Share

Chapter 8

DRAVIS went to Wood Works Enterprises. Hindi naman siya totally nagsinungaling kay Calista kanina. Makikipagkita siya kay Sheldon ngayong araw ngunit hindi ngayong umaga. Mamayang hapon pa sila magkikita ng kaniyang matalik na kaibigan. May mga importanteng bagay muna siyang kailangang gawin sa umagang ito.

Sa secret way dumaan ang binata para walang makakita sa kaniya. Siya lang ang tangin may access sa daanang iyon kaya tiwala siyang walang ibang makakaalam sa kaniyang pagpunta roon maliban na lang sa bantay na security guard na naka-duty roon.

Pagkaakyat niya sa top floor ay agad siyang sinalubong ni Harold. Nakita kasi nito na papaakyat ang VIP elevator na ito at siya lang ang may access.

Nahahati sa dalawang parte ang top floor ng building. Pinasadya ni Dravis na hatiin iyon sa dalawa. Ang kabilang wing ay para sa mga empleyado at ang wing naman na kinaroroonan nila ay para lang sa CEO. May pader na harang sa pagitan at magkabukod ang daan.

Walang ni isang empleyado ang pupuwedeng tumawid sa opisina ng CEO bukod sa kanila ni Harold at sa sekretarya nito. Ang mga taga cleaning department naman ay after office hours lang pupuwedeng umakyat sa opisina para makapaglinis.

“Good morning, Sir Dravis!” magalang na bati ni Harold na kaniyang tinanguan lang.

Dumiretso siya sa opisina ni Harold na kaniyang opisina rin.

“Email?” aniya pagkatapos makapasok sa loob.

“Yes, sir. Napadalhan ko na po ng email ang Gomez Hotels and Resorts.”

“Good.” Prenteng naupo si Dravis sa pang-isahang couch na nasa gitna ng silid.

Sumunod si Harold na naupo sa katapat na couch.

Kahapon ay may nakarinig sa usapan nila sa labas kaya mas pinili na lang ni Dravis na doon na lang sila mismo sa sarili niyang kompanya mag-meeting ni Harold. Mas safe doon.

Gusto niyang mag-invest sa Gomez Hotels and Resorts para kay Calista. At hindi lang iyon. Nais niya ring bumili ng stocks doon para masiguradong may kakampi ang fiancee niya kapag nagkaroon ng problema at kinailangan ng eleksyon o kahit anong botohan na makakapagpaalis sa dalaga sa posisyon.

Buong umaga ay pinadalhan ni Harold ang kanilang mga investor at business partner ng email. He was using his connections to get more investors for Gomez Hotels and Resorts.

Hinayaan niya lang si Harold na gawin ang kaniyang inutos habang siya naman ay abala sa pagre-review ng mga papeles at pagpirma ng mga iyon. Abala rin siya sa paghahanap ng magandang lugar na pupuwedeng rentahan ng kumpanyang kaniyang itatayo.

Gusto niya sanang magkaroon ang kompanya ng sarili nitong business space ngunit wala nang panahon para sa construction. Madalian ang lahat kaya kailangan niya ng lugar na pupuwedeng malipatan para makapag-operate na sila agad. Next year na lang pasisimulan ng binata ang construction ng site.

Bandang alas onse nang tumigil si Dravis sa pagtatrabaho. Medyo may kalayuan kasi ang kompanya nina Calista mula sa kaniyang kompanya kaya kailangan na niyang bumiyahe.

Nagpaalam siya kay Harold at pinag-early lunch na rin ito. Babalik siya mamayang hapon para tapusin ang mga naiwan niyang trabaho.

MALAPAD ang ngiti kay Dravis ni Calista nang sunduin ng binata ang fiancee.

“I-I l-like y-your s-smile . . . M-masaya k-ka y-yata?” puna niya bago hinalikan sa noo si Calista.

“Yes, I am! Can’t wait to share it with you. Tara na sa kotse?” anito na agad namn ikinatango ng binata.

Pinagbuksan ni Dravis ng pinto si Calista bago umikot sa kabilang side para siya naman ang makasakay.

“Kumusta ang pagkikita n’yo ni Sheldon pala? Hindi ka nag-text sa ‘kin. Natuloy kayo?”

Dahil naging abala siya kanina sa opisina ay hindi na siya nakapag-text kay Calista patungkol sa kunwari ay pagkikita nila ni Sheldon ngayong umaga.

“H-hindi n-na. I-I h-had a-an e-emergency.”

“What emergency?” Napakunot ang noo ni Calista at nag-aalala siyang tiningnan.

“F-family s-stuff.”

“Oh! Okay. Kumusta naman ngayon sa inyo?”

“M-magulo pa rin . . .”

Pakiramdam ni Dravis ay mapuputol ang kaniyang dila ano mang oras dahil sa dami ng kasinungalingang kaniyang sinasabi kay Calista para lang pagtakpan ang tungkol sa kaniyang lihim. Sasabihin niya rin naman ang patungkol sa Wood Works sa kaniyang fiancee ngunit kapag kasal na sila.

“K-kumusta n-naman a-ang a-araw mo?” pag-iiba niya ng topic.

“Magandang-maganda! I’ve received an email from Wood Works Enterprises. Interested daw silang mag-invest sa company. Nagpa-sched ako ng meeting mamayang hapon agad. Let’s hope na magustuhan nila ang presentation ko para ma-settle agad ang contract signing.”

“T-that’s a-a g-great n-news! I-I’m s-sure y-you’ll d-do g-good l-later . . .”

“Aww! Do you think so? Thank you, Dravis!”

KUMAIN sila ng dalaga sa restaurant na madalas nilang kainan noon. Inunahan niyang magbayad si Calista pagkatapos nilang kumain.

Gulat na napatingin sa kaniya ang dalaga.

“I know that your family is facing a complicated crisis right now, ayos lang naman sa ‘kin na ako muna ang magbayad ng lunch . . .” ani Calista na kaniyang inilingan.

“I-it’s f-fine. A-ako a-ang n-nag-aya. I-I s-still h-have m-money, y-you k-know . . .” Nginisihan niya ang fiancee.

“No . . . I didn’t mean that you—”

“I-I k-know. I-I’m j-just s-saying t-that I-I c-can s-still p-provide f-for u-us e-every o-once i-in a-a w-while . . . A-and I-it’s o-our d-date. P-pambawi s-sa l-lunch d-date n-natin n-na h-hindi n-natuloy l-last t-time.”

Ngumuso si Calista na parang bata. “Dapat ako ang bumawi sa ‘yo kung gan’on. Hindi natuloy yung lunch natin kasi dumating si Robi. ”

“I-it’s f-fine . . . D-don’t m-mention o-other g-guy’s n-name w-when w-we’re o-on a-a d-date.”

Napanganga si Calista sa narinig mula sa kaniya.

“What? Are you jealous?” namamanghang tanong sa kaniya ng dalaga.

“C-can’t I-I g-get j-jealous?” Tinaasan niya ito ng kilay.

“OMG! This is the first time you told me that you’re jealous!” Natatawang saad ni Calista. “Congrats! Tao ka!” biro pa nito.

Hinayaan niya lang hanggang sa matapos tumawa ang kaniyang fiancee. Tao naman talaga siya. Hindi siya nagselos noong umepal si Robi noong nakaraan pero ngayon, gusto niyang nasa kaniya lang ang atensyon ni Calista.

“But you don’t have to be jealous of him. Ayoko sa kaniya. Puro papogi at kahanginan lang ang inabot ng pakikipag-lunch ko sa kaniya. Tagilid din ako sa business proposal niya. Parang good riddance na rin na nagpa-competetion si Lola nang ganito. At least mapu-push akong humanap ng better options. I don’t need to be stucked with him.”

Napanatag ang loob ni Dravis nang sabihin iyon ni Calista.

Tama ‘yan. You don’t need anyone like Robi when you already have me. Hindi kita pababayaan. I’m always at your back whether you’re aware or not.

THREE days had passed and the old lady of the Gomez family called everyone again for the evaluation of the results.

Kabadong-kabado si Calista sa tabi ni Dravis dahil kahit marami itong napapirmahang kontrata at naisaradong deal ay hindi pa rin ito makampante. Alam ng kaniyang fiancee na hindi basta-bastang magpapatalo ang Uncle Enrico nito.

“H-hey . . . c-calm d-down. Y-you d-did y-your b-best, w-whatever t-the r-result m-might b-be,” pagpapakalma ni Dravis kay Calista bago sila bumaba sa living room kung nasaan ang lahat.

Yumakap nang mahigpit sa kaniya ang dalaga.

“Kung sakaling mapalitan ako bilang CEO, may ipon naman ako. We can runaway from everything and start a small business. Magpakasal na rin tayo para wala na silang masabi pa,” anito habang nakasubsob sa kaniyang dibdib.

Nagulat si Dravis sa sinabi ni Calista. Hindi niya iyon inasahan. He was planning for their future but it was not like that. Gusto niya ring lumayo na lang mula sa mapang-api na pamilya ng dalaga ngunit hindi sa ganiyong paraan.

Gusto niyang kontrahin ang sinabi ng dalaga dahil kung sakali mang hindi na ito ang maging CEO ay siya ang sasalo rito. Pero sa huli ay iba ang kaniyang sinabi.

“K-kahit a-ano a-ang m-mangyari, n-nandito l-lang a-ako p-palagi s-sa t-tabi m-mo . . .”

“I know. Thank you, Dravis. Hindi rin naman kita hahayaang iwan ako,” Calista chuckled.

Natawa rin siya at hinayaan itong yumakap sa kaniya. Hinaplos-haplos niya ang likod ng fiancee habang nilulukob sila ng kumportableng katahimikan.

“O-okay k-ka n-na?”  tanong niya pagkatapos.

Tiningala siya ni Calista saka tumango. “Yes. Let’s go?”

Kumalas siya mula sa pagkakayakap dito saka naglahad ng kamay. Masayang tinanggap iyon ni Calista saka sila hawak-kamay na lumabas mula sa silid nito.

Pagkarating nila sa malawak na salas ng mansyon ay naroon na ang lahat. Enrico was smirking at Calista but his expression suddenly changed when he saw Dravis. Napangiwi ito.

“What’s this loser doing here? Hindi pa ba malinaw na family affair ito at dapat walang nakikisali o nakikinig na outsider?” ani Sheryl habang naglalakad sina Dravis at Calista patungo sa bakanteng couch na para sa huli.

“Hayaan mo na, sweetheart. Para naman may magpapatahan kay Cali kapag narinig niya ang resulta mamaya,” mapanuyang sagot ni Enrico sa asawa nito.

“That’s enough. Maupo na kayo, Cali, hija,” ani Susana habang may hawak-hawak na mga dokumento. Nakasuot na ng salamin ang ginang habang prenteng nakaupo sa pang-isahang couch.

Calista cleared her throat. Tinangay nito si Dravis papunta sa couch na nakalaan para dito.

“Isa lang ang bakante . . .” bulong sa binata ni Calista.

Tumango si Dravis na para bang sinasabing ayos lang iyon, saka niya pinaupo si Calista roon. Sa arm rest ng couch na lang siya naupo.

Nang makapag-settle na silang dalawa ay saka muling tumikhim si Susana.

“At dahil narito na ang lahat, ia-announce ko na kung sino ang nanalo at magiging CEO ng kumpanya. Ang magiging resulta ng paligsahang ito ay hindi pupuwedeng mabago hangga’t hindi nakakaroon ng malubhang sakit o namamatay ang nanalo,” panimula ng ginang.

Marahang pinisil ni Dravis ang nanlalamig na kamay ni Calista. Napatingin ito sa kaniya kaya binigyan niya ito ng isang ngiti.

“To make everything legal, Atty. Ledesma prepared an agreement that each of the participants needs to sign. Walang hahabulin o walang rematch na magaganap kahit ano pa man ang maging resulta ngayong gabi.” Sinenyasan ni Susana ang sekretarya nito na ipamigay ang mga kopya sa apat na sumali sa kompetisyon.

At dahil confident sina Enrico, Franco, at Audrey ay agad na pumirma ang mga ito habang si Calista naman ay matagal munang pinagkatitigan ang kasunduan.

“What? Don’t tell me, naduduwag kang pirmahan ‘yan?” mapanuyang tanong ni Enrico nang makitang hindi pa rin napipirmahan ni Calista ang hawak nitong papel.

Nakita ni Dravis kung paano sinamaa ng tingin ni Calista ang tiyuhin saka padabog na kinuha ang sign pen at pinirmahan ang kasunduan. Kinolekta iyon pabalik ng sekretarya ni Susana.

“Very well. Dahil nakapirma na ang lahat, I’ll be announcing the winner of this competition.” Inayos ng nakatatandang Gomez ang salamin saka tiningnan ang hawak nitong papel na naglalaman ng resulta. “At ang nanalo at magiging CEO ng kompanya ay si  . .  .”

***To be continued***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status