I didn't know what happened. All I know is nasasaktan ako sa nangyayari sa amin ni Michael. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang epekto sa akin nang huling sinabi ni Michael. Si Michael ang unang pumasok sa loob ng kwarto rito sa loob ng opisina niya bago ako mabagal na sumunod. "Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong ko. Mabagal naman akong nilingon ni Michael bago niya binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto. Mabilis ko namang ipinikit ang aking mga mata upang i-adjust ang aking paningin sa biglang liwanag na siyang nagbigay ilaw sa amin. "I know you have loads of questions," panimula niya sa usapan naming dalawa. Mabagal ko namang idinilat ang aking mga mata at tinignan siya. Nakatayo si Michael ngayon sa tapat ng isang silver na box. Ito 'yong mga box na nakita ko no'ng nakaraan. Katabi rin ng mga box na 'yon ang isang mahabang silver na lamesa. "Oo, marami. Masasagot mo na ba ang mga bagay na 'yon
Hindi ko alam kung ano nga ba nangyayari sa akin. Basta akong ang hirap. Mahirap. Naging mahirap para sa akin ang mga nagdaang araw, pero ang makitang masaya ang pamilya ko ang isa sa mga bagay na nagpapagaan sa loob ko. "Anak, kain na!" nakangiting pag-aya sa akin ni Mommy. Napangiti na rin ako. Ilang araw na akong nandito sa bahay ni Mommy. Magmula nang nangyari no'ng nakaraan ay mas pinili kong manatili rito sa bahay kaysa sa bahay ni Michael. Hindi na rin ako pumasok pa sa opisina ni Michael, pero dala-dala ko ang mga folder na naglalaman ng profile ng mga stockholder at investors ng Seth Corporation. "Opo, Mommy. Maya-maya po ako, sunod na lang po ako," sagot ko naman kay Mommy. Maayos na rito sa bahay. Hindi ko kasi alam na sa ilang araw na pamamalagi ko sa bahay ni Michael ay napagawa na pala niya na pala ang bahay ni Mommy. "Sigurado ka ba? Baka naman malipasan ka ng gutom," sagot naman pabalik sa akin ni Mommy. Ngumiti naman ako bago ako umiling. "Okay lang po ako. May
Hanggang kailan ko kaya 'to titiisin? Sa loob ng mahigit isang buwan, napakarami ng nangyari. Marami rin akong nalaman hindi lang sa buhay ng iba, kung hindi sa sarili ko na rin. Malalim akong napabuntong hininga nang maalala ko ang araw na dinala ako ni Michael sa hideout nila. Flashback "Heads up!" sabi ni Michael habang hawak ang aking kamay. Napanguso naman ako dahil sa hirap ng training na ginagawa namin sa mga oras na ito. "Ayoko na!" reklamo ko bago ko sinubukang hilain ang aking kamay. Kanina pa kami nandito sa training ground ng bahay nila Michael. Sa ilalim kasi ng maganda nilang bahay ay may under ground floor na para sa pag-ti-training na ginawa pa raw ng daddy niya upang turuan siya. "Tss. Wala pa tayong isang oras dito," sabi niya bago ako tinignan. "Again, heads up," sabi pa niya bago itinaas ng maayos ang aking kamay. "Hindi ko talaga kaya," reklamo ko. Akala ko makakarinig ako ng sermon ngunit hindi. Umalis lamang si Michael sa aking tabi bago niya inalis ang
I was so confused sa kung ano nga ba ang dapat kong unahin. Nalilito ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Malalim akong napabuntong hininga. "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang ko sa 'yo. Baka wala na akong sahurin," sagot ko naman sa kanya. "What are you going to buy?" tanong naman
Matagal ko na itong nararamdaman pero j hindi ako sigurado. Malalim akong napabuntong hininga. Tulala akong nakatingin ngayon sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood matapos nang mga narinig ko kanina. Ang maalala ang sinapit ni daddy ay patuloy na gugulo sa isipan ko hanggang sa makilala ko kung sino ang walang hiyang nakapatay sa kanya at tinakbuhan ang kanyang nagawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noong araw na 'yon. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko. "Are you okay?" mabilis akong napatingin sa aking likod matapos kong marinig ang boses ni Michael. Kaagad kong pinunasan ang luha kong kanina pa kusang tumutulo. "O-oo naman," sagot ko bago ako huminga ng malalim at nilingon siya. Nakita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. "What's the matter?" biglang tanong nito bago naglakad papalapit sa akin. Hindi naman ako kaagad nakaimik. Ni-minsan kasi wala pa akong pinagsabihan sa
Sana alam ko kung ano ang dapat kong unahin. Nakaupo ako sa isang upuan. Nakapalibot kami sa isang malaking lamesa. Hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na ito, samantalang biglaan lang naman ang pagpunta namin ni Michael dito. "Maligayang kaarawan, anak!" pagbati ni mommy bago siya umupo sa aking tabi. "Salamat po, Mommy," nakangiting sabi ko bago ko siya mahigpit na niyakap. "Matapos ang nangyari dati sa daddy mo, at sa pamilya natin, 'di na natin na-ce-celebrate ang kahit kaninong birthday. Kaya masaya ako na nagkaroon ng pagkakataon na ma-celebrate natin ang araw na 'to," sabi niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Dahil totoo naman, ni-hindi ko na nga napapansin na tapos na pala ang kaarawan ko maliban na lang kung mabanggit ang araw na 'yon. Matagal ko na kasing kinalimutan ang araw ng kaarawan ko. Hindi naman dahil sa may kung anong 'di magandang nangyari no'ng araw na 'yon, ayaw ko lang din kasi bigla na lang maalala nila mommy ang pagkawala ni daddy,
Malalim ang mga buntong hiningang binitawan ko bago ako napatingin sa kalangitan. Pakiramdam ko kaagad na nag-init ang buong mukha ko sa inis nang dahil sa narinig ko. Hindi kasi 'yon ang inaasahan kong isasagot sa akin ng lalaking ito. "Maayos kitang kinakausap," sabi ko gamit ang naiinis na boses. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to napaka walang kwenta! Nakita ko namang napabuntong hininga siya. "Then let's stop talking," sabi lang niya bago akmang dadaanan ako para lampasan. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata para mapigilan ang inis na nararamdaman ko sa mga oras na ito. "Kailan mo ba planong magpaliwanag sa akin? Kailan mo ba planong sabihin sa akin ang totoo? Hindi ako bulag. Nakikita ko ang mga nangyayari!" naiinis na sabi ko. Mabilis ko siyang tinignan ng diretso sa kanyang mga mata. Wala akong nakitang kahit anong reaksyon mula rito. Nakayuko lang siya habang tulala at nakatingin sa sahig. "Pagod pa ako," sagot lang niya sa akin bago muling naglakad. Kinagat ko
Nanghihina ang mga paang tumayo ako sa tabi ni Mommy. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang sikmurahin lahat ng mga nalaman ko. Iminulat ko ng marahan ang aking mga mata. Mabagal ko ring hinawakan ang aking ulo nang muli ko na namang naramdaman ang matinding pagkahilo. Tinignan ko ang paligid, habang sapo-sapo pa rin ang aking ulo. "Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang paligid ko. Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama. Nasa loob ako ng isang kwarto. Kwarto na ang tanging makikita mo ay kulay asul, at kulay itim na mga gamit. "Nasaan ba ako?" tanong ko muli habang marahan akong tumatayo. Ang huling naaalala ko lang ay kasama kong naglalakad si Michael kanina. Tanging naaalala ko lang ay sabay kaming sumakay sa elevator papunta sa kung saan. Nahimatay ba ako? Nakatulog? Mabagal akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng bahay ni Michael, o kung nasaan. Muli kong inilibot ang aking paningin