nasasabik tungkol dito. Umuwi siya ng maaga at pagdating ko, maganda na siya, nakabihis na at inaasikaso ang pag-aayos ng mesa.Lahat ng detalye ay siya ang nag-asikaso. Wala akong ambag. Literal at gusto ko ‘yon. Hindi dahil ayaw ko kundi kitang-kita ko kung gaano niya kagusto ang ginagawa niya.“Mahal ko, nandito ka na!” Masayang bati niya sa akin gamit ang isang halik.“Hmm, kays sarap naman umuwi sa ganito.” Niyakap ko siya at binigyan ng isa pang halik.“Dapat lang.” Sabi niya, sinusubukan huminga pagkatapos naming putulin ang aming halikan. “Pero ngayon, maghanda ka na, darating din ang mga pamilya natin any time.”Nag-aatubili akong binitawan si Jackie at naligo na. Pagbalik ko sa sala, masayang pinagmamasdan ni Jackie ang mga naka-set up na mesa,

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 106

    JACKIEPagkatapos ng lunch, nakatanggap ako ng tawag galing kay Karla. Siya ay isa sa mga tauhan sa bahay ni Joko. Tumawag siya para ipaalam sa akin na naihatid na ng shop ang mga muwebles. Marunong si Karla sa maraming bagay, kasama na ang pag-aayos ng bahay ng walang katulad at napakabait na para siyang isang ina. Nagkakaintindihan kami ng husto, napagkasunduan naming tatawagan niya ako tuwing kailangan niya at ipapaalam niya sa akin sa sandaling dumating ang mga muwebles.Tuwang-tuwa ako. Masayang-masaya akong umalis sa kompanya, pero nang makapasok ako sa kotse ni Joko, napansin kong tensyonado siya. Hinalikan niya ako at niyakap ako ng ilang sandali.“Are you okay?” tanong ko, ramdam kong may mali. Tila pagod at stressed siya.“This day sucks. Gusto ko lang magpalipas ng gabi na nakayakap sayo, Goddess ko.” Bumuntong-hininga siya at binitawan ako, sabay pinaandar ang kotse.“Anong nangyari?” Mas lalo akong nag-alala.“Felipe happened.” Minsan lang nagsalita si Joko.“Ano

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 105

    JOKOPutek.Nababaliw na talaga si Felipe.Hindi na siya nag-abala pang magpanggap na isang ama na nagmamalasakit sa kanyang mga anak. Ibang klase.Bumalik ako sa opisina at umorder ng makakain ko, para lang hindi ako mainis na makita ulit ang mukha niya. Habang kumakain ako, tinawagan ko ang bayaw kong si Ed at ipinaliwanag ang nangyari. Tiniyak niya sa akin na hindi lalapitan ni Felipe si Hope, ang mga bata, o ang nanay namin. Pagkatapos ay tinawagan ko ang mommy at sinabihan niya akong kumalma, na magiging maayos din ang lahat.Pagbalik nina Juliet at Diane mula sa lunch, tinawag ko sila sa opisina ko. Kailangan ko rin silang babalaan; palagi silang malapit sa akin at maaaring gamitin sila ng tatay ko.“Mga madam, siguro dapat akong umupa ng bodyguard para bantayan kayo,” sabi ko pagkatapos kong sabihin sa kanila ang buong sitwasyon.“Hey, relax lang, hindi kami ang target ng tatay mo.” Sinubukan akong pakalmahin ni Diane, pero napansin kong masyadong tensiyonado si Juliet.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status