Share

Chapter 05

I was busy tapping my fingers on the table while Jester was busy doing his plate beside me. I’m still thinking about how would my father react after kong sabihin sakanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. I don’t think matutuwa si Dad kapag nalaman niya na, especially after Kuya chose to follow his dream to be a police officer and have no interest in continuing the legacy of the family in being a public servant; maski nga sa kumpanya na itinayo ni Lolo ay walang interes si Kuya.

“This is your carbonara, Princess.” Inilapag ni Axel ang isang plato ng carbonara sa ibabaw ng lamesa ko, mula sa tray niya ay nilapag niya pa nang maingat ang isang bukas nang coke. “And your drink at your service.”

“Don’t drink that,” agap ni Jester pero hindi parin naman naalis sa papel niya ang kanyang atensyon. “Until we talk to an ob, you won’t have any foods or drink with unhealthy substance; that might affect the baby.”

I heard Axel scoffed as he sat down beside me, “The future daddy’s so strict.”

Awtomatikong gumalaw ang braso ko para sikuhin si Axel at napalinga pa ako kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Baka mamaya ay may nakarinig sakanya eh. “You shut your mouth!” I whispered.

Hinawakan niya ang isang dulo ng labi niya at ipinadulas niya iyon patungo sa kabilang dulo ng labi niya. Nagkibit-balikat pa siya at kinain nalang ang nasa tray niyang burger at fries.

Habang sumusubo na ako ng carbonara ay saglit akong napasilip sa ginagawa ni Jester. It was a one story simple house, mukhang maliit pero maganda naman ang layout kahit wala pang design.

“I like that design,” I commented as I was munching my food.

"This is my dream house for us," saad niya saka niya ako tinignan nang may ngiti sa labi niya. “For our future family.”

I couldn’t stop myself from smiling. I could feel my face heating up as I looked at his eyes. His eyes are too chocolate; I can see his lenses growing while his eyes are narrowing due to his big smile.

“Anglandi!” pasaring ni Axel. Tumayo pa siya nang dala ang pagkain niya saka umalis.

Pareho kaming natawa ni Eros habang tinitignan umalis si Axel. Napailing nalang si Eros at bumalik na sa paggawa ng plate niya.

"Bibili lang ako ng pagkain," paalam ko.

Tumayo agad ako nang makita kong tumango na si Eros bilang pagpayag. Palapit palang sana ako sa tindahan nang may lalaking humarang sa daraanan ko. Nakahawak ang dalawang mga kamay niya sa isang gallon ng ice cream at inaabot iyon sakin. Chocolate flavor iyon with nuts.

"Ice cream?" alok sakin ni Paul.

“Thanks!” I smiled.

Kukunin ko na sana ang ice cream nang ilayo niya sakin ang ice cream saka inilahad ang palad niya, “One-fifty ‘to, kailangan ko ng pang-tuition noh.”

Napairap nalang ako at dinukot ang wallet ko sa bulsa ko. Nang iangat ko ang kamay ko ay may naramdaman akong nalaglag, napalingon ako roon at nakitang yung pregnancy test pala ang nahulog. Agad naman akong umupo para damputin iyon at ibalik sa bulsa ko. Pagkatayo ko ay nakita kong nakatingin a si Paul sa kinaroroonan ng kamay ko na sa ngayon ay dahan-dahan ko nang inilalabas sa bulsa ko.

"B-biro lang.” Kinuha ni Paul ang isang kamay ko at pinatong doon yung gallon ng ice cream. “Libre talaga yan! Sige na Daisy, bye! May recital pa ako eh.”

Nagmamadaling tumakbo paalis si Paul, halos madapa-dapa pa. Kumunot ang noo ko sa ikinilos ni Paul. Anggulo naman ng lalaking yon.

Dahil may ice cream na naman ako ay bumalik na ako sa table namin. Malayo pa nga ako ay tanaw ko na si Eros na pinanood akong maglakad patungo sakanya. Deretso ang tingin niya sakin pero seryoso, may kaunti pang pagkunot sa noo niya.

“Why are you looking at me like that?” nagtatakang tanong ko; kunot ang noo ko nang makalapit na ako sakanya.

“Bakit hindi mo inubos ‘tong pagkain mo?” taas-kilay rin siyang nagtanong.

Ngumuso ako at umupo na ulit, “Ayoko na niyan e.”

Narinig ko ang pag-asik niya. Padabog niyang kinuha ang plato ng carbonara at siya na ang kumain. Napapasipa naman ako sa hangin habang inuumpisahan ko nang kumain ng ice cream. Gosh, I usually eat strawberry ice cream but right now, I appreciate this ice cream. Kakasipa ko ay hindi ko namalayang nasipa ko pala ang binti ni Jester na agad niya namang idinaing.

"Sorry!"

Umasik ulit si Jester at tinusok-tusok ang carbonara gamit yung tinidor, "Sarap na sarap kasi sa pagkain, masarap siguro talaga pag libre ng iba."

I tilted my head as I looked at him, "Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Kaya naman kitang bilhan ng ice cream, kung gusto mo mas marami pa diyan! Bakit ka pa nagpabili sa iba?" Inirapan niya nalang ako at pagalit na sumubo ng carbonara.

Napangiti ako ulit nang malaki kasunod ng marahan kong paghagikgik. Nilingon ko ang paligid kung may nakatingin ba samin at nakasiguradong wala ay saka ako bumulong ng, "Nagseselos ka kay Paul?"

"No!" agad niyang pagdedeny. “Mas gwapo ako roon, mas mayaman, mas maporma, at higit sa lahat…” He looked around the way I did earlier then he whispered, “I’m the father of that baby inside of you.”

Napalo ko ang balikat niya nang malakas habang siya naman ay humagalpak ng tawa. Mabuti at medyo malayo kami sa mga schoolmates namin kundi ay baka may makarinig samin!

“Bunganga mo tala…”

Naramdaman ko ang pag-angat ng mga kinain ko sa sikmura ko. Binitawan ko ang kutsara ng ice cream ko saka ako agad tumayo. Patakbo kong tinungo ang banyo, saktong may nagbukas ng cubicle kaya di na ako nagsayang ng oras at doon na pumasok para sumuka.

“Hey, are you okay?” I heard a soft voice from behind me. She tapped my back then she held my hair. “Are you alright, Daisy?”

Nang matapos akong sumuka ay tinulungan niya pa akong tumayo. Marahan kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Si Celine pala ito.

“Are you okay, are you sick?” she asked softly.

“No, I’m fine, thank you,” I answered.

Pumunta ako sa lababo para maghilamos. Habang naghihilamos ako ay naramdaman ko ang pag lapit sakin nung babae, narinig ko rin ang pagbukas ng kabilang gripo.

“I envy you; I can't wash my face anywhere. Mabubura ang kilay ko," patawa-tawang sabi niya.

Tumayo na ako nang deretso. Tinignan ko siya sa repleksyon niya. Inaamin ko na kung pagbabasehan ang standard ng ibang tao ay hindi nga siya masasabing attractive. Her nose is kind of flat and she has scars on her cheeks but my sight is locked on her eyes, it looks so innocent yet intimidating, parang singkit pero medyo pabilog.

“You’re pretty,” I complimented.

Nginitian ko nalang siya bago ako lumabas ng banyo. Paglabas ko palang ay napansin ko nang maraming napapatingin sakin. Wala na sa table namin si Eros kaya umalis na rin ako sa cafeteria. Papunta sana ako sa locker room pero habang nasa hallway ako ay may sumusunod parin sakin ng tingin.

“Gosh, she really have guts to be here?” bulong ng isang babae.

Unti-unti na akong nakaramdam ng hiya. Palapit na ako samay bulletin board nang makit ko na andaming nagkukumpulan doon. Iba-iba pa ang mga sinasabi nila kaya medyo magulo.

“Here she is.” A girl smirked then she looked at me from my head to toe, “The talk of the town.”

A man from behind the girl smirked then said, "Kaya naman pala ayaw magpahawak sa iba, pinsan ang gusto."

“Who the hell did this?” I heard Eros raging yelled, “Who?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status