“Taray! May pa-engrave . . .” panunudyo ni Krisha habang hinihintay nilang matapos na pa-engrave-an ang fountain pen na napili ni Calista.“Para personalized. Kung mayr’on na kasi siyang fountain pen, edi maiiba ‘yan kasi may engraving ng pangalan niya.”Napatangu-tango naman ang kaniyang kaibigan.“Sabagay, pero ‘yon ay kung wala pa siyang fountain pen na may engraving ng pangalan niya . . .”Napaisip nang sandali si Calista. May punto ang sinabi ni Krisha ngunit wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay may maibigay siyang regalo kay Mr. Das bilang tanda ng kaniyang pasasalamat.“Ayos lang ‘yon. It’s the thought that counts. Ang mahalaga naman ay may naibigay ako sa kaniya as token of gratitude sa naging tulong niya sa kompanya namin.”Napatangu-tango naman si Krisha.Hindi nagtagal ay bumalik na ang babaeng staff na nag-assist sa kaniya sa pagbili ng fountain pen.“Tapos na po, ma’am. Sa counter na lang po,” anito kaya tumayo siya.“Sige, thank you,” aniya sa staff bago nilingo
“Dravis, anong oras na? Napakakupad mo talagang kumilos! Hindi ka pa tapos maglinis nitong sala! May mga bisitang darating mamaya. Nakakahiyang puro alikabok ang madaratnan nila rito!” singhal ni Donya Celestina Gomez kay Dravis. Nakapamaywang ang ginang habang may disgustong nakatingin sa binata na napahinto naman sa pagpupunas ng mamahaling vase sa napakalawak na salas ng mansyon ng mga Gomez. Nagkatinginan ang dalawang kasambahay na kasama ni Dravis na maglinis doon. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ngunit mga singhal na ng magiging biyanan ng binata ang umaalingawngaw sa mansyon. Hindi naman talaga maalikabok ang mga kagamitan sa salas dahil araw-araw iyong nililinisan ng mga kasambahay. Eksaherada lang magsalita ang ginang. Mahinang napatikhim si Dravis para magsalita. “P-pasensya n-na p-po . . .” he said, stuttering. Celestina rolled her eyes. “P-pasensya n-na?” she mimicked him and chuckled dryly. Noong una ay hindi naman siya pinagtatawanan ng kaniyang mga future i
KRISHA went back to the lobby after she accompanied Dravis to Calista’s office. Naabutan niya ang dalawang guard na halos kumaladkad kanina sa binata palabas na nag-uusap.“Grabe, pare . . . Kawawang-kawa si Sir Dravis, ‘no?”“Deserve niya naman ‘yon, brad. Tingnan mo ang pamilya nila, inechapwera na ni Don Silvestre.”“Iyon ba yung tungkol sa nawawalang limampung milyon sa kumpanya nila?”“Oo, ‘yon nga.”“Tingin mo, totoo ‘yon?”“Kung hindi totoo, itatakwil ba ang mga magulang ni Sir Dravis ni Don Silvestre? Hindi lang naman nadamay si Sir Dravis dahil nasa mga Gomez na siya ngayon. Mag-isip ka nga!”Krisha felt bad for Dravis as she heard the guards talking behind his back. Hindi siya aware na maging ang paninirahan ni Dravis sa mga Gomez ay kalat na rin pala. Ang akala niya ay ilan lang silang nakakaalam ng bagay na iyon.Krisha cleared her throat to get the guards’ attention. Agad namang napatingin ang mga ito sa kaniya. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito.“Mali naman ho yatang pa
CALISTA had lunch with Robi even though she was not happy about the idea of having lunch with the annoying and arrogant man. Wala naman siyang magawa dahil medyo desperada na siyang malutas ang problema ng kumpanya nila.As the eldest granddaughter of the Gomez family, it was her responsibility to safekeep their family business. Ngayong may problemang may kinahaharap, hindi siya makatanggi sa kung sino man ang mag-alok ng tuloong. Hindi dahil sa helpless ang dalaga ngunit dahil tinitimbang niya ang mga option na mayroon siya.Halos marindi si Calista sa mga pagyayabang ni Robi habang kumakain sila. Naging interesado lang ang dalaganang ilapag na nito ang alok na sinasabi.SA KABILANG banda ay may biglaang tumawag kay Celestina.“Madam Celestina, pumunta po rito sa kompanya si Sir Dravis kanina. Mukhang may usapan sila ni Ma’am Calista pero umalis din po agad si Sir Dravis kasi dumating si Mr. Robi Cruz, yung anak po ng isa sa mga investor . . . Nag-lunch po sla ni Ma’am Calista,” pagr
KINABUKASAN ay maaga pa lang ay sobrang abala na ng mga kasambahay sa manson ng mga Gomez. Nagtataka man ay ginawa na lang ni Dravis ang mga gawaing nakatoka sa kaniya.Nakasalubong niya si Celestina nang mapadaan siya sa salas bandang alas sais ng umaga. As usual, hindi niya pa man ito binabati ay nakaismid na ito sa kaniya. Akmang magsasalita siya nang unahan siya nito sa pagtikhim.“Pagkatapos mong maglinis, pupuwede ka nang maglamiyerda sa kung saan mo man gustong pumunta. ‘Wag kang uuwi mamayang gabi. Ayaw kong makita ang pagmumukha mong pakalat-kalat dito,” anito saka siya tinalikuran.Napakunot ang kaniyang noo dahil sa tinuran ng ginang ngunit hindi kalaunan ay nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.She’s still mad at me because of last night, he thought.He shrugged off the heavy feeling and continued doing his remaining tasks.Pagkatapos ng mga gawain ay lumabas si Dravis para makipagkita sa isang lalaki. Kahit naman kasi hindi siya sabihan ni Celestina na umalis ay
NANG magsabi ang isang kasambahay na handa na ang kanilang hapunan ay nagkaniya-kaniyang nagsipuntahan ang mga miyembro ng pamilya ng mga Gomez sa dining hall. Kasabay maglakad ni Dravis si Calista habang magkahawak sila ng kamay.Rinig na rinig ni Dravis na pinagbubulungan siya ng mga pinsan ng dalaga ngunit inignora niya lang ang mga iyon. Ang mahalaga ay katabi at kasama niya si Calista.Pagkarating sa hapag ay ipinaghila niya ng upuan ang fiancee bago siya naupo ngunit hindi pa man nakalalapat ang kaniyang pang-upo sa malambot na cusion ng upuan ay nakarinig na siya ng hindi magandang salita.“Hindi ka ba marunong mahiya? Bakit kakain ka kasama namin? Doon ka sa kabilang table, kasabay ng mga kasambahay,” ani Celestina.“A loser like you can’t join us for dinner . . . Saka hindi ka naman Gomez. May mga pag-uusapan kaming hindi mo dapat marinig. Umalis ka na.”“I don’t understand why you are still staying here, Dravis. Aunt Celestina, dapat inihahanap mo na si Calista ng mas mayama
KASALUKUYANG nasa loob sina Dravis at Calista ng kuwarto ng dalaga. Tapos na ang reunion na nauwi lang sa iringan ng magkakamag-anak.Palakad-lakad ang dalaga habang si Dravis naman ay nakaupo sa upuan sa tapat ng tukador. Nakaharap siya sa kaniyang fiancee.“I”m so sorry that you had to witness and hear those . . .” paumanhin kay Dravis ng fiancee.Masyadong maraming nangyari sa gabing iyon ngunit dahil immune na si Dravis sa mga pinagsasabi ng mga Gomez ay ang kaniya na lang inaalala ay si Calista. Naisip niyang hindi deserve ng dalaga na tratuhin sa ganoong paraan ng mga kamag-anak nito.Tumayo si Dravis at nilapitan si Calista. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat ng dalaga para saglit itong mapatigil sa paglalakad.“A-ayos l-lang a-ako . . . I-ikaw, y-you o-okay?” he asked in a concerned tone.Matagal siyang pinagkatitigan ng fiancee. Makikita sa mga mata nito ang pagod, lungkot, at pag-aalala.Sa huli ay naluluhang umiling ang dalaga saka yumakap nang mahigpit kay Dravis.
KINABUKASAN ay nagmamadaling bumangon si Calista dahil sa pakiramdam na parang may mali. Pagkadilat ay doon niya lang na-realize na nakatulugan niya pala kagabi ang paggawa ng presentation.Ganoon na lang ang gulat ng dalaga nang makitang sumisilip na ang liwanag mula sa labas sa siwang ng kurtina ng binata sa kaniyang silid.Hindi siya nagising sa tunog ng alarm clock kaninang alas singko. Masyadong malalim ang kaniyang tuog para hindi magising sa dalawang alarn na s-in-et niya ngayong umaga.I’m so dead!Nagmamadali siyang tumayo at tumakbo patungo sa kaniyang desk. Pagkarating niya sa harapan ng desk ay saglit siyang natigilan.Wait . . . How did I end up sleeping on my bed? Nandito ako kagabi sa desk kagabi, e.Napakunot ang noo ng dalaga nang makitang nakasarado na rin ang kaniyang laptop.Did I close the laptop before I went to sleep? Nalilito siya. Ang huli niyang naaalala ay sa desk talaga siya nakatulog.Did I sleepwalk from here to my bed? Pero bakit nakapatay na yung lapto