Hindi naman na napigilan pa ni Bianca ang kanyang luha at napahawak na lamang talaga siya sa kanyang pisngi na sinampal ng kanyang ama. “Wag mo akong arte artehan ng ganyan ngayon. Dapat lang sa’yo yan dahil wala kang utak. Walang utang na loob dahil matapos ng lahat ng ginawa ko sa’yo ay ganito pa ang isusukli mo sa akin. Ang lakas pa ng loob mo na pagsalitaan ako ng ganyan samantalang wala ka naman talagang binatbat kay Sophia. Bago mo ako pagsalitaan ng ganyan ay siguraduhin mo muna na may napatunayan ka na sa buhay pero kung ganyan ka lang din naman na palamunin ko ay wag mo akong gaganyanin,” sabi pa ni Nelson at hindi na talaga niya napigilan ang kanyang bibig na pagsalitaan ng hindi maganda si Bianca.Lalo namang naluha si Bianca dahil sa sinabi na iyon ng kanyang ama. Hindi niya akalain na ganito pala talaga ang ugali nito dahil ang buong akala niya ay masama lang ang ugali nito kay Sophia at siya ang paborito nito pero nagkamali pala siya dahil literal pala na masama ang uga
CHAPTER 301Samantala ng mailabas naman si Bianca ng mga guard ni Francis sa bahay ng mga ito ay galit na galit naman ito ng tuluyan na nga siyang bitawan ng dalawang guard na iyon.“Pagsisisihan ninyo ang ginawa ninyo sa akin. Hindi nyo ba ako nakikilala? Magbabayad kayo,” galit na galit na sigaw ni Bianca sa dalawang guard.Hindi naman na nagsalita pa ang dalawang guard na iyon at napapailing na lamang talaga sila at agad na rin silang pumasok sa loob at agad na inilock ang gate.Gigil na gigil naman na naiwang mag isa roon si Bianca at nagpapapadyak pa nga siya dahil sa sobrang inis niya ng sumakay siya ng kanyang sasakyan. Agad na rin naman na pinaandar ni Bianca ang kanyang sasakyan at dumiretso uwi na nga siya sa kanilang bahay.Pagkapasok ni Bianca ay agad na niyang hinanap ang kanyang ama at nakita nga niya ito na prenteng nakaupo sa kanilang garden habang may tinitingnan ito sa kanyang cellphone.“DAD!” sigaw ni Bianca kaya naman agad na napalingon sa kanya ang kanyang ama.
“Babalikan kita Sophia. Tandaan mo yan… babalikan kita. At sa pagbabalik ko ay babawiin ko ang mga dapat ay sa akin. Tandaan mo iyan,” sigaw pa ni Bianca bago siya tuluyang nailabas ng mga guard ni Francis.At nang tuluyan na nga na mailabas si Bianca ng mga guard ay yinakap naman kaagad ni Francis si Sophia dahil alam niya na kahit hindi ito magsalita ay natakot pa rin ito sa biglang pagsulpot ni Bianca roon.Ito kasi talaga ang kinakatakot nila ang malaman ni Bianca na nagkabalikan na sila at kinasal pa dahil panigurado na hindi na naman sila nito tatantanan.“Sorry… hindi ko alam na nasundan pala niya ako. Pasensya ka na kung hindi ako nakapag ingat,” hinging paumanhin ni Francis kay Sophia habang yakap nga niya ito.Bumitaw naman sa pagkakayakap niya si Sophia at saka niya hinarap si Francis.“Wala namang may gusto na masundan ka ni Bianca. Pero alam naman natin na darating talaga ang araw na malalaman niya na nagkabalikan na ulit tayong dalawa. Hindi lang talaga tayo naging handa
CHAPTER 300“Tama ka Bianca. Si Sophia nga ang kasama ko at masaya na kami ngayon na bumubuo ng sarili naming pamilya. Kaya pakiusap lang tigilan mo na kami. Tigilan mo na ako dahil wala ka ng mapapala pa sa akin dahil kasal na kami ni Sophia,” seryoso pa na sabi ni FRancis kay Bianca.Gulat na gulat naman si Bianca sa sinabi na iyon ni Francis at pakiramdam nga niya ay biglang nanghina ang kanyang tuhod dahil sa kanyang narinig kaya naman napahawak na lamang siya sa pader upang doon kumuha ng lakas dahil pakiramdam niya ay matutumba siya sa labis na pagkagulat. At habang nakahawak nga siya roon ay patuloy din ang paglandas ng masaganang luha niya.“H-hindi… hindi totoo yan. Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi pa kayo kasal ni Sophia dahil naghiwalay na kayo… divorce na kayo kaya hindi na kayo kasal. Nagsisinungaling ka lang, Francis. Walang katotohanan ang mga sinabi mo na iyan,” hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Bianca.Bumuntong hininga naman si Sophia at saka niya hinaplos ang kanya
Hindi pa kasi pwedeng malaman ni Bianca na nagsasama na sila ni Sophia at nagdadalang-tao nga ito dahil ayaw niya na gambalahin na naman ni Bianca si Sophia. Ayaw talaga kasi niya na ma-stress si Sophia dahil buntis nga ito.“Bakit naman kita papapasukin dito? At isa pa ay bakit nga ba narito ka? Sinusundan mo ba ako?” sunod sunod pa na tanong ni Francis kay Bianca.“Oo, sinundan kita dahil matagal tagal ka ng hindi nagpapakita sa akin. Hindi naman ako makapasok sa kumpanya mo dahil naka-ban ako roon. Kaya sinundan na lamang kita rito dahil hindi ka na rin naman umuuwi sa bahay mo,” matapang pa na sagot ni Bianca.“Tsk. Wala ka talagang magawa sa buhay mo. Sige na… umalis ka na lamang at wag ka ng babalik pa rito,” sabi ni Francis at akmang sasarhan na sana niya ang gate ng pigilan nga ito ni Bianca.“Sandali nga Francis. Kausapin mo nga muna ako. Ano ba ang problema mo? Ilang buwan na ang nakalilipas at nasaan na ang pangako mo sa akin na pakakasalan mo ako? Ang tagal ko ng naghihin
CHAPTER 299Samantala naman wala pa rin kaalam alam hanggang ngayon si Bianca na nagkabalikan na nga sila Sophia at Francis at nakapagpakasal na nga ang mga ito.At ngayon nga ay naghahanda na si Bianca na umalis sa kanilang bahay para puntahan na naman si Francis at balak niya na lihim na sundan ito ngayon dahil palagi nga siyang pinagtataguan nito.Pagkarating ni Bianca sa kumpanya ni Farncis ay nakita na kaagad niya ang sasakyan nito. Kaya naman nanatili lang din siya sa kanyang sasakyan at wala talaga siyang balak na magpumilit na pumasok doon dahil ang gagawin niya ngayon ay babantayan niya si Francis.Halos maghapon naman na naghintay si Bianca sa parking lot ng kumpanya ni Francis para lamang bantayan nga ang sasakyan nito. At nang makita nga niya na papalabas na si Francis ay agad na siyang napangiti at agad na rin niyang binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.Nang umandar na nga ang sasakyan ni Francis ay agad na itong sinundan ni Bianca at hindi nga ito nagpapahalata na sum