Share

CHAPTER 04

Daisy’s POV

Halos manlumo ako habang tinitignan ang resulta sa tatlong maliit na puting rectangle thing. Two lines. I'm... pregnant. Mahina kong pinalu-palo ang noo ko. Antanga ko, bakit hindi ako nag-ingat? Antanga niya rin, hindi siya nag-ingat! Pero ano bang malay ko na gan'on kabilis mabuntis, isang beses lang naman naming ginawa 'yon.

"Daisy! Ano? May resulta na ba?" narinig ko ang boses ni Leizhe na sumisigaw mula sa labas ng banyo.

Huminga ako nang malalim. Tagaktak ang pawis ko dahil sa kaba. Tumatakbo sa isip ko ang mga katanungan. Paano ko bubuhayin ang batang 'to? Kaya ko ba? Paano ko sasabihin kay Daddy? Ano nalang sasabihin ng iba? Everyone thinks that Eros and I are cousins, kapag nalaman nila ang balita. Paniguradong marami akong maririnig na panghuhusga.

Pinalakas ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto. There, I saw Leizhe and Axel wairing for me. Parehong may pag-aalala sa mga mukha nila. Hindi ako makapagsalita kaya kinagat ko nalang ilalim ng labi ko.

"What?" hindi makaantay na tanong ni Axel.

Pinakita ko ang pregnancy tests sakanila. Pareho silang napasinghap sa nakita. Si Leizhe ay niyakap ako na siyang nagtrigger sa mga luha ko para pumatak. Samantalang si Axel naman ay napasabunot sa sarili niya.

"My God, Daisy! Bakit hindi kayo nag-iingat?" pasigaw niyang tanong.

"Can you lower your voice, Axel! Baka may makarinig pa sa'yo," sabi naman ni Leizhe habang hinahagod ang likod ko. "Surely, Daisy's not ready to tell yet."

Narinig namin ang pagbusina ng sasakyan. Umayos na ako ng tayo at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Inilagay ko na rin sa bulsa ko ang mga pregnancy test, sa school ko na ito itatapon dahil baka makita pa ito rito sa bahay.

"T-tara na," aya ko sakanila.

Hinawakan ni Axel ang braso ko, "Sure kang papasok ka pa? Baka mastress ka sa school."

Suminghap ako at umiling, "Ayos lang ako."

Binuksan ko na ang pinto. Bumungad agad ang lalaking nakasandal ang braso samay hamba ng pinto.

"Kanina pa bumubusina si Mang Gregor," Eros hissed. Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ang mukha ko, "Umiyak ka ba?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya, sahalip ay nilagpasan ko lang siya. Si Axel naman ay patakbo akong hinabol. Inilagay ni Axel ang kamay ko sa hawakan ng hagdan.

"Umalalay ka habang pababa, baka mahulog ka," pangangaral ni Axel.

Kumunot lang ang noo ko, para namang anlaki na ng tiyan ko para mahirapan akong maglakad. Hindi ko nalang din pinansin ang ginawa niya at naglakad na ako papunta sa sasakyan. Bago pa man ako makasakay ay may humila na sa braso.

"May problema ba tayo?" I saw Eros gulped, parang may kung ano siyang kinakatakot.

Umiling lang ako, "W-wala."

Pumasok na ako sa sasakyan. Sumunod siya agad sakin at umupo sa tabi ko na siyang ikinagulat ko, si Leizhe dapat at katabi ko at nasa likod dapat sila ni Axel.

Alam kong wala kaming dapat ipag-alala dahil alam din naman ni Tatay Gregor ang relasyon naming dalawa pero ayoko siyang makita. Naiirita ako sa hilatsa ng mukha niya. Gusto ko kusutin yon gamit sabon na panglaba.

"Ano bang nagawa ko?" natatakot niyang tanong nang maisara na ang pinto ng sasakyan.

Tumingin nalang ako sa labas para hindi ko na siya nakikita pero nakikita ko parin ang reflection niya sa bintana. Nakita ko kung paano niya ipinatong ang noo niya sa balikat ko, naramdaman ko rin ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko.

"Baby..." he weakly whispered. "Tell me what's wrong, please."

Mabilis na umakyat sa ulo ko ang inis dahil sa paulit-ulit niyang pagtatanong.

"Wala nga!" singhal ko sakanya.

Sa ginawa kong pagsigaw ay lahat sila nagulat, napahinto pa sa pagmamaneho si Tatay Gregor, buti ay nasa loob pa kami ng village at walang kasunod na sasakyan. Maski ako ay nagulat, ni hindi ko nga alam na may lakas pala akong loob sumigaw.

"God! Daisy, you startled me!" reklamo ni Leizhe mula sa likod.

Narinig ko ang pag-asik ni Axel, "Wag mo na kasing kulitin, Eros! Normal sa—" napatigil siya bigla at itinuon nalang ulit sa cellphone ang buong atensyon niya.

Nang lingunin ko si Eros ay para siyang batang napagalitan. Gusto ko siyang amuhin pero ayoko talagang nakikita ang mukha niya, hindi ko alam! Naiirita ako sakanya.

Pinagkrus ko nalang ang mga braso ko at umiba ng pwesto ng upo. Naramdaman kong may nahulog mula sa bulsa ng palda ko. Bago ko pa maibalik iyon sa bulsa ko ay napatingin na r'on si Eros.

Dadamputin ko na sana yung PT pero bigla niya iyong kinuha. "Ano 'to?" tanong niya habang itinataas ang hawak niya.

"Tol mukha ba yang calculator?" pabalang na sabi ni Axel.

"Bullshit Axel! Shut up," si Eros naman ang sumigaw na siyang nagpatigil nanaman kay Tatay Gregor sa pag mamaneho.

"Ano ba kayong mga bata kayo? Sigaw kayo nang sigaw!" bulyaw ni Tatay Gregor.

Dahil sa mga sigaw nilang dalawa ay mabilis na tumulo ang mga luha ko. Tumingin nalang ulit ako sa labas ng sasakyan. I pursed my lips to stop myself from making a sound while sobbing.

"Ayan! You made Daisy cry tuloy!" Leizhe sneered.

Bumuga ng hangin si Eros sabay hawak sa kamay ko. "Okay, sorry baby," he sighed. Lumapit siya sakin at pilit akong hinila palapit sakanya, "Why didn't you tell me earlier?"

"Kasi kasalanan mo!" I cried. "Hindi ka kasi nag-ingat! Hindi ka manlang gumamit ng protection!"

Mali na sisihin ko siya, ako naman ang nag-aya in the first place at pareho naming ginusto yon pero basta! Gusto kong gumawa ng dahilan para masabi ko lang na galit ako sakanya.

"Sorry," he uttered in my ears. "What do you want to do now, baby? It's your body, it's your choice. If you want to..."

"No!" maagap ko sabi dahil alam ko na ang patutunguhan ng sasabihin niya. "Gusto kong ituloy, nag-aalala lang ako kay Dad."

Eros kissed my shoulder then he rubbed his nose on it. "I'll do anything, everything," he soothed.

"Naku! Kapag nalaman yan ni Mayor, lagot kayong dalawa! Lalo ka na Eros, pinag-iinitan ka na nga ay binuntis mo pa ang unica-ija ng Strauss," tila pangaral ni Tatay Gregor samin. Tinignan niya kami sa rear mirror, "Tinago ko ang relasyon niyo dahil akala ko mapagkakatiwalaan ko kayo pero naging mapusok kayo. Paniguradong pati ako mapapagalitan."

Napayuko nalang ako sa pangaral ni Tatay Gregor. "Hindi niyo naman po kailangan madamay."

"Damay na ko simula nang kinunsinti ko kayong dalawa," ani Tatay Gregor. "Pero kayo ang hahayaan kong magsabi sa magulang niyo ng totoo."

Itinago ko ang ngiti nabuo sa labi ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Tatay Gregor. Palagi niya akong tinutulungan, not in the matter na kinukunsinti niya ako actually. He helps when I needed it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status