CHAPTER 5
“Hindi ako kailanman nagkautang kay Bianca at hindi rin ako nagkautang sa’yo Francis. Maaaring sa trabaho ay senior nya lamang ako. Pero sa personal naming buhay ay wala kaming utang na loob sa kanya,” seryoso pa na sabi ni Sophia kay Francis. Napadako naman ang tingin ni Francis kay Sophia at napabuntong hininga na lamang sya rito. Nakasuot lamang kasi si Sophia ngayon ng simpleng damit at simpleng mahabang palda at balingkinitan pa ang baywang nito. Maganda rin ang mata at kilay ni Sophia. Si Sophia kasi ay may pagkamatigas at malamig ang ugali. Napakatalino rin nito at talaga naman na hinahangaan din ang kagandanhan nito. “Pasensya na. Alam kong kasalanan ko ito,” seryoso naman na sabi ni Francis kay Sophia. Hindi naman na nagsalita pa si Sophia at napabuntong hininga na lamang sya dahil doon. Katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa at hindi nga maiwasan ni Francis na mapasulyap sa magandang mukha ni Sophia. KINABUKASAN…… May lumabas naman na balita tungkol sa pagbagsak ni Max Villamayor. Tiningnan sya ni Marvin bilang isang magiliw na tao pero sopistikado at makapangyarihan sa ibang pamamaraan. Gumawa kasi ng paraan si Marvin para malantad ang mga masamang gawain ni Max kaya agad itong naalis sa posisyon sa kumpanya. Nang ibigay ni Sophia ang mga produkto ay si Marvin ang tumingin noon at pumasa naman iyon sa kalidad na nais nya. “Wala ka man lang yatang kati katiwala sa akin ms. Marquez ah,” nakataas pa ang kilay na sabi ni Marvin kay Sophia. Kita naman nya ang pawis sa noo ng dalaga at napapalunok na nga lamang ng sariling laway nya si Marvin dahil talagang nagagandahan sya kay Sophia. “Hindi naman. Nag iingat lamang ako dahil baka magkaproblema na naman,” nakangiti pa na sagot ni Sophia kay Marvin. Dahan dahan naman na tumango si Marvin kay Sophia saka nya ito matamis na nginitian. Hindi naman nakalagpas sa paningin ni Francis at Bianca ang senaryo na yun dahil kitang kita nga nila ang mga ito. At kitang kita nga ni Francis kung paano titigan ni Marvin si Sophia. “Sophia mukhang magkasundong magkasundo kayo kayo ni Mr. Marvin Villamayor. At infairness mukhang bagay nga kayong dalawa,” nakangiti pa na sabi ni Bianca ng makalapit sila sa pwesto nila Sophia at Marvin. Nagkatinginan naman sila Marvin at Sophiabdahil sa sinabi ni Bianca pero hindi naman na iyon pinansin pa ng dalawa at nagpatuloy na lamang sila sa kanilang ginagawa. “Ang pagtutulungan na ito ay magdudulot lamang ng gulo sa mga Villamayor,” madilim ang tingin na sabi ni Francis. “Wala namang gulo Mr. Francis,” sagot ni Marvin kay Francis habang may nakakalokong ngiti sa labi nito. “Lalong lalo na kung may kasama kang napakagandang babae kagaya ni Ms. Sophia,” dagdag pa ni Marvin habang nakatitig ito sa magandang mukha ni Sophia. “Si Ms. Sophia ay alam kong isinasantabi ang personal na buhay nya sa kanyang trabaho. Natatakot ako Mr. Marvin na baka hindi mo iyon naiintindihan at magkaroon tayo ng hindi pagkakaunawaan,’” seryosong sagot naman ni Francis. Makahulugan namang tinitigan ni Francis si Sophia. At kaagad naman iyong napansin ni Marvin kaya naman napapangisi na lamang ito. “Hindi naman mahirap na ipagbukod ang personal na buhay sa trabaho. Kapag may gusto tayo sa isang babae ay gagawa at gagawa tayo ng paraan para mapansin nila tayo.. At isa pa ay alam ko naman na wala kang pakialam sa personal na buhay ng iyong mga empleyado, tama ba ako Mr. Francis?” sagot naman ni Marvin kay Francis habang nakangisi pa ito. “Kaswal lamang ako Mr. Villamayor,” seryosong sagot ni Francis dito. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad na nyang hinawakan sa kamay si Bianca at agad na silang umalis na dalawa. Nasundan na lamang nila Sophia at Marvin ng tingin ang papaalis na sila Francis at Bianca. “May pagkamasama talaga ang ugali ng isa na yun. Paano mo nagawang pakisamahan ang ganoong klase ng tao Ms. Sophia?” iiling iling na sabi ni Marvin kay Sophia. Napansin naman ni Sophia na parang naiinis nga sa pinapakitang ugali ni Francis si Marvin kaya hindi na lamang sya nagsalita pa. “Hindi naman ako nagsisisi sa mga sinabi ko,” sabi pa ni Marvin saka sya sumandal sa kinauupuan nila ni Sophia. Hindi naman na ito pinansin pa ni Sophia. Sa kabilang banda ay naayos na nga ni Sophia ang naging problema nila sa kanilang produkto at naiwasan ang anumang hindi pagkakaintindihan. Pinagmulta at pinarusahan naman ni Francis si Bianca ng kung anumang dapat na ipataw rito na parusa para naman maging patas sya sa iba pa nilang empleyado. Pagbalik naman ni Sophia sa kumpanya ay masayang masaya ang lahat ng naroon dahil naresolba nga nya ang problema sa kanilang produkto. “Mahirap talaga kapag palakasan lamang kaya naupo sa pwesto. Laging nagrurunong runungan,” sabi ng isang empleyado roon. “Matalino naman si Ms. Bianca kaso ay masyado lang nagmagaling dahil sekretarya agad ang posisyon nya. Kaya ayan nagkaproblema tuloy. Wala talagang makakatalo sa katalinuhan ni ms. Sophia. Ano ba kasi ang nakita ni sir Francis sa babae na yun?,” daldal naman ng isa pang empleyado. Ang kumpanya kasi nila Francis ay kilala sa isa sa mga malalaking kumpanya sa bansa. Napabuntong hininga naman si Bianca dahil sa kanyang mga naririnig. “Itigil nyo na yang bulung bulungan ninyo. Bata pa si Bianca at bago pa lamang. Sige na itigil nyo na yan at bumalik na kayo sa inyong mga trabaho,” saway na ni Sophia sa mga nagtsitsismisan na mga empleyado. Agad naman na tumigil ang mga ito at agad na rin na bumalik sa kani kanilang trabaho. Akmang papasok na sana si Sophia sa opisina ni Francis pero natigilan na lamang sya ng marinig nya na nag uusap si Francis at Bianca roon. Naluluha naman si Bianca habang kagat kagat nya ang labi nya at nagpapaawa kay Francis. “Francis, masyado na ba akong inutil? Narinig ko na sabi nila ay hindi ako kasing galing ni ate Sophia,” naiiyak ng sabi ni Bianca kay Francis. Napakunot naman ang noo ni Francis dahil sa sinabi ni Bianca. “Kung ikukumpara ka kay Sophia ay magkaibang magkaiba kayo. Kaya wag mo na lamang pakinggan ang mga sinasabi nila,” sagot ni Francis sa dalaga. Tahimik naman na nakikinig si Sophia sa pag uusap ng dalawa bago sya nagpasya na pumasok ng tuluyan doon.Napalunok naman ng sarili niyang laway si Sophia bago siya tumayo dahil hindi niya alam kung anong pakulo ba ito ng kanyang asawa dahil wala naman itong nabanggit sa kanya kanina na kailangan nilang magsalita sa unahan. Naglakad na lamang din siya papalapit kay FRancis dahil naisip niya na baka gusto lamang talaga nitong magpasalamat sa lahat ng mga naroon.Pagkarating ni Sophia sa unahan ay nanatili pa rin siyang nakangiti pero ang kanyang mga mata ay nagtatanong habang nakatitig sa kanyang asawa.Agad naman na sinalubong ni Francis si Sophia at saka niya ito hinawakan sa kamay at hindi rin muna niya pinapansin ang paraan ng pagkakatitig sa kanya nito dahil alam niya na nagtataka ito sa mga nangyayari.Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Francis at saka siya muling tumingin sa mga naroon.“Siguro karamihan sa inyo ay kilala na ang aking asawa na si Sophia. Baka nga ang ilan pa sa inyo ay nakasama siya noon dahil sa ang alam ng karamihan sa inyo noon ay siya
CHAPTER 321Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin ang birthday party ni Deyl. Nagkaroon pa ng mga palaro roon at talaga namang nag enjoy ang mga bata na naroon dahil bukod sa mga nakatutuwang mga mascot ay napakarami ring papremyo na mga laruan at candies sa kanila.Tuwang tuwa naman si Deyl sa inihandang party na iyon ng kanyang mga magulang at buong oras yata ng program ay kasama niya si Kristoff na anak ni Karylle.Matapos na makantahan ng happy birthday song si Deyl ay nagsimula na rin naman na kumain ang mga bisita at pagkatapos ay balik na naman sa paglalaro ang mga bata habang ang kanila namang mga magulang ay abala sa pakikipag usap sa ilang mga bisita na naroon din sa party.Habang naglalaro naman ang mga bata ay abala rin naman si Sophia sa pakikipagkwentuhan kay Karylle dahil hindi talaga ito mapakali hanggat hindi niya nalalaman kung sino ba ang ama ng anak ng kanyang kaibigan.Kinuha naman na pagkakataon iyon ni FRancis para makalayo sa kanyang asawa at agad na siyang
“Inimbitahan ko siya dahil alam ko naman na namimiss mo na ang matalik mong kaibigan,” sabi ni Francis ng mapansin niya na si Karylle ang tinititigan ng kanyang asawa. “Tara… Lapitan natin sila,” pag aaya pa ni Francis sa kanyang asawa na nakatulala na lang kay Karylle. Inalalayan pa nga niya itong maglakad dahil para bang bigla itong naistatwa sa kinatatayuan nito.“S-Sophia, long time no see,” kandautal pa na sabi ni Karylle ng lapitan siya ni Sophia dahil talagang nahihiya siya rito dahil ngayon na lamang siya muli nagpakita rito.“Talagang long time no see. Saan ka ba kasi nagsususuot na babae ka at bakit ngayon ka na lang ulit nagpakita sa akin?” sagot ni Sophia at nagtataray pa nga ang boses nito dahil sobrang tagal na talagang wala man lang paramdam si Karylle sa kanya.“Pasensya ka na kung bigla na lang akong nawala na parang bula noon. May mga bagay kasi na dapat kong pagtuunan ng pansin kaya ako biglang nawala,” paliwanag ni Karylle. “Mabuti na lang din talaga at hinanap kam
CHAPTER 320Mabilis naman na lumipas ang mga araw, buwan at taon sa mga nakalipas na mga taon na iyon ay tahimik at masaya nang namumuhay sila Francis at Sophia kasama ang kanilang anak na si Deyl. Wala na ring nangugulo pa sa kanila dahil si Bianca ay tuluyan ng nakulong at tiniyak pa ni Francis na hindi na ito makakapag piyansa o makakalaya sa kulungan. Habang ang ama amahan naman ni Sophia na si Nelson ay naipakulong na rin ni Francis dahil sa dami ng nagawa nitong anumalya dati at naglabasan na rin ang mga tao na pinagkakautangan nito dahil tuluyan na ring lumubog ang kumpanya ng mga ito.Ngayong araw ay kaarawan ng anak nila Sophia at Francis na si Deyl. Tatlong taon na ito ngayon at talagang pinaghandaan nila Sophia ang kaarawan ng kanilang anak.Sa isang beach resort naman napili ni Sophia na idaos ang kaarawan ng kanilang anak na si DEyl. At syempre dahil children’s party iyon ay nag arkila na rin siya ng mga mascot para mas maging masaya ang kaarawan ng kanilang anak dahil ti
CHAPTER 319Bahagya naman na nagulat si Sophia sa sinabi na iyon ni Raymond pero hindi niya iyon pinahalata at nanatili lamang siya na walang imik.“Sa totoo lang sobra ko talagang pinagsisihan ang mga nagawa ko noon sa’yo Sophia. Napakaswerte ko na noon dahil kapiling na kita pero pinakawalan pa kita dahil masyado akong nasilaw sa tinamasang tagumpay ng aking kumpanya. At hindi naman iyon mangyayari kung hindi dahil sa’yo kaya maraming maraming salamat. Pero wag kang mag alala dahil hindi ko sinayang ang lahat ng pinaghirapan mo sa aking kumpanya dahil ngayon ay nanatili pa rin itong matagumpay,” sabi pa ni Raymond.“Mabuti naman kung ganon dahil kung pinabayaan mo ang kumpanya mo ay mas lalo talaga akong magagalit sa’yo,” sagot naman ni Sophia.Bahagya naman na napangiti si Raymond dahil sa sinabi na iyon ni Sophia dahil akala talaga niya ay galit na galit pa rin ito sa kanya ngayon.“Wag kang mag alala dahil napatawad naman na rin kita, Raymond. Alam ko naman na nasilaw ka lang din
CHAPTER 318Mabilis naman na lumipas ang mga araw at unti unti na nga na bumabalik sa dati ang sigla ng katawan ni Sophia at nakakaya na nitong buhatin ng matagal ang kanilang anak na si DEyl. Pero syempre palagi pa ring nakaalalay si Francis sa kanya dahil ayaw din naman nito na mabigla ang katawan ng kanyang asawa.At ngayon nga ay nasa kanilang garden si Sophia at Francis para paarawan si Deyl. Ganito na kasi ang kanilang morning routine ngayon ang magpaaraw kay baby Deyl tuwing umaga bago sila kumain ng agahan.Matapos nilang magpaaraw ay hinayaan na lang din muna nila na makatulog si Deyl at inilapag na muna nila ito sa crib nito na dinala na nila roon sa garden. Kinuha naman nilang pagkakataon iyon para makakain ng agahan ng magkasabay.Sakto naman na tapos ng kumain sila Sophia at Francis ng lumapit sa kanila si manang.“Ma’m,Sir, excuse me po. May naghahanap po kasi sa inyo sa labas,” sabi ni manang sa mag asawa.Nagkatinginan naman sila Francis at Sophia dahil pareho silang n