Share

Chapter 6

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-21 20:46:41

“Boss Cain! Dito na ‘ko. Ba’t mo ba ako pinapapunta? ‘Wag mong sabihing mag-iinuman na naman tayo? Aba, ayoko na! May hang over pa nga ako. Saka saan mo gagamitin ‘yong mga requirements para sa marriage license na pinapahanda mo? Ano, ikakasal ka ba—what the heck?!”

Natigil ang maingay na bunganga ng lalaking kararating lang nang sawakas ay tumingin ito sa kinaroroonan nina Cain at Kalina. Wala siyang tigil kasasalita nang hindi man lang napapansin ang dalawa. Ngayon, hindi ito magkandaugaga. Palipat-lipat ang tingin kay Cain at Kalina na pareho pa ring nakaupo sa sofa.

“Boss… bakit gan’yan suot mo?” 

Tinuro niya si Cain pagkatapos ay si Kalina naman. 

“May babae… naka-gown. Ikakasal ka nga?! Totoo ba ‘tong nakikita ko? Lasing pa ba ‘ko?”

“You are not hallucinating, Theo,” pangungumpirma ni Cain. “This is Kalina. She’s working in my company. And, well, I think you know her.”

“Syempre! Kilala ko si Kalina.” Lumapit siya kay Kalina at nakipagkamay. “I know you. Marami akong naririnig sa ‘yo at matagal na rin kitang gustong makita in person! I’m Theo, by the way. Personal na abogado ako ni Cain pero nagtatrabaho din ako sa legal department ng kumpanya nila. We’re close friends too. Magkababata.”

Tumayong tinanggap ni Kalina ang kamay ni Theo at nag-handshake sila. Ngayon niya pa lang nakilala si Theo. Ang taas ng energy ng lalaking ‘to. Poging madaldal, hindi mo aakalaing lawyer pala.

“I am not aware that I am famous. Sana maganda ‘yong mga naririnig mo tungkol sa akin.”

“Oo naman. ‘Wag kang mag-alala dahil puro papuri ang naririnig ko tungkol sa ‘yo.”

“Maupo ka na, Theo,” pagtawag ng pansin ni Cain. “So we can start.”

Malawak ang ngiti ni Theo kay Cain. “Okay, Boss.”

Pinaliwanag ni Cain kay Theo ang nangyari. Siya ang tanging pinagkakatiwalaan ni Cain, wala siyang tinatago sa kaibigan niya. Kahit mukhang mababaw na tao si Theo, magaling itong abogado. ‘Di lang halata. Tunay na maaasahan si Theo, kaya nitong magseryoso at ilugar ang sarili sa mga sitwasyong kailangan.

“Okay. Ang gusto n’yo, maikasal. Like a real wedding—but only in the matter of paper and law. Aside from that, you will treat each other just like before. Not as husband and wife, but a CEO and a secretary. Correct?” paglilinaw nito saka nilabas ang kaniyang mga gamit sa bag. “Gagawa tayo ng kontrata ngayon. Gaano katagal ang magiging kasunduan na ‘to?”

“A year.” Si Kalina.

“Five years.” Si Cain.

Sabay nagsalita ang dalawa kaya nagkatinginan sila.

“Limang taon talaga? Ang tagal masyado no’n,” ani Kalina.

“One year is too short. My father will be suspicious if we separate after just a year together.”

“Ano ba talaga? What about three years para sa gitna?” mungkahi ni Theo.

“Sige.”

“Fine.”

Nagtipa si Theo sa laptop niya. “Kapag umabot kayo ng tatlong taon, pwede kayong mag-renew ng contract. Sabihan n’yo lang lang ako,” biro niya, tumataas-taas ang mga kilay. “Tatapusin ko ang kontrata at maibibigay bukas. Then I will need both of your signatures. Saka sa mismong kasal din. Sa ngayon, mag-usap muna kayo. I will include what you’ll come up with in the contract.” 

May ilan pang pinaalala si Theo na kailangan niyang requirements sa pagpaparehistro ng kasal. Mayamaya nagligpit na rin ito at naghandang umalis.

“Happy wedding! Tomorrow will be the official date, but since the marriage is decided today, mark it as your anniversary date. Teka, picture time.” Nilabas niya ang cellphone sa bulsa. “Dali. Tumayo kayo at maglapit, kukuhanan ko kayo. Sayang outfit.”

Tumayo ang dalawa sa harap ng salaming bintana at napipilitang sinunod ang sinabi ni Theo. Sunset na, maganda ang tanawin sa likuran nila.

“Ano ba ‘yan, ‘wag killjoy! Lapit pa ng kaunti. For memories din ‘to.”

Sinamaan ng tingin ni Cain ang kaibigan niyang natutuwa sa pang-aasar sa kanila. Si Kalina ang humakbang patagilid para makalapit pa kay Cain.

Pareho silang seryoso ang mga mukha, hindi man lang makuhang ngumiti. Napailing si Theo at ‘di na ‘yon sinita.

“Okay, ready! One… Two… Three…”

“Smile, Mrs. Valvares.” Ngumisi si Cain kasabay ng pag-akbay niya sa balikat ni Kalina.

Nagulat si Kalina, napalingon siya kay Cain kasabay ng pag-flash ng camera.

“Nice!” Binalik na ni Theo ang cellphone sa bulsa. “Una na ‘ko. Enjoy the honeymoon guys!” kantyaw ni Theo at saka humahalakhak na iniwan ang dalawa.

Awkward.

Mabilis lumayo si Kalina sa boss niya. Bumagsak tuloy ang braso ni Cain nang maiwan sa ere.

“Ano pa bang kailangan nating pag diskursuhan?” pag-iiba ni Kalina ng usapan. Nag-iwas siya ng tingin, kunwari ay nagtitingin-tingin sa sala. 

“We need to make some rules,” turan nito habang lumalapit sa kaniya. 

Napalunok si Kalina at napaatras. Bakit siya lumalapit?!

Patuloy sa paghakbang si Cain samantalang paatras din siya ng paatras. Natigil lang siya nang bumunggo ang likod niya sa counter ng isang mababang cabinet.

Wala na siyang maatrasan hanggang sa nasa harap na niya si Cain.

“A-Anong ginagawa mo—”

Natigilan siya nang dumukwang ito sa gilid niya at may inabot. “Napansin kong pinagpapawisan ka. Lalakasan ko lang sana ang aircon.” Tinaas ng lalaki ang kamay, pinakita sa kaniya ang hawak. Remote ng aircon! “Ano bang iniisip mong gagawin ko?”

“W-Wala.”

Ang lakas ng kabog ng puso niya! Bwiset na lalaking ‘to… akala niya kung ano na.

“For the first rule,” pinindot ng lalaki ang remote bago binalik sa kinalalagyan kanina dahilan para mapaliyad si Kalina maiwasan lang na magkadikit silang dalawa, “I will let you decide.”

Seryosong nakatitig sa kaniya si Cain. Ang hindi mabasang mata ng lalaki pilit tinatagpo ang kaniya.

Siya naman, hindi na stable ang paghinga. Nagpapatagalan ba sila ng pagtitig? Bawal kumurap game? Kung gano’n, suko na siya!

Dumaan siya sa gilid para makatakas sa bisig ng lalaki.

Tumikhim siya bago magsalita. “No physical contact is allowed. Bawal holding hands, hugs, kisses, o kung ano pa man.”

“How about in front of my parents? Kailangang mapaniwala natin silang mag-asawa nga tayo.”

Tsk. Hindi ‘to maiiwasan. Wala siyang kawala. 

Napabuntong hininga siya. “Sige—pero tuwing nandyan lang sila. We will not do it if it is not necessary.”

Tumango-tango si Cain.

“Rule number two,” ito naman ang nagsalita. “Aside from my parents, and Theo who is aware of the contract of course, no one should know about this marriage. Sekreto lang dapat ito, lalo na sa mga tao sa opisina. But you can to tell your family if you want.”

Sumang-ayon si Kalina. Mas maiging walang makakaalam. Hindi naman totally totoong kasal ang mayroon sa pagitan nila, mas swak pang tawagin ito bilang business agreement. 

Nagpatuloy ito. “Rule number three, no relationships within the duration of our contract. Hangga’t hindi pa tapos ang kontrata, bawal pang pumasok sa isang relasyon. Kahit sabihin nating hindi natin mahal ang isa’t isa, at least magkaroon tayo ng respeto. Marriage is still a marriage. Let’s not cheat.”

Tumango si Kalina at pasimpleng napangiti sa bagong rule na sinabi nito. 

Hindi niya inaasahang ganito mag-isip ang boss niya. Malupit ito sa trabaho pero may magandang pananaw naman pala ito sa buhay. Nakamamangha.

“Fourth rule.” Pinagkrus ni Cain ang mga braso sa dibdib at sumandal sa cabinet kung nasaan siya kanina. “Walang pakialaman sa personal na buhay.  No need to act concerned with each other just because we’re married on paper. After we get our promotions, you will continue to live your life and I will also continue mine—separately.”

That’s easy. 

Parang katulad lang ng ginagawa niya sa trabaho niya noon. Hindi niya naman hilig mangialam sa buhay ng iba. Madali na lang ‘to dahil sanay na siyang balewalain ang boss niya tuwing nag-aalburoto ito. 

“May masasabi ka ba bago ako magpatuloy?”

Umiling siya. So far, agree siya sa lahat ng mga hinaing panuntunan ng lalaki.

“For the last and fifth rule… the most important in all,” sumeryoso si Cain, “bawal mahulog sa isa’t isa.”

Inaasahan na ito ni Kalina kaya hindi na siya nagulat. At sa totoo lang, ‘di niya type ang kaniyang boss. Pogi nga ito pero masama naman ang ugali. 

Ang tipo niya sa lalaki, ‘yong mabait at soft spoken. Dapat mapagpasensya, mahinahon, at hindi magagalitin. 

Paaano siya mahuhulog kung lahat ng nabanggit niya kabaligtaran ng katangian nito?

Hindi siya magkakagusto kay Sir Cain. Confident siya doon.

Taas noong nilahad ni Kalina ang kanang kamay. “Deal.”

Nakipagkamay din si Cain.

Tapos na ang naging usapan nila. Wala nang maisip si Kalina na pwedeng idagdag. Gusto na lang niyang matulog at magpahinga…. Hay nako. May pasok pa siya bukas!

Ubos na siya sa lahat ng nangyari at uwing-uwi na talaga siya.

Bago umalis pinigilan siya ni Cain. Pinagpalit siya nito sa damit na mas komportable. Puting t-shirt at gray sweatpants nito ang binigay. Matangkad na babae si Kalina subalit mas matangkad at malaki ang lalaki. Maluwag tuloy ang suot niya. 

Tinitignan niya ang sarili habang papalabas sa banyo kung saan siya nagpalit. Maaari na ring pagtyagaan kaysa sa nauna niyang suot. Magku-commute pa naman siya dahil hindi niya dala ang kotse niya.

“Salamat dito. Ibabalik ko kapag nalabhan ko na.” Hawak niya ang malaking paper bag kung saan nakalagay ang hinubad niya. “I should go. Gabi na.”

“You look tired,” puna ng boss niya. “Gusto mo bang ihatid kita sa inyo? O kung gusto mo manatili ka muna. May mga guest room dito.”

Napataas ng kilay si Kalina.

“No, thank you. I can manage,” pagtanggi niya.

“Okay, if that’s what you say. See you tomorrow.”

“See you.” 

Siya ba talaga ang boss niya? 

Nagugulumihanan na si Kalina sa inaakto nito sa kaniya. Parang ang bait niya ngayon. Nakakapanibago.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 23

    Halos magkandaduling-duling si Kalina sa pagtingala sa mukha ni Cain. Sa lapit nito, kaunti na lang ay magkakapalit na ang mga mukha nila. Nahigit ang hinga niya hanggang sa masinok siya. Ngumisi si Cain. Lumayo si Kalina sa kaniya at umatras. Mabilis at sunod-sunod ang naging pag-iling niya. “H-Hindi ko na pala gustong malaman… Hik!” Tinakpan niya ang bibig habang patuloy pa rin sa pagsinok. “You sure?” nakangising tanong ni Cain, tumaas pa ang isang kilay. Ilang ulit siyang tumango, ang mga kamay ay nakatakip pa rin sa bibig. Susuray-suray siyang lumayo saka lang huminto nang masigurong ilang metro na ang pagitan nilang dalawa. “Huwag kang lumapit! Baka—hik—may makakita sa atin.” “May nakikita ka bang hindi ko nakikita?” Nilibot ni Kalina ang paningin sa paligid. Wala na palang tao maliban sa kanila. Tahimik ang kalsada at may iilan lamang dumadaan na sasakyan. Pakiramdam niya umiikot ang paligid kaya muntik na siyang matumba, mabuti at nakaawak agad siya sa poste sa gilid

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 22

    “Miss Kalina? Akala ko po hindi ka iinom?” “Akala ko rin.”“Ano po ulit? ‘Di ko masyadong narinig.” “Wala, Marie. Pakiabot ng bote, please.”Bagamat nagtataka, sumunod si Marie. Binigay niya kay Kalina ang panibagong bote ng wine sa tabi niya.“Magda-drive ka pa pauwi. ‘Wag kang magpakalasing,” nag-aalalang paalala ni Julius.Nagpapakalasing… siya? Bakit nga ba siya nagpapakalasing?Nagsalin siya sa glass niya. “Ikaw na nga ang nagsabi, Julius. Sometimes I need to enjoy myself. ‘Di ba?” Napakamot sa ulo ang lalaki. “Iyon nga ang sinabi ko. Pero wala akong sinabing uminom ka ng marami. Nakaubos ka na ng tatlong bote oh. Ngayon umiinom ka na naman ng isa pa.”Nilagok ni Kalina ang wine at ninamnam ang lasa. Napapikit siya at ngumiti ng malawak pagkatapos. “Ah. This tastes good.” Muli niyang pinuno ng wine ang baso niya. “Bakit pinapanood n’yo lang ako? Drink with me! Masarap. Bilis, tikman n’yo!”Nagkatinginan si Julius at Marie. Lasing na si Kalina. Confirmed.Mamula-mula na ang pis

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 21

    Kumpleto na ang mga empleyado sa loob. Ilang mahahabang lamesa rin ang nandoon. Malaki ang private room na ito, parang isang buong restaurant na kung tutuusin. Lugar talaga para sa mga gatherings katulad nito. “Kalina! Dito!”Nilibot ni Kalina ang paningin niya hanggang sa makita si Cain na nakaupo na sa gitnang lamesa. Kasama sa lamesang 'yon sina Julius na agad siyang pinaypayan para lumapit.“Sakto ang pagdating mo, kararating lang ni Sir,” ngiting bulong ni Julius. “Tinabi kita ng upuan.”Tahimik na umupo si Kalina, ang upuan niya ay pinagigitnaan nina Julius at Marie.Sa lamesa rin nila nakapwesto sila Suzy na pagpasok pa lang ni Kalina sinusundan na nila ng masamang tingin.Si Theo rin nandoon, nakaupo siya sa tabi ni Cain. Pasimple itong ngumiti at tumango sa kaniya. Pagkatapos, tumayo ito saka tinawag ang atensyon ng lahat.“Okay, everyone! I think we are complete,” panimula ni Theo. “Ngayong gabi, as we celebrate, let us enjoy ourselves! Alisin muna sa isip ang mga related s

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 20

    May benefit din pala ang kadaldalan ni Theo. Naging madali ang paghanap ni Kalina sa pantry ng kanilang floor. Doon siya gumawa ng kape na inutos sa kaniya. Wala tao sa loob kaya mabilis siyang natapos.Maingat pero dali-dali niya ‘yong dinala sa office.“Here’s your coffee.”“Just put it down here.” Nagsalita si Cain habang may pinipirmahang mga dokumento.Sa paglapag ni Kalina ng tasa, tumingin ito sa kaniya.“Nasaan na ang mga papel na inutos ko?”Napakunot ang noo ni Kalina. Agad-agad? Wala pa man lang kalahating oras simula noong lumabas siya. Minuto pa lang! Ano siya, may powers? Dalawa lang kamay niya ‘no.“Gagawin ko pa lang…”“Tss.” Bumalik ito sa ginagawa.Yumuko naman si Kalina saka lumabas. Binalikan niya ang iniwan sa pantry at buong lakas na binuhat ‘yon. “Saan nga ulit nakalagay ‘yong printer…” inalala niya ang mga sinabi ni Theo hanggang sa makita niya, “ayon!” Pinagpipindot niya ang printer pero hindi gumana. Tinignan niya pa dahil baka ‘di lang na on or baka nakahu

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 19

    “Akin na ‘yang dala mo, tulungan kita,” presenta ni Theo.Iniwas ni Kalina ng kahong hawak niya. “Ayos lang, kaya ko na. Magaan lang naman.”“Sure ka?” paninigurado nito.Tumango si Kalina.“Okay, sige. Sabi mo ‘yan, ah!” Hindi na nagpumilit si Theo dahil nakita naman niyang kayang-kaya ni Kalina ang buhat. “Ako muna ang magiging tour guide mo. Sinabihan ako ni Boss Cain na asikasuhin kita, may ginagawa pa kasi siya at abala na ang lahat ngayon.”Dumaan sila sa pangkalahatang opisina ng mga regular employees under the executives. Binabati sila—o mas maiging sabihing si Theo lang—ng bawat isang madadaanan nila.Mukhang sikat ang lalaking ‘to. Kilala niya at kinakausap lahat.Pagkatapos nilang daanan ang mga tao, siya naman ang dinaldal ni Theo. Literal na naging tour guide ang lalaki, lahat ng bagay pinapakita sa kaniya.“Nandito sa 20th floor halos lahat ng executive leadership team,” paliwanag nito. “Katulad ng ibang offices sa other floors, may sarili rin tayong pantry. Kung gusto m

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 18

    Natapos ang meeting at lumabas na ng hall si Kalina. Aasikasuhin niya na ang mga gamit niya para sa paglipat sa Executive Department.Pagkapasok niya sa marketing office, bumungad agad sa kaniya ang grupo ni Suzy na mukhang kanina pa siya inaabangan.“Excuse me,” kalmadong ani Kalina. “Nakaharang kayo sa daan, papasok ako.”“Paano kung ayoko?” nang-aasar na sabi ni Suzy. Ngumisi ang dalawang alipores nito na nasa magkabilang gilid niya.“I don’t have time for immature banter like this, Miss Suzy.” Seryoso ang mukha ni Kalina.Nanggalaiti si Suzy sa narinig. Parang umusok ang ilong niya. Sabihan ba naman siyang immature?! Sa paningin niya, mas mataas siya kay Kalina kahit pa ang iba ay nirerespeto talaga si Kalina sa opisina. “You!” dinuro niya ang kaharap. “How dare you call me immature?!”Bumuntong hininga si Kalina, sinusubukang habaan ang pasensya. Sa ginagawang iyon ni Suzy, mas pinapatunayan niya lang sa sariling i

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status