Share

Chapter 293

Nakatingin ako sa malayo habang patuloy na iniisip kung bakit nga ba nangyayari ito sa akin. Malalim akong napabuntong hininga.

"Saan tayo pupunta, Redenn?" tanong ko sa lalaking ngayon ay katabi ko at kasalukuyang nagmamaneho nitong sasakyan na lulan ko.

"D'yan lang, magliliwaliw. At saka susunod sa utos pfft," sagot naman niya sa akin habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

Hindi naman na ako kumibo matapos nang kanyang sinabi.

"Renice," biglang pagtawag niya sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon.

Nanatili ang tingin niya sa daan habang nagsasalita.

"Kumusta na pala kayo ni Michael? Nag-usap na ba kayong dalawa tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa?" tanong nito bigla sa akin.

Hindi naman ako kaagad nakaimik. Kahit hindi banggitin ni Redenn ang pangalan ng tinutukoy niya, alam ko sa sarili ko na 'yong babaeng 'yon ang tinutukoy niya.

"Wala," simple at mabilis na sagot ko.

"Wala?" tanong pabalik naman nito sa akin.

Hindi na ako sumagot pa. Na-da-drain ako. Feeling ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status