Share

KABANATA 4

Author: mindgrain
last update Huling Na-update: 2024-11-19 11:00:36

Gustong-gusto lumuhod at magmakaawa ni Eys sa harapan ni Mason pero alam niya na sa mga ganitong tipong tao ay mabilis ito mainis lalo sa kaniya.

Kaya wala siyang lakas na lumabas sa hotel at dahan-dahang lumakad papalayo.

“Astrid,” pagtawag sa kaniya ng lalaki kaya nilingon niya itong may namumuong pag-asa sa puso niya.

“You decide for yourself,” sabi nito at itinaas ang bintana ng sasakyan saka humarurot paalis. Walang pananakot sa boses nito pero parang binibigyan siya nito ng ultimatum.

Sa takot ay agad siyang tumakbo at sinalubog ng hangin ng gabi. Medyo nanginig pa siya dahil sa suot pero tuloy-tuloy lang siyang tumakbo.

‘Meron pa namang ibang paraan hindi ba? Hindi ba at sabi naman ni Kai na magkaibigan ang mga ito?’ 

Punong-puno na siya ng katanungan. Tila ang isip niya ay hindi napapagod na gumawa ng paraan para lang makatakas sa sitwasyon niya ngayon.

Hindi naman niya madadaya ang sarili pero hindi niya na talaga maibibigay ang gusto ng lalaki!

Pagkarating niya sa kanilang bahay ay agad siyang napasalampak paupo sa biglaang panghihina.

Ang bahay nila na isang langaw na lang ang pipirma at matutumba na. Halata na rin na luma dahil ang dingding nila ay inaanay na.

“Ate?” Tawag ng isang nanghihinang boses sa loob ng bahay.

Sinuot niya muna ang unang jacket na nakita niya bago nilapitan ang kapatid na nakaupo sa isang upuan habang nakaharap sa bintana.

“Nakabalik ka kaagad, ate?”

Hindi niya na pinansin ang tanong nito bagkus ay nagtanong siya rito. “Pumasok si mama sa trabaho ngayong gabi?”

“Opo.”

“Uminom ka na ba ng gamot?”

Sa tanong niya ay hindi man lang maiiling ng kapatid ang ulo dahil sa panghihina. “Ayoko po inumin, ate. Sobrang pait. Hindi naman ako gumagaling…”

Sa narinig ay agad niyang binuksan ang kabinet sa tabi nito at kinuha ang botelya ng gamot at kumuha ng dalawang tableta saka iniabot sa kapatid kasama ang isang basong tubig. 

“Kailangan mo ‘to inumin, bilis,” mariing utos niya.

Walang ibang gamot para sa sakit ng kapatid niya. Wala ring doktor ang gusto mag-opera dito sa kawalan nila ng sapat na pera.

“Ate, alam mo ba kagabi sa sobrang antok ko pero hindi naman ako makatulog. Tapos ang hirap pa huminga,” sumbong nito.

Niyakap niya ang kapatid na halos buto’t-balat na lang ang katawan. 

“Inumin mo na ang gamot mo, Freya Helena. Magiging ayos ka rin pagkatapos mo ‘yan inumin.”

Sinunod naman siya ng kapatid at agad isinubo ang mga gamot at ininuman ng tubig. Sa bilis nito ay naibuga nito ang medisina kasama ang tubig at halos masuka pa.

Naawa siya sa kalagayan ng kapatid at parang pinapatay din siya sa nakikitang paghihirap nito.

“Huwag… huwag na lang tayo uminom ng gamot, ha? Gusto mo ba kumain ng karne gaya ng steak?”

“Steak po? Masarap ba ‘yan, ate? Baka masayang lang pera po natin.”

Mas nalungkot siya sa sinabi nito. Dahil sa sakit ng kapatid ay naubos ang savings nilang pamilya matagal na panahin na ang nakalipas. Kung hindi dahil sa kalahating milyon na naiwan sa kaniya ay hindi sila makakaabot hanggang ngayon.

“Masarap na masarap! Kaya dapat maayos ang tulog mo ngayon, ha? Dadalhin ka bukas ni ate sa steak house.”

Taliwas sa sinabi sa kapatid ay hindi siya nakatulog ng maayos. Takot na baka paggising niya ay hindi niya na maabutang humihinga ang kapatid.

Kinabukasan, pagkauwi ng kanilang ina ay agad itong natulog. Pagod sa kakatrabaho magdamag para makabili sila ng gamot na palaging iniinom ng kapatid.

Dahil sa pangako kay Freya kagabi ay dinala nga niya ito sa isang high-end restaurant. Mukhang pangmayaman at ang kanilang kupas na damit ay hindi bagay sa lugar pero pinapasok pa rin sila ng guard at inalalayan pang makaupo mg maayos ang kapatid.

Hindi alam ng kapatid kung saan ilalagay ang kamay at pati paa nito ay takot itapak sa sahig.

“Ate, sa iba na lang tayo kumain,” pabulong na sabi ng kapatid.

“Bakit? Ayaw mo ba rito? Nakaorder na ako ng pagkain eh.” Ibinigay niya ang menu sa naghihintay na waitress at tuluyan nang binalingan ang kapatid na nakatingin lang sa kaniya.

“Huwag kang mag-alala! May discount coupon ako rito kaya hindi na mahal ang babayaran natin.”

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nilang dalawa ay nakarinig siya ng komusiyon sa labas at nang tingnan niya ito ay nakita niya ang lalaking kasama kagabi na napapalibutan ng maraming tao.

Agad niyang ibinaba ang ulo sa takot na mahuli siya nito. Halos lumabas ang puso niya nang marinig ang yapak nito na papalapit at palakas ng palakas.

Kipkip ang table napkin ay nakita niya ang pares ng matingkad na itim na sapatos na tumigil sa tabi niya.

“Ate, kilala mo ba ‘tong lalaki?” Pagtawag sa kaniya ng kapatid at nang tingnan niya si Mason ay halos malaglag ang panga niya sa itsura nito. Effortless manghubad ng panty, kahit tumayo lang ito ng matagal ay siguradong maraming babaeng lalabasan.

Hindi na tinangkang itanggi ni Eys na kakilala niya ang lalaki bagkus ay inipon niya ang lahat ng lakas ng loob para batiin ito.

“What a coincidence, master—” Bago pa matapos ang sinasabi niya ay nagsalita rin ang lalaki habang kunot noong nakatingin sa kaniya.

“Bakit nakapasok ang mga tulad mo rito?”

Ibinuka niya ang bibig ngunit bago pa siya makasagot ay tinalikuran na siya ng walang modong lalaki.

“Ate?”

Gusto sana niyang sagutin ang kapatid na hayaan na lang ang lalaki at may topak ito sa ulo pero hindi niya magawa sapagkat nasa tabi lang nila ang lamesa nito— ang panginoon ng medisina na kaniyang ninanais.

Buti na lang ay dumating na agad ang mga pagkain kaya nabaling ang atensiyon nila rito.

Akmang bubuhusan niya na ng juice ang kapatid ay nabitawan nito ang inumin sa sahig.

Ang pulang juice ay kumalat sa sahig. Kakulay ng dugo.

“Freya? Freya?!” Takot na tawag niya sa kapatid.

Sunod-sunod ang paghinga nito, malalalim at mabilis na pumutla ang mukha.

Hinawakan niya ang kamay ng kapatid, “anong masakit sa ‘yo, Freya?”

Hindi na ito makapagsalita at tuluyan nang nahulog sa sahig. Nagkalat na ang kanilang pagkain dahil nahila rin nito ang mantel pero wala nang pakialam sa iba si Eys, ang tanging naiisip na lang niya sa ngayon ay ang kalagayan ng kapatid.

Habang si Mason naman na narinig ang kaguluhan ay dumilat lang ang mga mata at walang pake sa nangyayari sa paligid niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 182

    Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 181

    Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 180

    "Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 179

    Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 178

    Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 177

    "Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 176

    "Young Master," sabi ni Shan na may bahid ng hilaw na ngiti, "lumabas ka rin sa wakas."Dumaan lang si Mason sa tabi nito at sinabihan si Leonardo ng isang salita. "Go."Hindi na kailangang magtaboy ng tao. Nagmamadali na siyang umalis.Naiwan si Eys sa kwarto. Nang sipain ni Shan ang pinto pabukas, nakita niya ang likod ni Eys na nagmamadaling papasok sa loob."Ang tapang mo palang gawin ang ganyan, pero wala kang mukhang maiharap para lumabas?"Ang mabigat nitong boses ay narinig ni Mason kahit ilang hakbang na siyang lumayo. Sandali huminto ang mga paa ng lalaki pero hindi na siya lumingon.Kalahati na ng mga tao ang napaalis ni Leonardo, pero may ilan pa rin ang nasa labas at nakikiusyuso."Master, hahanapan ko ng paraan para palabasin si Miss Javier.""Cassie is here, right at the door."Tumango si Mason at tuluyang lumabas.Si Eys naman ay takot na baka pumasok ang grupo ni Reyes, kaya tumakbo siya sa bintana at nagtago sa likod ng kurtina.Dalawang lalaking kasunod ni Shan ang

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 175

    "If you asked me to save you, I might agree if my heart softens. But if it's someone else, bakit ko naman gagawin?"Parang gumuho ang mundo ni Eys. Bago pa makapag-isip si Mason kung bakit niya nasabi 'yon, nakita niyang pilit ngumiti ang babae at umiwas ng tingin."I just asked casually, I'm afraid that one day it will really happen.""Eh 'di hayaan mo siyang mamatay."Nanlamig si Eys sa sinabi ni Mason. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan niya.Dapat nga siguro nagpapasalamat siya na hindi niya ibinuhos lahat kay Reyes o naglagay ng malaking tiwala kay Mason. Hirap na nga itong tumulong sa kanya, paa'no pa kaya kay Fiona?Nagpatuloy ang ingay sa labas, kaya napatingin si Eys kay Mason. "P'wede bang gumawa ka ng paraan para paalisin 'yong mga tao?"Naiiritang tumayo si Mason. He didn't want to be blocked like this, so annoying and ridiculous.Kinuha niya ang cellphone niya at tatawagan sana si Leonardo para ayusin ito, pero naunahan siya ng tawag ni Cassie.Tinitigan niya

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 174

    Biglang malakas na pinukpok ni Shan ang pinto. “Eys, lumabas ka diyan!”Ang kanyang malalaking galaw ay nagsimulang makaakit ng pansin mula sa mga taong naroroon.May mga tao nang lumalapit. “Mr. Shan, anong nangyayari?”Hinithit ni Shan ang sigarilyo. “May nakakita sa kasama kong babae na kinaladkad papasok dito. Ngayon, sabihin niyo nga, nakita niyo ba ako?”Nagtinginan ang lahat sa isa’t isa. “Wala kaming nakita.”Itinapat ni Shan ang camera sa sarili. “Cassie, pupunta ka ba o hindi? Kapag nagtagal ka pa, baka tapos na ang ginagawa nila sa loob, at baka ulitin pa nila. Do you believe it?”Sa loob, binitiwan ni Eys ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa mukha ni Mason.Ang mga mata nito ay malalim, puno ng kadiliman na parang isang demonyo.Nakakatakot talagang tingnan ang lalaki sa ganitong estado.Inangat ni Eys ang pilak na kwintas na dumulas mula sa kanyang balikat habang nakikita niyang magbubukas ng pinto si Mason.Agad niyang hinawakan ang braso nito at bahagyang umiling.

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status