LOGINBago pumasok sa opisina, nagkita muna si Cain at Kalina sa isang local court house para magpakasal. Nandoon si Theo para maging witness nila. Silang tatlo lang habang nakasuot pa ng usual business attire.
Mabilisang seremonya ang nangyari na pinangunahan ng judge. Sa tulong ni Theo, mabilis na nakakuha ng marriage license sa kasal sina Cain at Kalina. Kaya naman pagkatapos ng seremonya, naging madali ang pa-register nila dito. Nakuha na nila ang kanilang marriage certificate. Pati ang contract ng kasunduan nila, tapos na rin at napirmahan na nila. Dumitretso sila sa company pagkatapos. “Mauuna kaming pumasok ni Theo. Maghintay ka muna rito. Sumunod ka na lang.” “Ang praning mo masyado Boss. Magkakaiba naman tayo ng kotseng sinakyan papunta rito. Pwede naman nating sabihing nagkataon lang na nagkasabay-sabay tayo.” Napakamot sa ulo si Theo dahil sa sinabi ni Cain. “Parang hindi kinasal. Maging sweet ka man lang sa asawa mo!” “Mabuti na ang nag-iingat,” malamig na sagot nito, ‘di inintindi ang huling narinig. Walang nagawa si Theo nang walang lingon-lingong maglakad si Cain papasok sa elevator ng underground parking. Humarap si Theo kay Kalina at kumaway saka lakad-takbong hinabol ang lalaki. Naiwan si Kalina sa parking lot ng gusali. Sinusundan niya ng tingin ang dalawa hanggang mawala ito sa paningin niya pagkasara ng elevator. “Bumalik na siya sa normal niyang anyo,” nakasimangot niyang bulong. Wala na ang caring personality nito. Masungit na ulit! Siguro nasapian lang ‘yon kahapon. Sinunod niya ang utos sa kaniya. Nanatili siyang nakasandal sa kotse niya, panaka-nakang tinitignan ang oras sa suot niyang relo. Umakyat siya pagkalipas ng sampung minuto. May ilang napatingin sa gawi niya pagpasok niya sa kanilang opisina. Mga nagtataka dahil ito ang unang pagkakataon na hindi siya maagang pumasok. Kahit ang ilan ay curious, walang nakuhang magtanong. ‘Di naman close si Kalina sa mga ka-opisina niya. Hindi siya nakikipaghalubilo, tuwing kailangan lang. “Girl, nakita mo si Sir kanina? Ang pogi talaga!” “Oo! No’ng dumaan siya rito sa gilid natin, ang bango-bango. Kahit hindi niya tayo binati pabalik, kung siya ayos lang!” Nanggagaling ang bulungan at hagikhikan sa kabilang lamesa, katapat lang ng desk ni Kalina. Grupo ‘yon ni Suzy. Dahil tahimik, narinig ni Kalina ang pinag-uusapan ng dalawang kaibigan ni Suzy. “Alam mo girl, parang nakita ko nga siyang lumingon dito. What if, tinitignan ka? Omg!” Excited na tinulak ng isa ang balikat ni Suzy. “Akala ko ako lang nakapansin. ‘Di ba! Tumingin sa ‘yo si Sir Cain,” kinikilig na gatong ng isa pa. “Talaga?” pabebeng inipit ni Suzy ang buhok sa likod ng kanang tainga. “Sabi ko na eh. Lagi ko na ‘yong nakikita, pasulyap-sulyap siya sa akin. Pinagsasawalang bahala ko na lang kasi syempre si Sir Cain ‘yon… ‘di ko alam na nakita n’yo rin pala.” Napapataas ang kilay ni Kalina sa naririnig niya pero wala naman siyang sinabi. Malala na ang pagka-delulu ng mga ‘to. Hinayaan niya na lang kung saan sila sasaya. “Kapag biglang nanligaw sa ‘yo si Sir, anong gagawin mo?” Nanlaki ang mga mata ni Suzy at pinamulahan ng mukha. Samantalang ang dalawang kaibigan nito ay impit na napatili. “Hindi ko sasagutin agad. Hindi ako easy to get ‘no. Pag-iisipan ko muna,” malawak ang ngiting sagot niya, tila sa isip ay nag-iimagine na. “Pfft—” Pinigilan ni Kalina na hindi matawa sa kaplastikan nito. Halata namang gusto ni Suzy ang kanilang boss. Tapos ngayon parang pinapalabas pa nilang si Cain ang naghahabol kay Suzy eh ito naman ang patay na patay sa boss nila. Napailing siya at inabot sa loob ng bag niya ang dalang mineral water. “Posibleng mangyari ‘yon girl, ako na nagsasabi. Single kaya si Sir, pwedeng-pwede. Wala siyang girlfriend at mas lalong walang asawa!” Nasamid si Kalina sa iniinom. Umuubo niyang hinahagod ang kaniyang dibdib. Naagaw nito ang atensyon ng tatlo. Napatingin tuloy sa kaniya ang mga babae. Suplada ang mga mata ni Suzy kay Kalina. Kalaunan, bigla itong nang irap. Kung kaya lang maalis ng kilay ni Kalina marahil umabot na ito lagpas sa ulo niya dahil sa taas nito. Sikat si Suzy sa kanilang opisina, pati sa ibang department ng kumpanya. Ubod kasi ito ng sexy. Gustong-gusto naman niya ang atensyong nakukuha niya. Halos lahat ata ng lalaki sa opisina na nagpapakita ng motibo nagiging boyfriend niya agad. Though mabilis lang ang nagiging relasyon ng mga ito. Minsan tatlong araw o isang linggo. Pinakamatagal na ang isang buwan. Sa pagkakatanda nga ni Kalina kakahiwalay niya lang noong isang araw sa naka-fling nito last week sa kabilang department. Mas pinili ni Kalina na ‘wag pansinin ang ginawang pagtataray sa kaniya ni Suzy. Wala siyang mapapala kung papatol siya. Dumating ang break time, nasa pantry area si Kalina nang pumasok ang isa nilang intern. Maluha-luha ito habang naghahanda ng tasa para gumawa ng kape. Nanginginig pa ang kamay nito nang ibuhos ang creamer. Binalik ni Kalina sa storage ang bagong hugas na basong ginamit niya at saka nilapitan ang babae. “Para ba ‘yan kay Sir Cain?” “O-Opo,” nakayukong sagot nito. Tapos nang itimpla ang kape. “Ayaw ni Sir ng may creamer. Mas gusto niya ng pure black coffee.” “P-Po? Talaga po? Hindi ko po alam,” mas kinabahan ang babae. Mukhang napagalitan na ito bago pumunta rito. Kung dadalhan niya pa ng maling kape ang boss nila, tiyak na papagalitan siya lalo. Naranasan na niya mismo ‘yon. Minsan na niyang natimplahan si Sir Cain ng kapeng hindi nito nagustuhan. Syempre, napagalitan siya. Kawawa naman ang intern nila kung magigisa na naman. Tinapik niya ang balikat nito saka bahagyang nginitian. “Sige, sa ‘yo na ‘yan. Ako na gagawa at maghahatid ng panibago.” “Opo! Salamat po!” Masayang lumabas sa pantry ang intern. Naiwan naman si Kalina sa harap ng coffee maker. Pinatong niya sa maliit na tray ang tasa pagkatapos at sinamahan na rin ng isang plain croissant. Baon niya ‘yon, siya mismo ang nag-bake. Dahil may tira pa naman siya na mukhang ‘di na niya makakain, ibibigay na lang niya. Sayang iyon kung sakali. Malapit na siya sa opisina ni Cain nang makasalubong niya si Suzy. Dumako ang tingin nito sa bitbit niya. “Excuse me.” Akmang magpapatuloy na siyang maglakad pero napatigil siya ulit dahil humarang si Suzy. Anong problema ng babaeng ‘to? “Akin na ‘yan,” aniya. “Huh?” napakunot siya ng noo. “I will do it.” Nakaturo si Suzy sa tray na hawak ni Kalina. Nais ng babaeng siya ang maghatid no’n. “Bakit?” “What do you mean bakit? Nakita kong iba ang inutusan para d’yan. Ang pabibo mo naman masyado at ikaw pa talaga ang umako sa gawaing hindi naman sa ‘yo inutos.” Napamaang si Kalina. Nagpresenta siya dahil mabuti ang hangarin niya. Siya pa ang naging pabibo. Kung pabibo siya, ano naman si Suzy? Hindi rin naman sa kaniya inutos. Bahala siya sa gusto niya. Ayaw ni Kalina ng gulo kaya hinayaan niyang si Suzy ang magpasok no’n sa opisina ng kanilang boss. Bumalik na lang si Kalina sa desk niya. Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Suzy sa office ni Cain. Gusot ang mukha nito, pabadog na naglakad papunta kay Kalina. “Ikaw! Sinadya mo ‘yon ‘no!” biglang bintang nito. “Alam mong mangyayari ‘yon. Ako ang pinagbigay mo para mapagalitan ako!” “Baka nakalilimutan mong ikaw ang gumusto no’n—ngayon sa akin mo sinisisi?” Hindi ni Kalina napigilang sumagot. Sinamaan siya ng tingin ni Suzy. Dumiretso ito sa sarili niyang desk kung saan mabilis siyang inalo ng mga kaibigan. Mukhang mainit ang ulo ngayon ni Sir Cain. Kung siya ang pumasok, baka siya ang nasa kalagayan ni Suzy. Papansin kasi. ‘Yan tuloy, kinarma. Deserve.“Hindi ko alam na magkikita tayo rito.” Si Natasha. “Siguro nagtataka ka kung bakit kami engage ngayon ni Dave. Maraming nangyari noong tinakasan mo ang responsibilidad mo… ate.”Unti-unting humarap si Kalina kay Natasha.“Ang daming nangyari. Sa kagustuhan kong tulungan si Daddy at ikaw, ako na ngayon ang ikakasal sa Gomez.” Akala mo ay sobra itong nagdaramdam sa tono ng kaniyang boses. “Alam mo ba kung gaano nag-alala ang lahat sa bahay sa lagay mo ate? Bigla ka na lang umalis nang araw na ‘yon. Wala kang pasabi. Pagkatapos ay ‘di ka rin bumalik. Hindi mo man lang ba kami naisip?”“Tama na ang pagpapanggap. Alam kong natuwa ka sa ginawa ko at hinding-hindi mo gugustuhing bumalik ako, Natasha.”“A-Ate?”Napangisi si Kalina. Talagang pinaninindigan niya ang pagpapangggap. Laging ganito si Natasha. Simula noong mga bata pa sila. Nagpapanggap na mabait at inosenteng nakababatang kapatid para makuha ang simpantiya ng iba.“Ito naman talaga ang plano mo. Kaya ka nga nagbigay ng sobreng p
Natapos ang lunch break nang hindi na enjoy ni Kalina ang pagkain. Panay ba naman ang pakikiramdam niya sa mga kasama. Dismayado tuloy silang nag-watak ng landas ng mga kaibigan. Kasama niya pa rin si Cain at Theo hanggang sa pagbalik sa opisina.“Maganda ata ang mood natin ngayon ah. Bakit mo naisipang kumain sa cafeteria?” si Theo.“For the change,” simpleng balik ni Cain.“Na touch naman ako, naisipan mo pa akong isama.” Madrama itong humawak sa puso niya at bumaling sa kasabay niyang maglakad. “Buti naaya mo, Kalina.”Umiling si Kalina kay Theo. “Hindi ako nag-aya. Siya ang nagpresenta.”“Totoo?” gulat na lumingon si Theo sa kaibigan. Sinabayan niya ito ng paglakad dahil nasa unahan nila ito. “Talaga boss? Aba tumata—”“I heard the legal department is busy right now. Ang dami mo yatang time? Mas marami ang magiging oras mo kapag sinisante na kita,” malamig na babala ni Cain.Napasimangot si Theo. “Hirap mo ka bonding.” Alam niyang biro lang ‘yon pero mas pinili niya na lang manah
The next day, gloomy ang itsura ni Kalina. Halatang wala ito sa mood. Kahit ganoon, pumasok pa rin siya sa trabaho. Heto nga at nasa opisina siya ngayon ni Sir Cain dahil ang dami na naman nitong inuutos.“Nakikinig ka ba?”Tumigil si Cain sa pagpapaliwanag ng gagawin ni Kalina at kunot noong tinitigan ang babae.Sa harap ng table ng CEO, nakatayong sumagot si Kalina, “Yes, sir. Naintindihan ko po lahat ng sinabi ninyo. May idaragdag pa po ba kayo?”Muling nagsalita si Cain, “Later…”Hinintay naman niya ang kasunod na sasabihin nito.Just for him to say, “Nothing. ‘Wag na pala.” Siya naman ngayon ang napakunot ng noo. “Sigurado ka?”Mula sa casual na pagkakaupo, ginulong nito ang swivel chair para makalapit sa mga papeles niya sa lamesa. Pinaypay nito ang kanang kamay kay Kalina. “Yeah, yeah. Get out.”Mas lalong napabusangot si Kalina.Alam niyang weird ang boss slash secret husband niya. Pero ganito ba talaga siya ka-weird?Hindi siya makapag-trabaho ng maayos dahil nararamdaman ni
Unti-unting napundi ang namumuong pag-asa ni Kalina.“Natasha and Dave are already engaged. Have you heard about it?”Mabagal ang naging pagtango niya, ang mga mata ay iwas sa disappointed na mukha ng ama. Imbis na kainin ang mamahalin at halata namang masarap na putaheng nakahain sa harap niya, nanatiling nakatago ang mga kamay niya sa ilalim ng lamesa, nakapatong sa mga hita niya. Wala siyang ganang kumain lalo pa’t tila may nakabara sa lalamunan niya.“If you don't just run away that day. Kung sumipot ka lang sana. Kasal na dapat kayo ni Dave ngayon.” Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng ama kaya naglakas loob siyang mag-angat ng tingin.May kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib.May pagkadisgustong nakaguhit sa bawat sulok ng mga mata nito. Parang stress na stress na ang ama niya. Ang isipin na siya ang dahilan… ang sakit para sa kaniya. “Buti na lang pumayag si Dave at ang pamilya niya na pakasalan si Natasha sa lugar mo. Kung hindi, malaking pagkalugi ang ka
Inaasahan na ni Kalina na gagabihin na siya sa pag-uwi kaya hindi na siya nagtaka nang lumabas siya ng building at madilim na langit ang sumalubong sa kaniya. Nag-overtime siya para makabawi. Nasa office ang CEO simula noong pumasok ito hanggang ngayon. Hindi na siya nag-abalang magpaalam. Halos lahat naman ng empleyado nauna na rin.“Look who’s here. Ang feelingerang secretary.”Isa lang sa Valvares Cuisine ang may matinis at nakakainis na ganitong boses. Sino pa ba ang may lakas ng loob harapin ng ganito si Kalina?“Suzy,” walang ganang sambit ni Kalina sa humarang sa daan niya.Nag-flip hair ang babae. Ang dalawang alipores nito ay nakangisi sa kaniya.Akala mo mga high school student na nag-aabang sa gate para maghamon ng away.“Balita ko isang linggo kang nawala? Dahil nasa executive office ka na, ang lakas na ng loob mo. Ano, akala mo ba dahil secretary ka na ni Sir Cain may karapatan ka nang maging tamad? Secretary ka lang.”Umirap ang dalawang babae sa magkabilang gilid ni Suz
Natapos ang lunch break na walang ibang naririnig si Kalina kundi tungkol sa relasyon ni Cain at ng ‘di kilalang babae. Pumasok siya sa elevator at may pumasok din kasunod niya. “Theo,” pagbati niya sa katabing tumindig sa kaliwang gilid.“Hey! Long time no see. Kumusta naman ang naging honeymoon n’yo ni boss?”Malaya itong nakakadaldal dahil tanging silang dalawa ang laman ng elevator.Napangiwi si Kalina. “Hindi ‘yon honeymoon.”“Oohh. Talaga ba?” Humagalpak ng tawa si Theo kahit wala namang nakakatawa. Napatitig na lang si Kalina na napansin naman ng lalaki.Pilit tinikom ni Theo ang bibig para mapigilan ang paglabas ng tawa.“Sabi ko nga. Spain trip, not honeymoon,” pagtatama niya sa sarili, tinaas ang hintuturo sa hangin. “Okay. Okay. Copy that. Sorry, my bad.”“By the way,” dagdag nito. “Ano bang nangyari sa inyo ni boss sa Spain?”Napaisip si Kalina sa mga ginawa nila. Malayo sa perpekto ang mga nangyari pero ‘di niya makakailang masaya ang kinalabasan. Kumpara noong una, pa
“Miss Kalina? Akala ko po hindi ka iinom?” “Akala ko rin.” “Ano po ulit? ‘Di ko masyadong narinig.” “Wala, Marie. Pakiabot ng bote, please.” Bagamat nagtataka, sumunod si Marie. Binigay niya kay Kalina ang panibagong bote ng wine sa tabi niya. “Magda-drive ka pa pauwi. ‘Wag kang magpakal
Kumpleto na ang mga empleyado sa loob. Ilang mahahabang lamesa rin ang nandoon. Malaki ang private room na ito, parang isang buong restaurant na kung tutuusin. Lugar talaga para sa mga gatherings katulad nito. “Kalina! Dito!”Nilibot ni Kalina ang paningin niya hanggang sa makita si Cain na nakaup
May benefit din pala ang kadaldalan ni Theo. Naging madali ang paghanap ni Kalina sa pantry ng kanilang floor. Doon siya gumawa ng kape na inutos sa kaniya. Wala tao sa loob kaya mabilis siyang natapos. Maingat pero dali-dali niya ‘yong dinala sa office. “Here’s your coffee.” “Just put it down
“Akin na ‘yang dala mo, tulungan kita,” presenta ni Theo. Iniwas ni Kalina ng kahong hawak niya. “Ayos lang, kaya ko na. Magaan lang naman.” “Sure ka?” paninigurado nito. Tumango si Kalina. “Okay, sige. Sabi mo ‘yan, ah!” Hindi na nagpumilit si Theo dahil nakita naman niyang kayang-kaya ni K







