Share

Chapter 23

Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatili lang na nakaupo sa kama. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kawalan.

Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka-ayaw ko ng maalala sa buong buhay ko. Ang alaala kung saan huling beses kong nakita ang pag-ngiti ni Daddy, at ang huling beses na narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

Isang luha na naman ang muling pumatak sa aking mga mata.

Hanggang ngayon ay sarili ko pa rin ang tanging sinisisi ko sa trahedyang nangyari sa buhay namin. Kung hindi lang sana namatay si Daddy, baka wala ako rito ngayon, baka hindi ako isang rented wife at tau-tauhan ni Michael Seth.

Pero kagagawan din ito nang nagmamaneho ng sasakyan na 'yon. Kagagawan din ng taong 'yon ang kamalasang natatamasa ng pamilya namin ngayon.

Kung hindi lang sana niya kami tinakasan, kung hindi lang sana niya hinayaang duguang nakahandusay si Daddy sa kalsada, baka, baka buhay pa sana siya.

Kinagat ko ng mariin ang pang-

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status