Nanatili akong nakatingin kay Michael, kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan akong makita siya kasama ang iba. Patuloy ako sa pagsasalita habang patuloy ko na nilalagyan ang plato ni Michael. Wala pa rin siyang imik sa kasalukuyang ginagawa ko. Matapos ako sa paglalagay sa plato niya ay sinimulan ko namang lagyan ang sa akin. "Maraming salamat talaga," sabi ko pa bago ko siya tinignan. Nakita ko namang nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa plato niyang ngayon ay punong-puno na ng iba't-ibang klaseng ulam. "Kumain ka na. Alam ko namang kanina ka pa nagugutom," sabi ko pa bago ako patuloy na naglagay ng pagkain sa aking plato. Nakita ko namang napailing ang kanyang ulo bago siya bahagyang natawa. "Do I look like a pig?" natatawang tanong niya bago ako nilingon. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Pig?" naguguluhang tanong ko. Nakita ko namang napatingin siya sa kanyang plato bago napailing. Napanguso naman ako. "Galit ka ba?" biglang tanong ko. Mabilis naman niya akong
I don't that love could be this painful. Maybe pain after pain, I guess? Wala akong ginawa kung hindi ang manatiling nakatayo. Ni-hindi ko alam kung paano ako gagalaw. It was as if I was glued to the place. Tulala lang akong nakatingin sa cellphone ko habang paulit ulit na binabasa ang text sa akin ni Michael. Kung gano'n nandito pala siya sa kompanya pero hindi niya man lang ako nagawang puntahan dito sa opisina niya. Napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa kama na narito at doon ako naupo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana na kumilos. Isa pa sa patuloy na bumabagabag sa isip ko ay ang napag usapan namin ni Redenn kanina lang umaga. "When are you going to choose a dress?" agad akong napatingin sa doorway nang marinig ko ang boses ni Michael na ngayon ay nakatayo roon at diretsong nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakaimik agad. Pakiramdam ko biglang nag-flashback ang lahat sa isip ko. Parang biglang bumalik sa akin ang lahat nang unang beses akong pumunt
Sa tuwing kasama ko si Michael hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na ma-feel dahil naghahalo-halo ang nararamdaman ko. Nakabusangot akong naglalakad kasabay ni Michael. Naiinis ako dahil 'di ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabay kaming maglakad. "Hoy! Hindi ko nakikita daraanan ko. Tapakan ko kaya sapatos mo," inis na sabi ko. Hindi naman siya kumibo, patuloy lang siya sa paglakad. "Hoy, Michael!" inis na pagtawag ko sa kanya. Mabilis naman niya akong nilingon bago siya napabuntong hininga. Mabagal din siyang huminto sa paglakad bago tuluyang tumingin sa gawi ko. "You are causing a scene," simpleng sabi niya bago siya tumingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid bago ako napasimangot. Totoong halos lahat nga ng tao rito ay pinagtitinginan kami. "Bakit kasi sinama-sama mo pa ako rito sa mall kung 'di mo naman ako isasabay sa paglakad? Gusto mo nasa likuran mo lang ako?" inis na tanong ko bago ako napatingin sa paligid.
Nanatili akong nakatitig kay Redenn na nakaupo sa upuan habang puno siya ng dugo. Hindi naman na bago sa akin 'to, pero ang makita siyang ganito ang itsura ay mabigat sa dibdib ko. Naphinga ako ng malalim bago tumingin sa hawak kong cellphone. Tulala lang akong nakatingin sa cellphone ko habang paulit ulit na binabasa ang text sa akin ni Michael. Kung gano'n nandito pala siya sa kompanya pero hindi niya man lang ako nagawang puntahan dito sa opisina niya. Napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa kama na narito at doon ako naupo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana na kumilos. Isa pa sa patuloy na bumabagabag sa isip ko ay ang napag usapan namin ni Redenn kanina lang umaga. "When are you going to choose a dress?" agad akong napatingin sa doorway nang marinig ko ang boses ni Michael na ngayon ay nakatayo roon at diretsong nakatingin sa akin. Hindi naman ako nakaimik agad. Pakiramdam ko biglang nag-flashback ang lahat sa isip ko. Parang biglang bumalik sa akin an
Nanatili akong nakatayo sa isang tabi kahit na nanginginig na ako sa takot. Ni-hindi ko naman kasi alam bakit kailangan na manatili ako rito. Natatakot tuloy ako sa maaari kong kalabasan. Pero nagtitiwala ako kay Michael. Bahagya akong naglakad papalayo. "Renice," agad akong napatigil sa paggalaw nang makita ko kung sino ang lalaking ngayon ay nasa aking harapan. Ilang beses ko pang ipinikit at idinilat ang aking mga mata upang masigurado kung tama nga ba ang nakikita ko sa mga oras na ito. Ngunit hindi nga ako nagkakamali, si Michael nga! "M-michael?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba na nararamdaman ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Akala ko ay magsasalita pa si Michael, ngunit nanatili lang kami sa gano'ng posisyon ng ilan pang segundo. "A-anong ginagawa mo rit---" hindi ko na naituloy pa ang akin sanang sasabihin nang mabilis niyang inagaw sa aking kamay ang bato at inihagis iyon sa kung saan. Akma ko na rin sanang ibubuka ang aking bibig up
Love has no limits nor boundaries, as long as you love the person it's okay. But my relationship with Michael is different. Far different from my imagination. Nanatili akong tahimik habang sakay ng sasakyan ni Michael. Ito ang sasakyan na gamit namin kanina na pinark namin sa loob ng mall. "Michael, pasensya na sa mga nangyari kanina," sabi ko bago ko siya nilingon. Hindi naman niya ako tinignan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang ulo. "For what?" tanong naman nito sa akin. Napabuntong hininga ako. "Para sa mga nangyaring gulo kanina," sagot ko bago ako tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi naman na nagsalita si Michael. Parang gusto ko rin na hindi talaga marinig ang kanyang boses. Hanggang ngayon mabigat pa rin ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay hindi ko lang maisip ang mga bagay na nangyari sa akin kanina. Oo, hindi kami mayaman. Pero hindi naman ako nakaranas ng kahit isang gano'ng pagmamaliit sa buong buhay ko. Kanina, 'yon ang unang beses na nangyari ang mga '
I don't know what to do anymore. Maybe life is indeed harsh to me. Nanatili kaming sakay ng nirentahang jeep ni Michael. Pareho lang kaming tahimik habang nakaupo at naghihintay na marating na namin ang palengke. Patuloy akong nanahimik, at hindi kumikibo ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na dala-dala ko nga pala ang cellphone na ibinigay sa akin ni Michael. Mabilis kong kinapa ang suot kong dress na above the knee. Ngayon ko lang din naalala na wala nga pa lang bulsa ang suot kong damit. "Hala, saan ko inilagay 'yon?" tanong ko sa aking sarili. Mabagal at marahan ko namang nilingon si Michael na nakatingin na pala sa akin sa mga oras na 'to. Mabilis ko naman siyang kinunutan ng noo. "Ano? Tinitingin-tingin mo?" tanong ko bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng jeep. Kunwari ay kalmado lang ako pero ang totoo n'yan ay abot-abot na ang aking kaba dahil hindi ko maalala kung saan ko nga ba inilagay ang phone na ibinigay sa akin ng lalaking 'to. I
I was still in awe whenever I think about what had happened to us. I still love him. Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpl