Share

Kabanata 2

Nakarating kami sa isang penthouse na pagmamay-a*i ni Mamang Albert. Exclusive penthouse ito na hindi na niya nagagamit dahil sa resident citizen na siya sa State at malimit na lamang bumalik rito. Moderno ang disenyo ng penthouse at talagang kay ganda.

[“Dapat hindi mo na sinama si Thalia d’yan sa Pilipinas.”]

“Okay lang Mamang. Tsaka alam mong hindi rin papayag itong si Thalia na malayo sa akin.” sagot ko habang pinagmamasdan si Thalia na naglalaro ng kanyang laruan.

[“Felize, kahit na. Alam mong hindi lang trabaho ang gagawin mo.”]

“Alam ko Mamang pero handa na akong ipaglaban ang dalawa kong anak. Babalik ako d’yan na kasama silang dalawa.”

“Mamang, I’m here so you don’t have to be scared about them. I’ll protect them.” napatingin ako kay Kobe na nasa tabi ko lang din.

Siya ang sumundo sa amin sa airport. Kilala ko si Kobe simula noong napadpad ako sa yate, dalawa sila ni Mamang Albert na nandoon noong araw na iyon. Si Kobe ay pamangkin ni Mamang Albert. Pero kakalabas niya lang galing sa two-years service niya bilang Navy sa States. Nauna siya bumalik dito para sa isang joint service na ginanap sa Pilipinas.

“Tutulungan ko siyang mabawi ang anak niya Mamang. Mababawi namin ni Felize ang kambal ni Thalia” dugtong pa ni Kobe.

Mas lumakas ang loob ko na makukuha ko ang anak ko dahil may mga taong handa akong tulungan. Alam kong hindi ako nag-iisa.

*****

Matagal ko ng pangarap ang makapunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin. Sa lugar kung saan masasabi kong panibagong panimula ng buhay ko. Na paglipat sa kabilang pahina, bagong ako naman ang makikita. Bagong pangyayari ang aking tatanawin para sa bago kong buhay. 

Ngunit hindi ko alam kung anong gagawin para makamtan ang ganoon. Hindi ko rin alam kung bakit ko nga ba hinihiling ang na mangyari ‘yon dati. Minsan gigising ka na lang na tila gusto mong i-restart ang buhay mo. Kung pwede lang na gaano kadali malamang matagal ko ng sinimulan. 

Pero kahit nagawa kong makapunta sa lugar na walang nakakakilala sa akin at nagsimula ng panibagong buhay ay hindi pa rin ako masaya.

Napakabilis ng apat na taon pero ang sakit ay parang kahapon lang. They say time will heal the wounds of the past. Pero naman sa akin nangyari iyon, habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang sugat ng kahapon. Hanggang hindi ko nababawi ang anak ko, hindi ako papatulugin ng konsensya ko. Mababaliw ako sa lalim ng sugat na iniwan nila sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang malaman mula kay Kobe na nagpakasal si Noelle at Valerio at namumuhay bilang isang pamilya. Habang ako dito ay durog na durog ang puso dahil sa pagkawalay sa aking anak. Nakuha na ni Noelle ang gusto niya at ang habol niya na makuha ang kayamanan ni Valerio, siguro naman papayag siyang ibalik na sa akin ang anak ko.

Kasal na siya at baka nga may anak na rin sila. Imposibleng sa loob ng apat na taon ay hindi pa sila nagkakaanak. Hindi ko hahayaang patuloy na gawin ni Noelle ang gusto niya.

Nalaman na nga namin ang tungkol sa buhay ni Valerio at Noelle kasama ang anak ko. Nagpapasalamat ako dahil sa mabuti naman ang kalagayan ng anak ko at maayos ang trato sa kanya. Pero mas lalong nagsisikip ang d****b ko nang ipakita sa akin ni Kobe ang picture ng dalawa kasama ang anak ko sa isang event.

Ako dapat iyong kasama, hindi si Noelle.

Pero may malaki kaming problema, sinabi pa sa akin ni Kobe na nasa bakasyon daw si Noelle at wala sa Pilipinas. Hindi pa namin sigurado kung kasama nga ba ang anak ko sa pag-alis ni Noelle sa Pilipinas. 

“Ganoon ba…” sinulyapan ako ni Kobe sabay kamot sa ulo. Kahit hindi pa siya nagsasalita mukhang bad news pa rin ang sasabihin niya. “Okay, salamat. Kapag may balita ka sabihan mo ako kaagad.”

Laglag ang balikat ko bago umupo sa sofa at napahilamos ng mukha. 

“Sorry wala pa ring balita,”

Napatango ako sa sinabi ng hindi siya tinitignan. 

*****

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong bumalik kami dito pero wala pa rin kaming balita. May mga post sa social media si Noelle at Tita Barbara sa mga paggagala nila pero hindi naman kasama ang anak ko doon. Kaya mas lalo akong natatakot at kinakabahan kung nasaan ang anak ko.

“Tito Kobe, why is mama sad?”

Kobe smiled at him. “May iniisip lang ang mama mo. Don’t worry too much.”

“It’s about po ba sa kambal ko?” tanong pa ni Thalia.

Napaangat ako ng tingin kay Thalia at ngumiti. “Come here anak,” lumapit naman kaagad si Thalia at mahigpit kong niyakap. Kahit paano maiiwasan ang sakit ng puso ko dahil nandito sa akin si Thalia. 

Hindi ko nga lang masagot ang tanong ng anak ko.

“Don’t be sad mama,” ngumiti ako pero naging emosyonal din kaagad dahil sa pag-alo ng anak ko. 

Hindi niya man alam ang dahilan ng pagiging malungkot ko ay nararamdaman niya naman. Dapat hindi ko masyadong ipakita sa anak ko ang pagiging mahina. Ang mga anak ko pinaghuhugutan ko nang lakas.

*****

Hindi ako mapakali kakahintay ngayon dito sa sasakyan. Hinawakan ni Kobe ang hita ko para mapigilan ito sa pag kusang paggalaw dahil sa pagkainip ko. 

“Relax,”

I sighed. “Hindi ko maisip na mag relax ngayon,” pag-amin ko.

Hindi ko maisip na magrelax lalo pa’t hinihintay namin ang dahilan kung bakit ako nabuntis. Napag-alaman ni Kobe na pupunta si Valerio sa probinsya. Hindi naman namin alam ang buong detalye pero nandito kami para abangan siya at alamin kung totoo nga.

Nasa isang private lot kami. Medyo may kalayuan kami sa helicopter pero kita pa rin naman kung sino ang papasok at lalabas. Sa tulong ng koneksyon ni Kobe nakapasok kami ng walang problema. Kung ako lang ang nandito malamang nahirapan ako.

“Ngayon ka lang ba nakarating dito Felize?” 

I nodded my head. “Oo. Hindi ko nga alam ang lugar na ‘to,”

Saglit kaming natahimik habang nag-aabang nang biglang may nakita kaming isang itim na mercedes car.

Humugot ako ng malalim na hininga at labis na kumakabog ang puso ko na tila lalabas na ito sa d****b ko.

“Ayan na,” pagkompirma pa ni Kobe.

Matalim ang tingin ko sa galaw ng sasakyan at huminto ito malapit sa amin. Parang nahugot ko ang hininga ko nang makita kung sino ang bumaba sa sasakyang iyon. Naka-suit pa siya na kulay midnight blue halatang galing sa trabaho niya. Halos hindi ko siya mamukaan kung hindi lang tumatak sa utak ko ang itsura niya noong gabing iyon. Marami ang nagbago sa kanya lalo na ang pangangatawan niya. 

Apat na taon… sobrang laki ng nawala kong panahon para sa anak ko.

May kausap siya sa phone habang nakatayo siya sa tapat ng sasakyan niya. Natulala ako kung paano kaganda ang ngiti habang may kausap. Napaisip ako kung sino kaya ang kausap niya, ang anak ko ba o si Noelle? Biglang sumagi sa utak ko ang saglit na senaryo noong banggitin niya ang pangalan ni Noelle. Tila may kumikirot sa puso ko. Hindi kasama ni Valerio ang isa niyang anak kaya naisip ko na malamang kung saan siya pupunta ngayon ay nandoon ang anak ko.

Nang matapos ito sa kausap niya ay sumakay na ito sa helicopter. Naiwan akong nakatulala hanggang sa mawala na ang helicopter. Gusto kong bumaba at sugurin si Valerio pero hindi ko magawa dahil mag padalos-dalos ako sa kilos at baka imbes na makuha ko ang isa kong anak ay mas lalo pang mapalayo. 

Nakapaghintay na ako ng apat na taon, hindi naman masama kung magtiis pa ako ng konti para sa anak ko.

“That’s Valerio Jones Herbosa,” pagbasag ni Kobe sa katahimikan.

Tumango ako. “Alam ko,” nilingon ko siya. “Hinding-hindi ko siya makakalimutan.”

Kahit nga ata sa panaginip ko ay nandoon siya. 

“Kapag… kapag nakuha natin ang anak mo, makikipag-” 

Nahihirapan siyang magtanong kaya pinutol ko na siya sa sasabihin niya. “Kung iniisip mong makikipagrelasyon ako kay Valerio, nagkakamali ka Kobe. Hindi ako nandito para sa kanya, nandito ako para sa anak ko.” mariin kong sabi.

Seryoso siya ng tumango. “Good to hear. He doesn’t deserve you. At hindi mo siya kailangan. Nandito ako - kami ni Mamang para suportahan ka at ng anak mo.”

Nakangiti akong tumango kay Kobe.

Yeah… he’s right. Hindi niya ako deserve at lalong hindi ko siya kailangan. Kailangan ko lang makuha ang anak ko tulad ng plano ko at pagkatapos ay babalik na ulit sa State kung nasaan si Mamang Albert para mamuhay ng maayos at normal malayo sa mga taong sumira sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng isang Valerio sa buhay ko para maging masaya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status