Share

KABANATA 5

Aвтор: mindgrain
last update Последнее обновление: 2024-11-19 11:01:33

Agad na lumuhod si Eys sa tabi ni Freya. Nagpapanic na siya at ang tanging naiisip na lang niya ay buhatin ang kapatid.

“Frey, ‘wag mo naman takutin si ate, oh,” pagkausap niya rito.

Ang buong katawan ni Freya ay nanginginig at ang ibang mga kumakain sa restaurant na ‘yon ay nagisimula na ring matakot.

Niyakap niya ang kapatid para pigilan ang panginginig nito. 

“A-ate, tu...lungan m-mo… ako. H-huwag m-mo… ha…hayaan na… na m-makita n-nila… akong g-ganito.” Hirap at hindi klarong sabi ni Freya.

Hinding-hindi pa nag-seizure ang kapatid niya noon kaya hindi niya alam ang gagawin!

Tiningala niya ang waiter na nabato na lang sa isang tabi. “Tumawag ka ng ambulansya, bilis!” Utos niya rito.

Mas lalo pang nanginig ang kapatid niya nang may dumaang mga tao sa gilid nito. Tumirik ang mga mata at halos puti na lang ang nakikita dito. Bumubula na rin ang bibig ng kapatid.

Ang babaeng dumaan sa gilid nila ay nagtakip ng bibig at ilong nito, “kadiri naman! Ba’t pa kasi pinayagang pumasok!” Rinig niyang bagulbol nito.

Agad niyang hinubad ang suot na coat at itinakip sa mukha ni Freya. Sa oras ding iyon ay may lalaking lumapit at pinaalalahanan siya.

“Mag-ingat ka, kinakagat ng mga nagse-seizure ‘yong dila nila.”

Kakatapos pa nga lang magsalita nang lalaki ay nakita niyang nakalabas na nga ang dila ng kapatid at malakas nitong kinakagat.

Inabot niya ang bibig nito ng hindi nag-iisip. Ang sakit ay halos maramdaman niya hanggang sa daliri ng mga paa dahil ang daliri niyang tinutulak papasok ang dila sana nito ay nahuli ng mga ngipin ng kapatid.

Muntik na siyang mapasigaw sa sobrang sakit. Naipikit na lang niya ang mga mata at niyakap ng mahigpit si Freya.

“Frey, 'wag kang matakot. Na’ndito lang si ate. Matatapos rin ang lahat.”

Ang magkapatid ay magkahugpong sa maduming lapag, ang isa ay nakahiga habang ang isa naman ay nakaluhod.

Nakakaawa. Kalunos-lunos. At higit sa lahat desperada.

Sa oras na iyon ay nawalan ng gana kumain si Mason. Inilapag niya ang kubyertos at tinidor saka akmang tatayo na para umalis. 

Nakita ni Eys ang pigura ng lalaki na dadaan sa kanilang gilid kaya kinain niya na ang kaunting hiyang nararamdaman saka matapang na kinausap ang padaang lalaki, “master Mason! Please, please, please, bigyan mo na po kami ng gamot!”

Sa kaniyang pwesto ay tanging panlalamig na tingin lang ang natatanaw ni Eys sa mukha ng lalaki. Walang halong awa o ano man.

“Miss Javier, hindi lahat ng mahihina ay siyang tama.”

Tuluyan na sila nitong tinalikuran kaya hindi niya na alam ang gagawin. Magmakaawa? Nagawa niya na!

Kung marunong lang sana maawa ang pamilyang Sy, matagal nang madaming nakaluhod sa tarangkahan ng pharmaceutical company ng mga ito.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating ang ambyulansya at naisugod din kaagad ang kapatid at nalapatan ng paunang lunas.

Hindi niya alam kung pa'no nakabalita si Kai pero humahangos itong lumapit sa kaniya pero hindi niya na ito binigyan ng pansin at ibinalik ang tingin sa pinto ng ward na pinaglalagyan sa kapatid.

“Eys.” Pagtawag ni Kai.

Ang buong enerhiya niya at kaluluwa ay parang kinuha sa kaniya na hindi niya na makuhang marinig ang pagtawag ng lalaki.

Gusto sana itulak ni Kai ang pinto papasok pero agad itong napigilan ni Eys, “tulog si Freya.”

“Gusto ko lang makita ang kapatid mo,” sagot nito.

“Para ano?! Ang sabi ng doktor ay epilepsy induced by heart disease ito! Hindi tayo makakakuha ng gamot! Alam ko naman eh! Alam ko na hindi maiiwasan ang epilepsy pero hindi ko aakalain na ganito kalala!”

Napatingin si Kai sa mata ni Eys. Namumula ito at namamaga. Tanda ng ilang oras na pag-iyak.

Hinawakan ni Eys ang pulsuhan ng lalaki at desperadang tinanong ito, “‘di ba magkaibigan kayo? Kayang-kaya mo makahingi ng gamot ‘di ba? ‘Di ba?”

Minsan ay pinangarap din ni Eys na magkaroon ng normal na karelasyon. Iyong matututunan niyang mahalin… tulad ni Kai.

Niyakap siya ng mahigpit ng lalaki, “gagawa ako ng paraan.”

“Pero hindi na makakapaghintay ang kapatid ko!” Pilit namang kumakawala si Eys sa pagkakayakap nito, “kahit anong oras ay p'wede siyang mamatay!”

Pinakawalan siya ng lalaki at tumingala ito na parang pinipigilan ang pagkairita.

“I have used a lot of connections, Eys! But this time…” He was almost crazy, he wanted to just grab anything.

Kai finally gritted his teeth, “kapag hindi pa ito madala, gagawa ako ng ibang marahas na paraan.”

“Anong paraan?” Tanong ni Eys, puno ng kalungkutan sa tono nito. Nawala na ang kaunting liwanag sa mga mata.

Nang makita ni Kai ang malungkot na mukha ng babae ay agad niya itong inalo. “Huwag kang mag-aalala, ako na ang bahala.”

Nang araw din na iyon ay nailabas ang kapatid niya sa hospital at naiuwi. Hindi na nila ipinaalam sa ina ang nangyari.

Pero isang linggo na ang lumilipas, hindi pa rin makita ni Eys kahit ang anino ng gamot na kailangan ni Freya.

Ang munting pag-asa na pinaghahawakan niya ay unti-unti nang naglalaho at tanging pangangamba na lang ang natira sa kaniya.

Kaya kahit ipagpalit niya ang kaluluwa sa demonyo ay gagawin niya, mailigtas lang ang kapatid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 182

    Binanggit niya ang isang mahabang numero, saka nagpatuloy, “ipinapahayag ko gamit ang tunay kong pangalan na ang anak ni Zon Reyes na si Shan Reyes ay inaabuso ang kapangyarihan ng pamilyang Reyes para gipitin ang ibang tao. Ilang beses niya rin akong tinangkang piliting sipingin at sinubukang pwersahin sa pamamagitan ng mga pekeng utang. Hinihiling ko sa mga kaugnay na ahensya na mahigpit na imbestigahan si Shan Reyes at ang buong pamilyang Reyes.”Halos magdilim ang mukha ng matandang Reyes sa narinig niya sa prerecorded video. Kaya agad na inabot ni Chen ang cellphone ni Eys at dinelete ang video. Pero nanatiling kalmado lang si Eys habang tinitingnan ang ginawang pagdelete ni Chon. "May backup ako sa laptop at email. Alam ko kung ga'no kalaki ang impluwensya ni Mr. Reyes, pero kapag kumalat ito, siguradong magkakaroon 'to ng malaking epekto sa negosyo niyo man o sa personal na buhay."Tahimik lang si Mason habang pinapakinggan ang sinasabi ni Eys. Kalmado ang boses nito, pati na

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 181

    Hinila ni Reyes ang lubid sa bintana at nasugat ang mga palad niya dahil sa pagkiskis nito dahil sa pag-anagat niya kay Eys.Hindi alintana ni Mason si Reyes na nahihirapan at agad na lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang kalahating pang-itaas na katawan at dahan-dahang hinila ang lubid din pataas.Walang suot na kahit anong tela si Eys para makahawak ang kahit na sino na hihila sa babae pataas. Mahigpit na hinawakan ni Mason ang bintana gamit ang isang kamay at habang ang kabila naman ay nakayakap sa baywang ng babae para maiangat ito.Ang katawan ni Eys ay sobrang lamig na parang niyayakap ang isang bloke ng yelo si Mason ng mahawakan niya ang katawan nito. May mga yabag sa labas ng pinto pero hindi niya iyon pinansin at inasikaso ang babae. Inilagay ni Mason si Eys sa kama at mabilis na kinuha ang kumot para ibalot ito sa kanya.Bang!Mabilis na sumara ang pinto ng kwarto at pumasok ang matandang Reyes at ang kanyang stepson.Nakatayo lang si Shan malapit sa bintana at na

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 180

    "Tinalian mo na nga ako, anong silbi ng pagsigaw? P'wede mo namang takpan ang bibig ko, o 'di kaya’y higpitan mo pa ng todo."Nang maisip iyon ni Shan, pumayag siya.Kahit pa sigaw siya nang sigaw, sino bang tutulong sa babae?Tinali ni Shan nang mahigpit si Eys at siniguro ang buhol. Nang matapos, ngumiti ito nang may kasiyahan."Hintayin mo ako."Pero 'di na ito makapaghintay.Pumasok si Shan sa banyo para maligo. Ayaw niyang gumamit ng bathrobe sa lugar na 'yon sa isipang madumi ito kaya lumabas siyang naka-shorts lang.Hindi mapakali si Eys. Alas-dos na.Tiningnan niya si Shan habang papalapit ito. Medyo kinakabahan siya. "Mr. Reyes, p'wede mo na bang ibigay ang IOU ngayon?""Mamaya na pagkatapos natin.""Dinala mo ba? Ipakita mo nga sa ’kin."Gustong yakapin ni Reyes si Eys pero mabilis itong umakyat sa kama. Maliit lang ang kwarto at halos katabi ng kama ang bintana.Napapaatras si Eys papunta sa gitna ng higaan, halatang kinakabahan. Pero hinila siya ni Shan gamit ang lubid par

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 179

    Mabilis siyang hinila ni Eys papasok at isinara ang pinto. "Mr. Reyes, hindi mo ba naiisip na mas masaya dito? Lagi ka na sigurong nasa mga five-star hotel. Eh, pa'no kung medyo wild ang mangyari? Ayaw mo namang mapahiya, 'di ba?" Rason ni Eys.Tinitigan lang siya ni Shan. Sa bawat salitang binibitawan ng babae, halatang may halong panunukso rito.At nadala siya.Hinila niya si Eys papunta sa kanya at sinubukang halikan ang babae. "Eh, bakit nakatayo ka pa?"Sinubukan siyang itulak ni Eys pero dumampi na ang labi niya sa pisngi nito.Ang bango ni Eys—para itong natural na pamapalibog. Tuluyan nang nawala sa kontrol si Shan."Mr. Reyes, sandali lang!""Hindi ko na kayang maghintay!"Nagpumiglas si Eys mula sa mga bisig nito. "May inihanda ako para sa 'yo.""Ano 'yon?" tanong ni Shan habang bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa babae.Naglakad si Eys papunta sa kama at binuksan ang dala niyang bag. Mula rito, inilabas niya ang makapal na lubid.Tumaas ang kilay ni Shan. "Itatali mo

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 178

    Sa ganitong bagay, mataas ang pamantayan ni Mason. Bukod sa magandang mukha, gusto niya ng malalambot na kamay at balingkinitang katawan—katulad ng kay Astrid.Nawala ang init na nararamdaman ni Cassie, kaya hindi na niya itinuloy ang ginagawa.Samantala, ang mga marka sa katawan ni Eys na gawa ni Mason ay hindi pa rin nawawala kahit ilang araw na ang lumipas, kaya napilitan siyang magsuot ng mga turtle neck na mga damit araw-araw kahit sobrang init sa Pinas.Mainit sa opisina, kaya tumutulo ang pawis sa noo ni Eys habang nagta-type sa laptop niya. Habang abala at naiinis sa nararamdamang init, biglang may narinig siyang papalapit na mga yabag."Sa wakas, nahanap rin kitang bruha ka," sabi ni Vincent nang tumigil ito sa tabi niya.Tumigil si Eys sa ginagawa at tumingin sa kaibigan. "Sabihin mo na agad."Nagmasid si Vincent sa paligid bago bumulong kay Eys.Mahinang pinisil ni Eys ang kanyang palad. "Sigurado ba 'yang balita mo?""Oo naman! Ginamit ko lahat ng koneksyon ko para dito,"

  • The Ruthless Billionaire Has Fallen    KABANATA 177

    "Alam mo kung bakit ginawa ni Mason ang mga bagay na 'yon sa 'yo? Para kanino? Para sa 'kin! Para ipakita sa 'kin na kaya ka niyang kunin sa isang pitik niya lang ng daliri!"Narinig ni Eys bawat salita ni Shan, pero hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito."Hindi naman ako umaasa sa kanya at hindi na ako nangangarap ng isang Mason Hunter Sy na luluhod sa 'kin para damputin ako sa lupa gaya ng pagpulit niya kay Miss Lopez," sagot ni Eys, kalmadong tumatawa nang sarkastiko. "Nakakatawa 'yang mga salitang 'hindi makalimutan' at 'hindi kayang bitawan' kung gagamitin sa 'kin."Alam niyang ang tanging hindi kayang bitawan ni Mason ay si Cassie."Kita mo naman kung ga'no kahalaga si Miss Lopez para sa kanya, 'di ba? Iniwan niya ako rito nang hindi man lang iniisip kung anong kahihiyan ang haharapin ko. Kahit mag-iwan ng isang damit para takpan ang sarili ko, wala siyang binigay sa 'kin. Kulang pa ba ang pagaparamdam niya na madumi ako at kaladkarin para hindi pa manuot sa kala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status