LOGIN"What, Mama..! Bakit ako? Hindi ba dapat si Kenzo? Gimbal na tanong niya sa ina. Noon pa niya sinanay ang sariling tawagin itong Mama, since ito naman ang nagsabi noon na tawagin siyang Mama.
"Eh, nasaan ba ang kapatid mong lagalag? Saka utos naman ’yan ng lola mo ang alalayan mo ang kapatid mo. We have to do something; dalawang buwan na lang at death anniversary na ng lola mo," sabi nito.
"Hindi nyo pa ho ba nakakausap si Kenzo? Alam naman niya ang bagay na ito, di ba?" sabi ni Kevin. Hindi talaga siya nakakapalag kapag tungkol na sa habilin ng lola niya ang issue. "Yes, nakausap ko rin ang kapatid mong iyon. Uuwi na daw siya pero ipapasyal muna nito ang girlfriend and I don't know kung kailan naman matatapos ang pamamasyal na yun? He is so stubborn," sabi pa ng kanilang ina. "Nagpadala ako ng ilang box ng pizza ngayon sa bahay nina Elise at inilagay ko na galing sa kapatid mo. Now it's your turn to do something,bahala ka na kung anong next step. Basta dapat masundan na ang sinimulan ko para before mag-end ang month na ito makapamanhikan na tayo," bilin ng ina."Makirot ang mga daliri ko sa paa, eh magpapahinga na muna ako," sabi ng kanyang stepmother na bumalik na sa pagkakahiga. Naiwang naguguluhan at nag-iisip si Kevin kung ano pa ba ang gagawin niya.
Samantala...... Nadatnan ni Elise tahimik sa balkonahe nila for the first time. Himala at walang nangiinuman o nangto tong-it. Diretso ang dalaga sa loob ng bahay nang makita niyang tahimik na lumalamon ang mga haragan. Mukhang pizza ang nilalantakan ng mga ito.Tinapik niya sa batok si Jeff na pasubo na ng malaking hiwa ng pizza at sosyal pa ang pangalan ng brand. Hindi biro ang presyo ng yellow cab. Pero imbes na lingunin siya, isinubo nito nang buo ang isang hiwa na pizza na akala mo naman ay aagawin niya.
"Aba, mukhang sosyal ang nilalantakan nyo, ah. Sinong nanalo sa huweteng? Don't tell me, sa wakas, nanalo ka na rin sa sabong, kuya?' tanong niya, na dadampot sana ng isang hiwa ng pizza nang unahan siya ni Jeff, sabay subo na naman ng buo, na kulang na lang mabilaukan ito, sarap batukan ng kapatid niya.
"Abat! Hoy, maghinay-hinay ka naman, para kang mawawalan, ahh, eh tatlong box 'yan ," sabi ni Elise at binuksan ang iba pang box, pero laking dismaya niya na wala na palang laman ang mga box. So yung inagaw ni Jeff ay last slice na pala. Wow! Hindi man lamang siya naalalang tirhan kahit isang hiwa. Mga h*******k na tinamaan ng Lintek talaga.
"Wow, nahiya pa kayong itapon ang boxes. Ininggit nyo lang talaga ako? Mag-share naman kayo kahit biyaya nyo 'yan. Ako nga eh kapag bagong suweldo ay..."
"Sus, ayan ka na naman eh, puro ka sumbat eh ang naiuuwi mo lang naman eh mani o kaya nilagang mais at bananaque ni Aling Doris ," sabi ni Jeff.
"Abat, nag-demand ka pa. At least meron. Hoy,hindi porke nakabili kayo ng mamahaling pizza ay aapihin na ninyo ang bananaque," singhal niya.
"Ano bang pinagmamaktol mo? Hintayin mo na lang na magpadala ulit ang fiancé mo o kaya sabihin mo sa kanya na sa susunod na magpapadala ulit , eh dagdagan naman kase bitin kamo," sabi ni Jeff.
"Sino? Ano kamo?" tanong ni Elise na biglang naguluhan
"Yung fiancé mo ang nagpadala niyan. Walang nanalo sa amin sa sugal. Pinadala 'yan ni Kenzo Madrigal na iyong prinsipe," sabi ni Jeff na iniwan na siya sa lamesa at hindi man lang sinamsam ang pinagkainan. Ang kuya naman niya, matapos magbitbit kanina ng dalawang hiwa, ay mabilis nang lumabas.
"Ano…? Padala ito ni Kenzo? Sinabi niyang fiancé ko siya?" nagtatakang sabi ni Elise, pero biglang halos maihi sa kilig.
"Oh my God, nagpadala ng pizza ang kanyang ultimate crush? Ano ito? Seneryoso ba sila ang kalokohan ng mga lola nila? Really, totoo ba ang bali-balitang magpapakasal sila ni Kenzo? Magiging Mrs. Madrigal siya?" Halos manikip ang dibdib ni Elise sa excitement.
Bukod kase sa siyempre ultimate crush niya si Kenzo ay naiisip din ng dalaga na isa itong Madrigal. Sa pagkakalam niya, hindi pumapayag ang lalaking Madrigal na magtrabaho ang mga asawa ng mga ito at ang bali-balita pa niya ay nagbubuhay ang Reyna ang mga babaeng nagugustuhan ng isang Madrigal.
Kung ganun ay posibleng hindi na siya pagtrabahuhin ni Kenzo at itira na lamang sa mansion ng mga ito. Matutulog siya sa malamig at malambot na kama at may katulong na gigising sa kanya para mag-almusal at magbubukas na lamang siya ng shower para maligo.
Hindi katulad sa bahay na ito na magiging pa-igib pa siya mula sa likod-bahay sa drum na kung minsan walang laman at hindi man lang punuin at igiban ng unang gumamit. Pangarap niyang gumising isang araw na may nalalanghap na masarap na sinangag at may babati sa kanya na may magandang ngiti at sasabihan siya ng "Good morning, my queen." Hindi naman siguro masama ang mangarap ng ganoon.
Ang kaso, hindi ganoon ang eksena sa bahay nila for almost 10 years now. Ang gumigising sa kanya ay ang bunganga ng kanyang ina o kaya ang ingay ng mga kapatid. Babangon siya hindi para umupo sa lamesa at mag-almusal kundi babangon siya para magluto ng almusal ng mga batang kapatid at kung minsan nauubusan pa sa sinangang na siya ang nagluto. At mas madalas pa siyang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan mula pa noong gabi.
Gusto niyang mapangasawa si Kenzo dahil nga crush niya ito at medyo love na rin naman kase laman ito ng mga panaginip niya, bagama't sa kanyang mga panaginip ay nakatalikod itong madalas, alam niyang si Kenzo iyon. Pero hindi naman sa pagpapakaipokrita , kasama na rin doon ang maging malaya sa kinakasadlakang mahirap na buhay at makaranas naman ng ginhawa. Gusto rin naman niyang masanasan ang pagiging mayaman. Palagay ko naman, lahat ng tao ’yan ang pinapangarap sa buhay.
"Kung nagkataon bang mahirap lang si Kenzo, magugustuhan mo? " tanong ni Elizse sa sarili.
"Oo naman, palagay ko naman ay Oo. Hindi ko naman kase siya naging crush lamang si Kenzo dahil mayaman siya at de-hatid siya ng kotse pagpasok. Bukod pa sa pogi talaga ito at mamula-mula dahil nga mayaman nang di hamak kaysa sa lahat ng kaklase niya noon, siya na rin ang sumagot sa tanong ng isipan niya.
Kaya sabihin mo sa akin, ano pang laban ko?Meron pa ba akong dapat ipaglaban? Di ba wala na? Ayoko na!!" sabi Elise. "Pero Elise........"pilit ni Kevin pero muling nagsalita si Elise. "Tama na, Kevin, sa inyo na lang 'yang yaman nyo. Ngayon, kung hindi mo na rin lang ako tutulungan dahil hindi ako babalik sa mansion, kung pwede, huwag mo na rin akong hanapin.Pabayaan mo na ako, pabayaan mo kami ng anak ko kung saan kami makarating. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang bata na 'to, pero alam ko na kakayanin ko," sabi ni Elise. "Sa tingin mo, madali yun? Para sa'yo madali yun, Elise. Para sa'yo, madali lang gawin yun kasi doon ka lang naman naka-focus eh. Mahal mo si Kenzo. Ngayon di mo na mahal si Kenzo. Galit ka kay Kenzo. Kaya damay na lahat. Parang ganun lang ka-simple ang lahat. Elise, buksan mo naman yung isip mo. Please naman, kahit sa huling pagkakataon, mag-isip ka muna. May kakampi ka,"sabi ni Kevin. "Nandito ako.Pag-usapan natin 'to.Hindi kita ibinabalik doon para m
"Okay lang, naiintindihan ko. Kaya nga, sabi ko na lang sa sarili ko.Tutulungan na lang kita nang patago. Aalalayan na lang kita nang patago. Hanggang sa makabangon ka at pagkatapos, gagawin ko ang lahat para maibalik ka sa dapat mong lugar. Babawiin natin kung ano yung karapatan mo. Paaalalayan kita sa mga abogado para makuha mo ang dapat ay para sa iyo. Karapatan mong bumalik sa mansyon. "Wait, teka lang anong pinagsasabi mo?" "May karapatan kang tumira doon. Kung ayaw na talaga sa iyo ni Kenzo at kung nakipaghiwalay nga talaga siya, bahala siya sa buhay niya. Pero bilang legal na Madrigal, mananatili ka sa bahay na yun. Lalo pa at dinadala mo ang tagapagmana ng mga Madrigal. "Kevin , alam mong isinusumpa ko na maging Madrigal, hindi ba?""Ano?" takang tanong ni Elise. Sa totoo lang, mas gugustuhin pa niyang itakas na lang sana siya ni Kevin. Mas nais niyang mamuhay nang tago at malayo kasama ang binata kaysa ang naririnig niya ngayon. Ngunit napag-isip-isip ni Elise na maaaring hi
Para namang binatukan si Kevin sa mga narinig na iyong sa hipag.Tama ba ito, duwag nga ba siya?hindi na rin niya alam pero isa lamang ang mali sa sinabi ni Elise yun ay ang salitang awa.Alam niya sa sarili niya noon pa na hindi awa ang nararamdaman niya. "Elise, hindi ito dahil sa awa. Hindi mo kailangan mamalimos ng awa" sabi ni Kevin. "So dahil sa ano eto kung ganun? Hindi mo rin masagot? Ano? Dahil ba ayaw mong mabuking ni Kenzo na tinulungan mo ako? Na yung asawang pinalayas niya ay tinutulungan mo? Yun ba yun? kelan ka pa natakot kay Kenzo? Baliktad na ba ang mundo?"Tanong ni Elise. "No..Hindi iyong ganun Elise.." "Then ano? Anong dahilan at tinutulungan mo ako?At bakit dapat patago?" medyo histerikal ng tanong ni Elise. "Kung hind ka na aawa eh di ano? bumabawi ka ba?ginagawa mo ba ito dahil ba gi guilty ka pwes hindi ko kailangan yun.Huwag ka ng bumawi kase lalo lang akong nasasaktan" sabi niya na hindi na napigilang ilabas ang totoong damdamin. "Elise....." "Tw
Bagamat nag aalala sa kung ano na ang nangyayari kay Elise. Kinakailangan ni Kevin na maghintay ng tamang sandali.Nanatili siya sa sala sa madilim na sulok na yun At hinintay ang tamang pagkakataon. Nang tumahimik na ang lahat ay saka dahan dahang pumasok si Kevin sa silid ni Elise. Sa pag aakalang tulog na ang hipag dahil tahimik na ay binalak niyang silipin saglit ito.Ang tanging nais niya ay silipin lamang talaga ito at icheck kung okay na na ito. Nagpanic din kase siya sa tawag ni Pepay kanina. Nang nakarating na siya sa condo saka lamang niyan naisip na hindi naman nga pala siya puwedeng makita ni Elise. Nais niya na lamang ngayon ay pagbigyan ang bulong ng kanyang damdamin na masilayan man lamang kahit sandali ang itinatanging hipag. Ngunit pagbukas ni Kevin ng pinto ay nakita niyang wala sa kama si Elise. Inalihan ng kaba ang binata Kaya't ang pagsilip na sana ay unang balak lang ay nasundan ng paghakbang papasok. Patingkayad pang dahan dahang humakbang si Kevin pap
Nalilito si Kevin sa ponagsasasabi ng kanyang katiwala.Hiindi niya malaman kung naalimpungatan lamang ba ito. "Sir ang tinutukoy ko po ay iyong polo ninyo na madalas na inaamoy ni mam Elise sir. yung polo mo na ha sabi mo eh hawak nya sa pagtulog na pinalalaban niya sa akin at pagkatapos ay pinalalagyan niyo sa akin ang inyong pabango Ay nawawala ho sir. Hindi ho mahanap ni ma'am at hindi ko rin ho ito mahanap" balita ni Pepay sa amo sa kabilang linya. "Panong nawala? eh sabi mo ay inilaban mo siya?so nan mapupunta yun? Hanapin mong maige" utos ni Kevin. "Ay Sir, nahalughog ko na ho ang buong bahay ninyo pero hindi ko ho talaga makita eh kaya ako tumawag sir kasi kase Bukod kasi sir sa kuwan hindi ko na makita nga yung polo, yung pabango ninyo ay ubos na rin sa loob ng dalawang linggo" sabi pa ni Pepay. "Gusto ko ho sanang kumuha na lamang ng damit ko tapos ay lagyan ko nung pabango ninyo at ibibigay ko sa kanya kaya lang ho ay baka mahalata niya. Kaya sir hindi ko talaga alam
Pero ang mga pagdududang iyon ni Elise ay mas nadagdagan dahil sa isang kakaibang pangyayari na nagpatibay lalo sa kitob niya. Isang umaga ay napansin ni Elise ang polo na madalas niyang katabi sa kanyang pagtulog ay may kakaibang nangyayari. Minsan nagigising siyang nakatupi ito ng maayos gayung alam niyang nakalatulog siyang yakap iyon. Alam niyang hawak niya at hindi niya itinitupi bago matulog. Pero nagigising siya na nakatupi ito ng maayos. Nung minsan nakita niya itong nakasampay na ang Ibig sabihin ay pwedeng nilabhan ni Pepay, sesermunan sana niya ang babae kung bakit nilabhan dahil mawawala ang amoy ni Kevin doon pero nahiya si Elise. Wala namang alam yung katulong at lalong baka magmukha siyang OA bukod pa sa ayaw niyang ipaalam na pinaglilihian niya ang amoy ng kanyang bayaw. Nalungkot si Elise ng makitang nilabhan na ito ni Pepay, mamomoroblema siya kung paano iibsan ang sama ng pakiramdam sa hating gabi at madaling araw, ang amoy lamang kase ng polo na iyon ang na
Nagsimula talaga siyang magka crush kay Kenzo mula ng mabalitaan niyang sinapok daw nito ang school mate niya na nagnakaw ng baon nyang nilagang saging noong grade six pa lamang sila.Naulit naman iyon noong first year high scool na sila sa same school lang din. Ang school kase nila ay may elementa
Sa isang bar humantong si Kenzo, badtrip siya sa huling habilin ng kanyang lola. Badrip siya na lamang na lamang ang kuya niya at badtrip siyang mapipilitan siyang pakisamahan ang babae sa loob ng isang taon.Inubos ni Kenzo ang oras sa alak at babae ng buong magdamag pagkatapos ay hindi na naman u
"Ang pagkakalam ko ay tatlo lamang ang kompanya natin sa Maynila ibig ba nitong sabihin isa lang ang pamana sa akin ng lola?" himutok ni Kenzo."Tapos si Kuya mag aasawa bago mag thirty samantalang ako twenty seven pa lang naman tapos kailangan kong pakasalan ang dugyot na babaeng yun? “ pasigaw na
Unwanted 2Tahimik ang paligid ng mansion ng mga Madrigal ng dumating si Kenzo, pagdating niya galing America ay saglit lang siya sa Mansion at nagliwaliw na agad ang binata. Sa ibat ibang beaches ito nagpunta at sa kung saan saang mga tourist destination.Kung pwede nga lang ay ayaw na niyang um







