CHAPTER 6
Hindi naman na nakatiis pa si Sophia at itinulak na nga nya ang pinto ng opisina ni Francis at kaagad na pumasok doon. Blangko lamang ang ekspresyon ng kanyang mukha at sandali pa nga nyang tiningnan ang kanyang kapatid na si Bianca na parang natuod na sa kinupuan nito at hindi magawang tumingin sa kanya. Agad naman na iniabot ni Sophia ang dala dala nyang mga dokumento kay Francis. Mga bagong kontrata iyon sa bagong kooperasyon na iminungkahi nila Marvin at Raymond Villamayor. Si Raymond Villamayor ay isang tao na may malalim na pag iisip ngunit sa pagkakataon na ito ay basta basta na lamang nito iminungkahi ang tungkol sa bagong kooperasyon na para bang nagustuhan nito ang isang bagay na para bang tiyak sya na mananalo. “Mr. Francis ito na ang mga bagong impormasyon tungkol sa bagong kooperasyon mula sa mga Villamayor,” seryosong sabi ni Sophia kay Francis. Napasimangot naman si Francis at saka nya pinasadahan ng tingin si Sophia. Sa trabaho kasi ay madalas nga na nakasuot ng suit at palda si Sophia pero lutang na lutang pa rin talaga ang kagandahan nito kahit sa simpleng pananamit lamang. Kung sa usapin naman sa trabaho ay napakatyaga at masipag din si Sophia kaya naman wala talagang masabi si Francis dito. “Hinahabol ka ba ni Raymond Villamayor?” seryosong tanong ni Francis kay Sophia. “Tsk. Ano namang klaseng tanong yan? Narito ako para sa trabaho at hindi para sa kung anong bagay,” seryosong aagot din naman ni Sophia kay Francis. Seryoso namang pinakatitigan ni Francis si Sophia dahil sa sinabi nito. Nasa ganoon naman sila na senaryo ng bigla ngang tumunog ang phone ni Francis at ang kanyang lolo Robert kaya naman agad na nya iyong sinagot at naka video call pa nga iyon. Nagulat pa nga si Sophia dahil agad na iniharap ni Francis ang camera sa kanya kaya naman pakiramdam nya ay nanlamig ang buo nyang katawan. “H-hi lolo Robert. K-kumusta na po kayo?” kandautal pa na sabi ni Sophia. Agad naman na napangiti ang lolo ni Francis ng makita nya si Sophia. Sa pamilya kasi nila ay tanging si lolo Robert lamang ang trumatrato sa kanya ng maganda. “Sophia hija. Nar’yan ka pala,” nakangiti pa na sabi ni lolo Robert kay Sophia. “Ayos lamang naman ako. Teka nga bakit parang nakasimangot kayong dalawa. Nag aaway ba kayo?” tanongbpa ng matanda ng mapansin nga nya na magkalayo ang dalawa. Napabuntong hininga naman si Sophia at saka sya napatingin kay Francis na blangko lamang ang mukha kaya naman pasimple mya itong inirapan. Sa harap kasi ni lolo Robert ay nakukunwari nga sila na maayos ang pagsasama at nagmamahalan. Pilit naman ang ngiti ni Sophia na humarap muli sa camera at saka sya tumabi kay Francis at saka nya ito hinawakan sa braso. Nang maglapat nga ang kanilang mga balat ay tila ba may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan nila at hindi nga nila mawari kung ano iyon. Naamoy rin nya ang mabangong amoy ni Francis at parang bigla tuloy nakaramdam ng lungkot sa puso nya si Sophia. “Naku lolo. Hindi po kami nag aaway ni Francis. Ayos na ayos po kami,” pilit ang ngiti na sagot ni Sophia kay lolo Robert. Agad naman na napangiti si lolo Robert dahil doon. “Mabuti naman kung ganon,” sagot ni lolo Robert kay Sophia. “Hija may pag uusapan lamang muna kami ng aking apo,” dagdag pa ng matanda at tumango lamang naman si Sophia rito. Sandali pa naman na nag usap muna si Francis at ang kanyang lolo Robert at hinayaan na lamang din muna iyon ni Sophia at nanatili kamang sya na tahimik sa tabi nito. “Anong iniisip mo?” tanong ni Francis kay Sophia matapos nilang mag usap ng kanyang lolo Robert at napansin nga nya na tulala lamang si Sophia sa kanyang tabi. Hindi naman namalayan ni Sophia na tapos na pala na mag usap ang mga ito at nagulat na nga lamang sya ng magsalita si Francis sa kanyang harapan. “Ha? W-wala ito. May iniisip lamang ako na tungkol sa negosyo,” sagot ni Sophia at saka sya tumayo na para umalis pero naudlot ang tangka nyang pag alis ng hawakan ni Francis ang kanyang kamay. “Gusto kang makita ni lolo Robert. Pwede ba na sumama ka sa akin mamaya sa mansyon?” sabi ni Francis habang hawak pa rin nya ang kamay ni Sophia. Napatingin naman si Sophia sa kanyang kamay na hawak hawak ni Francis saka sya napabuntong hininga. “S-sige,” tipid na sagot ni Sophia kasabay ng pagtango niya. “Salamat,” sagot naman ni Francis saka nya binitawan ang kamay ni Sophia. Agad na rin naman na umalis si Sophia roon dahil may mga kailangan pa nga syang gawin. Pero bago pa man makalabas si Sophia sa opisina ni Francis ay narinig naman nya na may sinasabi si Bianca kay Francis. “Francis naiingit ako kay ate Sophia dahil pwede syang pumunta sa mansyon nyo. Samantalang ako ay hindi pa ulit nakakapunta roon,” malandi pa na sabi ni Bianca kay Francis at saka sya lumpit dito. Napabuntong hininga naman si Francis saka nya nginitian si Bianca. “Wag kang mag alala. Balang araw ay maisasama na rin kita sa mansyon at sigurado ako na magugustuhan ka rin ni lolo Robert,” nakangiti pa na sabi ni Francis saka nya hinalikan sa tuktok ng ulo si Bianca. Agad naman na napangiti si Bianca dahil doon at hindi na rin nya napigilan na yakapin si Francis. Pakarinig ni Sophia noon ay agad na nga nyang isinara ang pinto ng opisina ni Francis at naipikit na nga lamang nya ng mariin ang kanyang mga mata. Bigla kasing naisip ni Sophia na darating nga ang araw na hundi na sya ang isasama ni Francis sa mansyon kundi si Bianca na. Habang naglalakad naman si Sophia pabalik sa kanyang opisina ay hindi nga nya naiwasan na marinig ang mga pinag uusapan ng ilang mga empleyado roon. “Alam mo hindi ko talaga alam kung saan ba nanggaling yang Bianca na yan. Pero ang rinig konay talagang hiniling pa nito kay sir Francis na protektahan sya ng ganito,” sabi ng isang empleyado na hindi nga napapansin ang pagdaan ni Sophia. “Balita ko ay hindi naman sya katalinuhan. Sadyang nakapasa lamang sya sa kanyang pinasukan na eskwelahan na isang kilalang university. Kaya dahil doon ay biglang akyat nga sya bilang sekretarya,” sabi pa ng isang empleyado roon. “Ang lakas naman ng loob nya at sekretarya talaga ang gusto nya kaagad,” sabi pa ng isang empleyado. “Ang posisyon ni Ms. Bianca ay pinili sa pamamagitan ng iba’t ibang exam dahil malalaking kontrata na nagkakahalaga ng milyong dolyar bago mapromote bilang sekretarya. Kaya bakit nya kaya gustong maging secretary?” sabi naman ng isa pa. “Paano ba maging boyfriend ang usang Mr. Francis? Hindi kasi namin alam,” sabat naman ng isa pa. Nagkatawanan naman ang mha empleyado na nag uumoukan at pinag uusapan nga si Bianca. Hindi naman na nakatiis pa si Sophia sa kanyang mga naririnig kaya naman tumikhim na sya para maagaw nya ang atensyon ng mga nag uumpukan na empleyado. Agad naman na napalingon ang mga empleyado sa gawi ni Sophia at gulat na gulat pa nga ang mga ito ng makita si Sophia. “M-manager Sophia? G-good afternon po,” kandautal pa na bati ng isang empleyado at nagsibati na rin ang iba pa kay Sophia. Bahagya naman na ngumiti si Sophia sa mga ito at saka nya makabuluhang tiningnan ang mga ito. “Kahit na gaano karami pa ang pagkukulang ni Bianca ay igalang nyo pa rin sya at irespeto. Lalong lalo na kung hindi nyo alam kung sino ang nasa likod nya. Kaya mas mabuti pa na bumalik na lamang kayo sa inyong mga trabaho at doon na lamang kayo mag focus at huwag ng pakialaman pa ang buhay ng iba,” makahulugang turan ni Sophia sa mga ito bago sya tuluyang naglakad papaunta sa kanyang opisina. Katahimikan naman ang namayani sa kanila roon dahil sa sinabi ni Sophia. “Mabait pa rin talaga si manager Sophia dahil kung ibang tao iyon sigurado ay isinumbong na tayo kay Mr. Bustamante,” sabi pa ng isang empleyado ng tuluyan na nga na nakalayo si Sophia. Agad naman ng nagsibalik sa kani kanilang mga trabaho ang mga ito at natakot na baka nga may ibang makarinig sa kanila at isumbong pa sila sa kanilang boss. ******* Agad naman na nagsagawa ng isang meeting sila Sophia para sa bagong proyekto nila. Nasa kasukdulan naman na sila ng kanilang pinag uusapan tungkol sa mga layunin ng koperasyon ng bigla na lamang bumukas ang pintuan ng conference room at lahat nga sila na naroon ay napatingin doon. Nagulat pa nga silang lahat dahil wala man lang pasabing binuksan ni Bianca ang pintuan ng naturang silid. Sandali naman na natigilan sila Sophia at saka nya pinatay na muna ang projector na nasa kanyang harapan. Seryoso naman nyang tinitigan si Bianca at napataas na lamang ang kilay nya dahik parang wala lang dito ang pang iistorbo nito sa kanila. Agad naman na napatingin si Sophia sa security guard na nagbabantay sa labas ng conference room. “Sino ang nagsabi sa’yo na maaari kang magpapasok ng kung sino sino rito? Ang meeting na ito ay para lamang sa team ng proyekto na ito at ang mga pinag uusapan dito ay hindi maaaring ilabas. At kung may mga makalabas man rito ay maaaring ikaw ang maparusahan” sabi ni Sophia sa security guard na naroon.“Babalikan kita Sophia. Tandaan mo yan… babalikan kita. At sa pagbabalik ko ay babawiin ko ang mga dapat ay sa akin. Tandaan mo iyan,” sigaw pa ni Bianca bago siya tuluyang nailabas ng mga guard ni Francis.At nang tuluyan na nga na mailabas si Bianca ng mga guard ay yinakap naman kaagad ni Francis si Sophia dahil alam niya na kahit hindi ito magsalita ay natakot pa rin ito sa biglang pagsulpot ni Bianca roon.Ito kasi talaga ang kinakatakot nila ang malaman ni Bianca na nagkabalikan na sila at kinasal pa dahil panigurado na hindi na naman sila nito tatantanan.“Sorry… hindi ko alam na nasundan pala niya ako. Pasensya ka na kung hindi ako nakapag ingat,” hinging paumanhin ni Francis kay Sophia habang yakap nga niya ito.Bumitaw naman sa pagkakayakap niya si Sophia at saka niya hinarap si Francis.“Wala namang may gusto na masundan ka ni Bianca. Pero alam naman natin na darating talaga ang araw na malalaman niya na nagkabalikan na ulit tayong dalawa. Hindi lang talaga tayo naging handa
CHAPTER 300“Tama ka Bianca. Si Sophia nga ang kasama ko at masaya na kami ngayon na bumubuo ng sarili naming pamilya. Kaya pakiusap lang tigilan mo na kami. Tigilan mo na ako dahil wala ka ng mapapala pa sa akin dahil kasal na kami ni Sophia,” seryoso pa na sabi ni FRancis kay Bianca.Gulat na gulat naman si Bianca sa sinabi na iyon ni Francis at pakiramdam nga niya ay biglang nanghina ang kanyang tuhod dahil sa kanyang narinig kaya naman napahawak na lamang siya sa pader upang doon kumuha ng lakas dahil pakiramdam niya ay matutumba siya sa labis na pagkagulat. At habang nakahawak nga siya roon ay patuloy din ang paglandas ng masaganang luha niya.“H-hindi… hindi totoo yan. Bawiin mo ang sinabi mo. Hindi pa kayo kasal ni Sophia dahil naghiwalay na kayo… divorce na kayo kaya hindi na kayo kasal. Nagsisinungaling ka lang, Francis. Walang katotohanan ang mga sinabi mo na iyan,” hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Bianca.Bumuntong hininga naman si Sophia at saka niya hinaplos ang kanya
Hindi pa kasi pwedeng malaman ni Bianca na nagsasama na sila ni Sophia at nagdadalang-tao nga ito dahil ayaw niya na gambalahin na naman ni Bianca si Sophia. Ayaw talaga kasi niya na ma-stress si Sophia dahil buntis nga ito.“Bakit naman kita papapasukin dito? At isa pa ay bakit nga ba narito ka? Sinusundan mo ba ako?” sunod sunod pa na tanong ni Francis kay Bianca.“Oo, sinundan kita dahil matagal tagal ka ng hindi nagpapakita sa akin. Hindi naman ako makapasok sa kumpanya mo dahil naka-ban ako roon. Kaya sinundan na lamang kita rito dahil hindi ka na rin naman umuuwi sa bahay mo,” matapang pa na sagot ni Bianca.“Tsk. Wala ka talagang magawa sa buhay mo. Sige na… umalis ka na lamang at wag ka ng babalik pa rito,” sabi ni Francis at akmang sasarhan na sana niya ang gate ng pigilan nga ito ni Bianca.“Sandali nga Francis. Kausapin mo nga muna ako. Ano ba ang problema mo? Ilang buwan na ang nakalilipas at nasaan na ang pangako mo sa akin na pakakasalan mo ako? Ang tagal ko ng naghihin
CHAPTER 299Samantala naman wala pa rin kaalam alam hanggang ngayon si Bianca na nagkabalikan na nga sila Sophia at Francis at nakapagpakasal na nga ang mga ito.At ngayon nga ay naghahanda na si Bianca na umalis sa kanilang bahay para puntahan na naman si Francis at balak niya na lihim na sundan ito ngayon dahil palagi nga siyang pinagtataguan nito.Pagkarating ni Bianca sa kumpanya ni Farncis ay nakita na kaagad niya ang sasakyan nito. Kaya naman nanatili lang din siya sa kanyang sasakyan at wala talaga siyang balak na magpumilit na pumasok doon dahil ang gagawin niya ngayon ay babantayan niya si Francis.Halos maghapon naman na naghintay si Bianca sa parking lot ng kumpanya ni Francis para lamang bantayan nga ang sasakyan nito. At nang makita nga niya na papalabas na si Francis ay agad na siyang napangiti at agad na rin niyang binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.Nang umandar na nga ang sasakyan ni Francis ay agad na itong sinundan ni Bianca at hindi nga ito nagpapahalata na sum
“Alam mo Jacob matagal ko ng kasama ang ate Sophia mo at sa totoo lang ay utang na loob ko sa kanya ang kung anumang meron ako ngayon dahil siya ang tumulong sa akin na maabot ito. Kaya nga bilang kapalit sa ginawa niyang pagtulong sa akin noon ay tinutulungan ko siya na mapanatiling maayos ang kanyang kumpanya,” pagpapatuloy pa nga ni Louie.Hindi naman nagsalita si Jacob dahil alam naman niya na kinukumbinsi rin siya ni Louie na tanggapin ang ibinibigay ng ate Sophia niya.“Jacob sobrang halaga sa ate Sophia mo ng kumpanya na ito kaya gusto niyang ipagkatiwala ito sa iyo. Hindi naman porket siya ang nagtatag ng kumpanya na ito ay parang iniasa mo na sa kanya ang lahat. Hindi ganon Jacob. Kapag ikaw na ang may hawak ng kumpanya ay nasa kamay mo na kung magiging matagumpay pa rin ba ito at kahit na hindi ikaw ang nagtatag nito ay parang ikaw na rin ang nagsikap na mapanatili ang pamamayagpag nito sa mundo ng negosyo. At kung iniisip mo naman na baka hindi mo ito kaya ay wag kang mag a
CHAPTER 298Kinabukasan naman ay maaga nga na pumasok sa opisina si Jacob para doon ipagpatuloy ang kanyang mga hindi natapos na gawain kahapon dahil sa hindi na talaga siya makapag focus sa kanyang ginagawa matapos nilang mag usap ng kanyang ate Sophia.PAgkarating niya sa kanyang opisina ay agad na niyang sinimulan ang kanyang trabaho at maya maya nga ay may kumatok sa pintuan ng opisina ni Jacob at ng bumukas nga iyon ay si Louie nga ang pumasok doon.Bahagya naman na nagulat si Jacob sa pagdating ni Louie sa kanyang opisina. Kaya naman itinigil na muna niya ang kanyang ginagawa para harapin nga ang bagong dating.“May kailangan ka ba kuya Louie?” agad na tanong ni Jacob dito.“Wala naman. Ang aga mo yatang pumasok ngayon,” sagot naman ni Louie habang nakapamulsa pa nga siya na naglalakad palapit kay Jacob.“Ah… oo kuya, maaga talaga akong pumasok ngayon dahil hindi ko natapos ang mga ito kahapon kaya dito ko na lamang ito ipinagpayuloy na gawin,” sagot ni Jacob.Dahan dahan naman