Mag-log inThe rest of the school year passed. It was slow, heavy, and quiet.
Wala akong ginawang iba kundi i-survive ang buong school year. I’d show up, sit through class, turn in half-hearted projects, and pretend to listen whenever the teachers called my name. Sinubukan akong ibalik sa normal ni Rina through our old routine. Lunch breaks, gossip, weekend hangouts—but most days, I just wasn’t in the mood. Kahit nakangiti ako minsan, alam kong pilit 'yon. My grades? Barely passing. Attendance? Enough not to repeat the year. I wasn’t the same girl everyone used to envy. The old Elara Montesilva was gone. The spoiled, confident daughter of a tycoon was gone. What’s left was someone trying not to drown in the silence her father left behind. Minsan, pag dumadaan ako sa harap ng school gate at nakikita ko ’yung mga magulang na sinusundo ang mga anak nila ay napapahinto ako. Lagi kong iniisip na kung buhay pa si Daddy, baka isa siya ro’n. Yung tipong nakasandal lang sa kotse at may bitbit na iced coffee para sa’kin. Pero sa halip, ang naghihintay sa labas ng gate ay ang driver kong si Mang Isko. Tahimik, laging on time, laging sumusunod kay Timothy. At sa tuwing sumasakay ako sa loob ng kotse, iniisip ko lang na kung ganito na lang palagi, baka isang araw, makalimutan ko na kung paano maging masaya. I was silently sitting inside the car when Mang Isko miraculously spoke. “Miss Ely, sa opisina raw po ng mga Grey ko kayo i-diretso, sabi ni Sir Timothy,” paliwanag niya. Hindi ako umimik at hinayaan lang siya.Do I even have a choice? Pagdating sa building, agad akong sinalubong ni Kath—ang sekretarya niya. “This way, Miss,” she said, guiding me toward the elevator. Pagsara no’n, sinuri ko ang sarili ko sa repleksyon ng pinto. Naka-school uniform pa rin ako, may shoulder bag na bitbit. Walang gana kong sinuklay ang buhok ko palayo sa mukha, hinagod hanggang beywang.God, I look miserable. Pagbukas ng elevator, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa central AC. Tahimik sa buong floor at masyadong corporate, masyadong his world. “Sir Timothy is in Conference Room B,” sabi ni Kath. “He asked you to sit in.” “Sit in?” kunot-noo kong tanong. “Yes, ma’am. He said it’s good for you to ‘observe how things work.’” Napairap ako, pero tumango na lang. Observe daw. As if I care about their boring meetings. Pagpasok ko ay nandoon si Timothy kasama ang ilang board members at lawyers. Naka-dark suit siya, walang bakas ng pagod. And the moment our eyes met, he gave a short nod. Not the warm kind, but not cold, just... formal. “Take a seat, Elara,” he ordered. Tahimik akong naupo sa malayong dulo ng mesa. Sinimulan niya ang meeting at umulan ng mga terms na parang ibang lengguwahe sa akin. Acquisitions, merger proposals, project expansion. I didn’t understand most of it, but everyone else seemed to. Minsan, nahuhuli kong nakatingin siya sa akin saglit bago bumalik sa usapan. Hindi ko alam kung dahil naiinis siya sa pagiging sobrang tahimik ko o kung gusto lang niyang siguraduhing hindi ako lalabas sa gitna ng meeting. Pagkatapos ng halos dalawang oras, natapos din sila. Nagsitayuan na ang lahat. Isa-isa silang lumapit kay Timothy, at nakikipagkamay. At ako? Tahimik lang na naghihintay ng pagkakataong makaalis. “Stay,” sabi niya nang mapansin akong tumatayo. “We’re having dinner.” Napakurap ako. “I’m not hungry.” “That wasn’t a question.” Gusto kong magreklamo, pero wala na akong energy para makipagtalo. Sumunod na lang ako habang palabas siya ng conference room. Halos ugatin ako sa kinatatayuan ko nang makita kong private car niya ang sasakyan namin. “There’s no way na sasakay ako sa kotse mo.” I crossed my arms. Akma na siyang papasok sa loob bago nagsalita. “No problem. You can take a cab. Wala si Isko dahil pinasundo ko sa mommy mo,” aniya. Halos mapairap ako. “Ha! As if I wouldn’t dare to take a cab,” singhal ko bago naglakad palabas ng parking. I asked the guard to get me a taxi—only to be refused. “What?” singhal ko sa isang guard. “Ma’am, kay Mr. Grey daw po kayo sasabay,” paliwanag niya habang bahagyang bumaling sa likod ko. My great stepdad was there, waiting inside his goddamn car. Halos magdabog ako sa pagpasok sa likod ng kotse niya. Nagtama ang mga mata namin sa rearview mirror. “I’m not your driver, Tine. Sit in front,” inis niyang sabi. “Stop calling me Tine! Ang sabi mo lang sumakay ako, but I get to choose where I sit. Let’s go,” mariing giit ko. He didn’t argue after that. For the first time, this felt… new. Timothy Grey stopped arguing. Talaga? I crossed my arms while staring out the window. Of course he wouldn’t argue. Maybe he finally realized he couldn’t win against me. But still… weird. No lectures, no “Watch your tone, Elara,” no “You’re grounded for another week.” Tumingin ako saglit sa rearview mirror. Nakatingin siya sa daan, seryoso, parang laging may iniisip. I hated it. How someone could look so calm while I was this messed up inside. A few minutes later, huminto ang kotse sa harap ng isang restaurant I’d never been to. Hindi ito mukhang fancy, pero halata sa signage na exclusive. “Get down,” maikling utos niya. I raised a brow. “I just wanna go home.” He finally looked at me, one hand still on the steering wheel. “Dinner. Then home.” “Wow, you really love ordering people around, don’t you?” “Only the ones who never listen.” Napapikit ako at pinipigilang mapairap.Fine. Whatever. Bumaba ako ng kotse at sumunod sa kanya papasok. Pagpasok namin, sinalubong kami ng mahinang jazz music at ilaw na kulay amber. It was cozy, intimate, not what I expected from Mr. Serious Businessman Grey. Habang umuupo kami sa table, hindi ko napigilang mapansin… he still hadn’t said a word what'sthis all about. So, I broke the silence. “What’s this? Another lesson? ‘Observe how adults have dinner properly’?” Finally, his lips twitched into the faintest smirk. “No. Try to guess,” nakakalokong sabi pa niya. “Ano ’to? Mind game—” Bago ko pa matapos ang sasabihin, biglang namatay ang ilaw. “What the fuck—” Then a faint flicker appeared... it was a candlelight, small but warm. Saka mabilis na binalot ng tugtog ang paligid. I blinked, stunned. Mom was walking toward me, carrying a cake with Sweet 16 written on it. Si Rina naman, may dalang party poppers at party hat sa ulo. A happy birthday song filled the whole place.“Happy birthday,” mabilis na bulong ni Timothy, bago pa makalapit si Mommy. I glanced at him for a bit. Naramdaman kong nakalapit na sila Mommy. “Happy 16th birthday, our princess,” masayang bati niya.“Ely…” sabi ng bumubulong sa’kin.I barely slept last night, kaya halos mag-aapat na ng umaga nang tuluyan akong makatulog. My mind was everywhere... my heart, too.“The sun is rising…” kanta pa ng kung sinong istorbo.Bahagya akong nagmulat sa inis at nadatnang nakapameywang si Yssa sa harap ko. She was smirking while checking out my bandage.“Muntik na ‘kong matanggal sa trabaho,” bungad niya. “Niyari ako sa sermon ni Sir. Ang sabi mo, susundan mo lang saglit. Bakit pilay ka na ngayon, girl?” Histerikal niyang dugtong.Umupo ako at halos mapairap. “Sprained ankle lang.”“Sprained ankle lang…” ginaya niya, maarte.Pero imbes na patulan pa siya, napabuntong-hininga na lang ako.“Wow,” puna niya. “Ang lalim no’n. So how are you?” Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. “Akala ko sa kwarto na ni Sir kita madadatnan, eh.”Mabilis ko siyang tinapunan ng unan sa mukha. “He won’t do that. Hindi nga niya kayang magkagusto sa anak-anakan niya,” makahulugan kong sabi, saka sinubukang tumayo.“
“Good thing you didn’t push it,” sabi ng doktor. “Otherwise, mas malala pa ’yan.” Kung alam lang niya kung gaano ko pinilit ang sarili ko sa mas masakit na bagay. Para lang mabigo sa bandang huli. That’s why the pain it caused me was also severe. “Yeah,” sagot ko na lang. “Baka nga lumala pa.” Hindi ko alam kung para saan ’yon. Kung tungkol ba sa sprain o sa kung ano pa man. I didn’t want to clarify, because the clearer it gets, the worse feeling it brings. “Just follow the prescription,” paliwanag ng doktor. “Huwag mong pilitin ang paa mo. May mga bagay talagang kailangan munang magpahinga para tuluyang gumaling. You’ll be fine.” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. It hit a different angle in me. I smiled bitterly at my thoughts. “Yes. I just need to rest,” inulit ko. Pagkatapos ay itinulak na ng doktor ang wheelchair palabas ng pinto. Agad na tumayo si Timothy nang makita ang paglabas namin. They greeted each other shortly, then bid their goodbyes as well. At nang itutulak na
Pinilit kong idiretso ang lakad ko habang pababa, pero bigo ako sa huling hakbang ng hagdan. Napaigik ako nang bahagya nang hindi ko matantiya ang lalim ng aapakan.“Are you sure you’re okay?” bulong ni Zach.I forced a smile but refused to look at him. “Yeah,” I rasped.Nang makalapit kami kay Timothy, agad kong napansin ang atensyon niya sa paa kong natapilok. Pinilit kong magsalita at pasiglahin ang boses ko.“You’re here. Akala ko may business meeting ka,” sabi ko nang nasa tapat na niya kami.“Uncle,” bati rin ni Zach.Pero imbes na sumagot agad, matagal na tumutok ang mga mata niya sa paa ko. Maya-maya pa ay pinaglipat niya ang tingin sa ’min ni Zach, saka bumuntong-hininga.“Let’s have that checked,” aniya, patungkol sa napilayan kong bukung-bukong.Mabilis akong umiling. “A-Ayos ako,” pilit na saad ko.Pero hindi niya ako pinansin at hinarap si Zach sa halip. “You go ahead to the house first,” sabi niya rito.Nag-alangan si Zach at binalingan ako bago nagsalita. “But, Uncle—”“
“So, I heard you’re still in college?” tanong ni Zach habang binabaybay namin ang daan papunta sa lighthouse.Actually, magaan siyang kasama. He was very talkative. At parang kahit poste, kaya niyang kausapin. He could talk about everything under the sun.“Yeah. I chose not to study when my mom got sick. That’s why I’m still on my third year,” paliwanag ko.He nodded, then turned hard left to take a big curve. Malubak ang daan at matarik. I was just grateful that he offered to tour me around. Dahil baka kung si Tim ang kasama ko, mauuwi lang sa bangayan ang buong biyahe. I couldn’t imagine having a conversation with him after what happened.“I see. Sorry about your mom. Hindi kami nakapunta because Lolo was very ill that time,” paliwanag niya.Hindi ko masabi na I wasn’t aware of Tim’s relatives because I was busy hating him all this time. Ni hindi ko nga alam ang tungkol kay Sir Arthur... especially about his sickness.Natigilan ako sandali bago muling nagtanong. “Is he okay now?”Na
Pinilit kong makababa para sa dinner pagkatapos no’n. Ayoko na sana talagang sumunod, pero baka magtaka ang matandang Grey kung bakit wala ako. Samantalang kararating ko lang.“It’s nice having you here after such a long time, hija,” malumanay na simula ng ama ni Timothy. “When was the last time?” Nag-isip siya saglit. “Yeah… you were so little that time. Maybe three years old.”A sudden creak from my plate echoed softly.Natigilan ako sa banggit niya no’n dahil hindi ko alam na fully acquainted pala sila ni Daddy at Mommy sa pamilya nila. I’ve never heard of them, not until Timothy married my mom.“I… I was here before?” tanong ko.Naguguluhan, pinaglipat-lipat ko ang tingin sa matanda at kay Timothy.Pilit akong ngumiti. “Kilala niyo po sila Daddy?”Inabot ng matanda ang table napkin at marahang pinunas ang labi bago muling nagsalita. “Of course. We were friends. Hindi ba nabanggit ni Allan sa’yo?”Nagkatitigan lang kami ni Timothy. We never really talked about his personal life sin
Walang gustong maunang magsalita.Nakatayo pa rin kami sa gitna ng kwarto. Ako, hawak ang sariling lakas ng loob na parang anumang oras puwede akong umurong. Siya, nakatayo sa tapat ko, tuwid ang tindig, parang bawat galaw niya ay pinag-isipan bago pa mangyari.Hindi agad siya sumagot.At sa hindi niya pagsagot, mas marami akong narinig.“Justine,” tawag niya sa wakas. “This isn’t the right place for that conversation.”Napangiti ako ng mapait. “Kailan ba naging tamang lugar?” tanong ko. “O tamang oras?”Hindi siya agad tumingin sa akin. Sumulyap muna siya sa bintana, sa malayong dagat na kanina ko pa tinititigan. Parang doon muna niya inilagay ang bigat bago bumalik sa akin.“You shouldn’t have come here like this,” aniya. “Unannounced. Without telling anyone.”“So ngayon mali pa rin?” tanong ko, pilit pinipigil ang boses ko na huwag manginig. “Kahit na ako na ang nag-effort?”“Hindi ko sinabing mali,” ititang sagot niya. “Sinabi kong delikado.”I crossed my arms. “Delikado para kani







