Share

Chapter Seven

PILIT ngumiti si Shazna nang makapasok sa loob ng simbahan. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan, gagawin niya ang lahat upang hindi mawala sa kaniya si Lucas. Sa pagkakataong ito, hindi na siya susuko. Hinding-hindi na niya ito iiwan.

Isang pagkakataon, iyon lang ang kaniyang hiling. 

Pumikit siya at taimtim na nanalangin sa Maykapal. Ilang minuto rin siya sa ganoong ayos hanggang sa muli niyang imulat ang mga mata. At ang tawanan ng ilang mga batang naglalaro sa labas ng simbahan ang unang bagay na umagaw sa atensiyon niya. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi bago nilingon ang mga bata mula sa bakal na bintana ng simbahan. 

Hindi inaasahan na sa kaniyang paglingon, ang mukha ng lalaking laman ng kaniyang mga dasal ang siyang bumungad sa kaniya.

"Lucas . . . " her voice cracked when their eyes met.

Mabilis na tumibok ang kaniyang puso nang magkatitigan sila nito. Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang ikot ng mundo.

"A-

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status