Share

CHAPTER 2

Author: Phoenix
last update Last Updated: 2024-12-05 10:36:05

CHAPTER 2

Matapos ang isang linggong sick leave ni Sophia ay muli na nga syang pumasok sa opisina.

Pagkapasok nga nya sa loob ng kumpanya ay napansin nya ang ilang mga empleyado na nagbubulungan.

“Manager Sophia hindi nyo pa po ba alam? May bago na pong sekretarya si sir Francis at ang apelyido rin po nito ay Marquez kagaya nyo,” daldal naman ng isang empleyada kay Sophia.

Nagulat naman si Sophia sa sinabi ng isang empleyada nila. Bigla tuloy syang napaisip na talaga palang ipinalit ni Francis si Bianca sa kanya bilang sekretarya nito.

Pagkalipas ng ilang sandali ay pinatawag nga si Sophia sa opisina ni presidente kaya naman agad na syang pumunta roon.

Agad naman na napatingin si Francis sa bagong dating na si Sophia.

“Dahil gusto mong manatili rito sa kumpanya ang pagiging personal na sekretarya ko ay hindi na nababagay pa sa’yo. Sakto naman na may bakanteng posisyon sa isang department dito kaya naman inilipat na kita roon bilang manager,” agad na sabi ni Francis kay Sophia.

Dahil nga mahalaga para kay Francis si Bianca ay mas pinili na lamang nya na ilipat sa ibang department si Sophia para naman hindi iyon pagsimulan ng away nila ni Bianca. Alam nya kasi na selosa si Bianca kaya ayaw nyang gumawa ng dahilan para magalit itonsa kanya.

“Sigurado ka ba r’yan sa desisyon mo? Kakatapos pa lamang ni Bianca sa pag aaral at wala pa syang masyadong alam tungkol sa trabaho ng isang sekretarya,” sagot naman ni Sophia.

Napasulyap naman si Sophia sa suot na kwintas ni Bianca at nagulat pa nga sya dahil matagal na nyang gusto ang kwintas na iyon.

Naalala pa nga nya na minsan syang tanungin ni Francis kung talaga bang gusto ng lahat na maliliit na babae ang alahas na ganon. Ang akala pa naman nya ay para iyon sa kanya yun pala ay inihahanda pala iyon ni Francis para kay Bianca.

“What ever,” halos pabulong na sabi ni Sophia at saka sya tumingin sa kanyang kapatid.

“Ayusin mo na lamang ang trabaho mo para walang naging problema. Matalino ka naman at sa tingin ko ay alam mo naman ang sa tingin mo ay tama,” sabi oa ni Sophia kay Bianca.

Ngumiti lamang namna si Bianca kay Sophia at hindi na nagsalita pa. Isinama na rin muna ni Sophia si Bianca para maging pamilyar ito sa magiging trabaho nito sa kumpanya at ipinaliwanag na rin nya rito ang mga dapat at hindi nito dapat na gawin sa trabaho bilang sekretarya.

“Ate Sophia ayaw mo ba sa akin? Dahil ba kay Francis?” bigalng tanong ni Bianca sa kanyang ate Sophia.

Hindi naman ito pinansin ni Sophia bagkos ay linampasan na lamang nya si Bianca.

“Mahirap sabihin kung ano ang tama at mali parang katulad sa namagitan kay daddy at mommy. Ate Sophia kahit ano pa man ang mga nangyare noon gusto ko pa rin sanang mapalapit sa’yo kahit na isang kaibigan mo lang sana ay–” hindi naman naituloy ni Bianca ang kanyang sasabihin ng magsalita na si Sophia.

“Bianca,” pigil ni Sophia sa sinasabi ni Bianca. “Kahit na ano pa ang sabihin mo masakit pa rin para sa akin na linoko ng tatay natin ang aking ina. Kaya pwede ba tigilan mo ako,” sabi pa ni Sophia.

Kahit kasi na wala na ang ina ni Sophia ay mahirap pa rin para sa kanya na patawarin ang ina ni Bianca lalong lalo na si Bianca dahil kahit na ano pa ang sabihin nila ay linoko pa rin ng mga ito ang kanyang ina.

Agad naman ng tinalikuran ni Sophia si Bianca at agad na nga umalis at iniwan ito roon. Pagkabalik nga nya sa kanyang opisina ay agad na nga syang nagpadala ng message kay Francis. “Francis may oras ka ba ngayon para kunin ang certificate?” 

Agad din naman na sumagot si Francis sa message ni Sophia.

“Sige. Mamayang alas dos,”

Pagsapit ng alas dos ng hapon ay agad na nga silang pumunta ni Francis sa opisina ng abogado ni Francis. Ni hindi na nga nagawang magpalit ng damit ni Sophia at suot pa nga nya ang damit nya sa opisina.

“Mukhang nagmamadali ka yata,” sabi ni Francis kay Sophia.

“Hindi naman. Ito ang gusto mo diba? Bakit patatagalin pa natin,” sagot naman ni Sophia sa kanya.

Hindi naman na nagsalita pa si Francis at agad na nga syang pumirma sa divorce paper.

Agad na rin naman nilang natanggap ang certificate at agad na rin silang lumabas sa opisina ng abogado ni Francis. Pagkalabas pa nga nila roon ay nagsindi pa nga ito ng sigarilyo at saka nito mataman na tinitigan si Sophia.

“Magaling ka na ba?” tanong ni Francis kay Sophia.

“Oo magaling na ako,” sagot ni Sophia rito.

Hindi na rin naman sila nagtagal pa roon  dahil dumating na nga ang sasakyan ni Francis.

“Ibabalik kita,” mahinang sambit ni Francis.

Kahit mahina nag pagkakasabi ni Francis ay narinig naman iyon ni Sophia at kahit nagtataka sa sinabi nito ay hindi na lamang din nya iyon pinansin pa.

“Buntis ka ba?” wala sa sariling naitanong ni Francis kay Sophia.

Bigla namang kinabahan si Sophia sa tanong sa kanya ni Francis.

Dalawang buwan na rin kasi ang nakakalipas ng huling nagtalik sila ni Francis. Pero lingid sa kaalaman nito na hindi sya umiinom ng pills.

“H-hindi. Hindi ako b-buntis,” kandautal pa na sagot ni Sophia.

Magsasalita pa sana si Francis pero bigla namang tumunog ang phone nya kaya naman agad na nya iyong sinagot.

“May mga kailangan pa pala akong gawin sa kumpanya,” sabi ni Francis kay Sophia matapos nyang makipag usap sa tumawag sa kanya.

Tumango lamang naman sa kanya si Sophia.

Pinakatitigan naman ni Francis si Sophia at saka sya humithitnsankanyang sigarilyo.

“Alam ko naman na hindi ka mabubuntis dahil may iniinom kang pills. Nagkataon lang siguro iyan na masama ang iyong pakiramdam,” sabi pa ni Francis kay Sophia.

Parang bigla namang nanikip ang dibdib ni Sophia dahil sa sinai ni Francis kaya hindi na lamang sya nagsalita pa.

Sa loob kasi ng ilang taon na kasal sila ni Francis ay talagang pinapainom sya ni Francis ng pills para hindi nga sya mabuntis dahil kahit naman hindi sila tunay na nagmamahalan ay nagsex panrin naman sila dahil kasal naman sila. Sadyang piangbibigyan lamang nila ang pangangailangan ng isa’t isa.

Agad na rin naman na bumalik si Sophia sa kumpanya. Pagkapasok pa lamang nya ng kumpanya ay agad na syang linapitan ngnisa sa mga empleyado roon.

“Ma’m Sophia nagkaroon po ng problema sa ilang mga produkto natin dahil kulang po ito,” pagbabalita nito kay Sophia. Agad naman na napakunot ang noo ni Sophia dahil doon.

“Bakit? Anong nangyare?” agad na tanong ni Sophia.

“Pinirmahan na lamang po kasi ni ms. Bianca ang mga papeles noon ng hindi man lang ito tinitingnan o binibilang man lang,” sagot naman ng empleyado.

Napabuntong hininga naman si Sophia at napapailing na lamang talaga sya dahil ilang beses pa nyang inulit ulit na sabihin kanina kay Bianca ang tungkol doon.

Habang nag uusap sila ng isang empleyado ay bigla namang may lumapit kay Sophia na isa pang empleyado rin doon kaya naman agad na syang napatingin sa gawi nito.

“Manager Sophia pinapatawag po kayo ni sir Francis sa kanyang opisina,” sabi nito kay Sophia.

Bumuntong hininga naman si Sophia at saka nya tianguan ito. Agad na rin naman syang pumunta sa opisina ni Francis. Kumatok pa muna sya roon bago sya tuluyang pumasok.

Sa loob naman ng opisina ni Francis ay tahimik naman na nakaupo si Bianca habang pinaglalaruan nya ang kanyang daliri at kinakagat kagat pa nito ang kanyang labi dahil sa totoo lang ay kinakabahan na talaga sya.

“Pasensya na. Hindi ko alam na kailangan ko palang bilangin at tingnan ang mga produkto natin bago ko ito pirmahan. Sinabi lamang sa akin ni manager Sophia na kailangan ko raw itong suriin. Pasensya na alam kong kasalanan ko ito,” nakayuko pa na sabi ni Bianca.

Sakto naman na bumukas ang pinto ng opisina ni Francis at pumasok nga roon si Sophia. Kita naman ni Sophia na masama ang tingin sa kanya ni Francis.

“Alam mo na bago pa lamang si Bianca. Bakit hindi mo sya pinaalalahanan ng tungkol sa bagay na to?” agad na sabi ni Francis kay Sophia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 321.2

    Napalunok naman ng sarili niyang laway si Sophia bago siya tumayo dahil hindi niya alam kung anong pakulo ba ito ng kanyang asawa dahil wala naman itong nabanggit sa kanya kanina na kailangan nilang magsalita sa unahan. Naglakad na lamang din siya papalapit kay FRancis dahil naisip niya na baka gusto lamang talaga nitong magpasalamat sa lahat ng mga naroon.Pagkarating ni Sophia sa unahan ay nanatili pa rin siyang nakangiti pero ang kanyang mga mata ay nagtatanong habang nakatitig sa kanyang asawa.Agad naman na sinalubong ni Francis si Sophia at saka niya ito hinawakan sa kamay at hindi rin muna niya pinapansin ang paraan ng pagkakatitig sa kanya nito dahil alam niya na nagtataka ito sa mga nangyayari.Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Francis at saka siya muling tumingin sa mga naroon.“Siguro karamihan sa inyo ay kilala na ang aking asawa na si Sophia. Baka nga ang ilan pa sa inyo ay nakasama siya noon dahil sa ang alam ng karamihan sa inyo noon ay siya

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 321.1

    CHAPTER 321Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin ang birthday party ni Deyl. Nagkaroon pa ng mga palaro roon at talaga namang nag enjoy ang mga bata na naroon dahil bukod sa mga nakatutuwang mga mascot ay napakarami ring papremyo na mga laruan at candies sa kanila.Tuwang tuwa naman si Deyl sa inihandang party na iyon ng kanyang mga magulang at buong oras yata ng program ay kasama niya si Kristoff na anak ni Karylle.Matapos na makantahan ng happy birthday song si Deyl ay nagsimula na rin naman na kumain ang mga bisita at pagkatapos ay balik na naman sa paglalaro ang mga bata habang ang kanila namang mga magulang ay abala sa pakikipag usap sa ilang mga bisita na naroon din sa party.Habang naglalaro naman ang mga bata ay abala rin naman si Sophia sa pakikipagkwentuhan kay Karylle dahil hindi talaga ito mapakali hanggat hindi niya nalalaman kung sino ba ang ama ng anak ng kanyang kaibigan.Kinuha naman na pagkakataon iyon ni FRancis para makalayo sa kanyang asawa at agad na siyang

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 320.2

    “Inimbitahan ko siya dahil alam ko naman na namimiss mo na ang matalik mong kaibigan,” sabi ni Francis ng mapansin niya na si Karylle ang tinititigan ng kanyang asawa. “Tara… Lapitan natin sila,” pag aaya pa ni Francis sa kanyang asawa na nakatulala na lang kay Karylle. Inalalayan pa nga niya itong maglakad dahil para bang bigla itong naistatwa sa kinatatayuan nito.“S-Sophia, long time no see,” kandautal pa na sabi ni Karylle ng lapitan siya ni Sophia dahil talagang nahihiya siya rito dahil ngayon na lamang siya muli nagpakita rito.“Talagang long time no see. Saan ka ba kasi nagsususuot na babae ka at bakit ngayon ka na lang ulit nagpakita sa akin?” sagot ni Sophia at nagtataray pa nga ang boses nito dahil sobrang tagal na talagang wala man lang paramdam si Karylle sa kanya.“Pasensya ka na kung bigla na lang akong nawala na parang bula noon. May mga bagay kasi na dapat kong pagtuunan ng pansin kaya ako biglang nawala,” paliwanag ni Karylle. “Mabuti na lang din talaga at hinanap kam

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 320.1

    CHAPTER 320Mabilis naman na lumipas ang mga araw, buwan at taon sa mga nakalipas na mga taon na iyon ay tahimik at masaya nang namumuhay sila Francis at Sophia kasama ang kanilang anak na si Deyl. Wala na ring nangugulo pa sa kanila dahil si Bianca ay tuluyan ng nakulong at tiniyak pa ni Francis na hindi na ito makakapag piyansa o makakalaya sa kulungan. Habang ang ama amahan naman ni Sophia na si Nelson ay naipakulong na rin ni Francis dahil sa dami ng nagawa nitong anumalya dati at naglabasan na rin ang mga tao na pinagkakautangan nito dahil tuluyan na ring lumubog ang kumpanya ng mga ito.Ngayong araw ay kaarawan ng anak nila Sophia at Francis na si Deyl. Tatlong taon na ito ngayon at talagang pinaghandaan nila Sophia ang kaarawan ng kanilang anak.Sa isang beach resort naman napili ni Sophia na idaos ang kaarawan ng kanilang anak na si DEyl. At syempre dahil children’s party iyon ay nag arkila na rin siya ng mga mascot para mas maging masaya ang kaarawan ng kanilang anak dahil ti

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 319

    CHAPTER 319Bahagya naman na nagulat si Sophia sa sinabi na iyon ni Raymond pero hindi niya iyon pinahalata at nanatili lamang siya na walang imik.“Sa totoo lang sobra ko talagang pinagsisihan ang mga nagawa ko noon sa’yo Sophia. Napakaswerte ko na noon dahil kapiling na kita pero pinakawalan pa kita dahil masyado akong nasilaw sa tinamasang tagumpay ng aking kumpanya. At hindi naman iyon mangyayari kung hindi dahil sa’yo kaya maraming maraming salamat. Pero wag kang mag alala dahil hindi ko sinayang ang lahat ng pinaghirapan mo sa aking kumpanya dahil ngayon ay nanatili pa rin itong matagumpay,” sabi pa ni Raymond.“Mabuti naman kung ganon dahil kung pinabayaan mo ang kumpanya mo ay mas lalo talaga akong magagalit sa’yo,” sagot naman ni Sophia.Bahagya naman na napangiti si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia dahil akala talaga niya ay galit na galit pa rin ito sa kanya ngayon.“Wag kang mag alala dahil napatawad naman na rin kita, Raymond. Alam ko naman na nasilaw ka lang din

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 318

    CHAPTER 318Mabilis naman na lumipas ang mga araw at unti unti na nga na bumabalik sa dati ang sigla ng katawan ni Sophia at nakakaya na nitong buhatin ng matagal ang kanilang anak na si DEyl. Pero syempre palagi pa ring nakaalalay si Francis sa kanya dahil ayaw din naman nito na mabigla ang katawan ng kanyang asawa.At ngayon nga ay nasa kanilang garden si Sophia at Francis para paarawan si Deyl. Ganito na kasi ang kanilang morning routine ngayon ang magpaaraw kay baby Deyl tuwing umaga bago sila kumain ng agahan.Matapos nilang magpaaraw ay hinayaan na lang din muna nila na makatulog si Deyl at inilapag na muna nila ito sa crib nito na dinala na nila roon sa garden. Kinuha naman nilang pagkakataon iyon para makakain ng agahan ng magkasabay.Sakto naman na tapos ng kumain sila Sophia at Francis ng lumapit sa kanila si manang.“Ma’m,Sir, excuse me po. May naghahanap po kasi sa inyo sa labas,” sabi ni manang sa mag asawa.Nagkatinginan naman sila Francis at Sophia dahil pareho silang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status