Share

Chapter Two

LUCAS GARCIA, a well-known model and the CEO of The Prime Hotel caught kissing the actress/model Olivia del Mundo.

Napalunok si Shazna matapos basahin ang nilalaman ng magazine. Hindi niya alam kung madi-disappoint ba o matutuwa sa nalaman. Madi-disappoint dahil hindi naman dating ganoon ang lalaki. Hindi magagawa ng Lucas na kilala niya ang nakikita niya ngayon sa mga larawan sa loob ng magazine. At sa kabilang banda naman, matutuwa dahil nagkaroon siya ng pag-asa. Pag-asa dahil baka hindi naman talaga mahal ni Lucas ang fiancée nito.

Muli na niyang nilapag ang magazine sa lamesa at nagmamadaling lumabas. Ganoon na lang ang gulat niya nang malaman kung saang hotel siya naroon, The Prime Hotel! Ang mismong hotel ng kaniyang ex-fiancé!

Mabilis siyang luminga sa paligid habang may pagmamadaling lumabas ng hotel. Hindi pa sila puwedeng magkita ni Lucas. Hindi ngayon na ganoon ang ayos niya. Paniguradong pag-iisipan siya ng masama ng lalaki.

Agad siyang pumara ng taxing masasakyan at sumakay rito. Nang maalalang hindi niya dala ang sariling bag at ni singkong duling ay wala siya, sinabi niya sa driver na dumiretso sa Makati, kung saan tumutuloy sa isang condo ang kaibigan niyang si Gabrielle.

MATALIM na mga titig naman ang ipinupukol sa kaniya ng kaibigan. Mabuti na lang dahil hindi pa ito nakaaalis ng bahay nang dumating siya.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa lamesa habang kumakain ng agahan, habang si Gabrielle naman, matalim pa rin ang mga titig sa kaniya.

"Vanessa is on her way," malamig na saad ng babae.

Umiiling-iling pa ito habang pabalik-balik ang lakad sa kaniyang harap.

"Gabby, mag-relax ka nga—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla itong humarap sa kaniya. Bakas ang pagkainis sa buong mukha nito.

"Relax? How can you tell me to relax after what you said! My God, Shazna! Why did you drink without us!"

Nanlalaki na ang mga mata at butas ng ilong nito sa sobrang galit. Ultimo mukha nito ay namumula na rin. Palibhasa, ito talaga ang pinaka-matured mag-isip sa kanilang tatlo. Para itong nanay kung mag-alala at magalit. Kaya nang sabihin niya rito ang ginawa at nangyari kagabi ay bigla na lang itong nagalit.

"What would tita say if she is still here! Paniguradong magagalit `yon! Ibinilin ka pa naman niya sa amin!" muli nitong wika bago nagsalin ng tubig sa baso at ininom iyon.

Hindi naman malaman ni Shazna ang sasabihin. Siya rin naman ay nagpupuyos ang puso sa galit dahil sa nangyari, pero sa kabilang banda, durog na durog din ang puso niya sa nalaman.

"Hindi naman malalaman ni Mama. She's in heaven na," pilosopo niyang turan.

Natigilan naman si Gabrielle at pinandilatan siya ng mga mata. Akmang magsasalita uli ito nang biglang tumunog ang door bell. Pareho silang natigilan at napalingon sa pinto.

"Maybe it's Vanessa," ani Gabrielle bago nito tinungo ang pintuan.

Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad nang pumasok sa loob si Vanessa at walang sabi-sabi itong dumiretso sa table kung nasaan siya.

"Maria Shazna Salvador! Hindi ka ba makapaghintay na ipahamak `yang sarili mo? Aba, muntik na kaming tumawag ng pulis kagabi, ha!"

Napailing na lang siya sa mga sinabi nito. Nakapamaywang pa ang babae habang nakatayo sa kaniyang harap.

"Stop worrying, guys. Wala naman nangyaring masama sa akin—"

"You woke up naked in a hotel room, Shazna! Do you really expect us to not worry!" putol ni Gabrielle sa sinasabi niya.

"I'm not naked! I have my undies," kastigo niya sa kaibigan.

Napapikit naman ang mga ito habang umiiling. Natawa na lang siya sa dalawa. Panigurado, magiging overprotective mothers ang mga kaibigan niya kapag nagkaanak na.

"I saw his pictures," bigla niyang sinabi habang nakatitig sa scrambled eggs na nasa kaniyang plato.

Bigla naman natahimik ang dalawang babae.

"Na-featured siya sa isang magazine dahil sa pagiging intimate niya sa isang seksing actress," walang gana niyang sabi.

Wala siyang narinig na tugon mula sa dalawa kaya nag-angat siya ng tingin. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng mga ito.

Nagpakawala siya ng pilit na ngiti bago tumango ng ilang beses.

"Pero tuloy ang plano. Gagawa pa rin ako ng paraan para maging okay kami." Ngumiti siya upang itago ang sakit na nararamdaman.

Natuwa si Vanessa sa sinabi niya dahil makikita ang pagsilay ng malapad na ngiti sa mukha nito, habang si Gabrielle naman ay napapailing na lang.

NAGDESISYON siyang sumabay sa kaibigang si Vanessa sa pag-alis, pero sa halip na sa hotel na tinutuluyan niya dumiretso, nagtungo sila sa club na pinuntahan niya kagabi. Sigurado kasi siyang wala sa hotel ang bag niya kaya magbabakasakali siyang naiwan niya ito sa nightclub.

"Wala ka bang importanteng bagay na inilagay do'n? Ang mga passport mo? credit cards? Baka naman ninakaw na `yon ng lalaking nagdala sa `yo sa hotel!" mahabang salaysay ni Vanessa.

Umiling naman siya habang nakatutok ang tingin sa daan.

"Nasa hotel ang passport ko at ilang cards, pero hindi puwedeng mawala ang bag ko," nag-aalala niyang sabi.

Laman ng bag na iyon ang kaniyang singsing, ang wedding ring nila ni Lucas. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap pa sa lalaki kung pati ang wedding ring niya ay maiwala niya.

Nang makarating sa nightclub, mabilis silang bumaba ng sasakyan at nagtungo sa loob nito. Mabuti na lang dahil bukas ang club sa araw at hindi nagsasarado hanggang gabi.

Nasa bungad pa lang sila ng entrance nang biglang matigilan ang dalawa sa nakita.

"Matteo?" takang tanong ni Shazna sa lalaking naglalakad palapit sa kanila.

Nakasuot ito ng tailless jacket at white shirt, at black ripped jeans. Simpleng-simple kung pagmamasdan pero dahil sa simpatico nitong mukha, and with those olive eyes and sharp jawline, nagmukha itong Hollywood actor na namamasyal lang sa Pilipinas.

"Shazna, wow! It's been so long!" ani Matteo at tuluyang lumapit sa kanila. "Kumusta na? What brought you here?"

She was about to open her mouth to say something when she heard Vanessa's voice.

"Narinig ko ngang ikaw ang may-ari nito," singit ng kaibigan niya habang nakatingin sa lalaki.

Natigilan siya bigla sa narinig. Hindi niya alam na si Matteo pala ang may-ari ng sikat na club. Nakilala niya si Matteo bilang malapit na kaibigan ni Lucas. Halos magkapatid na nga ang turingan ng dalawa.

"Yeah, sinuwerte lang. Kumusta ka na?" baling ng lalaki sa kaibigan niyang si Vanessa.

Napatingin naman siya sa dalawa. Nagkatitigan ang mga ito na para bang nag-uusap gamit ang mga mata.

"Uhm, s-sige, mag-usap muna kayo. Hahanapin ko lang ang bag ko," paalam niya sa dalawa.

Napangiti pa siya bago tinalikuran ang mga ito. She was about to leave when Matteo stopped her.

"Shazna, I gave your bag to Lucas. Hindi ba niya ibinigay sa `yo?"

Natigilan siya at biglang namilog ang mga mata sa narinig. Nagkatinginan sila ni Vanessa bago muling ibinaling ang atensiyon sa lalaki.

"What do you mean?" kunot-noo niyang tanong.

Nagkaroon naman ng linya sa mga noo ni Matteo. Katulad niya ay bakas din ang pagtataka sa mukha nito.

"Hindi mo ba alam?" Naiiling habang may ngiti sa mga labi ang lalaki. "You almost got yourself in trouble last night. Mabuti na lang dahil dumating si Lucas. Akala ko nga nakapag-usap na kayo dahil wala siya ngayon sa opisina nila."

Shazna felt like her heart skipped a beat. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nagdala sa kaniya sa hotel ay si Lucas!

Maging hanggang sa loob ng kotse ni Vanessa ay hindi nawawala sa isip niya ang mga nalaman. Pakiramdam nga niya ay may naghahabulang kabayo sa loob ng kaniyang dibdib.

"Ano nang balak mo ngayon?" basag ni Vanessa sa katahimikan. Isang pilyong ngiti ang makikita sa mga labi nito.

Bahagya naman kumurba sa isang ngiti ang kaniyang mga labi. Hindi rin niya mapigil ang sarili na maging masaya.

"Kaya pala nando'n ka sa hotel niya. Siyempre, alangan naman dalhin ka pa niya sa ibang hotel." Umiling si Vanessa nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito.

Siya naman ay parang nasa alapaap. Napakasaya niya dahil kahit papaano, may pagmamalasakit pa rin pala sa kaniya si Lucas. Kung hindi, bakit naman siya nito tutulungan at dadalhin pa sa hotel nito? He even bought a dress for her! Kung tutuusin, puwede siya nitong hayaan o iwan na lang sa club, pero hindi. Hindi siya pinabayaan ng lalaki.

Bigla niyang naalala ang sinabi kanina ni Matteo sa kanila. Agad na nagliwanag ang kaniyang mukha dahil doon.

"I know na, Vans!" tili niya sa kaibigan. Malapad ang ngiting makikita ngayon sa kaniyang mukha. "Ang sabi ni Matteo, halos gabi-gabi ay nasa nightclub niya si Lucas, right?"

Hindi naman malaman ni Vanessa kung saan ibabaling ang atensiyon. Kung sa daan ba o sa kaibigan niyang nagniningning ang mga mata dahil sa tuwa. Pero dahil nagmumukha na itong tanga, pinili niyang ibaling sa daan ang tingin.

"Parang alam ko na `yang sasabihin mo," natatawa pa niyang wika.

"Kaibigan nga kita. Kilalang-kilala mo na ako, e," natawa pa si Shazna matapos sabihin iyon.

Ngayon na alam na niya kung saan madalas maglagi ang lalaki, mas magkakaroon na siya ng pagkakataon na kausapin at muling makipaglapit dito. Maipapakita na niya kay Lucas na nagsisisi nga siya sa pang-iiwan dito noon.

SUMAPIT ang gabi. Nakangiti si Shazna habang nakaharap sa malaking salamin ng kaniyang silid. She was wearing a red strapless sweet heart dress, tied her hair into a messy ponytail and put on a light makeup. Kitang-kita ang magandang kurba ng kaniyang katawan sa damit na suot.

Ilan sandali pa, lumabas na siya ng hotel nang makatanggap ng text mula sa kaibigang si Vanessa.

Alam niyang naghihintay na ang dalawa sa labas ng hotel. May usapan silang pupunta sa nightclub na pagmamay-ari ni Matteo upang makita at makausap niya si Lucas. Sinabi rin naman ni Matteo na sisiguraduhin nitong pupunta ang kaibigan ngayong gabi.

Gabrielle looked effortlessly beautiful with her casual black maxi dress. While Vanessa was looking fabulous with a classic maroon dress covered in intricate lace. All three of them looked stunning to death. Kaya naman madalas magtaka ang mga tao sa tuwing nalalamang single ladies sila.

Habang nasa daan, rinig na rinig ni Shazna ang malakas na pagtambol ng kaniyang puso. Para itong malaking drum na paulit-ulit na hinahampas. Hindi siya mapakali sa sobrang kaba, makikita iyon sa madalas na pagkagat niya sa mapupulang mga labi.

Nang marating ang nightclub, bumaba sila ng sasakyan at naglakad papasok sa loob. Marami nang tao nang makarating sila. Loud music was blasting through the stereo. A lot of people were dancing, while some were just chilling around, talking and flirting.

Shazna and her friends were greeted by Matteo. Dinala sila nito sa isang mesa na exclusive lamang para sa mga importanteng tao.

She took a deep sigh. Kung kanina ay halos mabingi na siya sa lakas ng tambol ng kaniyang puso, ngayon naman, pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.

"He'll be here in a minute," kuha ni Matteo sa kaniyang atensiyon.

Nilingon niya ito at binigyan ng mabining ngiti. Tinanguan naman siya ng lalaki bago ito nagpaalam sa kanila.

Nang dumating ang kanilang order, mabilis niyang kinuha ang isang baso ng appletini. Ininom niya iyon sa isang lagukan lamang. Kinakabahan siya. Sa loob ng tatlong taon, ngayon lang uli niya makikita ang lalaki.

"Shaz, chill. Tingnan mo nga `yang hitsura mo, daig mo pa ang baliw," natawa si Vanessa sa sariling sinabi.

Kanina pa kasi siya linga nang linga sa paligid. Hinahanap ng mga mata ang lalaking tatlong taon din niyang pinanabikang makita.

"Oo nga naman, bestie, relax," dagdag pa ni Gabrielle at pagkatapos ay uminom ito sa hawak nitong isang baso ng cape codder.

Makalipas ng ilang minuto ay pinili niyang magpaalam sa dalawang kaibigan upang magtungo sa bar counter. Hindi siya mapakali kung uupo lang siya sa isang tabi habang naghihintay.

"One margarita, please," aniya sa bartender na lumapit sa kaniya.

Muli siyang nagpakawala ng malamin na hininga bago nilingon ang entrance ng club sa may `di kalayuan. Nang hindi mahanap ang taong gustong makita ay laglag ang balikat nang muli niyang ibaling ang atensiyon sa bartender. Nilapag nito ang isang cosmopolitican drink sa kaniyang harap.

"This is not my order," sabi niya.

"May nagpapabigay, ma'am," saad ng bartender bago itinuro ang isang lalaking nakaupo hindi kalayuan mula sa kaniya.

Ngumiti ang lalaki bago tumayo at naglakad papalit sa kaniyang kinaroroonan. He's kinda cute, but he's not her type. Bahagya pang kumunot ang kaniyang noo nang itaas nito ang kamay sa kaniyang harap, offering a handshake.

"Thanks for the drink," aniya at tinitigan lang ang kamay ng lalaki bago bahagyang ininom ang kaniyang inumin.

Natawa naman ang lalaki sa inasal niya. "It's nothing," saad pa nito bago umupo sa kaniyang tabi.

Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya nang mariin. Tinungga pa nito ang laman ng sariling baso bago muling nagsalita.

"So, what's your name?"

Muli niya sanang ibubuka ang bibig upang magsalita nang maunahan siya nito.

"Let me guess, it's Angel, right?" Tinaasan niya ng kilay ang lalaki dahil sa narinig. "`Cause you looked like an angel," tumawa pa ito matapos sabihin iyon.

Tuluyang umirap si Shazna sa lalaki. Kung wala lang siyang hinihintay ay baka tumayo na siya at umalis na lang. Akala pa naman niya ay mga high end ang customers ni Matteo gaya ng sinabi kanina ni Vanessa. Mga celebrities, politiko, at ilang kilala sa business industry lang daw ang nakapapasok dito, but the guy doesn't look like one.

Ibubuka niya sana muli ang bibig para barahin ito nang bigla siyang matigilan dahil sa nakita. Isang lalaking pamilyar sa kaniya at sa kaniyang puso ang nakatayo ngayon sa bukana ng entrance ng club. He's wearing a dark blue suit plus a dark blue bow tie. Naglakad ito papalapit sa kinaroroonan niya habang nakapamulsa. Matangkad at makisig. May pilyo itong ngiti sa mga labi habang nakapukol ang matatalim na mga mata sa kaniya. Matalim na mga titig na animo'y tumatagos hanggang sa kaniyang kaluluwa.

Hindi mapigilang lingunin ang lalaki ng mga tao sa paligid nito. Lalo na ang mga babae. Kilalang-kilala na ito ng lahat, maliban sa pagiging regular customer at kaibigan ni Matteo del Vega na siyang nagmamay-ari ng club, ay isa rin itong well-known womanizer.

Maya-maya lang ay nakangisi na ito habang nakatayo sa harap niya.

"Shazna Salvador," sabi ng lalaki sa malalim at baritono nitong boses. "Long time no see."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status