Share

Chapter 6

Author: Madam Ursula
last update publish date: 2024-08-01 19:54:20

Nagsimula talaga siyang magka-crush kay Kenzo mula nang mabalitaan niyang sinapok daw nito ang schoolmate niya na nagnakaw ng baon niyang nilagang saging noong Grade Six pa lamang sila.

Naulit naman iyon noong first year high school na sila sa same school lang din. Ang school kase nila ay may elementary at high school na rin. Nabalitaan niya na inabangan daw ng isang estudyanteng Madrigal daw ang apelyido ang kaklase niyang namintas sa bag niyang may butas at pinahiya pa siya sa klase. Wala naman siyang ibang kaklase na Madrigal ang apelyido kundi si Kenzo.

Mula noon ay lihim na niyang hinangaan at iniluklok sa pedestal ang kaklaseng Madrigal. Pero tumindi ang paghangang nararamdaman niya kay Kenzo at sa palagay nga niya ay nauwi na sa lihim na pagmamahal dahil sa pangyayari noong second year na sila.

Buong taon kase ay palaging nagkakaroon ng Monde Mamon sa bag niya sa tuwing matatapos ang PE class nila. Para bang inilaan iyon talaga sa kanya dahil pagod sila after PE at dahil budgeted lang ang baon niya at tapos na ang reses bago mag-PE, wala na siyang baon pa.

Noong mga unang beses ay hesitant pa siyang inuwi dahil baka gawa lamang ito ng mga sira-ulo niyang kaklase o binubully na naman siya.

Baka pag-uwi niya ay bintangan pa siyang magnanaw o kaya ay kung ano ang sasabihin ng mga ito.

Pero halos isang linggo nang palaging may ganoon ay nakiramdam na si Elise . Mailap si Kenzo sa kanya na parang may itinatago.

Well, suplado naman talaga ito at mas nakakadagdag sa pogi points iyon sa binatang kaklase para sa kanya. Pero narinig niya ang usap-usapan na si Madrigal daw ang gumagawa noon at madalas bumili ng Monde mamon sa canteen.Natuwa ang puso ni Elise, lalo na na-confirm niya na si Kenzo na naman nga ang may kagagawan. Kaya magmula noon ay isinisilid na niya sa bag ang mamon at inuuwi sa bahay at halos nakayakap na niya sa pagtulog. Bagama't iwas at tatahi-tahimik lang si Kenzo na hindi man lang siya sulyapan ay inunawa ito ni Elise .

Baka nga torpe pa ito o nahihiya at ayaw makantiyawan. Inakala na lamang ng dalaga na nahihiya pa si Kenzo na maging bulgar, kaya sinakyan na lamang muna niya iyon. Baka kase pag nakantiyawan ay huminto sa ginagawa, kaya naman palihim din na inalagaan ni Elise sa puso niya ang binata.

Magtatapos na ang klase ng magiging tag-ulan. Noong mga oras na yun ay walang sundo si Kenzo, kaya kailangan nitong sumabay sa ilang kaklase at sumakay ng tricycle.

Wala itong payong na makasabay sa wakas. Pero kahit nanginginig ang mga tuhod sa kilig na makakasabay niya sa tricycle, nilakasan ni Elise ang loob niya. Inabot niya kay Kenzo ang payong at ipinahiram muna.

"Kenzo, ikaw na ang magpayong, susunduin daw ako ng kuya ko, eh," pagsisinungaling ni Elise.

"Huh? Bakit? Aah, sure ka?' sabi nito na parang gulat na gulat sa kanya. Alam ni Erika na kunwari lang ito ni Kenzo para hindi magsimula ng tukso, pero hindi sila nakaligtas sa ibang bully na kaklase. Pinagtuksuhan pa rin kase sila.

"Oy, si Kenzo may lovelife na," tukso ng ilang kaklaseng naroon sa pila.

"Manahimik nga kayo. Basain ko kayo," sabi ni Kenzo na hindi tumingin sa kanya. Get na ni Elize yun.

"Sige na, Kenzo, oh, eto na ang payong mababasa ninyo papasok sa inyo. Sige, teka ayon na yata si Kuya," sabi ni Elise na nagkunwari lamang na nakita ang kapatid.

Magpapako pa siya sa krus kapag sinundo talaga siya ng mga kapatid. Milagro yun.

Tumakbo si Elise sa ulan at huminto sa isang lumang tindahan.

Saka tinanaw ang tricycle na baka paalis na noong mga oras na iyon. Saka pinangpagan ng dalagita ang katawan dahil sa tulong ng ulan. Saka inantabayanan ni Elise na sana ay tumila agad.

Walang kamalay-malay ang dalagita na isang lalaki ang nakasandal naman sa medyo tagiliran bahagi ng tindahan habang humihithit ng yosi nang patago. Hindi pa kase ito legal manigarilyo.

Napansin nito ang pagdating ng babae, medyo siniip niya lang ito at hindi na pinansin. Malakas ang ulan at basain na ang blouse ng babae. Bakit nga ang kulay black na strap ng bra nito mula sa view niya sa likuran?

Nakahalukipkip na ang babae, kaya alam niyang giniginaw na ito. Nakita niyang parang tinatancha-tancha ng babae ang lakas ng patak ng ulan hanggang sa nagtangka itong tumakbo pero napabalik at sumilong dahil biglang lumakas ulit ang ulan at may kasama pang kidlat.

"May bagyo, Miss, hindi mo ba nabalitaan? Sinabi sa tv kanina. Ewan ko nga ba dito sa school natin kung bakit di pa sinuspend ang klase kanina pa," nagulat si Elise nang may nagsalita.

May ibang tao pa lang na nakikisilong doon sa bulok na tindahan. Nilingon niya ang lalaki, pero nasa gilid ito ng tindahan. Sapatos lamang nito na Converse na itim ang nasilip niya, saka ang jacket nitong kulay coffee brown ang nasulyapan niya.

Batay sa pantalon na suot nito, estudyante rin ito sa school nila.

"Wala kaming Tv eh, kaya hindi ko nabalitaan.Kaya pala ang lakas eh. Estranded ka rin? Haist, kailan kaya ito titigil? Malalagot ako kapag dumating si Tatay na wala pang sinaing," sabi ni Elise, na nilingon ulit ang taong naroon.

Nakita niya ang pagbuga nito ng usok, kaya alam niyang naninigarilyo ang lalaki. Marahil ay tago pa ang pagyoyosi nito kaya nasa gilid-gilid ng kung saan.

"Naku, mag-aalas singko na, mayayari ako sa Itay, walang ulan-ulan sa tatay ko," sabi ni Elise na tinangkang sugurin ang ulan pero aandap-andap siya dahil talagang malakas.

"Here,..wear this. Hindi 'yan waterproof, pero sa kapal niya, nakauwi ka na bago tuluyang mabasa. Makapal din ang hoody niyan kaya safe ka sa sakit," sabi ng lalaki na inabot sa kanya ang jacket nang hindi man lang kumikilos sa kinasasandalan.

Inabot naman iyon ni Elise saka nagpasalamat.Aarte pa ba siya, eh kailangan talaga niyang makauwi.

"Eh, paano ka? Paano ka uuwi? Sabi ng dalaga.

"Don't mind me, mas pabor sa akin ang hindi umuwi. Nagpapasalamat pa nga ako sa ulan dahil nagkaroon ako ng dahilan na matagalan at ma-stranded, "sabi ng lalaki.

"Ah, ganun ba? Oi, salamat talaga. Ako nga pala si Elisa Fatima Del Rios. Salamat ulit ha, isasali ko na lang bukas. Dito din, same time okay lang ba?"sabi ni Elise.

"Sige, bahala ka, pwede rin namang saka mo na isali, gamitin mo hanggang gusto mo," sabi pa ng lalaking nagiging maganda na ang boses habang tumatagal, sabi ni Elise.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Liza Ambagan
Thank you ...
goodnovel comment avatar
Enirehtac Beltran Mahumas
wow may nagmalasakit din pala kay elise
goodnovel comment avatar
hell
thank you sa update author..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Rejected Wife   Chapter 104

    Kaya sabihin mo sa akin, ano pang laban ko?Meron pa ba akong dapat ipaglaban? Di ba wala na? Ayoko na!!" sabi Elise. "Pero Elise........"pilit ni Kevin pero muling nagsalita si Elise. "Tama na, Kevin, sa inyo na lang 'yang yaman nyo. Ngayon, kung hindi mo na rin lang ako tutulungan dahil hindi ako babalik sa mansion, kung pwede, huwag mo na rin akong hanapin.Pabayaan mo na ako, pabayaan mo kami ng anak ko kung saan kami makarating. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang bata na 'to, pero alam ko na kakayanin ko," sabi ni Elise. "Sa tingin mo, madali yun? Para sa'yo madali yun, Elise. Para sa'yo, madali lang gawin yun kasi doon ka lang naman naka-focus eh. Mahal mo si Kenzo. Ngayon di mo na mahal si Kenzo. Galit ka kay Kenzo. Kaya damay na lahat. Parang ganun lang ka-simple ang lahat. Elise, buksan mo naman yung isip mo. Please naman, kahit sa huling pagkakataon, mag-isip ka muna. May kakampi ka,"sabi ni Kevin. "Nandito ako.Pag-usapan natin 'to.Hindi kita ibinabalik doon para m

  • The Rejected Wife   Chapter 103

    "Okay lang, naiintindihan ko. Kaya nga, sabi ko na lang sa sarili ko.Tutulungan na lang kita nang patago. Aalalayan na lang kita nang patago. Hanggang sa makabangon ka at pagkatapos, gagawin ko ang lahat para maibalik ka sa dapat mong lugar. Babawiin natin kung ano yung karapatan mo. Paaalalayan kita sa mga abogado para makuha mo ang dapat ay para sa iyo. Karapatan mong bumalik sa mansyon. "Wait, teka lang anong pinagsasabi mo?" "May karapatan kang tumira doon. Kung ayaw na talaga sa iyo ni Kenzo at kung nakipaghiwalay nga talaga siya, bahala siya sa buhay niya. Pero bilang legal na Madrigal, mananatili ka sa bahay na yun. Lalo pa at dinadala mo ang tagapagmana ng mga Madrigal. "Kevin , alam mong isinusumpa ko na maging Madrigal, hindi ba?""Ano?" takang tanong ni Elise. Sa totoo lang, mas gugustuhin pa niyang itakas na lang sana siya ni Kevin. Mas nais niyang mamuhay nang tago at malayo kasama ang binata kaysa ang naririnig niya ngayon. Ngunit napag-isip-isip ni Elise na maaaring hi

  • The Rejected Wife   Chapter 102

    Para namang binatukan si Kevin sa mga narinig na iyong sa hipag.Tama ba ito, duwag nga ba siya?hindi na rin niya alam pero isa lamang ang mali sa sinabi ni Elise yun ay ang salitang awa.Alam niya sa sarili niya noon pa na hindi awa ang nararamdaman niya. "Elise, hindi ito dahil sa awa. Hindi mo kailangan mamalimos ng awa" sabi ni Kevin. "So dahil sa ano eto kung ganun? Hindi mo rin masagot? Ano? Dahil ba ayaw mong mabuking ni Kenzo na tinulungan mo ako? Na yung asawang pinalayas niya ay tinutulungan mo? Yun ba yun? kelan ka pa natakot kay Kenzo? Baliktad na ba ang mundo?"Tanong ni Elise. "No..Hindi iyong ganun Elise.." "Then ano? Anong dahilan at tinutulungan mo ako?At bakit dapat patago?" medyo histerikal ng tanong ni Elise. "Kung hind ka na aawa eh di ano? bumabawi ka ba?ginagawa mo ba ito dahil ba gi guilty ka pwes hindi ko kailangan yun.Huwag ka ng bumawi kase lalo lang akong nasasaktan" sabi niya na hindi na napigilang ilabas ang totoong damdamin. "Elise....." "Tw

  • The Rejected Wife   Chapter 101

    Bagamat nag aalala sa kung ano na ang nangyayari kay Elise. Kinakailangan ni Kevin na maghintay ng tamang sandali.Nanatili siya sa sala sa madilim na sulok na yun At hinintay ang tamang pagkakataon. Nang tumahimik na ang lahat ay saka dahan dahang pumasok si Kevin sa silid ni Elise. Sa pag aakalang tulog na ang hipag dahil tahimik na ay binalak niyang silipin saglit ito.Ang tanging nais niya ay silipin lamang talaga ito at icheck kung okay na na ito. Nagpanic din kase siya sa tawag ni Pepay kanina. Nang nakarating na siya sa condo saka lamang niyan naisip na hindi naman nga pala siya puwedeng makita ni Elise. Nais niya na lamang ngayon ay pagbigyan ang bulong ng kanyang damdamin na masilayan man lamang kahit sandali ang itinatanging hipag. Ngunit pagbukas ni Kevin ng pinto ay nakita niyang wala sa kama si Elise. Inalihan ng kaba ang binata Kaya't ang pagsilip na sana ay unang balak lang ay nasundan ng paghakbang papasok. Patingkayad pang dahan dahang humakbang si Kevin pap

  • The Rejected Wife   Chapter 100

    Nalilito si Kevin sa ponagsasasabi ng kanyang katiwala.Hiindi niya malaman kung naalimpungatan lamang ba ito. "Sir ang tinutukoy ko po ay iyong polo ninyo na madalas na inaamoy ni mam Elise sir. yung polo mo na ha sabi mo eh hawak nya sa pagtulog na pinalalaban niya sa akin at pagkatapos ay pinalalagyan niyo sa akin ang inyong pabango Ay nawawala ho sir. Hindi ho mahanap ni ma'am at hindi ko rin ho ito mahanap" balita ni Pepay sa amo sa kabilang linya. "Panong nawala? eh sabi mo ay inilaban mo siya?so nan mapupunta yun? Hanapin mong maige" utos ni Kevin. "Ay Sir, nahalughog ko na ho ang buong bahay ninyo pero hindi ko ho talaga makita eh kaya ako tumawag sir kasi kase Bukod kasi sir sa kuwan hindi ko na makita nga yung polo, yung pabango ninyo ay ubos na rin sa loob ng dalawang linggo" sabi pa ni Pepay. "Gusto ko ho sanang kumuha na lamang ng damit ko tapos ay lagyan ko nung pabango ninyo at ibibigay ko sa kanya kaya lang ho ay baka mahalata niya. Kaya sir hindi ko talaga alam

  • The Rejected Wife   chapter 99

    Pero ang mga pagdududang iyon ni Elise ay mas nadagdagan dahil sa isang kakaibang pangyayari na nagpatibay lalo sa kitob niya. Isang umaga ay napansin ni Elise ang polo na madalas niyang katabi sa kanyang pagtulog ay may kakaibang nangyayari. Minsan nagigising siyang nakatupi ito ng maayos gayung alam niyang nakalatulog siyang yakap iyon. Alam niyang hawak niya at hindi niya itinitupi bago matulog. Pero nagigising siya na nakatupi ito ng maayos. Nung minsan nakita niya itong nakasampay na ang Ibig sabihin ay pwedeng nilabhan ni Pepay, sesermunan sana niya ang babae kung bakit nilabhan dahil mawawala ang amoy ni Kevin doon pero nahiya si Elise. Wala namang alam yung katulong at lalong baka magmukha siyang OA bukod pa sa ayaw niyang ipaalam na pinaglilihian niya ang amoy ng kanyang bayaw. Nalungkot si Elise ng makitang nilabhan na ito ni Pepay, mamomoroblema siya kung paano iibsan ang sama ng pakiramdam sa hating gabi at madaling araw, ang amoy lamang kase ng polo na iyon ang na

  • The Rejected Wife   Chapter 5

    "What Mama..! bakit ako? hindi ba dapat si Kenzo? gimbal na tanong niya sa ina. Noon pa niya sinanay ang sariling tawagin itong Mama, since ito naman ang nagsabi noon na tawagin siyang mama."Eh nasaan ba ang kapatid mong lagalag? saka utos naman yan ng lola mo ang alalayan mo ang kapatid mo. We ha

  • The Rejected Wife   Chapter 4

    Sa isang bar humantong si Kenzo, badtrip siya sa huling habilin ng kanyang lola. Badrip siya na lamang na lamang ang kuya niya at badtrip siyang mapipilitan siyang pakisamahan ang babae sa loob ng isang taon.Inubos ni Kenzo ang oras sa alak at babae ng buong magdamag pagkatapos ay hindi na naman u

  • The Rejected Wife   Chapter 1

    Malamig ang simoy ng hangin kakatapos lamang ng bugso ng ulan. Mabuti na lang talaga at nakasabay na si Elise sa huling biyahe ng jeep bago pa tumaas ang baha kung hindi tiyak na kung hindi siya basang basa ay malamang stranded siya sa labas ng building ng pinapasukang kompanya.Maglilimang buwan

  • The Rejected Wife   Prologue

    "Happy Anniversary Love, kanina pa kita hinihintay umuwi. May sorpresa ako sayo" bati ni Elize sa kanyang asawa na kanina pa niya hinihintay umuwi. Madalas itong gabi na umuwi at nasanay na siya. Ahh mali sinanay na pala niya ang sarili na ganito na ito umuwi. Pero ngayon gabi ay mas late na itong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status