Masuk“Let’s get both shades,” excited na sabi ni Rina habang dumadampot ng lip cream.
“Okay, I’ll get this one,” inunahan ko siya sa pagkuha ng peach shade. “Mas bagay sa’kin ’to. Barbie pink suits you,” paalala ko. Ngumuso siya. “But I can’t wear it during class naman. Masyadong agaw-pansin. I’ll get one shade same as what you have,” aniya saka may inabot sa istante. “Bahala ka diyan.” Iniwan ko siya saka umikot pa para magtingin. Lumapit na ang isang sales attendant sa amin. “Young miss, we have blush creams compatible with your lip creams,” sabi niya habang sinusuri ang mga kinuha ko sa basket. Ngumiti ako nang bahagya. “Let me see,” sabi ko. “Rina, come here,” tawag ko. Lumapit ako sa counter para magbayad habang si Rina ay abala pa sa pag-aayos ng mga pinamili. The cashier smiled politely. “That’ll be ₱3,280, Miss.” Kinuha ko ang card ko at iniabot. “Here.” Ilang segundo lang, pero parang humaba ang oras nang makita kong napakunot ang noo ng cashier. She swiped it again. Then again. “I’m sorry, Miss, but your card was declined.” “What?” She tried once more, pero gano’n pa rin. “Declined pa rin po.” Napasinghap ako at bahagyang nataranta. “That’s impossible. There should be more than enough balance there.” Nagkatinginan kami ni Rina. “Girl, baka connection lang?” bulong niya, pero kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. The cashier offered an awkward smile. “Do you have cash, Miss?” Binuksan ko ang wallet ko. Zero. Not even a single bill. Rina sighed and pulled out her card. “I got it. Just pay me later, okay?” “Rina, no—” “Girl, please. I don’t want to die of embarrassment right now,” aniya saka inabot ang card sa cashier. Wala na akong nagawa kundi mapayuko habang inaabot sa amin ang mga shopping bags. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, hindi sa hiya, kundi sa inis. Pag-uwi ko, halos mabitawan ko ang mga paper bag sa galit. “Aling Mirna!” sigaw ko mula sa sala. “What happened to my card? Bakit hindi gumagana?” Nagulat siya, halatang hindi alam kung sasagot o tatakbo. “A-ah, Ineng… pinakancel po muna ni Sir Timothy lahat ng secondary cards ninyo.” “What?” halos pasigaw kong sabi. “He did what?” “’Yan daw po kasi ang utos habang grounded pa kayo…” Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis kong iniwan ang mga bag sa sahig at umakyat ng hagdan, bawat hakbang, mabigat sa inis. Pagdating ko sa taas, binuksan ko nang malakas ang pinto ng study. Si Timothy, tahimik na nagbabasa ng dokumento, bahagyang tinaasan lang ako ng tingin. “Did you cancel my card?” singhal ko. He put down his pen slowly, calm as ever. “I did.” “Why?” “You’re grounded, Elara. Not funded.” Halos maputol ang hininga ko sa sagot niyang ’yon. “You can’t just control every single thing I do!” He looked straight at me. “I can, if it keeps you from getting into trouble.” Kinuyom ko ang palad ko. “You’re unbelievable.” “And you,” he replied quietly, “are still my responsibility.” “Responsibility? Salamat pala. Salamat dahil halos ipahiya mo ’ko kasi declined ’yung cards ko!” sigaw ko pabalik. Hindi man lang siya natinag. He just leaned back, habang pinagmamasdan akong na parang isa lang akong batang nagta-tantrum. “If you want something, learn to work hard for it,” mahinahon niyang paliwanag. “Money isn’t the problem, Elara. Attitude is.” Napatawa ako na puno ng pait. “Work hard? Easy for you to say kasi lahat ng gusto mo, nasa harap mo na!” Tumaas ang kilay niya. “Is that what you think?” “I don’t think, Mr. Grey. I see. You walk around like you earned everything in this house, when in reality, you just married into it.” Tumayo siya nang dahan-dahan kaya ramdam ko agad ang presensiya niya. Bawat hakbang niya papalapit, parang lumiliit ang hangin sa pagitan namin. “You think wealth means nothing to me?” mababa pero madiin ang boses niya. “Every single thing I have, I worked for. And you—” huminto siya saglit, “you’re wasting what your father built by acting like the world owes you something.” Napasinghap ako sa galit at hiya. “Don’t talk about my father!” Tumahimik siya ng ilang segundo bago bumalik sa mesa, at binuksan ulit ang dokumento. “Then stop giving him reasons to be disappointed,” malamig niyang sagot. Sinampal ko ang mesa, malakas, halos umalingawngaw sa loob ng silid. “Wala kang karapatan banggitin siya sa harap ko!” naluluhang singhal ko pabalik. Diretso lang ang tingin niya sa’kin. “Maybe not. Pero someone has to remind you what respect looks like.” Hindi ko na siya tiningnan pa. Mabilis akong lumabas ng study, halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Sa bawat hakbang, gusto kong sumigaw. Pero alam kong kahit anong gawin ko, sa huli, siya pa rin ang may huling salita. Pagkasara ng pinto ng kwarto ko, parang lahat ng inis at hiya na pinipigilan ko kanina, sabay-sabay sumabog. Sinipa ko ang gilid ng kama. “You don’t know anything!” sigaw ko, kahit alam kong hindi na niya maririnig. Huminga ako nang malalim pero lalo lang sumikip ang dibdib ko. Binuksan ko ang drawer at bumungad sakin picture namin ni Dad—nakayakap siya sa’kin, parehong naka-smile, parehong walang problema. Napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ’yung frame.“Dad…” bulong ko. “I hate him. I really do.” The silence took over. Wala ni isang tunog kundi ’yung mahina kong paghinga at tibok ng puso ko. Naalala ko pa kung paano niya ako lagi tinatabihan sa dining table habang nag-aaral ako.‘Anak, you don’t need to stress yourself too much,’ lagi niyang paalala noon. ‘You want something? Daddy will take care of it.’ Nakangiti siyang bumabalik sa isip ko, bitbit ’yung mga mamahaling gift, ’yung mga late-night drive namin para lang bumili ng milk tea, kahit may exam ako kinabukasan.“Anything for my princess,” lagi niyang sabi. At ako naman—sanay na lagi akong nauuna, lagi akong nasusunod. Ngayon, heto ako, nakaupo sa sahig, umiiyak, kasi sa unang pagkakataon sa buhay ko, wala na si Daddy para ipaglaban ako. Pinunasan ko ang luha ko, na parang walang katapusan sa pagtulo. “You said I’ll never feel alone, Dad,” naiiyak kong bulong. “Bakit pakiramdam ko mag-isa ako ngayon?” Humigpit ang hawak ko sa frame hanggang sa maramdaman kong nanginginig ang kamay ko. “You wouldn’t have let this happen, right? You would’ve never let him near us.” Silence was the only thing that remained. At doon ko lang napagtanto… sa lahat ng galit ko kay Timothy Grey, pero ang totoo, mas galit ako sa sarili ko. Dahil kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik si Dad. Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa loob ng kwarto, paulit-ulit, hanggang sa mapagod na rin ako sa pag-iyak. Dahan-dahan kong ibinaba ang frame sa tabi ng kama at humiga, niyakap ang unan na para bang doon ko lang kayang huminga.“Goodnight, Dad,” mahinang bulong ko, na baka marinig ng hangin at ibalik sa akin ang sagot niya. Pero wala. Tumingin ako sa kisame, at pilit pinipigilan ang panibagong buhos ng luha. Sa bawat pintig ng puso ko, ramdam ko kung gaano kalaki ’yung puwang na iniwan niya.“Bukas,” bulong ko sa sarili ko, “bukas, hindi na ako iiyak.” Pero habang pinipikit ko ang mga mata koa ay alam kong isa ’yong kasinungalingan. Kasi sa tuwing sinasabi kong hindi ko siya nami-miss, lalo ko lang naiintindihan kung gaano ko talaga siya kailangan.“Ely…” sabi ng bumubulong sa’kin.I barely slept last night, kaya halos mag-aapat na ng umaga nang tuluyan akong makatulog. My mind was everywhere... my heart, too.“The sun is rising…” kanta pa ng kung sinong istorbo.Bahagya akong nagmulat sa inis at nadatnang nakapameywang si Yssa sa harap ko. She was smirking while checking out my bandage.“Muntik na ‘kong matanggal sa trabaho,” bungad niya. “Niyari ako sa sermon ni Sir. Ang sabi mo, susundan mo lang saglit. Bakit pilay ka na ngayon, girl?” Histerikal niyang dugtong.Umupo ako at halos mapairap. “Sprained ankle lang.”“Sprained ankle lang…” ginaya niya, maarte.Pero imbes na patulan pa siya, napabuntong-hininga na lang ako.“Wow,” puna niya. “Ang lalim no’n. So how are you?” Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. “Akala ko sa kwarto na ni Sir kita madadatnan, eh.”Mabilis ko siyang tinapunan ng unan sa mukha. “He won’t do that. Hindi nga niya kayang magkagusto sa anak-anakan niya,” makahulugan kong sabi, saka sinubukang tumayo.“
“Good thing you didn’t push it,” sabi ng doktor. “Otherwise, mas malala pa ’yan.”Kung alam lang niya kung gaano ko pinilit ang sarili ko sa mas masakit na bagay. Para lang mabigo sa bandang huli. That’s why the pain it caused me was also severe.“Yeah,” sagot ko na lang. “Baka nga lumala pa.”Hindi ko alam kung para saan ’yon. Kung tungkol ba sa sprain o sa kung ano pa man. I didn’t want to clarify, because the clearer it gets, the worse feeling it brings.“Just follow the prescription,” paliwanag ng doktor. “Huwag mong pilitin ang paa mo. May mga bagay talagang kailangan munang magpahinga para tuluyang gumaling. You’ll be fine.”Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. It hit a different angle in me.I smiled bitterly at my thoughts. “Yes. I just need to rest,” inulit ko.Pagkatapos ay itinulak na ng doktor ang wheelchair palabas ng pinto. Agad na tumayo si Timothy nang makita ang paglabas namin. They greeted each other shortly, then bid their goodbyes as well.At nang itutulak na ni Tim
Pinilit kong idiretso ang lakad ko habang pababa, pero bigo ako sa huling hakbang ng hagdan. Napaigik ako nang bahagya nang hindi ko matantiya ang lalim ng aapakan.“Are you sure you’re okay?” bulong ni Zach.I forced a smile but refused to look at him. “Yeah,” I rasped.Nang makalapit kami kay Timothy, agad kong napansin ang atensyon niya sa paa kong natapilok. Pinilit kong magsalita at pasiglahin ang boses ko.“You’re here. Akala ko may business meeting ka,” sabi ko nang nasa tapat na niya kami.“Uncle,” bati rin ni Zach.Pero imbes na sumagot agad, matagal na tumutok ang mga mata niya sa paa ko. Maya-maya pa ay pinaglipat niya ang tingin sa ’min ni Zach, saka bumuntong-hininga.“Let’s have that checked,” aniya, patungkol sa napilayan kong bukung-bukong.Mabilis akong umiling. “A-Ayos ako,” pilit na saad ko.Pero hindi niya ako pinansin at hinarap si Zach sa halip. “You go ahead to the house first,” sabi niya rito.Nag-alangan si Zach at binalingan ako bago nagsalita. “But, Uncle—”
“So, I heard you’re still in college?” tanong ni Zach habang binabaybay namin ang daan papunta sa lighthouse.Actually, magaan siyang kasama. He was very talkative. At parang kahit poste, kaya niyang kausapin. He could talk about everything under the sun.“Yeah. I chose not to study when my mom got sick. That’s why I’m still on my third year,” paliwanag ko.He nodded, then turned hard left to take a big curve. Malubak ang daan at matarik. I was just grateful that he offered to tour me around. Dahil baka kung si Tim ang kasama ko, mauuwi lang sa bangayan ang buong biyahe. I couldn’t imagine having a conversation with him after what happened.“I see. Sorry about your mom. Hindi kami nakapunta because Lolo was very ill that time,” paliwanag niya.Hindi ko masabi na I wasn’t aware of Tim’s relatives because I was busy hating him all this time. Ni hindi ko nga alam ang tungkol kay Sir Arthur... especially about his sickness.Natigilan ako sandali bago muling nagtanong. “Is he okay now?”Na
Pinilit kong makababa para sa dinner pagkatapos no’n. Ayoko na sana talagang sumunod, pero baka magtaka ang matandang Grey kung bakit wala ako. Samantalang kararating ko lang.“It’s nice having you here after such a long time, hija,” malumanay na simula ng ama ni Timothy. “When was the last time?” Nag-isip siya saglit. “Yeah… you were so little that time. Maybe three years old.”A sudden creak from my plate echoed softly.Natigilan ako sa banggit niya no’n dahil hindi ko alam na fully acquainted pala sila ni Daddy at Mommy sa pamilya nila. I’ve never heard of them, not until Timothy married my mom.“I… I was here before?” tanong ko.Naguguluhan, pinaglipat-lipat ko ang tingin sa matanda at kay Timothy.Pilit akong ngumiti. “Kilala niyo po sila Daddy?”Inabot ng matanda ang table napkin at marahang pinunas ang labi bago muling nagsalita. “Of course. We were friends. Hindi ba nabanggit ni Allan sa’yo?”Nagkatitigan lang kami ni Timothy. We never really talked about his personal life sin
Walang gustong maunang magsalita.Nakatayo pa rin kami sa gitna ng kwarto. Ako, hawak ang sariling lakas ng loob na parang anumang oras puwede akong umurong. Siya, nakatayo sa tapat ko, tuwid ang tindig, parang bawat galaw niya ay pinag-isipan bago pa mangyari.Hindi agad siya sumagot.At sa hindi niya pagsagot, mas marami akong narinig.“Justine,” tawag niya sa wakas. “This isn’t the right place for that conversation.”Napangiti ako ng mapait. “Kailan ba naging tamang lugar?” tanong ko. “O tamang oras?”Hindi siya agad tumingin sa akin. Sumulyap muna siya sa bintana, sa malayong dagat na kanina ko pa tinititigan. Parang doon muna niya inilagay ang bigat bago bumalik sa akin.“You shouldn’t have come here like this,” aniya. “Unannounced. Without telling anyone.”“So ngayon mali pa rin?” tanong ko, pilit pinipigil ang boses ko na huwag manginig. “Kahit na ako na ang nag-effort?”“Hindi ko sinabing mali,” ititang sagot niya. “Sinabi kong delikado.”I crossed my arms. “Delikado para kani







