NAPATITIG SI AMBER KAY ZAVIAN, she already made deal with Matteo. Paano niya tatanggihan ang offer ni Zavian? Isa pa, hindi niya kayang i-take advantage ang lalaking binigay ang lahat para lang sa kanya.Bumuka ang bibig ni Amber at magsasalita na sana nang may biglang umupo sa harapan nila, suot ang kulay pula na dress, may pulang lipstick rin, nakapusod ang mahaba at straight nitong buhok habang nakasuot ng eyeglass.Tinanggal niya ang suot nitong sunglass at pinatong sa lamesa.“Good to see you here, Amber,” wika ng babae.Malamig na tinapatan ni Amber ang tingin ng babae, at agad ring ngumiti, hindi sa saya, kundi sa lamig.“Well, hindi ko inaasahan ang pagadating mo rito, Miss Valdez, but yeah, it’s nice to meet you too.”“Ate!” pumasok si Anthony sa restaurant at agad na nakita ang kanyang nakaktandang kapatid na kausap si Amber. Agad na nanlaki ang mga mata niya at lumapit sa kanila saka hinihila ang kapatid palayo kina Amber. “Ano bang ginagawa mo?!” Anthony tried to tug her
SA LABAS NG SEMENTERYO, dalawang sasakyan ang nakaparada sa labas, isa roon ang kulay kahel na nakabukas ang pintuan. Namumutla si Amber dahil sa labis na takot ng lapitan ito ni Jacob kanina. Humihigop ito ng mainit na tubig mula sa maliit na thermos na dala, habang nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Jacob.“Bakit ka ba nanggugulat?!” singhal niya rito.“Nakita kasi kitang lumabas ng bahay. Nag-aalala ako, kaya sumunod ako.”Napataas ng kilay si Amber. “Nag-aalala?” Napaismid siya, para bang isang joke ang kanyang narinig.“Tungkulin kong alalahanin ang kaligtasan mo, Lady Amber.”Nairita si Amber. Palagi na lang kaligtasan niya ang inaalala ni Jacob. “Hindi ‘yan excuse para sundan mo ako! Huwag mo na akong sundan. I’ll hire my own bodyguard.”“Lady Amber, delikado po ngayon. Wala kang ibang mapagkakatiwalaan.”“Ayaw ko sa’yo!”Tumahimik si Jacob. Alam niyang galit pa rin ito mula sa nangyari walong taon na ang nakalipas. Kahit ayaw siya ng babae, handa pa rin siyang protektaha
Warning: This chapter delves into themes like depression, PTSD, anxiety, etc., which may be distressing to some readers. Please read at your own discretion.NANG TANUNGIN ni Amber ang ginang tungkol do’n ay wala na itong maalala. Nagtatampo pa sa kanya dahil hindi naman daw nito sinabi na may fiance na siya. Agad namang namutla si Amber. Pinakalma niya ang ginang matapos nagpunta sa opisina ni Winson.“Si Mommy…” panimula niya. “Hindi lang ba memory loss? Nagha-halluciate din ba siya?”Napakunot ng noo si Winson. Nanginginig ang buong katawan ni Amber. “Gaya ng nakikita ang mga tao na matagal ng wala?”She desperately needed an answers. Buong gabi siyang hindi pinatulog nito, kaya dapat lang malaman niya ang sagot. Kung buhay pa ba si West at tinatago lang sa kanya ang lahat.Nag-alinglangan naman si Winson, at bahagyang kumalat ang pag-aalala sa mukha nito.“You already know that, Amber.”Tila tinakasan siya ng kanyang kaluluwa. Nanlamig at nanigas ang kanyang buong katawan. Sinubu
OLD HOUSE OF THE LEE FAMILY.Malalim na ang gabi nang makarating si Amber, ngunit gising na gising pa rin si Meredith Lee—parang hindi nauubusan ng sigla kahit disoras na.Pagkakita sa kanya, napatalon sa tuwa ang ginang at halos parang bata na tumakbo papalapit bago siya mahigpit na niyakap.“Hala, ang bango! Anong pabango iyon?” magsiglang tanong ng ginang, halos ilapit na ang ilong sa balikat ni Amber.“Perfume.”Hindi inaakala ni Amber na didikit sa kanya ang halimuyak ng pabango ni Matteo, na kahit mild lang ay tumagal iyon.“Rose?” tanong ni Meredith Lee na nakangiti habang patuloy pa rin ito sa pagsinghot.“Do you like it?”“Yes!” napabungisngis ang ginang. “I like it—no, I love it!”“They don’t sell it,” Amber explained. “Pero my friend said he’ll give me some, just for you.”“Really?” Kumislap ang mga mata ni Meredith, parang batang binigyan ng paboritong laruan.“Yes,” tugon ni Amber, ngumiti siya nang malumanay, tuwang-tuwa sa reaksyon ng matanda.“Hon, let’s take a rest no
AT THE SAME TIME. Sa loob ng sasakyan, tahimik na binabaybay nina Amber at Jacob ang daan pauwi. Nakamasid lamang si Amber sa labas at pinagmamasdan ang tanawin hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone.Sinagot na niya agad iyon nang makita ang tiyahin ang tumatawag.“How is it?” Eliza Rivera asked, may galak sa kanyang boses, tila sabik na marinig ang kwento. “Nagustuhan mo ba siya? Anong impresyon mo sa kanya?”“Tita,” napabuntong hininga si Amber. “First time pa lang namin magkita.”“Does it matter?” mabilis na tugon ng ginang. “When it comes to liking someone, sometimes one glance is all it takes.”Sa sinabi ng ginang naalala niya ang unang tingin niya kay West na kasama nito ang mga kaibigan sa koridor ng paaralan. Love at first sight.Tahimik siyang napaismid, nang maalala iyon na dapat binabaon na sa kadulu-duluhan ng kanyang kaluluwa.Naalala ni Amber ang kasunduan nila ni Matteo kaya maingat itong tumugon.“It’s okay, Tita.”Biglang tumili ang ginang dahilan para mailayo n
“WHAT DO YOU THINK of my proposal, Miss Amber?” tanong ni Matteo. “The proposal is—”Naputol ang sasabihin ni Amber nang tumunog ang kanyang cellphone. Napatingin siya kay Matteo pero sumenyas lang ito na sagutin ang tawag at h’wag na itong mag-aalala pa sa kanya.Napansin ni Amber na tumatawag sa kanya si Zavian, kaya naman ay sinagot niya rin ito.“Zavian?”“It’s me, Lulu,” kalmadong tugon ni Zavian na may halong lambing. “Kumain ka na ba? May nakita akong restaurant. I’ll pick you up later.”Napangiti si Amber nang maalala ang huling kain nila sa labas. That was nine years ago. That was the happiest day of her life. Gusto niya sanang sumang-ayon nang maalala niyang may kasama ito ngayong gabi.“Sorry, hindi ako pwede ngayon. I’m having dinner with someone.”Natahimik si Zavian, pero ilang sandali lang ay nagsalita rin sa kalmadong boses. “Are you talking about work with someone outside? Sorry, kung naistorbo kita, we can make another appointment.”“No,” tugon ni Amber. “It was a b