CHAPTER 4
“Hindi ko pa alam,” sagot ni Sophia sa kaibigan habang mahigpit nyang hawak ang pregnancy test kit na iniabot sa kanya ni Karylle. Hindi kasi dinaratnan ng buwanang dalaw si Sophia ngayon at parang may kakaiba rin kasi syang nararamdaman nitong mga nakaraang araw kaya napagpasyahan nga nya na gumamit na ng pregnancy test kit. “Kung buntis ka nga. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba ito kay Francis?” tanong pa ni Karylle sa kanyang kaibigan. Bigla namang natigilan si Sophia. Naalala nya kasi na ayaw ni Francis na magkaanak sa kanya. Ito na lang sana din ang pag asa nya para kay Francis pero natatakot sya na baka magalit ito sa kanya. “Hindi. Hindi ko sasabihin sa kanya kung sakali ngang buntis ako. Ayaw kong ipilit sa kanya ito dahil alam ko na ayaw nya. Mas mabuti pa na ilihim ko ito kung sakali,” malungkot na sagot ni Sophia sa kanyang kaibigan. Tatlong taon na rin talaga syang naghihintay na magkaroon ng anak pero ngayon na dumating na nga ito ay mukhang huli na nga ang lahat. Bigla ngang sumama ang pakiramdam ni Sophia kaya naman minabuti na muna nya na hindi na muna nya gamitin ang pinabili nya sa kanyang kaibigan Kinabukasan habang nasa kumpanya na si Sophia ay bigla nga nyang naalala ang tungkol sa pregnancy test kit. Kaya naman agad na nga nya iyong kinuha sa kanyang bag at dali dali ng pumunta sa CR upang umihi. Agad naman nyang sinunod ang instruction sa pakete at naghintay lamang sya ng ilang saglit at ganon na lamang ang panlalaki ng mata nya dahil sa gulat ng makita nya ang resulta noon. ‘Positive’ buntis nga sya. *********** “Ate Sophia hindi mo ako pwedeng sisihin sa mga nangyare. Bago lamang ako rito at hindi ko pa gamay ang aking trabaho,” sabi ni Bianca kay Sophia ng makita nya ito. “Wala akong kinalaman dyan dahil unang una ay pinaliwanag ko naman na sa’yo ang mga dapat mong gawin,” sagot naman ni Sophia. “Ang kumpanya ay may mga polisiya at kapag nakagawa ka ng mali ay dapat lamang na magkaroon ka ng pabuya at karampatang parusa,” dagdag pa nito. Kahit naman kasi magkapatid nga sila ay hindi naman nila iyon isinasali sa usapin sa trabaho. Kaya kapag nagkamali ka sa trabaho ay dapat mong harapin ang karampatang parusa sa’yo. Napabuntong hininga na nga lamang si Bianca dahil hindi rin sya pinapakinggan ng ate Sophia nya sa kanyang paliwanag at akala nga nya ay makakalusot sya sa nagawa nyang pagkakamali. “Ate Sophia birthday nga pala ni daddy sa isang linggo. Matagal tagal mo na ring hindi nakikita at nakakasama si daddy. Baka gusto mong pumunta,” pag iiba na ng usapan ni Bianca. Seryoso namang pinakatitigan ni Sophia ang kanyang kapatid dahil sa sinabi nito. Naalala nya kasi na ang kaarawan ng kanilang ama ay ang ikapitong taon naman ng kamatayan ng kanyang ina. “Bianca una sa lahat ay wala akong balak na makipagplastikan sa inyo. Baka gusto mong ipaalala ko sa iyo ang nangyari pitong taon na ang nakararaan sa aking ina,” sagot ni Sophia sa kanyang kapatid. Bigla namang napayuko si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia. “Alam ko naman iyon ate. Pero birthday pa rin yun ng ating ama at dapat pa rin naman natin iyong ipagdiwang. Siguro ay tama na ang pagsisisihan natin gaya ng hindi ko na sinisisi ang iyong ina sa pagpapadala sa akin sa probinsya,” sagot ni Bianca kay Sophia. “Alam mo ang tunay na dahilan kaya ka ipinadala sa probinsya Bianca,” galit ng sabi ni Sophia sa kanyang kapatid. Bigla namang napahiya si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia kaya naman napayuko na lamang sya. “A-ate sorry. W-wala naman akong ibang ibig sabihin doon,” sabi pa ni Bianca at naluluha na nga sya dahil doon. “Wala akong pakialam,” sagot naman ni Sophia at saka nya ito tinalikuran at saka diretsong umalis ng kumpanya. Nang hapon din na yun ay napagpasyahan ni Sophia na magpunta sa ospital upang magpacheck up at makasigurado kung buntis nga ba sya. Matapos ang ilang test na ginawa kay Sophia ay nakangiti naman na lumapit sa kanya ang kanyang doctor. “Congratulations Ms. Sophia. Your six weeks pregnant,” nakangiti pa na sabi ng doktor kay Sophia. Parang nabingi naman si Sophia dahil sa sinabi ng doktor sa kanya. Kahit na nararamdaman nya na talaga na may kaiba sa kanyang katawan ay iba panrin pala kapag nakumpirma na buntis nga sya. May mga sinasabi pa ang doktor kay Sophia pero parang hindi na nga nyanito naiintindihan dahil natulala na lamang talaga sya. Halos tulala pa nga na lumabas ng silid ng kanyang doktor si Sophia habang hawak hawak nga nya ang resulta ng kanyang pre natal check up. Habang naglalakad nga sya sa hallway ng naturang ospital ay bigla naman syang may nakabanggaan at walang iba yun kundi si Francis at nagkagulatan pa nga silang dalawa. Nasa ospital din kasi si Francis dahil dinala sya na empleyado roon na nasprain ang paa at kasama nga rin nya si Bianca roon. Bigla tuloy umalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ng doktor na. “ Ms. Sophia ang iyong katawan ay hindi pupwedeng magpalaglag ng sanggol. Baka kasi kapag ginawa mo iyon ay mahihirapan ka ng magbuntis pa o kaya naman ay hindi ka na maaaring magbuntis pa. Kaya pag isipan mo muna iyang mabuti,” Hindi nya alam kung ano ba ang gagawin nya ngayon dahil hindi nga nya alam kung matatanggap ba ni Francis ang batang nasa sinapupunan nya. Masaya sya sa kaalaman na mayroon ng isang munting anghel sa kanyang sinapupunan pero natatakot din kasi sya na baka kapag malaman ni Francis ang tungkol dito ay baka hindi ito pumayag at ipalaglag nga nito ang bata. Bigla namang bumalik sa wisyo si Sophia ng may biglang nagsasalita sa harapan nya. “Ate Sophia?” sabi ni Bianca ng makita nya ang ate nya. “Anong ginagawa mo rito?” kunot noo naman na tanong ni Francis kay Sophia. Nagulat naman si Sophia ng mamukhaan nya kung sino ang mga nagsasalita sa kanyang harapan. Bigla pa syang kinabahan ng makita nya si Francis. Agad naman nyang itinago sa kanyang likuran ang kanyang hawak na resulta ng kanyang pre natal check up ng maalala nya iyon. “Ha? Ah.. Eh.. A-ano m-may follow up check up kasi ako ngayon. K-kaya ako narito sa ospital,” kandautal pa na sagot ni Sophia kay Francis. “Ahm. Oo nga pala may kailangan pa pala akong puntahan. Maiwan ko na muna kayong dalawa,” sabat naman na ni Bianca. Hindi naman na nagsalita pa si Francis at hinayaan na lamang nya na umalis ang dalaga. Habang abala naman si Francis sa pagtingin sa papaalis na si Bianca ay ginawa naman iyong pagkakataon ni Sophia at dahan dahan nga nyang inilagay sa loob ng kanyang bag ang resulta ng kanyang pre natal check up. Hindi na rin naman sila nagtagal pa roon at sabay na nga silang umalis na dalawa at sumakay na nga lang sila sa sasakyan ni Francis. Napasulyap naman si Francis kay Sophia at napapansin nyang parang aligaga ito. “May problema ba? Bakit parang hindi ka mapakali at mukha kang kinakabahan dyan. Kapag ganyan ka iisipin ko talaga na buntis ka Sophia,” sabi ni Francis kay Sophia. Agad naman na napabaling ng tingin si Sophia sa gawi ni Francis at seryoso nga nya itong tinitigan. “Kung sakaling buntis nga ako. Ano ang gagawin mo Francis?” wala sa sariling naitanong ni Sophia kay Francis. “Kung buntis ka ay mag aaway talaga tayong dalawa dahil alam mo naman na ayaw ko na magbuntis ka diba,” seryoso rin naman na sagot ni Francis kay Sophia. Nasaktan naman ang damdamin ni Sophia dahil sa sinabi ni Francis pero pilit nyang itinatago rito ang kanyang nararamdaman dahil baka nga mahalata sya nito. “Joke lang. Binibiro lamang kita. Sadyang may follow up check up lamang ako kaya ako narito sa ospital,” sagot ni Sophia kay Francis habang may pilit na ngiti sa labi nito. Dahan dahan naman na tumango sa kanya si Francis. “Nabalitaan ko na may hindi kayo pagkakaunawaan ni Bianca ngayon. Bata pa si Bianca at medyo ignorante pa sa mga bagay pero mabait naman sya at hindi basta basta nakikipag away. Kaya sana naman kung anuman ang hindi nyo pagkakaunawaan ay maayos nyo na sanang dalawa iyon,” seryoso naman na sabi ni Francis kay Sophia. Napasimangot naman si Sophia dahil sa sinabi ni Francis. “Unang una ay hindi na bata si Bianca at kung anuman ang hindi namin pagkakaunawaan ay mayroon naman akong malalim na dahilan doon,” sagot naman ni Sophia rito at napapairap pa nga sya kay Francis dahil talagang pinagtatanggol pa nito si Bianca.Bigla naman tumigil si Francis sa kanyang ginagawa dahil baka nga makalimot siya at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.“Ang mabuti pa ay tara ng umalis dahil baka hindi ko na makontrol pa ang aking sarili,” sabi ni Francis at saka niya magaan na hinalikan sa labi si Sophia at saka niya ito binitawan na. “Hintayin na lamang kita sa sala,” sabi pa niya at nauna na nga ito na lumabas ng kanilang silid.Napapailing na lamang si Sophia sa inasta na iyon ni Francis at bahagya pa nga siyang natawa rito dahil alam niya na nagpipigil lang ito ng kanyang sarili. Binilisan naman na ni Sophia ang kanyang kilos para makaalis naman na silang dalawa.Saglit lamang naman ang naging byahe nila at agad na nga silang nakarating sa private clinic ng OB ni Sophia at agda na nga nitong tiningnan ang lagay ni Sophia at ng bata sa sinapupunan nito.Pagkatapos ng check up na iyon ni Sophia ay inaya naman na niya muna si Francis sa isang restaurant para kumain ng lunch.“Ali, sa tingin mo ba ay ito
CHAPTER 296Mabilis naman na lumipas ang mga araw, linggo at buwan at masayang masaya na nga ngayon si Sophia dahil sa wakas ay kasal na sila ni FRancis at nagsasama na muli sila sa iisang bahay. At bukod pa nga roon ay masaya rin siya dahil kasama na rin nga niya ngayon ang kanyang kapatid na si Jacob sa kanilang bahay.Gaya nga ng plano nilang mag asawa ay hindi na muna pumapasok sa opisina si Sophia at nasa bahay na lamang nila ito palagi. At kapag may mga mahahalagang dokumento na kailangang pirmahan si Sophia ay pinupuntahan na lamang nga ito ni Louie o di kaya ay ni Harold sa bahay nito para papirmahin ito.Wala namang reklamo sila Louie at Harold sa set up nila na iyon dahil sanay naman na sila na sila ang nag mamanage ng kumpanya ni Sophia na Prudence. Matagal na rin naman nila itong ginagawa at masaya naman sila sa kanilang ginagawa na ito.Habang si Francis naman ay masayang masaya rin ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Sophia. Sa totoo lang ay p
“Jacob, hayaan mo sana ako na makabawi sa’yo. Alam ko na sobra kang nahirapan noon kaya gusto ko talagang makabawi sa’yo ngayon dahil ang buong akala ko talaga noon ay nasa maayos kang lagay at hindi ko alam na nakakaranas ka na pala ng paghihirap noon. Kaya ngayon ay gusto ko naman na maranasan mo na mamuhay ng masagana. Alam ko naman na gusto mong kumita para sa sarili mo at hindi naman kita pipigilan doon pero itong mga gusto kong iparanas sa’yo ay sana ay hayaan mo ako na gawin sa’yo ang mga ito,” sagot naman ni Sophia.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jacob. At kahit ayaw sana talaga niya na tanggapin ang anuman na ibibigay sa kanya ng kanyang ate Sophia ay ayaw naman niya na magdamdam ito kaya tatanggapin na lamang niya ang mga ito.“Salamat ate. Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin ito sa akin. Sapat na sa akin na nariyan ka at may tunay akong pamilya na nakakasama ko,” sagot ni Jacob dahil para sa kanya ay sobra sobra na talaga ang mga binibigay
CHAPTER 295Sa totoo lang ay balak na sana ni Sophia na ipasok si Jacob sa kanyang kumpanya na Prudence dahil tiwala naman siya rito at isa pa ay alam naman niya na hindi nga ito pababayaan ng kuya Louie niya at pati na rin ni Harold.Alam naman din ni Sophia na matalino si Jacob kaya alam niya na kaya nitong pamunuan ang kanyang kumpanya habang wala nga siya. Gusto sana niya na ito na muna ang hahalili sa kanya habang wala nga siya. Napag usapan na kasi nila ni FRancis na pagkatapos nga nitong kasal nila ay hindi na muna siya papasok sa opisina dahil gusto rin nilang dalawa na magfocus sa pagbubuntis ni Sophia dahil gusto nila na maging maayos nga ang lagay ng kanilang baby.Kahit naman kasi hindi na magtrabaho si Sophia ay kayang kaya naman siyang buhayin ni Francis at kahit nga siya ay may sarili ring pera dahil sa kanyang mga kumpanya.“Pwede mo namang pag isipan na muna ang tungkol sa bagay na iyon. Ayaw rin naman kitang biglain,” sabi pa ni Sophia.“Nakapagdesisyon na ako ate,”
Nginitian naman ni Sophia ang kanyang kapatid at saglit na muna niya itong iniwan upang lapitan ang ilan pa sa kanilang mga bisita na naroon.At nang tuluyan na nga na umalis ang lahat ng kanilang mga bisita ay inaya na muna niya si Jacob sa kanilang bagong bahay ni FRancis. Pinauna na rin nga ni Sophia ang kanyang kuya Louie at pati na rin si Harold dahil sa isasabay nga dapat ng mga ito si Jacob pauwi.Pagkarating nila sa bahay nila sa bahay ng bagong kasal ay naupo naman na muna si Sophia sa sofa habang si Francis naman nga ay iniwanan na muna ang magkapatid dahil may kailangan ngang pag usapan ang mga ito.“Kumusta ka na pala? Pasensya ka na kung hindi na kita nakukumusta madalas,” panimula ni Sophia.“Ayos lang naman ako ate. At saka wag mo na akong intindihin pa dahil dapat na pagtuunan mo ngayon ng pansin ay ang iyong sarili at ang iyong binubuong pamilya,” sagot ni Jacob.Napabuntong hininga naman si Sophia at para bang bigla nga siyang nakunsensya dahil aminado naman siya na
CHAPTER 294Pagkarating nila Sophia at Francis sa opisina ng judge na magkakasal sa kanila ay nadatnan na nga nila roon ang kanilang mga bisita na talagang nauna na sa kanila roon.Ilan nga sa mga bisita nila roon ay sila Dr. Gerome na hindi talaga pwedeng mawala dahil sa bukod sa kaibigan nga ito ng mga ikakasal ay sa clinic pa nga nito nagpropose si Francis. Syempre naroon din sila Khate at James na pinagkakatiwalaan din nilang dalawa. At syempre present din ang nakababatang kapatid ni Sophia na si Jacob at ang dalawang kuya niya na sila Louie at Harold. At kasabay rin nga na dumating ng ikakasal si manang Ester na palaging nakaalalay kay Sophia. May ilan pa rin nga silang mga bisita roon na talagang pinagkakatiwalaan ni Francis kaya inimbitahan na rin nila.Napangiti na lamang nga sila Sophia at Francis ng makita nila ang kanilang mga bisita kaya naman agad na rin silang naglakad papasok sa loob.“Akala ko ay nagbago na ang isip ninyong dalawa,” naiiling pa na sabi ni Louie dahil n