Share

CHAPTER 3

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2024-12-05 10:56:52

CHAPTER 3

Kahit na nasasaktan sa sinabi ni Francis ay pinilit ni Sophia na magpakahinahon. Napabuntong hininga na nga lamang sya para pakalmahin ang kanyang sarili.

“Mr. Bustamante pinaalalahanan ko si ms. Bianca tungkol sa bagay na yan. May surveillance camera ang ating kumpanya kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Maaari natin itong paimbestigahan at i-verify kung gusto mo,” sagot ni Sophia kay Francis dahil parang gusto nitong isisi sa kanya ang pagkakamali ni Bianca.

Bigla namang namutla si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia.

“A-ate Sophia siguro ay nadistract lamang ako kaya hindi ko masyado narinig ang mga sinabi mo kaya nagkamali ako. P-pasensya na,” pagdadahilan na lamang ni Bianca kay Sophia dahil alam naman nya na sya ang mali at yun na lamang ang naisip ni Bianca na idahilan.

Hindi naman sya pinansin pa ni Sophia at sinamaan lamang nya ito ng tingin.

“Sa dami ng produkto na yun. Imposibleng palampasin lamang ng mga Villamayor iyon. Ako na muna ang hahawak sa mga produkto na iyon. Ang kumpanya ay may mga patakaran at ang mga responsibilidad ni ms. Bianca ay may kaukulang parusa,” sabi pa ni Sophia.

Agad naman na umalis si Sophia roon para tingnan kung ano nga ba ang mga naging problema. 

Kinagabihan noon ay nagpa set nga ng meeting si Sophia sa kabilang kumpanya kung saan nagkaroon ng problema sa bilang ng kanilang produkto.

Agad naman na nakipag usap kay Sophia ang nasa kabilang kumpanya na si Mr. Villamayor.

Hindi naman napansin ni Sophia na sumunod pala sa kanya si Francis sa kabilang kumpanya. Pagkalabas kasi nya roon ay agad nga na itinuro ng guard na may naghihintay nga raw sa kanya roon at nagulat nga sya ng makita nya na si Francis iyon at mukhang hinihintay nga sya nito. Hindi nya kasi talaga inaasahan na susundan sya nito rito. 

Agad na rin naman na lumapit si Sophia kay Francis na nasa loob lamang ng sasakyan nito. Halos alas onse na rin ng gabi kaya naman sumakay na rin sya sa sasakyan ni Francis dahil malamig na rin talaga sa labas at wala na ngang masyadong tao.

“Tapos ka na ba na makipag usap sa kanila?” pormal na tanong ni Francis kay Sophia at napansin pa nga nya na namamayat na pala ito at medyo namumutla na rin.

Agad naman na tumango si Sophia rito bilang sagot.

“Mas mahirap kausap si Marvin kesa kay Max. Pero nangako ako sa kanila na papalitan na lamang ang mga kulang na produkto,” sabi  pa ni Sophia.

Sinulyapan naman ni Francis si Sophia at saka ito marahan na bumuntong hininga.

“Si Bianca ay bata pa at hindi pa sanay sa ganitong trabaho kaya hindi natin sya masisisi sa mga nangyare,” sabi pa ni Francis kaY Sophia.

Bigla namang natigilan si Sophia at saka nya seryosong tinitigan si Francis.

“Ikaw ang presidente ng kumpanya at ang anumang gustuhin mo ay nakadepende sa kung anong gusto mong gawin. Pero sana maging patas ka naman sa lahat ng empleyado mo,” sagot ni Sophia kay Francis.

Bigla tuloy naalala ni Sophia noong bago pa lamang sya sa kumpanya ni Francis dahil mas bata pa sya noon kesa kay Bianca.

Napabuntong hininga naman si Francis at iniba na lamang nya ang usapan nilang dalawa dahil may punto naman kasi ang sinasabi ni Sophia.

“Hindi ko pa nga pala nababanggit kay lolo ang tungkol sa paghihiwalay natin,” pag iiba ni Francis ng kanilang usapan.

Matanda na kasi ang lolo ni Francis at nasa bahay na lamang ito dahil palagi na lamang may sakit.

Tanging pagtango lamang naman ang naging sagot ni Sophia sa sinabi ni Francis.

Uminom naman ng kaunting alak si Sophia dahil may nakita sya sa sasakyan ni Francis. Uminom sya kahit na wala pa siyang kain. Maya maya ay napasandal na lamang sya ata agad na nga na nakatulog.

Agad naman na napansin ni Francis na nakatulog na nga si Sophia kaya naman pinakatitigan nya ang mukha nito at napansin nga nya na namumutla ito kaya naman napakunot na lamang ang noo nya kaya nagpasya sya na dalhin na lamang sa ospital si Sophia.

Bigla namang nagising si Sophia at napansin nga nya na iba na ang daan na tinatahak nila ni Francis.

“Saan mo ako dadalhin?” agad na tanong ni Sophia habang nagpapalinga linga sya sa kanilang paligid.

“Dadalhin kita sa ospital,” tipid na sagot ni Francis.

Bigla namang kinabahan si Sophia kaya naman umisip na lamang sya ng idadahilan nya rito para hindi sya nito dalhin sa ospital.

“Ha? Naku wag  mo na akong dalhin sa ospital. Uuwi na lamang ako at kulang lang talaga ako sa pahinga,” pagdadahilan na ni Sophia. Agad naman na napalingon sa kanya si Francis.

“Sigurado ka ba r’yan?” tanong pa ni Francis

“Oo sigurado ako. Kaya iuwi mo na lamang ako,” sagot naman ni Sophia.

“Sige kung yan ang gusto mo,” sagot ni Francis at saka nya sinabihan ang kanyang driver na bumalik na sila.

Agad naman na sumunod ang driver ni Francis at agad na nga nilang inihatid si Sophia sa bahay nito.

Pagkapasok na pagkapasok naman ng bahay ni Sophia ay agad na nga nyang kinuha ang phone nya at agad na tinawagan ang kaibigan nyang si Karylle. Nakailang ring pa ngan iyon bago ito sinagot ng kanyang kaibigan.

“Hmm. Hello, bat napatawag ka Sophia? May problema ba?” agad naman na tanong ni Karylle sa kaibigan dahil dis oras na ng gabi ito kung tumawag sa kanya at kasarapan na nga ng kanyang tulog.

“Ahm… Karylle pasensya na sa abala ha. Baka pwede mo naman akong bilhan ng pregnancy test kit bukas. Please,” deretsahan ng sabi ni Sophia sa kanyang kaibigan.

Parang bigla naman nagising ang diwa ni Karylle dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.

“Ha? Pregnancy Test kit? Bakit? Para kanino?” sunod sunod pa na tanong nito mula sa kabilang linya.

“Basta bilhan mo na lamang ako bukas ha. Abot mo lang din sa akin. Salamat,” pagkasabi nya noon ay agad na nga nyang pinutol ang tawag nila ni Karylle dahil sigurado sya na tatadtarin na naman sya ng tanong nito.

**********

Kinabukasan ay mayroon namang salo salo na pinuntahan si Sophia kasama ang ilang mga kaibigan nila ni Francis at kahit ito ay naroon din. Sinadya pa nga ng mga ito na pagsamahin sila ngayon dahil nalaman nga ng mga ito ang nangyari sa dalawa.

Papasok pa lamang sana sa loob si Sophia ng marinig nya ang boses nila Francis at Kurt na nag uusap kaya dahan dahan na lamang sya na pumasok doon.

“Totoo ba na naghiwalay kayo ni Sophia? At dahil iyon sa Bianca na yun?” tanong pa ni Kurt kay Francis.

Bigla namang natigilan si Sophia sa paghakbang ng marinig ang tanong nito kay Francis at hinihintay nga nya ang magiging sagot nito.

“Walang kinalaman dito si Bianca. Hindi kami bagay ni Sophia at hindi sya nararapat sa akin,” balewalang sagot naman ni Francis sa kanyang kaibigan.

“Paanong hindi nararapat?” naguguluhang tanong ni Kurt kay Francis. “Ano pa ba ang hinahanap mo? Maganda si Sophia, matalino na mabait pa. At isa pa ay kilalang kilala na sya ng pamilya mo sa loob ng maraming taon. Ano pa ba ang problema mo sa kanya? At isa pa alam naman natin na malaki na ang naitulong nya sa’yo,” dagdag pa ni Kurt.

Nakita at nakilala na rin naman nya si Bianca. Oo at maganda ito at maalalahanin. Pero kung ikukumpara kay Sophia ay mas gusto nya itonpara sa kanyang kaibigan.

Hindi naman na nakatiis pa si Sophia sa kanyang mga naririnig na pag uusap ng dalawa kaya naman nagpasya na lamang sya na umalis na lang.

Nag message na lang din sya sa kaibigan nyang si Kim na umalis na sya dahil may kailangan pa pala syang gawin.

Pagkaalis nga nya roon ay agad na nga syang nakipagkita kay Karylle at saka nya kinuha ang ipinapabili nya rito.

Agad naman na iniabot ni Karylle ang pregnancy test kit kay Sophia pero hindi nya muna ito binitawan at seryoso nyang pinakatitigan muna ang kaibigan.

“H-hindi ka naman siguro buntis no?” alanganing tanong ni Karylle kay Sophia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 338

    CHAPTER 338Makalipas ang dalawang araw ay tuluyan na nga na nagpaalam sila Theresa, Sophia, Jacob at Francis kay Jayson at binigyan na lamang nila itong ng maayos na libing.Yun lamang din kasi talaga ang magagawa nila para rito para na rin sa ikatatahimik nito. Ayaw rin kasi talaga nila Sophia na umasa ang kanilang ina na makakasama pa nito ang kanilang ama dahil kitang kita na nila sa kalagayan nito na talagang wala na itong pag asa pa na magising.Matapos ang libing ay nanatili na lamang din muna silang apat sa puntod ni Jayson. Nanatili rin na iyak ng iyak si Theresa dahil sa totoo lang ay napakahirap para sa kanya ang ginawa niyang desisyon na iyon pero kailangan niya itong gawin para na rin sa kanilang mga anak.“It’s okay mom. Narito naman po kami para sa inyo,” sabi ni Sophia sa kanyang ina.Pinunasan naman muna ni Theresa ang kanyang luha at saka siya pilit na ngumiti sa kanyang anak.“Kaya ko ito anak. Alam ko na masakit lamang ito sa una pero alam ko na makakaya ko ito lal

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 337

    CHAPTER 337Naaawa naman na tinitigan ni Sophia ang kanilang ina at dahil sa mga sinabi nito ay napabuntong hininga na lamang talaga siya at saka niya ito linapitan dahil hindi na ito natigil sa pag iyak.“Mom, tama po ang desisyon nyo na iyan at alam ko po na maiintintindihan kayo ni dad. Kahit naman po kami ni Jacob ay gusto pa siyang makasama dahil sino ba naman ang hindi mananabik sa pagmamahal ng mga magulang pero sa nakikita po namin na kalagayan ngayon ng aming ama ay sa tingin po namin ay yan po ang mas tama ninyong gawin… ang pakawalan siya. Wag po kayong mag alala dahil narito lamang po kami ni Jacob para sa inyo,” pagpapagaan ni Sophia sa loob ni Theresa.Agad naman na napatingin si Theresa sa kanyang anak dahil sa sinabi nito at hindi na rin niya napigilan pa ang kanyang sarili at nayakap na lamang talaga niya ito ng mahigpit at saka siya doon mas lalong umiyak.Gumanti naman ng yakap si Sophia sa kanyang ina dahil alam niya na kailangan din talaga sila nito ngayon lalo na

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 336

    CHAPTER 336Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng silid na iyon ay agad na bumungad sa kanila ang isang malinis at maaliwalas na silid na hindi mo aakalain na may ganon pala sa loob ng isang parang abandonadong bahay at sa gitna nito ay may isang kama kung saan may nakahiga na isang lalaki na walang malay.At nang mapansin iyon ni Sophia ay napalunok naman siya ng sarili niyang laway at saka siya dahan dahan na humakbang papalapit dito.“Pasensya na kung natakot kayo sa labas kanina. Sinadya ko talaga na ganito ang lugar na ito para walang maghinala na narito kami ng inyong ama,” sabi ni Theresa.Hindi naman maiwasan ni Sophia na hindi humanga sa kanilang ina dahil talagang kaiba rin ito kung mag isip at talagang gagawin nito ang lahat para lamang hindi sila matunton ng pamilya ng kanilang ama. Sa totoo lang ay hindi talaga akalain ni Sophia na napakalinis talaga ng loob ng silid na iyon dahil pagkapasok pa lamang nila kanina sa lugar na iyon ay parang gusto na talaga niyang umuron

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 335

    CHAPTER 335Muli namang tumingin si Sophia sa kanilang ina at saka siya tumayo at pumunta sa tabi ng kanilang ina.“Mom, tingnan mo ang aming ama,” sabi ni Sophia at saka siya tumingin din sa screen.Sinunod din naman ni Theresa ang sinabi na iyon ni Sophia at tumingin din siya sa screen ng kanyang laptop.“Tingnan mo siya mom. Sa tingin mo ba ay masaya pa siya sa lagay niyang iyan? Sa tingin mo ba ay hindi siya nahihirapan? Ayaw mo ba na magkaroon na lamang siya ng katahimikan?” mahinahon pa na tanong ni Sophia sa kanyang ina.Hindi naman napigilan ni Theresa ang kanyang luha dahil sa mga tanong na iyon ni Sophia. Pinakatitigan pa niya si Jayson at lalo ng nag unahan sa paagpatak ang kanyang luha at hindi na niya magawa pang magsalita.“Base na rin sa mga sinabi mo kanina ay alam po namin na mahal na mahal mo ang aming ama. Kahit kami ay kung bibigyan kami ng pagkakataon na makasama siya ay magiging masaya rin naman kami. Pero… kung titingnan natin ang kalagayan niya ngayon… parang g

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 334

    CHAPTER 334Nang unti unti naman ng umaalis ang mga bisita nila Sophia at Francis sa kanilang kasal ay agad na munang nagtungo si Sophia sa kanyang silid upang magpalit ng damit at pagkatapos ay tinawag lamang din niya si Jacob para sabay na silang pumunta sa silid kung nasaan ang kanilang ina. Noong una ay ayaw pa sana ni Jacob na sumama sa kanyang kapatid pero napilitan na lang din siya na sumama dahil ayaw naman niyang magalit ang kanyang ate Sophia.Pagkapasok nila sa silid na iyon ay naabutan nila ang kanilang ina na nakaharap sa laptop at mayroon itong tinitingnan doon at napansin din nila ang luha na umaagos sa pisngi nito. At sa sobrang tutok pa nga nito sa screen ng laptop ay ni hindi man lang nito naramdaman ang pagpasok nila Sophia sa silid na iyon.Napatingin naman muna si Sophia kila Jacob at Francis at isang malalim na buntong hininga na muna ang kanyang pinakawalan at saka siya tumikhim para maagaw nila ang atensyon ng kanilang ina.Nagulat naman si Theresa ng may bigla

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 333

    CHAPTER 333“Hindi… hindi ako sang ayon sa sinabi mo ate. Pasensya na pero kung aalis ka ngayon ay wag ka na lamang magpakita muli sa akin. Masyado ng masakit ang mga nangyari noon at sa muli mong pagpapakita sa amin ay handa akong bigyan ka ng isa pang pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkukulang mo. Pero kung aalis ka muli ngayon at para bang sinilip mo lang talaga kami ay wag ka na lang bumalik pa,” sabi ni Jacob at hindi na niya hinintay pa na makapagsalita ang kanilang ina at agad na siyang tumalikod dito at agad na naglakad palayo sa mga ito.Napabuntong hininga naman si Theresa dahil hindi rin naman talaga niya masisisi ang kanyang anak kung bakit ito nagkakaganito ngayon dahil kasalanan din naman talaga niya. Pero ang malaking problema niya ngayon ay hindi niya alam kung aalis ba siya ngayon o mananatili na lang muna roon dahil ayaw din naman niya na mas lalong sumama ang loob ni Jacob sa kanya.Napatingin naman si Theresa sa mag asawang Sophia at Francis na tahimik lama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status