chapter 156Si Raymond nga ang bida ngayong gabi. At walang sinuman nga ang namimilit sa kanya na umimom ng alak. Hinayaan lamang din siyang mga kasama nya roon na uminom na lamang ng juice ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay magiging magalang na sa kanya ang mga tao.“Sa wakas ay mayroon na ring nagkagusto kay Raymond. Hindi rin biro ang maging singlr ng ganoon katagal,” may bahid ng panunuya na sabi ni Angelo.At dahil nga sa sinabi na iyon ni Angeli ay tila ba naging inosente nga ang dating ni Raymond kahit pa malunaw nga sa kanyang itsura ang pagiging playboy.Napalingon naman nga si Raymond sa gawi ni Sophia at sinalubong nga niya ang tingin ng dalaga na bahagya pa ngang nakataas ang kilay.“Bakit?” tanong ni Raymond kay Sophia.“Wala naman. Pakiramdam ko lang ay hindi bagay sa’yo ang pagiging inosente,” sagot ni Sophia.Bahagya naman nga na ngumiti si Raymond at napapailing na lamang din talaga sya dahil sa sinabi ni Sophia.“Hindi ba at ikaw ang tunay na nakakaalam kung ino
Hindi naman nga namalayan pa ni Raymond na napaparami na pala ang pag inom niya ng alak. At nang kinailangan na nga ni Sophia na gumamit ng banyo ay naunahan nga siya ni Angelo sa pagpunta sa banyo.“Raymond lalabas lang ako saglit ha. Gagamit lang ako ng CR sa labas,” pagpapaalam nga ni Sophia kay Raymond.Bagamat nakarami na nga ng inom ng alak si Raymond ay hindi naman halata sa mukha nito na lasung nga ito. At malinaw pa rin nga ang mga mata nito.“Sasamahan na kita,” sabi ni Raymond at akmang tatayo na nga sana siya ng pigilan nga siya ni Sophia at hinawakan nga siya nito sa braso.“Hindi mo naman na ako kailangan pang samahan. Hindi naman na ako bata,” sabi ni Sophia kay Raymond.Pagkasabi nga ni Sophia noon ay agad na nga itong tumayo at mabilis na lumabas sa private room na iyon at tila ba takot na takotnga ito na sundan siya ni Raymond.Pagkalabas nga ni Sophia ay sakto naman nga na tumunog ang kanyang cellphone na naiwan niya sa mesa. Kaya naman napatingin nga si Raymond sa
CHAPTER 157“Mas gagaan ba ang loob mo kung malalaman mo na noong ibinigay ko sa’yo ang sasakyan na iyon ay hindi pa ako sumasali sa mga kumpetisyon ay wala pa akong kumpiyansa na ako mismo ang bumuo ng kotse? O kaya naman ay isipin mo na lamang na ang unang bonus na natanggap ko ay ginamit kong pambili ng sasakyan na iyon. Isipin mo na ang unang buong bonus ko ay inilaan ko para sa’yo. Bakit ba kasi hanggang ngayon ay pakiramdam mo ay may utang pa rin ako sa’yo?” mahabang litanya ni Sophia kay Francis.Pero bakit nga ba hindi niya ibinigay kay Francis ang sasakyan na siya mismo ang nag ayos? Ayaw ba nya talaga itong ibigay kay Francis.Ang totoo nyan ay masyado talaga syang nag aalala para kay Francis. Natatakot siya na baka hindi pa sapat ang mga test sa sasakyan na inayos niya noon at baka nga magkaroon pa ito ng problema at hindi nga iyon ligtas para kay Francis. Kaya naman nag iingat nga siya ng maigi.At dahil nga masyadong nag aalala si Sophia para kay Francis ay ipinagpaliban
“Ang sabi mo ay hindi mo matanggap. Pero ngayon nga ay alam mo nang wala kang karaparan na hindi iyon matanggap,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis. At pagkasabi nga niya noon ay tumqlikod na nga siya at naglakad palayo sa mga ito. At habang naglalakad nga siya ay napansin nga niya sila Dr. Gerome kasama ang iba pa nga nitong kasamahan.Nanatili naman nga na nakasandal si Kurt sa pader. Mukhang nakainom na nga rin ito oero hindi naman sya lasing na lasing. Ang kanya ngang suit jacjet ay basta na lamang nga na nakapatong sa kanyang balikat at ang manggas ng kanyang suot na damit ay nakatupi na nga pataas at kita na nga rin ang matigas nitong braso.Ang ilang hibla nga rin ng buhok ni Kurt ay bumagsak na sa kanyang noo ngunit hindi naman nito naitago ang kanyang mga mata na puno ng panganib. Bahagya pa nga siyang nakangisi. At nang mapatingin nga siya kay Sophia ay tumango lamang nga siya rito bilang pagbati. Ngunit nang mapadako nga ang tingin niya kay Bianca ay isang mapang asar n
CHAPTER 158 Napakatuso talaga ni James. Hindi naman nga sumagot si Sophia rito at diretsahan na nga rin niyang sinabi na ayaw niyang dumalo sa naturang dinner. Sa katunayan ay isa nga iyong pangungutya kay Raymond at sa iba pa dahil sa tahasang pagtanggi sa kanilang imbitasyon nang hindi dumaan kay Sophia. At isa pa kung sakali man nga na pumayag si Sophia na ihatid si Francis pauwi o kung may mangyari pan man na ibang bagay ay iyon ay desisyon na niya at wala nang kinalaman pa ang ibang tao roon. Ngunit isang simpleng pangungusap nga lang at may pahiwatig na nga siya tungkol sa mga tao na nasa paligid niya. Sino nga ba kasi sa kanila ang hindi matalino? Sino nga ba ang hindi makakakuha ng tunay na kahulugan sa likod ng mga salita ni James? At isang bibihira nga na tagpo ang naganap. Halos lahat nga sila roon ay kilalang personalidad sa kanilang mundo. At sa madaling salita nga ay kung mayroon man na mangyare sa kahit isa sa kanila ay tiyak na mayayanig ang mundo ng finan
Noon kasing Federal Negotiation ay si Khate nga ang kumakatawan kay Francis habang si Jeric naman nga sa panig ni Wendell. At sa huli nga ay naglaban nga ng husto ang dalawang kampo at sa isang maliit na dayuhang kumpanya nga ang nakakuha ng benepisyo. At isang magandang kasunduan nga sana iyon na napunta lang sa wala.Ang pangyayari nga na iyon ay hindi naman nga kumalat kaya kakaunti lang din talaga ang nakakaalam noon. Pero sa pagitan nga nila Khate at Jeric ay iyon nga ay isang matinding pagkasira ng loob at pareho nga nilang sinisisi ang isa’t isa dahil nga hindi nga talaga sila magkaintindihan na dalawa.Ngunit hindi pa nga tapossi Sophia dahil tumingin naman nga ito kay James.“At ikaw naman James hindi ba at may maganda ka ring koneksyon kay Ian na sekretarya din ni Wendell? Maaari kayong magbalik tanaw sa bidding para sa lupa noon. Hindi ba at kayong dalawa ang halos magpatayan sa labanan para sa proyekto na iyon? At kahit nga nakahanda na ang lahat ng plano para roon ay big
CHAPTER 159“Gumastos pa nga siya ng napakalaking halaga upang suportahan ang isang Hollywood actress. At ang damit nga na ibinigay nila rito ay nagkakahalaga ng milyon milyon.”“Oo nga. At hinabol ko pa nga ang isang pares ng kambal na magkapatid ng sabay.”Nag uusao usap nga silang lahat doon tungkol sa tsismis na may kinalaman nga kay Raymond.natwala nga silang balak na na magpapigil at tila ba gusto nga nilang ilabas ang lahat ng maaaring ipakalat tungkol kay Raymond.Sa hindi nga maipaliwanag na dahilan ay naging tampulan nga ng usapan si Raymond at tila ba lumalabas pa nga na sya ang masama sa lahat.Hindi naman nga maiwasan ni Raymond na mapangiwi dahil sa mga sinasabi ng mga kasama nila roon.Samantala naman si Sophia ay hindi man lang nga nabawasan ang sigla. Para sa kanya ay nakakaaliwnga ang usapan nila na iyon. At tila nga wala siyang interes na seryosohin ang mga tsismis tungkol kay Raymond at sa halip nga ay masaya pa nga siyang pumalakpak.“Ang galing naman. Talaga nga
Samantala naman ang usapan sa pagitan nila Khate at Jeric na secretary ni Jeffrey ay mas mahinahon naman. Bagamat hindi nga nagkatinginan ang dalawa ay wala naman ngang matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa.“Talaga bang nakakatakot si Ms. Sophia kapag nawawala sa sarili?” tanong ni Jeric na tila ba inosente sa buong sitwasyon. Wala kasi siyang masyadong alam tungkolkay Sophia kaya hindi siya nagdalawang isip na magtanong.Napabuntong hininga naman nga si Khate at saka nga sya napahilot sa kanyang sintido.“Ang tinatawag na ‘iron triangle’ ng pamilya Bustamante ay unang una na nga si Sophia, pangalawa si James at ako naman nga ang pangatlo. Sa tingin mo ba ay inayos ang ranggo na iyon ayon sa edad o sa lakas? Pero hindi nga iyon ang naging batayan doon. Dahil ang naging batayan nga roon ay kung sino ang may pinakamalalang kabaliwan,” sabi ni Khate at bahagya pa nga siyang napangiwi dahil sa sunabi nyang iyon.“Si Phia ang mas mataas kay James sa ranggo na ito. Isipin mo na lang n
“Kung ang tinutukoy mo ay ang itsura mo ang masasabi ko lang ay…. napakaganda mo,” papuri nga na sagot ni Joseph.Agad naman nga na napakunot ang noo ni Sophia dahil sa naging sagot na iyon ni Joseph.“Salamat, pero alam ko naman na iyan. At hindi iyan ang tinatanong ko,” sagot naman ni Sophia.“Eh ano ba ang gusto mong isagot ko?” tanong na nga ni Joseph habang lumapit pa nga siya lalo kay Sophia at may nakakaloko nga na ngiti sa kanyang labi.Napailing na lamang nga si Sophia dahil sa inasta na iyon ni Joseph. Alam naman niya na nagkukunwari lang nga ito. Alam niya na alam ni Joseph kung anong usapan ang tinutukoy niya at obvious naman na nagpapalusot nga lang ito.Pinipigilan naman nga ni Francis ang galit na namumuo sa kanyang dibdib habang nakatingin kina Sophia at Joseph. Habang si Sophia naman nga ay nanatili pa rin nga na kalmado.“Tinutupad ba ni Mr. Joseph ang kanyang mga salita?” tanong na nga ni Sophia.Napataas naman nga ang kilay ni Joseph habang may ngiti sa kanyang lab
Dati nga ang tingin ni Harley kay Sophia ay isang babaeng tuso na handa sa kahit na anong kapalit para lang makaakyat sa mataas na posisyon. Pero ngayon nga ay ibang iba na ang pananaw niya rito.Nalaman nga niya ngayon na si Sophia ay isang babae na walang inuurungan, walang takot at handang lumaban sa lahat ng paraan. Bigla ngang kinilabutan si Harley dahil hindi nga ito isang laruan at hindi rin nga ito isang babae lang na ginagawang pampalipas oras. Isa nga itong tunay na desperada at oras na lumakas pa nga ito ay sigurong kaya nga nitong kagatin pabalik ang sinumang tumapak sa kanya.“Ang tanga ko. Anong lakas ng loob ko na maglaro sa ganitong klaseng tao?” bulong pa nga ni Harley sa kanyang sarili.Pinunasan nga ni Harley ang kanyang mukha, tumayo nga siya ng dahan-dahan at saka nga siy lumapit sa sasakyan kung saan naroon si Sophia.Bumaba naman na nga si Sophia mula sa kotse na iyon.“Ms. Sophia,” mahinang tawag nga ni Harley mula sa likuran. “Kung may nasabi man akong hindi
CHAPTER 235“Sophia, inuutusan kita na magpreno ka na kaagad. Sophia, naririnig mo ba ako? Ang sabi ko ay magpreno ka na,” pasigaw ng na utos ni Francis kay Sophia at halos mawalan na nga siya ng boses dahil sa kakasigaw niya.“Tumahimik ka,” isang malamig at kalmadong boses nga ang sumagot kay Francis mula sa intercom ni Joseph.Bigla naman ngang nanigas ang katawan ni Francis. At hindi nga siya makapaniwala sa kanyang narinig.Samantalang si Joseph naman nga ay biglang napatawa nang malakas dahil doon. Talaga ngang anak ni Theresa si Sophia. At napaka interesante nga talaga ng babae na iyon at talaga ngang kakaiba siya sa lahat ng nakilala niya.Habang nangyayari nga ang lahat ng iyon ay bigla ngang huminto ang sasakyan na gamit ni Harley na may kasamang malakas na tunog ng preno. Sa kabilang banda naman nga si Sophia ay walang pag-aalinlangan na ibangga ang sasakyan na gamit niya sa pader. At lahat nga ng mga opisyal ng kumpanya na dumating ay nag iwas ng tingin nila roon. Dahil h
“Pindutin ang silinyador. Huwag itong bibitawan,” utos pa nga niya.Sa screen naman nga ay makikitang madiin ang apak ni Sophia sa gas pedal ang kanya ngang maitim na mga mata ay nakatuon lamang sa pader na palapit na ng palapit.Wala man lang ngang bakas ng emosyon sa kanyang mukha at para bang isa lang itong simpleng misyon na kailangan niyang tapusin.Habang si Harley naman nga ay tuluyan ng sumuko“Mr. Joseph, kapag binilisan ko pa ay baka mamatay na ako. Pader na yan at mababangga ako sa pader na iyan. Ayoko na. Kung sino man ang gustong maging vice president ng Villamayor Group ay ibigay mo na sa kanya. Hindi ako para rito,” sabi nga ni Harley.At pagkasabi nga ni Harley noon ay isang malakas na tunog nga ang narinig sa buong track. At yun nga ang tunog ng biglaang pag-apak ni Harley sa kanyang preno.Kumiskis nga ang gulong nito sa semento at naglabas nga ito ng maitim na usok pero patuloy pa rin nga sa pag-andar ang kotse at halatang nawalan na nga ito ng kontrol.Sa sobrang t
Nang marinig nga niya ang utos na pabilisin ang takbo at dumiretso sa pader ay ni hindi man lang nga siya nagtanong o nag-alinlangan man lang.Bilang isang researcher ay alam niyang hindi siya dapat panghinaan ng loob sa ganitong kritikal na sandali. Kaya naman tahimik at kalmado niyang ginawa ang bawat utos nito.Samantala naman, kabaliktaran naman nga si Harley. May mga butil na nga ng pawis sa kanyang noo at bagama’t nakaapak na sa accelerator ang dulo ng kanyang sapatos ay hindi nga niya ito tuluyang maidiin. At sa halip nga ay nag-alinlangan pa siyang pumindot sa preno.“Two hundred meters na banggaan sa bilis? Hindi ko ayang itigil sa pinaka-kritikal na oras ito. Mr. Joseph, sigurado ka bang gusto mong gawin ko ito?” nanginginig at halos mawalan na nga ng lakas ng boses si Harley habang humihingal.“Alalahanin mo kung bakit ka nandito. Ituloy mo lang, bilisan mo pa at huwag ang titigil,” malamig nga na utos ni Joseph.Tumingala nga siya sa malapad na screen ngunit tila ba hindi
CHAPTER 234Sa race track naman nga ang dalawang sasakyan na mabilis na humaharurot ay animo’y mga palasong pinakawalan mula sa pana. At kapag nga hindi nakasabay ang driver ng mga ito sa bilis ay tiyak na may aksidenteng mangyayari.“Nagpapatulong lang ako sa kanila para subukan ang performance ng intelligent driving system. Hindi ba at nakakatuwa silang panuorin, Mr. Francis?” nakangiti pa nga na sagot ni Joseph habang nanatili nga na nakatutok ang kanyang mga mata sa mga kotse.Alam na alam nga ni Joseph ang nakaraan nina Francis at Sophia, at halata nga na may bahid ng panunukso ang tono ng kanyang pananalita.“Ginamit mo Si Sophia para sa performance test ng intelligent driving system? Nasisiraan ka na ba ng bait?” singhal ng ni Francis. “Pahintuin mo ang sinasakyan niya. Ako na lang ang gagawa niyan,” mariin pa nga na sabi niya.Bahagya naman nga na napataas ang kilay ni Joseph dahil sa kanyang narinig at malamig nga niyang sinulyapan si Francis. Bahagya rin nga siyang napangisi
“Sayang naman ang utak mo, Ms. Sophia. Ginamit mo lang iyan sa paghabol sa pera,” sabi pa ni Joseph sa dalaga at tinuro pa nga niya ang sarili niyang sentido na para bang tinutukoy nga nito ay ang kanilang pagkakapareho. “Dapat ay pareho tayo,” dagdag pa nga niya.Tahimik ngunit malamig naman ngaang titig na ipinukol ni Sophia kay Joseph.“Lahat ng research na iyan ay kailangan ng pondo. Binabastos mo ang mga negosyante pero gusto mo rin ng investment mula sa kanila. Hindi ba at magka-kontra iyon, Mr. Joseph?” sagot naman nga ni Sophia.Napangisi naman nga si Joseph habna hindi nga niya inaalis ang pagkakatitig niya kay Sophia.“Hindi mo pa ako napapabilib. Kaya wala akong interes na makipag diskusyon pa,” sagot naman ni Joseph at saka nga nya itinuro ang kotse sa hindi kalayuan. “Ang mas mabuti pa ay tulungan nyo akong subukan ang bagong kotse,” dagdag pa nga niya.Dahil naman nga sa sinabi na iyon ni Joseph ay bigla ngang namutla si Harley. Ngayon lang nga niya tuluyang naintindihan
CHAPTER 233Lumapit nga si Sophia ng ilang hakbang kay Joseph.“Sabihin mo lang ang lahat ng dapat naming gawin para matugunan lang ang gusto mo,” mahinahon pa nga na sabi ni Sophia.Bagamat handang handa na nga siyang sumunod sa anumang hiling nito ang tono nga ng kanyang pananalita ay may bahid nga ng lamig na para bang gusto na lang niyang paalisin si Joseph sa harap nila.Bumuntong hininga naman nga si Harley at saka nga siya pilit na ngumiti.“Tama. Tama nga si Ms. Sophia. Handa kaming ibigay ang lahat ng kailangan mo,” sabat na nga ni Harley.Ngunit ngumiti lamang nga si Joseph at hindi man lang nga niya pinansin ang malamig na tono ni Sophia.“Narinig ko na bihasa raw Ms. Sophia pagdating sa mga sasakyan,” sabi ni Joseph habang puno nga ng panunukso ang kanyang ngiti. “Nagkataon lang na may sarili rin akong kaalaman sa bagay na yan. In-upgrade ko ang isa sa mga modelong gawa ng mga Villamaor. Gusto mo bang subukan?” pagpapatuloy pa nga niya.Hindi lang ito isang paanyaya dahil
Hindi naman kasi talaga nagpunta roon si Sophia para makipag landian. Mas maaga lang talaga siyang dumating dahil gusto niyang ipakita kay Joseph kung ano ang kakayahan niya at hayaan nga itong pumili sa kanya sa tamang dahilan. Hindi niya gusto ang isipin ni joseph na siya ay nagpunta roon para lang sa lalaki.Labis naman ang ginhawa na naramdaman ni Harley nang makita niyang wala talagang balak na magpaiwan si Sophia.Pero bago pa man nga sila makaalis doon ay bigla ngang may nagsalita.“Sandali,” pigil nga ni Joseph sa mga ito.Simula pa nga kanina ay hindi man lang nga nagsasalita si Joseph ngunit ngayon nga ay ngumiti siya at pinigilan nga ang pag-alis ng dalawa.Sabay naman nga na napalingon sina Sophia at Harley kay Joseph.“Sabi ng assistant ko ay may sinasabi ka raw na medyo… interesting,” sabi ni Joseph.Iniabot naman nga muna ni joseph ang hawa niyang remote control sa kanyang assistant at saka nga niya kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Tin