Share

CHAPTER 205.3

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2025-04-20 21:38:57

Pero ano nga ba ang ginawa ni Nelson? Wala dahil pawang kahangalan.

Ang ilang mga direktor ay nagsimula nang mag-isip ng ibang opsyon. Hindi para tulungan si Melanie kundi dahil gusto nila ng pagbabago at hindi nga sila bobo.

Si Melanie ay presidente ng Galvez Group ang pinakamatinding kalaban ng Marquez Group. At siya rin nga ang ating kabit ni Nelson.

Para nga sa iba sa kanila ay hindi lang nga ito tungkol sa negosyo dahil ito ay personal din na laban. Para sa kanila isa si Melanie sa mga babaeng walang awa at handa kang pabagsakin kahit mahal a niya noon.

At kung siya nga ang papalit kay Nelson? Parang ilalagay nila ang kumpanya sa apoy at pagkatapos ay papanoorin nila itong masunog.

Kaya kahit may ilan sa kanila ang nagdadalawang-isip ay mas marami pa rin ang pipiliing manatili kay Nelson dahil sa prinsipyo, dahil sa takot at dahil na rin sa may utang na loob nga ang mga ito.

Pero gaya nga ng dati ay wala rin silang pakialam sa magiging resulta nito. Tahimik lang naman na nanonood
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 255.3

    Si Theresa noon ay parang isang bulaklak na nasa tuktok ng pamumukadkad. At sa murang puso ng isang binata ay sumibol ang damdaming hindi niya kayang pigilan. Nahulog nga ang loob ni Joseph kay Theresa hanggang sa isang araw, si Theresa ay nagpanggap nga na namatay at tuluyang naglaho na lamang na parang bula at ang iniwan siyang may dalang isang liham lamang.Hanggang sa ilang taon na nga ang lumipas. At ngayon, si Sophia ay tila ba nikta niyang muli si Theresa sa kanya. Ang mapag-imbot at walang pusong babae sa kanyang alaala.Kaya sino nga ba ang tingin niya kay Sophia? Oo, matagal na pala siyang nalilito. Matagal na rin pala siyang hindi pa rin nakakalimot. Ngunit hindi kailanman aaminin ni Joseph ang lahat ng ito.“Ang ganda-ganda mo kasi masyado. At normal lang siguro na maakit ako sa’yo kaya gusto kitang asarin paminsan-minsan,” sabi ni Joseph na tila ba nagbibiro pa nga.Hindi naman nagsalita si Sophia at tiningnan lang nga niya ng masama si Joseph. Isang matalim na tingin n

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 255.2

    “Okay, fine. Napaka conservative mo talaga,” natatawa pa nga na sabi ni Joseph habang pinipigilan niya ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. “Binibiro lang kita kasi maganda ka. Wala naman akong ibang ibig sabihin,” pagpapatuloy pa niya.Lumapit pa nga siya lalo kay Sophia habang pinipisil nga niya ang kanyang kurbata na hawak pa rin ni Sophia. Kaya naman lalo nga siyang natawa— iang masaya at walang pakundangan na halakhak. At sa wakas nang masiyahan na ito ay pinakawalan na rin niya si Sophia mula sa kanyang yakap.Si Sophia naman nga ay nanatiling nakakapit pa rin sa kurbata ni Joseph at ang ekspresyon ng kanyang mukha ay tila ba isang leon na galit na galit.Marahil ay hindi nga alam ni Sophia na kapag siya ay galit ay namumula nga ang kanyang mga pisngi at kumikislap ang kanyang mga mata at lalo nga siyang gumaganda dahil doon.Pinagmasdan naman nga ni Joseph si Sophia habang ang kanyang mga kamay ay nakasuksok sa kanyang bulsa at tila ba inaaliw niya ang kanyang sarili sa si

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 255.1

    CHAPTER 255“Kumusta? Masaya ba?” taas noo na tanong ni Joseph habang bahagya pa nakataas ang kanyang baba.“Talaga ngang isa kang tunay na nangunguna sa larangan ng siyensya, Mr. Joseph,” natatawa pa na sagot ni Sophia.“Salamat sa papuri, Ms. Sophia. Sigurado akong magiging maayos ang samahan natin,” sabi ni Joseph at lumapit na nga siya kay Sopgua at siya na nga ang unang nag-abot ng kanyang kamay dito para makipag kamay.“Syempre naman,” sagot ni Sophia at saka niya inabot ang malaki at matigas nitong kamay na litaw na ang mga ugat.Pero gaya nga ng kanina ay wala na naman siyang nahawakan. Hangin lang ang naramdaman niya sa kanyang palad. Kaya naman natigilan nga si Sophia.At kahit pa gaano nga siya kahinahon ay hindi nga maiwasan ni Sophia ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo dahil mukhang naloko na naman nga siya nito.Sa gilid nga ay muling bumusina ng mahina ang maliit na pulang eroplano. Umandar nga ito ng kaunti at saka bahagyang lumuko at saka nga ito dalawang beses na t

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 254.3

    Nandoon din ang mga precision instruments, mga sunud-sunod na high performance computers at ilang sasakyang nakadisplay sa iba’t ibang bahagi at halos lahat nga iyon ay nakabukas at inisa isa ang mga pyesa.Ito ang research institute na inihanda ni Sophia mula nang pumasok siya sa Villamayor Group. At sa kabutihang palad ay naging kapaki-pakinabang ito nang makuha niya si Joseph.Tahimik na tumayo si Sophia habang pinaglalaruan nga niya ang isang access cars gamit ang mahahaba at payat niyang mga daliri. At kung wala nga ang card na ito ay hindi man lang siya makakapasok sa corridor.Sa buong kumpanya, bukod sa team ni Joseph ay halos mabibilang lang sa daliri ang may hawak ng ganitong card. Hindi lang ito basta card dahil ito ang simbolo ng kapangyarihan nila.Hinawakan ni Sophia ang gilid ng kanyang card at ang mismong gilid nga nito ang kapangyarihan. Ramdam niya ang talas nito. At isang bahagyang ngiti nga ang lumitaw sa kanyang labi.Nang mapansin ng maliit na pulang eroplano na

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 254.2

    Natawa na lang din talaga si Harley at halos hindi na nga makita ang mga mata nito dahil sa pagtawa. Kaya naman napailing na lang si Sophia at iniabot sa kanya ang isang bote ng Cabernet Sauvignon.“Isang bote ng red wine na halos kaedad mo. Regalo ko sa’yo bilang pagbati sa iyong promotion,” sabi pa ni Sophia.Saktong sakto nga ito sa panlasa ni Harley. Mahilig kasi siya sa alak at noong nakita niya ang kulay at texture ng bote ng wine ay halos mapasigaw na nga siya sa tuwa.Kaunti na lamang kasi ang natitirang bote ng ganitong klase ng vintage wine. At sa nakaraang dalawang taon nga ay ibinenta ito sa sobrang taas na presyo na umabot pa nga ng ilang milyon kada bote. Pero kahit nga gustong-gusto iyon ni Harley ay hindi nga siya makabili. Natatakot kasi siya na mapagalitan ng kanyang ama.Pero si Sophia nga ay basta na lang itong ibinigay kay Harley ng walang pag-aalinlangan. At talagang napatunayan ni Harley na galing sa puso ang regalo na iyon.Habang hawak-hawak nga ni Harley ang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 254.1

    CHAPTER 254Totoo na may tumulong kay Sophia para makarating sa kanyang kinalalagyan ngayon pero ang talagang nagdala sa kanya sa tagumpay ay ang sarili niyang kakayahan.Alam ng lahat na ilang kandidato ang nagtangka na kumbinsihin si Mr. Joseph na sumali sa kumpanya. Ngunit si Sophia ay isang tao na mahigpit sa kanyang sarili, malinaw mag-isip, mahusay umunawa ng damdamin ng iba, may mahinahon na ugali, may mga kakayahan at bukod pa nga roon ay napakaganda.Ginamit niya nang todo ang sandaang porsyento ng lahat nang kanyang kalakasan. Maging sa pamilya Bustamante man o sa Villamayor Group ay alam ng lahat na balang araw ay sisikat at magtatagumpay talaga siya.Maayos nga na tinanggap ni Sophia ang transfer order at magalang siyang nagpasalamat.Agad nga na kumaway si Harley at halatang pilit ang kanyang ngiti. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano katapang at katatag si Sophia. Sa totoo lang ay natatakot siya na baka hindi pa rin siya mapatawad nito at patuloy siyang ituring na kaa

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 253.3

    Sandali naman nga na tumigil sa pagtipa si Sophia.Alam ni Sophia na si David ay isang makasarili, tuso at mapanlinlang na tao. Noon pa man ay dinikap na nitong patunayan sa mas matandang henerasyon ng mga Bustamante na hindi siya mas mababa kay Francis. Kaya’t nagsimula itong manakop ng mga kumpanya at pinipilit niya ang mga may-ari na sumuko na at ginagamit niya ang batas, ang pera at pananakot para pabagsakin ang mga ito at angkinin ang mga ari-arian ng mga ito.Maraming pamilya na ang nasira sa mga taon ng ganitong pamamayagpag. At isa na nga roon ang pamilya ni Drew.SOPHIA: Kung iisa ang ating layunin ay handa akong tulungan ka. SOPHIA: May sasalubong sa iyo sa Financial Dummit.Sa nalalabing ilang minuto bago magsimula ang summit ay maingat nga na tinanggal ni Drew ang pekeng surveillance footage na kanyang ini-upload. Pinatay na niya ang showet kasabay ng marahang pag-apaw ng usok mula sa mainit na tubig. Lumabas siya na tila ba bagong ligo lang at wala ngang bahid ng kaba o

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 253.2

    Naipikit pa nga niya ng mariin ang kanyang mga mata at saka siya mapait na ngumiti habang nakikinig sa banayad na tugtugin mula sa kanyang earphones. At sa kanya ngang pagmulat ang kanya ngang paningin ay tumuon sa isang apartment ng mga estudyante na malapit sa unibersidad.***********Samantala binuksan naman ni Drew ang shower sa loob ng banyo habang maririnig nga sa loob ng banyo ang mahinang tunog ng musika. At sa loob nga ng silid na iyon, ang surveillance video ay napalitan na ng isang binuong pekeng footage na malinis at walang bahid ng kung anuman.Pagkalabas nga niya ng banyo ay tahimik nga siyang naupo sa harap ng kanyang computer. Mabilis ang kanynag mga kamay sa pagtipa ng data at pumasok nga siya sa isang lihim na system at ipunadala niya ang encrypted link sa kabilang panig.Hindi nga nagtagal ay lumitaw sa screen ng kanyang computer ang isang pamilyar at nakakabighaning mukha at yun ay walang iba nga kundi si Sophia.Tumango nga ito ng marahan at wala ngang tinig na k

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 253.1

    CHAPTER 253Hindi nman umiwas si Dexter sa tasang inihagis ng kanyang ama na si David. At malakas nga iyong tumama sa kanyang noo. Kaya naman agad na dumaloy ang dugo mula sa kanyang noo pababa sa kanyang mukha at saka nga ito tumulo sa malamig at malinis na sahig ng kanilang bahay.Bahagya pa nga na yumuko si Dexter subalit nanatili nga na banayad ang kanyang mga mata. Dahan-dahan pa nga niyang itinaas ang kanyang kamay para punasan ang dugo sa kanyang mukha.“Dad, sa tingin nyo po ba ay mali ako?” tanong na ni Dexter habang bahagya pa nga siyang nakangiti sa kanyang ama.Mabilis naman na ibinagsak ni David ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang wheelchair at may halong galit at pagkadismaya pa nga ang kanyang boses ng magsalita siya.“Alam mo naman na ayaw kong masangkot si Desiree sa mga ganitong bagay hindi ba?” sagot ni David.Para kasi kay David, si Desiree ay dapat na manatili lamang sa kanyang tabi na parang isang prinsesa na hindi kailanman marurumihan ng madilim na katotoha

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status