Share

CHAPTER 258.2

Author: Phoenix
last update Huling Na-update: 2025-06-04 16:03:03

At kung ikukumpara nga si Joseph kay Raymond ay mas paniniwalaan pa rin siguro niya si Raymond.

Nang sumagi nga sa isip ni Louie si Raymond ay hindi nga niya napigilan na mapabuntong hininga.

“Phia, matanong nga kita. Sigurado ka na ba talaga kay Raymond?” hindi na nga napigilan na tanong ni Louie kay Sophia.

Napatingin naman nga si Sophia sa gawi ni Louie dahil sa naging tanong nito sa kanya.

“Kuya, akala ko ay alam mo na ang tungkol sa bagay na iyan,” agad naman na sagot ni Sophia.

“Alam mo naman siguro ang kalagayan ni Raymond ngayon. At naiintindihan ko naman kung gaano mo sya kamahal ngayon pero dapat mo ring isipin ang kinabukasan mo,” sabi ni Louie at sinasabi niya ito ngayon kay Sophia bilang payo ng isang kapatid na nagmamalasakit.

“Kuya, kaya kong gawin ang lahat para sa kanya at balang araw alam ko na makakatayo siyang muli,” sagot ni Sophia na puno ng determinasyon ang mga mata habang nakatingin kay Louie. “Hindi ko siya iiwan. Mananatili ako sa kanyang tabi hanggang sa ma
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 262.2

    “Linigtas ka ni Bianca? Paano ka naman nakakasigurado na siya ang babae na nagligtas sa’yo?” tanong ni Sophia.“Dahil sa peklat niya sa kanyang braso. Yun lamang kasi ang natatandaan ko noon sa babae na iyon. Kaya yun lang ang pagkakakilanlan ko sa babae na iyon noong hinanap ko ito. At katulad na katulad nga iyon ng peklat sa braso ni Bianca,” sagot ni Francis.Bigla naman natigilan si Sophia sa sinabi na iyon ni Francis at bahagya pa nga siyang napahawak sa kanyang braso dahil meron siyang peklat doon at sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang ngang nawala iyon.“S-sigurado ka ba talaga na si Bianca iyon?” muli ay tanong ni Sophia.Napatingin naman nga si Francis kay Sophia dahil parang tila ba may kakaiba nga sa tanong nito.“ Wala na kasi talaga akong ibang pagkakakilanlan sa babae na iyon at ang peklat ni Bianca ay katulad na katulad nga ng peklat ng babae na nagligtas sa akin,” sagot naman ni FRancis. “Bakit may Problema ba?” tanong pa niya.“Paano kung hindi talaga s

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 262.1

    CHAPTER 262Habang kumakain nga sina Sophia at Francis ay hindi nga maiwasan ni Francis na mapatingin kay Sophia na mukhang nag aalangan sa bawat pagsubo ng pagkain.“Kung iniisip mo na lalasunin kita ay hinding hindi ko magagawa iyon sa’yo. Kaya kumain ka lang ng kumain dyan hanggat gusto mo. Marami ring stock ng pagkain sa kusina kung sakaling maisipan mong kumain,” sabi ni Francis at saka nga ito nagpatuloy sa kanyang pagkain.Napatingin naman si Sophia sa lalaki dahil napansin pala siya nito. Para tuloy nakaramdam siya ng hiya rito pero hindi naman din kasi siya masisisi dahil nga sa mga nagawa nito sa kanya noon pa.“Francis, alam mo naman na marami pa akong dapat na gawin lalo na at Financial Summit ngayon. Alam mo naman kung gaano kahalaga yun sa akin, hindi ba? Kaya nakikusap ako sa’yo tigilan mo na ito. Kung gusto mo na magkausap tayo ng maayos sige pagbibigyan kita. Pero please lang gusto ko ng umuwi,” pakiusap pa ni Sophia kay Francis.Ibinaba naman na muna ni Francis ang h

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 261.2

    “Nagustuhan mo ba?” tanong ng boses lalaki sa likuran ni Sophia kaya naman agad nga siyang napaharap dito at nakita nga niya si Francis doon.“Nasaan ba ako? Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan?” tanong ni Sophia rito.Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakwalan ni FRancis at saka nga siya naglakad palapit kay Sophia.“Linayo na muna kita sa mga tao na nagpapagulo sa buhay natin. Gusto ko na magkaliwanagan tayong dalawa at para na rin makapag isip ka ng maayos,” sabi ni FRancis.Dinala kasi ni Francis si Sophia sa isang liblib na lugar kung saan ang kanilang tinitirhan ngayon ang nag-iisang bahay roon. Napapaligiran nga ito ng mataas na bakod at sa labas naman nga ng bakod na iyon ay kakahuyan na.“Alam mo. Hindi talaga kita maintindihan. Ano pa ba ang gusto mong linawin sa pagitan nating dalawa? Ikaw ang may gusto ng hiwalayan na iyon tapos ngayon parang ikaw pa itong may gana na magdemand ng pag usapan natin ang tungkol sa ating dalawa. Ibang klase ka rin talaga,” i

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 261.1

    CHAPTER 261Nang tuluyan na nga na mapag-isa si Sophia ay hindi na nga niya napigilan na mapahugolhol ng iyak ng muli ngang manariwa sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanyang anak. Kung paanong nawala ito ng walang kalaban laban dahil sa kagagawan ng magaling na si Bianca.“Mga wala kayong awa. Walang kalaban laban ang anak ko,” humahagulhol pa na sabi ni Sophia. “Ang anak ko….”At sa kakaiyak naman na iyon ni Sophia ay hindi na niya namalayan pa na nakatulog na pala siya ulit.Samantala naisipan naman ni Francis na silipin nga si Sophia sa silid kung nasaan ito at napabuntong hininga na lamang nga siya ng makita nga niya na nakatulog na naman pala ito.Pinakatitigan pa nga niya ang mukha nito at bahagya pa nga na mugto ang mga mata nito marahil sa kakaiyak nito kanina. Sa totoo lang ay labis nga siyang nagsisisi kung bakit pa ba niya iyon ginawa. Kaya nga ilang buwan din siyang nanahimik para makapag isip isip. At ngayon nga ay buo na ang loob niya na bumawi kay Sophia at alam n

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 260.2

    “Patawarin mo sana ako sa mga nagawa kong mali sa’yo noon. Alam ko na kasalanan ko kaya ito nangyayari ngayon pero gusto kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa’yo, Sophia. Please bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon,” seryosong sabi pa ni Francis habang diretso nga siyang nakatitig sa mga mata ni Sophia.Napatitig naman nga si Sophia sa mga mata ni Francis at kitang kita nga niya na seryoso nga ito. Pero naipilig na lamang nga niya ang kanyang ulo dahil hindi nga siya pwedeng mahulog muli sa dati niyang asawa.“Nahihibang ka na talaga, Francis,” sabi ni Sophia at saka niya binawi ang kanyang kamay na hawak ni Francis.Pero mas naging mabilis nga ag galaw ni Francis at agad niyang hinapit sa beywang si Sophia at walang sabi-sabi na bigla nga niya itong hinalikan sa labi.Nanlaki naman nga ang mata ni Sophia habang hinahalikan nga siyang siya ni Francis. Ramdam pa nga niya na maingat siyang hinahalikan nito na para bang mahal na mahal nga siya nito. Bahagya pa nga niya itong it

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 260.1

    CHAPTER 260“Pinabayaan lang naman ng mga tauhan mo na walang kasama si Sophia. At ngayon ay nawawala nga siya,” sagot ni Louie sa binata.“A-anong sabi mo?” tanong ni Raymond at tila ba bigla nga siyang nabingi sa kanyang narinig.“Tama ang narinig mo. Nawawala si Sophia dahil pinabayaan ng mga tauhan mo. Kanina pa kami naghahanap dito at pati ang mga tauhan ni Mr. Joseph ay naghahanap na rin sa kanya.“Pupunta ako riyan ngayon din,” sabi ni Raymond at agad na nga niyang pinutol ang kanilang tawag.Sa totoo lang ay gusto niya talagang sumama kanina pero ayaw ngang pumayag ni Sophia dahil magpahinga na lamang nga raw siya dahil baka mapagod lamang daw siya roon.Agad na rin nga na naghanda si Raymond at agad na siyang pumunta kung saan nagaganap ngayon ang Financial Summit.************Samantala… Nagising naman na si Sophia at agad nga nitong iginala ang kanyang paningin dahil hindi nga siya pamilyar sa lugar kung nasaan siya ngayon. Dahan dahan pa nga siyang bumangon at tila ba big

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status