CHAPTER 102.2Samantala naman sa mansyon ng pamilya Bustamante ay nakatanggap ng balita si David mula sa kanyang mga tauhan. At talaga namang nagalit si David sa ibinalita ng kanyang mga tauhan dahil hindi nga nakuha ng mga ito ang mga dokumento na hawak ni Raymond.“Tsk. Talaga ngang kakaiba itong si Raymond dahil may mga bodyguard pa talaga siya kaya hindi nakuha ng mga tauhan ko ang mga dokumento na iyon,” sabi ni David habang nakakuyom nga ang kanyang kamao matapos niyang makausap ang kanyang mga tauhan. Habang naghihintay si David sa paliwanag ng kanyang mga tauhan ay nakita nga nya ang trending research sa internet.[ Auction of the Manuscript of Theresa Flores ]Ang balita na iyon sa internet ay agad ngang kumalat at nag umpisa na nga na magkagulo ang mga tao na nais na makuha iyon.Matapos mailabas ang balita na iyon ay hindi lamang mga tao sa mga mataas na uri sa syudad ang nakaalam ng tungkol doon kundi pati na rin ilang mga banyagang siyentipiko na gusto rin makuha ang man
CHAPTER 103Wala namang emosyon ang mata ni Sophia habang tahimik nyang tinitingnan ang lalaking nakalugmok sa lupa.Kinuha naman ni Sophia ang kanyang cellphone at saka nga nya idinial ang number ni Harold at ng sagutin na nga nito ang kanyang tawag ay may sinabi lamang sya saglit dito at agad na nga rin niyang pinutol ang kanilang tawag. Pagkatapos nga nilang mag usap na dalawa ay malamig naman niyang tiningnan muli ang lalaking driver na si Emman Salvador.Patuloy naman sa pagsigaw at pagmumura ang lalaking driver na iyon habang nanatili nga itong nakatali ang kamay at paa.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang magsalita,” sabi ni Sophia kay Emman at saka sya mahinang tumawa rito. “Mayroon akong dinidevelop na bagong modelo ng sasakyan. At hindi pa iyon naisasailalim sa testing kaya naman inaasahan kong aabutin pa ng ilang taon bago ito opisyal na mailabas sa merkado,” sabi pa ni Sophia at sandali pa nga siyang tumigil sa kanyang pagsasalita at saka nga nya seryosong tiningn
CHAPTER 103.2“Sophia ang bilis na ng sasakyan. Tama na yan,” sabi ni Louie habang nanatiling matalim ang tingin niya sa rumaragasang sasakyan at napakunot na lamang talaga ang kanyang noo dahil sa labis na pagaalala.Ngunit imbis na mag alala si Sophia ay nagyuko nga siyang kanyang ulo habang tinitingnan ang remote control.“Anong mabilis? Kung talaga ngang sira ang sasakyan na ito ay ganyan talaga ang magiging bilis nito,” malamig na sagot ni Sophia kay Louie. “At ngayon naman ay kailangan nating subukan kung gaano ito katibay kapag nabangga,” dagdag pa ni Sophia.Pinaharurot naman lalo ni Sophia ang sasakyan kung saan nga nakasakay si Emman at diretsong isinalpok nya ito sa pader.“Sophia tama na sabi yan,” saway ni Louie kay Sophia at ramdam na rin kasi niya na tuluyan ng nawalan sa katinuan si Sophia.Hindi naman pinansin ni Sophia ang sinabi na iyon ni Louie. At muli nga ay pinagalaw niya ang sasakyan at ilang saglit lamang nga ay lalo pa nga itong bumilis.Bigla namang nangilab
CHAPTER 104“Hindi pa ito sapat,” sabi ni Sophia habang nakakuyom nga ang kanyang kamao at saka nya nga ulit kinuha ang remote control at muli nga ay pinaandar niya ulit ang sasakyan na iyon sa track.“Tama na! Pakawalan mo na ako. Parang awa mo na,” nanginginig sa takot na sigaw ni Emman.Paranamnag walang naririnig si Sophia at nanatili pa nga rin na walang emosyon ang kanyang mukha.“Sophia tama na yan,” saway ni Louie kay Sophia at saka nya nga ito hinawakan sa pulso at pilit na pinapaklama.Mariin naman na hinawakan ni Sophia ang remote control ng sasakyan na iyon.“Hindi pa iyon sapat,” sabi ni Sophia at ang kanyang boses ay nanatili nga na malamig. “Kung nagawa nyang gawin ang ganitong bagay ay ibig sabihin lang no’n ay wala syang pakialam sa buhay ni Raymond. Kaya bakit ko naman sya kaaawaan ngayon?” mariin pa na sabi ni Sophia.Tumingin naman si Sophia sa gawi kung nasaan ang sasakyan at pinagmasdan nga niya ang takot na takot na mukha ni Emman. Paulit ulit nga niyang pinindo
CHAPTER 104.2“Ms. Sophia ito po ba ang bagong sasakyan na inyong dinivelop?” tanong ng assistant ni Raymond kay Sophia at hindi nga nito napigilan ang kanyang sarili na pumalakpak dahil talagang namangha siya sa sasakyan na iyon."Ang sasakyan na ito ay dinisenyo lamang upang subukin ang performance nito at kinakailangan pa itong ma-optimize nang maraming beses sa hinaharap," sagot ni Sophia rito at saka nga sya dahan dahan na naglakad palapit sa sasakyan na iyon na halos mawasak na nga.“Emman anong pakiramdam mo ngayon?” tanong ni Sophia habang tinitingnan nga niya si Emman na may umaagos na dugo mula sa noo nito.Bigla namang pinanghinaan ng loob si Emman at agad nga ito na nagkubli na parang bata dahil totoong takot na takot nga ito ngayon.Ang dahilan kasi ni Emman sa walang habas na pag atake kay Raymond ay dahil na rin sa mayroon nga siyang malubhang sakit at alam niya na hindi na nga siya magtatagal kaya naman nagdesisyon siya na saktan si Raymond ng walang pag aalinlangan.
CHAPTER 105Pagkatapos na magsalita ni Sophia ay agad na nga rin siyang sumakay sa sasakyan ni Louie. Agad naman din na sumunod si Louie kay Sophia habang hindi nya inaalis ang tingin nya rito.Nang maisara na ang bintana ng sasakyan ay tanging sila na lamang na dalawa ang natira sa loob ng sasakyan ni Louie.“Phia napakalupit mo,” mahinahong sabi ni Louie kay Sophia habnag dahan dahan na niyang pinapaandar ang sasakyan.Hindi naman na nagsalita pa si Sophia. Alam na rin naman ni Louie kung saan nga pupunta si Sophia dahil alam nya na sa ospital ito pupunta para dalawin si Raymond.Nanatili naman na walang imik si Sophia at saka nga niyahinawakan ang hibla ng kanyang buhok na nasa noo niya. Bigla tuloy nyang naalala si Raymond dahil kapag kasama nga nya ito ay palagi nga nitong inaayos ang buhok ni Sophia at hinahaplos nga ito ng dahan dahan.Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ni Sophia. Naalala na naman kasi niya ang imahe ni Raymond na nakahandusay habang duguan ito at may kirot siy
Tiningnan naman ni Sophia si Raymond at nagtagpo nga ang kanilang mga mata at nakita nga ni Sophia na bahagya nga na nakangiti ang binata.“Raymond gusto mo na naman akong bitagin,” sabi ni Sophia sa binata.Kanina pa kasi gising si Raymond pero sa halip na alalahanin nga nito ang kanyang sarili ay ang una nga na sinabi nito sa kanya ay ang tungkol sa mga impormasyon na iyon ng kanyang ina na si Theresa na wala nga raw ibang makakuha no’n.Mahina naman na natawa si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia at kahit nga namumutla nga ito ay nagawa pa talaga nito tumawa.Ngunit bago pa man makapagsalita si Raymond ay hinawakan nga ni Sophia ang kanyang mukha at saka nito dinampian ng magaan na halik ang labi ng binata.Nagulat naman si Raymond sa ginawa na iyon ni Sophia at katahimikan nga ang namayani sa kanila roon.Medyo nalalasahan pa nga ni Sophia ang dugo mula sa labi ni Raymond at kasabay nga no’n ay ang malkas na amoy ng gamot mula sa katawan ng binata.“Sophia hindi pa nawawala
CHAPTER 106Sa kabila ng kondisyon ni Raymond na iyon ay nagawa pa rin talaga nito na magbiro ng ganon.Napatingin naman si Louie kay Sophia at may bahid ng pagkadismaya ang tingin nya rito.“Phia pakibantayan naman ang lalaki mo,” sabi ni Louie kay Sophia.Bigla namang nag vibrate ang cellphone ni Raymond at nakita nga niya na may pinadalang mensahe ang kanyang assistant kaya naman agad nya iyong binuksan at binasa.[ Ang manuscript ni Theresa tungkol sa holography ay isusubasta na sa susunod na tatlong araw.]Pagkabasa ni Raymond ng mensahe ng kanyang assistant ay dahan dahan nga siya na nagtaas ng kanyang tingin kay Sophia.“Ibebenta mo ang manuscript ng iyong ina?” tanong ni Raymond kay Sophia.Hindi naman na nagulat si Sophia sa sinabi na iyon ni Raymond. Alam naman nya kasi na ang assistant nito ang nagsabi rito ng tungkol sa bagay na iyon dahil alam naman nya na tapat nga iyon kay Raymond kaya hindi nya talaga ito maitatago kay Raymond.“Ang manuscript na iyon ay magdadala lama
“Kung ang tinutukoy mo ay ang itsura mo ang masasabi ko lang ay…. napakaganda mo,” papuri nga na sagot ni Joseph.Agad naman nga na napakunot ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot na iyon ni Joseph.“Salamat, pero alam ko naman na iyan. At hindi iyan ang tinatanong ko,” sagot naman ni Sophia.“Eh ano ba ang gusto mong isagot ko?” tanong na nga ni Joseph habang lumapit pa nga siya lalo kay Sophia at may nakakaloko nga na ngiti sa kanyang labi.Napailing na lamang nga si Sophia dahil sa inasta na iyon ni Joseph. Alam naman niya na nagkukunwari lang nga ito. Alam niya na alam ni Joseph kung anong usapan ang tinutukoy niya at obvious naman na nagpapalusot nga lang ito.Pinipigilan naman nga ni Francis ang galit na namumuo sa kanyang dibdib habang nakatingin kina Sophia at Joseph. Habang si Sophia naman nga ay nanatili pa rin nga na kalmado.“Tinutupad ba ni Mr. Joseph ang kanyang mga salita?” tanong na nga ni Sophia.Napataas naman nga ang kilay ni Joseph habang may ngiti sa kanyang lab
Dati nga ang tingin ni Harley kay Sophia ay isang babaeng tuso na handa sa kahit na anong kapalit para lang makaakyat sa mataas na posisyon. Pero ngayon nga ay ibang iba na ang pananaw niya rito.Nalaman nga niya ngayon na si Sophia ay isang babae na walang inuurungan, walang takot at handang lumaban sa lahat ng paraan. Bigla ngang kinilabutan si Harley dahil hindi nga ito isang laruan at hindi rin nga ito isang babae lang na ginagawang pampalipas oras. Isa nga itong tunay na desperada at oras na lumakas pa nga ito ay sigurong kaya nga nitong kagatin pabalik ang sinumang tumapak sa kanya.“Ang tanga ko. Anong lakas ng loob ko na maglaro sa ganitong klaseng tao?” bulong pa nga ni Harley sa kanyang sarili.Pinunasan nga ni Harley ang kanyang mukha, tumayo nga siya ng dahan-dahan at saka nga siy lumapit sa sasakyan kung saan naroon si Sophia.Bumaba naman na nga si Sophia mula sa kotse na iyon.“Ms. Sophia,” mahinang tawag nga ni Harley mula sa likuran. “Kung may nasabi man akong hindi
CHAPTER 235“Sophia, inuutusan kita na magpreno ka na kaagad. Sophia, naririnig mo ba ako? Ang sabi ko ay magpreno ka na,” pasigaw ng na utos ni Francis kay Sophia at halos mawalan na nga siya ng boses dahil sa kakasigaw niya.“Tumahimik ka,” isang malamig at kalmadong boses nga ang sumagot kay Francis mula sa intercom ni Joseph.Bigla naman ngang nanigas ang katawan ni Francis. At hindi nga siya makapaniwala sa kanyang narinig.Samantalang si Joseph naman nga ay biglang napatawa nang malakas dahil doon. Talaga ngang anak ni Theresa si Sophia. At napaka interesante nga talaga ng babae na iyon at talaga ngang kakaiba siya sa lahat ng nakilala niya.Habang nangyayari nga ang lahat ng iyon ay bigla ngang huminto ang sasakyan na gamit ni Harley na may kasamang malakas na tunog ng preno. Sa kabilang banda naman nga si Sophia ay walang pag-aalinlangan na ibangga ang sasakyan na gamit niya sa pader. At lahat nga ng mga opisyal ng kumpanya na dumating ay nag iwas ng tingin nila roon. Dahil h
“Pindutin ang silinyador. Huwag itong bibitawan,” utos pa nga niya.Sa screen naman nga ay makikitang madiin ang apak ni Sophia sa gas pedal ang kanya ngang maitim na mga mata ay nakatuon lamang sa pader na palapit na ng palapit.Wala man lang ngang bakas ng emosyon sa kanyang mukha at para bang isa lang itong simpleng misyon na kailangan niyang tapusin.Habang si Harley naman nga ay tuluyan ng sumuko“Mr. Joseph, kapag binilisan ko pa ay baka mamatay na ako. Pader na yan at mababangga ako sa pader na iyan. Ayoko na. Kung sino man ang gustong maging vice president ng Villamayor Group ay ibigay mo na sa kanya. Hindi ako para rito,” sabi nga ni Harley.At pagkasabi nga ni Harley noon ay isang malakas na tunog nga ang narinig sa buong track. At yun nga ang tunog ng biglaang pag-apak ni Harley sa kanyang preno.Kumiskis nga ang gulong nito sa semento at naglabas nga ito ng maitim na usok pero patuloy pa rin nga sa pag-andar ang kotse at halatang nawalan na nga ito ng kontrol.Sa sobrang t
Nang marinig nga niya ang utos na pabilisin ang takbo at dumiretso sa pader ay ni hindi man lang nga siya nagtanong o nag-alinlangan man lang.Bilang isang researcher ay alam niyang hindi siya dapat panghinaan ng loob sa ganitong kritikal na sandali. Kaya naman tahimik at kalmado niyang ginawa ang bawat utos nito.Samantala naman, kabaliktaran naman nga si Harley. May mga butil na nga ng pawis sa kanyang noo at bagama’t nakaapak na sa accelerator ang dulo ng kanyang sapatos ay hindi nga niya ito tuluyang maidiin. At sa halip nga ay nag-alinlangan pa siyang pumindot sa preno.“Two hundred meters na banggaan sa bilis? Hindi ko ayang itigil sa pinaka-kritikal na oras ito. Mr. Joseph, sigurado ka bang gusto mong gawin ko ito?” nanginginig at halos mawalan na nga ng lakas ng boses si Harley habang humihingal.“Alalahanin mo kung bakit ka nandito. Ituloy mo lang, bilisan mo pa at huwag ang titigil,” malamig nga na utos ni Joseph.Tumingala nga siya sa malapad na screen ngunit tila ba hindi
CHAPTER 234Sa race track naman nga ang dalawang sasakyan na mabilis na humaharurot ay animo’y mga palasong pinakawalan mula sa pana. At kapag nga hindi nakasabay ang driver ng mga ito sa bilis ay tiyak na may aksidenteng mangyayari.“Nagpapatulong lang ako sa kanila para subukan ang performance ng intelligent driving system. Hindi ba at nakakatuwa silang panuorin, Mr. Francis?” nakangiti pa nga na sagot ni Joseph habang nanatili nga na nakatutok ang kanyang mga mata sa mga kotse.Alam na alam nga ni Joseph ang nakaraan nina Francis at Sophia, at halata nga na may bahid ng panunukso ang tono ng kanyang pananalita.“Ginamit mo Si Sophia para sa performance test ng intelligent driving system? Nasisiraan ka na ba ng bait?” singhal ng ni Francis. “Pahintuin mo ang sinasakyan niya. Ako na lang ang gagawa niyan,” mariin pa nga na sabi niya.Bahagya naman nga na napataas ang kilay ni Joseph dahil sa kanyang narinig at malamig nga niyang sinulyapan si Francis. Bahagya rin nga siyang napangisi
“Sayang naman ang utak mo, Ms. Sophia. Ginamit mo lang iyan sa paghabol sa pera,” sabi pa ni Joseph sa dalaga at tinuro pa nga niya ang sarili niyang sentido na para bang tinutukoy nga nito ay ang kanilang pagkakapareho. “Dapat ay pareho tayo,” dagdag pa nga niya.Tahimik ngunit malamig naman ngaang titig na ipinukol ni Sophia kay Joseph.“Lahat ng research na iyan ay kailangan ng pondo. Binabastos mo ang mga negosyante pero gusto mo rin ng investment mula sa kanila. Hindi ba at magka-kontra iyon, Mr. Joseph?” sagot naman nga ni Sophia.Napangisi naman nga si Joseph habna hindi nga niya inaalis ang pagkakatitig niya kay Sophia.“Hindi mo pa ako napapabilib. Kaya wala akong interes na makipag diskusyon pa,” sagot naman ni Joseph at saka nga nya itinuro ang kotse sa hindi kalayuan. “Ang mas mabuti pa ay tulungan nyo akong subukan ang bagong kotse,” dagdag pa nga niya.Dahil naman nga sa sinabi na iyon ni Joseph ay bigla ngang namutla si Harley. Ngayon lang nga niya tuluyang naintindihan
CHAPTER 233Lumapit nga si Sophia ng ilang hakbang kay Joseph.“Sabihin mo lang ang lahat ng dapat naming gawin para matugunan lang ang gusto mo,” mahinahon pa nga na sabi ni Sophia.Bagamat handang handa na nga siyang sumunod sa anumang hiling nito ang tono nga ng kanyang pananalita ay may bahid nga ng lamig na para bang gusto na lang niyang paalisin si Joseph sa harap nila.Bumuntong hininga naman nga si Harley at saka nga siya pilit na ngumiti.“Tama. Tama nga si Ms. Sophia. Handa kaming ibigay ang lahat ng kailangan mo,” sabat na nga ni Harley.Ngunit ngumiti lamang nga si Joseph at hindi man lang nga niya pinansin ang malamig na tono ni Sophia.“Narinig ko na bihasa raw Ms. Sophia pagdating sa mga sasakyan,” sabi ni Joseph habang puno nga ng panunukso ang kanyang ngiti. “Nagkataon lang na may sarili rin akong kaalaman sa bagay na yan. In-upgrade ko ang isa sa mga modelong gawa ng mga Villamaor. Gusto mo bang subukan?” pagpapatuloy pa nga niya.Hindi lang ito isang paanyaya dahil
Hindi naman kasi talaga nagpunta roon si Sophia para makipag landian. Mas maaga lang talaga siyang dumating dahil gusto niyang ipakita kay Joseph kung ano ang kakayahan niya at hayaan nga itong pumili sa kanya sa tamang dahilan. Hindi niya gusto ang isipin ni joseph na siya ay nagpunta roon para lang sa lalaki.Labis naman ang ginhawa na naramdaman ni Harley nang makita niyang wala talagang balak na magpaiwan si Sophia.Pero bago pa man nga sila makaalis doon ay bigla ngang may nagsalita.“Sandali,” pigil nga ni Joseph sa mga ito.Simula pa nga kanina ay hindi man lang nga nagsasalita si Joseph ngunit ngayon nga ay ngumiti siya at pinigilan nga ang pag-alis ng dalawa.Sabay naman nga na napalingon sina Sophia at Harley kay Joseph.“Sabi ng assistant ko ay may sinasabi ka raw na medyo… interesting,” sabi ni Joseph.Iniabot naman nga muna ni joseph ang hawa niyang remote control sa kanyang assistant at saka nga niya kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Tin