CHAPTER 7
Bigla namang natigilan ang security guard dahil sa sinabi ni Sophia at bigla pa nga siyang kinabahan dahil baka maparusahan pa sya. Akmang lalapitan na nga sana ng guard si Bianca upang palabasin ng conference room ng bigla nga itong tumakbo papunta kay Sophia. Nang makalapit si Bianca kay Sophia ay agad nya nga itong hinawakan sa kamay at saka nya ito matalim na tinitigan. “Ate hindi mo ito pwedeng gawin sa akin,” sabi pa ni Bianca kay Sophia. Bigla namang natigilan si Sophia dahil sa ginawa at sinabi ni Bianca. Ate? Tinawag sya nitong ate. Nagtitimpi naman si Sophia na matawa dahil paano sya natatawag ng ganito ni Bianca. Nagpapasalamat na lamang din sya sa ginawa ni Bianca na pagtawag na ate dahil magagawa nyang magmumukha inosente at tawagin syang ate na nakakaawa. “Bianca nag iisa lamang ako na anak ng aking ina. Kaya hindi ako karapat dapat na tawaging ate,” sagot naman ni Sophia habang may nakakaawang ekspresyon ng mukha. “Ms. Bianca kung anoman yang pinag uusapan nyo ay baka naman maaaring mamaya nyo na lamang iyan pag usapan. May meeting kami ngayon tungkol sa bagong proyekto. Kaya kung hindi naman tungkol yan sa aming pinag uusapan at hindi naman mahalaga ang sinasabi mo kay Ms. Sophia ay maaari ka ng umalis dahil naaabala mo ag aming meeting,” sabi ng isa sa mga kameeting ni Sophia. Seryoso naman na tinitigan ni Sophia si Bianca. “Ngayon ang meeting namin tungkol dito sa project na ito. Kaya Ms. Bianca kung wala ka ng iba pang sasabihin ay maaari ka ng lumabas ng conference room para naman maipagpatuloy na namin ang aming meeting. At kung maaari lamang ay huwag mo muna kaming istorbohin sa aming pagtatrabaho,” seryoso pa nga na sabi ni Sophia kay Bianca dahil naiistorbo na talaga nito ang kanilang meeting. “Ate Sophia hindi naman ako pumunta rito para istorbohin ka. Narito ako para humingi ng tawad sa’yo,” sagot pa ni Bianca kay Sophia at ayaw pa rin nya talagang umalis roon at talagang nagmamatigas pa rin sya. Sandali naman na natigilan si Bianca at napadako nga ang kanyang paningin sa may puntuan ng silid na iyon. Napakunot pa nga ang kanyang noo ng mamukhaan nya kung sino ang nakatayo roon at bigla nga syang kinabahan. Nagtataka naman ang mga naroon ng mapansin nga nila na biglang natigilan si Bianca at napandin nga nila na namumula na ang mata nito. “Pasensya na talaga ate Sophia. Wala naman akong masamang intensyon. Pwede ba na tigilan mo na ang paninira sa akin ate,” sabi pa ni Bianca habang hilam ng luha ang kanyang mga mata at nanginginig pa nga ang kanyang boses dahil sa kanyang pag iyak. “Secretary Bianca pwede ba na ayusin mo ang iyong ugali lalo na kung narito ka sa kumpanya. Hindi mo ba alam na pwedeng maapektuhan si President Francis dahil sa ginagawa mo. Ang personal na buhay ay dapat na hinihiwalay sa oras ng trabaho. At hindi mo rin ba alam na maaari syang mahirapan dahil sa mga ginagawa mo,” malamig ang boses na sabi ni Sophia kay Bianca dahil naiinis na sya rito. “That’s enough,” sabi ng isang malalim na boses na lalaki mula sa labas ng punto ng naturang silid. Napalingon naman ang lahat ng naroon sa gawi ngblalaki na nagsalita at walang iba iyon kundi si President Francis. Ngayon naman napagtanto ni Sophia kung bakit biglang umakto na kaawa awa si Bianca at may pa iyak pa nga ito. “Good afternoon President Francis. Paumanhin ngunit ang pagpupulong na ito ay tungkol sa isang bagong proyekto. At hindi naman na kailangan pa rito ang presensya ni Secretary Bianca,” sabat na ng isang kasama sa meeting ni Sophia. Hindi naman kinkabahan si Sophia dahil hindi naman sya ang nagsimula ng gulo. Si Bianca naman ang pumasok roon ng walang pasabi at ayaw pa ngang umalis. Habang hawak hawak ni Sophia sa kanyang kamay ang USB flash drive ay linaro laro naman nya ito at saka nya makahulugang tinitigan si Bianca. “President Francis may kailangan bang sabihin sa amin si secretary Bianca kaya sya narito?” tanong na ni Sophia. “Oo si president Francis ang nagsabi sa akin na hawakan ko ang trabaho na ito,” sabat na ni Bianca. “Kung gayon ay pwede ba naming malaman kung ano nais mong ipagawa sa amin?” nakangiti pa na sabi ni Sophia na tila ba inaasar nga nito si Bianca. Napasandal naman si Sophia sa may bintana habang nakangiti kay Bianca. “Sasabihin mo ba sa amin ang tungkol sa Yesha Pharmaceutical o ang tungkol sa pakikipagtulungan ng Sarmiento Group of Company?” seryoso pang tanong ni Sophia kay Bianca. Bigla namang kinabahan si Bianca sa tanong ni Sophia. “P-parehas sila,” kandautal pa na sagot ni Bianca. Bigla namang natawa si Sophia dahil sa sinabi ni Bianca. “Secretary Bianca wala namang kumpanya na Yesha Pharmaceutical at ang Sarmiento Group of company naman ay may hindi magandang relasyon sa pamilya Bustamante. Magkaaway ang kanilang pamilya at imposibleng magtulungan ang mga ito,” tatawa tawa pa na sabi ni Sophia kay Bianca. “ Bianca hindi mo ba alam ang tungkol sa bagay na yan? Gayong kahit ang mga guwardya ni Francis ay alam ang tungkol sa bagay na yan,” panunuya pa ni Sophia kay Bianca. Bigla namang nakaramdam ng pagkapahiya si Bianca dahil sa sinabi ni Sophia. Ramdam nga nya ang pamumula ng kanyang mukha dahil doon. “Bilang secretary ni President Francis dapat ay pinag aaralan ni secretary Bianca ang tungkol sa mga bagay na yan. Dapat iyon ang pagtuonan ng pansin ni Ms. Bianca at hindi ang kung ano anong bagay na lamang ang kanyang sinasabi,” sabat na ng isang kasama ni Sophia sa meeting. Napapangisi naman si Sophia habang nakatingin kay Bianca. Para naman iyong sampal kay Bianca dahil totoong hindi naman nya alam ang tungkol sa mga bagay na iyon. Napadako naman ang tingin ni Sophia kay Francis na nasa pintuan pa rin ng naturang silid at nanatiling nakatayo habang madilim ang awra na nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga naman si Sophia at saka nya seryosong tiningnan si Francis. “May mga kailangan pa akong gawin at nasuspinde na nga ang meeting na ito dahil sa ilang mga kadahilanan. Mr. Francis maaari mo nang gawin ang lahat ng nais mong gawin,” seryoso pa na sabi ni Sophia kay Francis habang hindi tumitingin dito. Tiningnan pa nga ni Sophia ang mga kasamahan nya bago sya tuluyang umalis ng conference room. Pagkaalis ni Sophia ay nagmamadali na rin naman na umalis ang lahat ng mga naroon dahil hindi na nga natuloy ang kanilang meeting. Naiwanan naman sa loob ng conference room si Bianca at Francis. “Francis maniwala ka sa akin gusto ko lamang talaga na humingi ng tawad kay ate Sophia. Wala naman akong ibang ibig sabihin doon. Bakit hindi ako maintindihan ni ate,” umiiyak pa na sabi ni Bianca kay Francis. Napabuntong hininga naman si Francis at saka nya linapitan si Bianca at agad na oinunasan ang luha nito na lumandas sa pisngi. “Huwag mo na lamang pansinin pa si Sophia. Pabayaan mo na lamang sya,” pang aalo ni Francis kay Bianca. “Kung Wala kang ginagawa ay wag ka na lamang pumunta rito lalo na kung may nagmimeeting dahil may mga proyekto sila na pinag uusapan dito,” dagdag pa ni Francis. Agad naman na tumango si Bianca at hindi na nagsalita pa.Bigla naman tumigil si Francis sa kanyang ginagawa dahil baka nga makalimot siya at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.“Ang mabuti pa ay tara ng umalis dahil baka hindi ko na makontrol pa ang aking sarili,” sabi ni Francis at saka niya magaan na hinalikan sa labi si Sophia at saka niya ito binitawan na. “Hintayin na lamang kita sa sala,” sabi pa niya at nauna na nga ito na lumabas ng kanilang silid.Napapailing na lamang si Sophia sa inasta na iyon ni Francis at bahagya pa nga siyang natawa rito dahil alam niya na nagpipigil lang ito ng kanyang sarili. Binilisan naman na ni Sophia ang kanyang kilos para makaalis naman na silang dalawa.Saglit lamang naman ang naging byahe nila at agad na nga silang nakarating sa private clinic ng OB ni Sophia at agda na nga nitong tiningnan ang lagay ni Sophia at ng bata sa sinapupunan nito.Pagkatapos ng check up na iyon ni Sophia ay inaya naman na niya muna si Francis sa isang restaurant para kumain ng lunch.“Ali, sa tingin mo ba ay ito
CHAPTER 296Mabilis naman na lumipas ang mga araw, linggo at buwan at masayang masaya na nga ngayon si Sophia dahil sa wakas ay kasal na sila ni FRancis at nagsasama na muli sila sa iisang bahay. At bukod pa nga roon ay masaya rin siya dahil kasama na rin nga niya ngayon ang kanyang kapatid na si Jacob sa kanilang bahay.Gaya nga ng plano nilang mag asawa ay hindi na muna pumapasok sa opisina si Sophia at nasa bahay na lamang nila ito palagi. At kapag may mga mahahalagang dokumento na kailangang pirmahan si Sophia ay pinupuntahan na lamang nga ito ni Louie o di kaya ay ni Harold sa bahay nito para papirmahin ito.Wala namang reklamo sila Louie at Harold sa set up nila na iyon dahil sanay naman na sila na sila ang nag mamanage ng kumpanya ni Sophia na Prudence. Matagal na rin naman nila itong ginagawa at masaya naman sila sa kanilang ginagawa na ito.Habang si Francis naman ay masayang masaya rin ngayon dahil sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Sophia. Sa totoo lang ay p
“Jacob, hayaan mo sana ako na makabawi sa’yo. Alam ko na sobra kang nahirapan noon kaya gusto ko talagang makabawi sa’yo ngayon dahil ang buong akala ko talaga noon ay nasa maayos kang lagay at hindi ko alam na nakakaranas ka na pala ng paghihirap noon. Kaya ngayon ay gusto ko naman na maranasan mo na mamuhay ng masagana. Alam ko naman na gusto mong kumita para sa sarili mo at hindi naman kita pipigilan doon pero itong mga gusto kong iparanas sa’yo ay sana ay hayaan mo ako na gawin sa’yo ang mga ito,” sagot naman ni Sophia.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jacob. At kahit ayaw sana talaga niya na tanggapin ang anuman na ibibigay sa kanya ng kanyang ate Sophia ay ayaw naman niya na magdamdam ito kaya tatanggapin na lamang niya ang mga ito.“Salamat ate. Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin ito sa akin. Sapat na sa akin na nariyan ka at may tunay akong pamilya na nakakasama ko,” sagot ni Jacob dahil para sa kanya ay sobra sobra na talaga ang mga binibigay
CHAPTER 295Sa totoo lang ay balak na sana ni Sophia na ipasok si Jacob sa kanyang kumpanya na Prudence dahil tiwala naman siya rito at isa pa ay alam naman niya na hindi nga ito pababayaan ng kuya Louie niya at pati na rin ni Harold.Alam naman din ni Sophia na matalino si Jacob kaya alam niya na kaya nitong pamunuan ang kanyang kumpanya habang wala nga siya. Gusto sana niya na ito na muna ang hahalili sa kanya habang wala nga siya. Napag usapan na kasi nila ni FRancis na pagkatapos nga nitong kasal nila ay hindi na muna siya papasok sa opisina dahil gusto rin nilang dalawa na magfocus sa pagbubuntis ni Sophia dahil gusto nila na maging maayos nga ang lagay ng kanilang baby.Kahit naman kasi hindi na magtrabaho si Sophia ay kayang kaya naman siyang buhayin ni Francis at kahit nga siya ay may sarili ring pera dahil sa kanyang mga kumpanya.“Pwede mo namang pag isipan na muna ang tungkol sa bagay na iyon. Ayaw rin naman kitang biglain,” sabi pa ni Sophia.“Nakapagdesisyon na ako ate,”
Nginitian naman ni Sophia ang kanyang kapatid at saglit na muna niya itong iniwan upang lapitan ang ilan pa sa kanilang mga bisita na naroon.At nang tuluyan na nga na umalis ang lahat ng kanilang mga bisita ay inaya na muna niya si Jacob sa kanilang bagong bahay ni FRancis. Pinauna na rin nga ni Sophia ang kanyang kuya Louie at pati na rin si Harold dahil sa isasabay nga dapat ng mga ito si Jacob pauwi.Pagkarating nila sa bahay nila sa bahay ng bagong kasal ay naupo naman na muna si Sophia sa sofa habang si Francis naman nga ay iniwanan na muna ang magkapatid dahil may kailangan ngang pag usapan ang mga ito.“Kumusta ka na pala? Pasensya ka na kung hindi na kita nakukumusta madalas,” panimula ni Sophia.“Ayos lang naman ako ate. At saka wag mo na akong intindihin pa dahil dapat na pagtuunan mo ngayon ng pansin ay ang iyong sarili at ang iyong binubuong pamilya,” sagot ni Jacob.Napabuntong hininga naman si Sophia at para bang bigla nga siyang nakunsensya dahil aminado naman siya na
CHAPTER 294Pagkarating nila Sophia at Francis sa opisina ng judge na magkakasal sa kanila ay nadatnan na nga nila roon ang kanilang mga bisita na talagang nauna na sa kanila roon.Ilan nga sa mga bisita nila roon ay sila Dr. Gerome na hindi talaga pwedeng mawala dahil sa bukod sa kaibigan nga ito ng mga ikakasal ay sa clinic pa nga nito nagpropose si Francis. Syempre naroon din sila Khate at James na pinagkakatiwalaan din nilang dalawa. At syempre present din ang nakababatang kapatid ni Sophia na si Jacob at ang dalawang kuya niya na sila Louie at Harold. At kasabay rin nga na dumating ng ikakasal si manang Ester na palaging nakaalalay kay Sophia. May ilan pa rin nga silang mga bisita roon na talagang pinagkakatiwalaan ni Francis kaya inimbitahan na rin nila.Napangiti na lamang nga sila Sophia at Francis ng makita nila ang kanilang mga bisita kaya naman agad na rin silang naglakad papasok sa loob.“Akala ko ay nagbago na ang isip ninyong dalawa,” naiiling pa na sabi ni Louie dahil n