Share

The Ruthless Billionaire's Little Maid
The Ruthless Billionaire's Little Maid
Author: Lilianna Jade

CHAPTER 1: The Diagnosis

Author: Lilianna Jade
last update publish date: 2026-07-03 23:44:45

Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumilip sa salamin sa itaas ng pinto habang umaasang bubukas iyon at may magsasabing ayos na si lola.

Mahigpit kong pinaglaruan ang laylayan ng suot kong lumang palda. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng mga paa ko sa kakatayo at kakalakad.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagdasal simula nang isugod ko siya rito.

"Sino po dito ang kasama ng pasyenteng si Azon Mendoza?"

Mabilis akong napatayo mula sa bakal na upuan sa labas ng emergency room nang lumabas ang doktor.

"Ako po, Doc. Apo po niya ako."

"Pwede ba kitang makausap sandali?"

Walang pagdadalawang isip akong tumango sa doktor pero kasabay no’n ay bigla akong nakaramdam ng matinding kaba.

Mula nang isugod namin si lola kaninang umaga matapos siyang mawalan ng malay sa palengke ay hindi na ako mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko.

Sinundan ko ang doktor sa gilid ng pasilyo.

"Doc..." halos hindi ko mailabas ang boses ko. "Kumusta na po ang lola ko?"

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Na-stabilize na namin ang kondisyon niya. Nagkamalay na rin siya, kaya huwag kang mag-alala."

Salamat naman! Napapikit ako. Bahagyang gumaan ang dibdib ko dahil sa tinuran ng doktor ngunit agad ding nawala ang ginhawa na iyon nang muling magsalita ang doktor.

"Pero may kailangan kang malaman."

Unti-unti akong napatingin sa kanya.

"Base sa mga isinagawa naming pagsusuri, matagal nang may iniindang sakit ang lola mo. Ang nangyari sa kaniya ay hindi lamang simpleng pagkahilo.”

Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ko.

"May malubha na siyang sakit sa bato. Mataas din ang blood pressure niya at nagsisimula na ring maapektuhan ang puso niya."

Hindi ko inasahan ang masamang balita na aking narinig. Bahagyang nanghina ang tuhod ko. Mabuti na lamang at hinawakan ng doktor ang magkabilang balikat ko dahil kung hindi ay baka natumba na ako.

“S-sigurado po ba kayo diyan, doc?” paninigurado ko. Matanda na si Lola Azon. Hindi ko alam kung kakayanin pa niyang indahin ang gano’n karaming sakit sa katawan.

Yumuko ang doktor. Tinapik nito ang balikat ko. "Kung hindi siya maagapan ay lalo pang lalala ang kondisyon niya. Matanda na ang lola mo. Ano bang nangyari? Mukhang matagal nang may nararamdaman ang lola mo. Kung mas maaga sana siyang naipatingin, mas maganda sana ang naging kondisyon niya ngayon."

Hindi ako nakasagot. Tanging mga luha ko na biglang pumatak ang nagsilbing tugon ko sa sinabi ni doc.

“Pero hija, huwag tayong mawalan ng pag-asa.”

"M-may pag-asa pa po bang gumaling si lola?" tanong ko na agad namang tinanguan ng doktor.

"Mayroon pa," sagot niya. "Pero kailangan niyang ma-confine para masimulan na agad ang gamutan."

“Gawin niyo po ang lahat, doc! Hindi ko po kakayanin kapag nawala si Lola Azon. Siya lang po ang kaisa-isang tumanggap sa akin kaya hindi ko kakayanin kapag nawala siya.”

“Huwag kang mag-alala dahil gagawin namin ang lahat. Hindi namin pababayaan ang lola mo.”

Tumango-tango ako. Kumapit ako sa pag-asang gagaling si lola. Hindi niya ako iiwan. Mabubuhay pa siya ng mas matagal.

Bago tumalikod ang doktor ay muli niya akong pinaalalahanan. Hindi na iyon tungkol sa kondisyon ni lola kung hindi tungkol na sa halaga ng pera na gagastusin sa pagpapagamot sa kaniya.

"Magkano po ang kakailanganin para mapaghandaan ko po?"

Ilang segundong katahimikan ang naging bungad ng doktor. “Huwag niyo munang intindihin ang gastos dahil ang mahalaga ay gumaling ang lola mo. Pero ang advice ko ay ilagay siya sa private room dahil kailangan niyang i-monitor minu-minuto. Medyo kritikal kasi ang lagay ng lola mo pero higit kumulang dalawang libo ang isang araw sa kwartong ‘yon. Hindi pa kasama ang mga laboratory tests, gamot, at iba pang kailangang gamutan. Posible pang madagdagan iyon depende sa magiging tugon ng katawan ng lola mo."

Dalawang libong piso sa kwarto pa lamang? Napahawak ako sa dibdib ko. Mahina ang kita namin sa pagtitinda ng tinapa at daing nitong mga nakaraang araw dahil masama ang pakiramdam ni lola. Hindi kami nakakapag-lako kaya saan kami kukuha ng gano’n kalaking halaga?

“Doc, wala na po bang mas murang kwarto? Wala po kasi kaming gano’n kalaking halaga.”

“Pasensya na. Iyon na ang pinakamurang kwarto na maibibigay namin sa lola mo. Private itong ospital na napuntahan niyo kaya iyon na ang pinakamurang maibibigay namin para sa kondisyon niya.”

Malalim akong napabuntong hininga. Mula sa labas ng emergency room ay tanaw ko ang kama na hinihigaan ni Lola Azon. Mahimbing siyang natutulog.

“Wait lang po, doc! Pwede po bang tawagan ko muna ang anak ni Lola Azon na si Tita Tess? Hindi pa po kasi niya alam ang nangyari. Ayoko naman po na ako lang ang mag-desisyon para kay lola.”

“Walang problema,” sagot ng doktor. “Pakisabi na lang sa attending nurse kapag nakapag-desisyon na kayo. Sa ngayon ay maayos ang lagay ng lola mo pero huwag mong kalimutang kailangan niyang ma-confine dahil may malubha siyang sakit.”

“Opo, doc.”

Ano’ng gagawin ko? Siguradong magagalit si Tita Tess kapag nalaman niyang may sakit si lola. Sigurado ako na bulyaw na naman ang aabutin ko.

Hindi ko alam kung paano ko naigapang ang mga paa ko pabalik sa emergency room. Sa bawat hakbang ko ay parang lalo lamang bumibigat ang dibdib ko.

Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Agad kong nakita si Lola Azon na mahimbing na natutulog sa kama. Nakakabit na sa kaniya ang suwero at ilang aparato na patuloy na sumusukat sa tibok ng kaniyang puso.

Lumapit ako sa kaniya at marahang hinawakan ang malamig niyang kamay.

"La..." mahina kong tawag pero hindi siya sumagot. Payapa lamang siyang natutulog na para bang wala siyang iniinda.

Napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang pag-iyak pero nanaig pa rin ang sakit na matagal ko nang kinikimkim.

"Huwag mo naman po akong iwan, lola,” unti-unting pumatak ang mga luha ko sa likod ng kaniyang kamay. "Ikaw na lang po ang pamilya ko. Kapag gumaling ka, pangako po na hindi na kita hahayaang magtinda pa sa palengke. Ako na ang magtatrabaho para sa atin. Ako na po ang bahala sa atin."

Pinisil ko nang bahagya ang kamay niya habang umaasang maririnig niya ang bawat salitang sinasabi ko.

"Kaya kailangan mong lumaban, La. Hindi ko pa naibibigay ang pangarap kong buhay para sa’yo. Laban lang po ha?!”

Nanatili akong nakayuko habang mahigpit na hawak ang kamay niya. Napapikit ako sandali bago dahan-dahang bumitaw sa kamay ni Lola Azon.

“Sandali lang po, lola. Lalabas lang po ako para tawagan si Tiya Tess. Wait lang po, ha?”

Agad kong dinial ang numero ni Tita Tess. Ilang minuto akong naghintay na sumagot ito. Ilang missed calls din ang nagawa ko bago nito tuluyang sagutin ang tawag ko.

[“Ano bang kailangan mo, Victoria? Alam mong nasa trabaho ako. Gusto mo bang sisantihin ako ng boss ko?”]

“S-sorry, tita…” paumanhin ko matapos marinig ang bulyaw niya. “Hindi ko naman po intensyon na mang-istorbo. Si l-lola po kasi…”

[“Ano’ng meron sa kaniya? Hihingi na naman ba siya ng pera para sa pang-abono sa tinda niya? Hay nako, Victoria! Tigil-tigilan niyo nga ako ni mama. May tatlong anak akong binubuhay baka nakakalimutan niyo. Hindi ako tumatàe ng pera.”]

Tumikhim ako. Gustong-gusto ko ng ibaba ang tawag. Gustong-gusto ko nang patáyán si Tita Tess dahil parang wala naman siyang pakialam kay lola pero pinili kong magpakumbaba. Siya pa rin ang legal na anak kaya kailangan niyang malaman ang totoo.

“Huwag ka po munang magalit, tita. Hindi naman po ako tumawag para humingi ng pera. Hindi rin po ako inutusan ni lola na tawagan ka. Ako lang po ang nakaisip nito.”

[“Ano ngang kailangan mo?”]

“Nasa ospital si Lola Azon. Nawalan po siya ng malay kaya sinugod namin siya dito. Tita, malubha na po ang sakit ni lola. Marami na siyang iniinda. May sakit po siya sa bato. Mataas din ang bp niya. Delikado daw po ‘yon dahil puwede siyang ma-stroke kapag hindi naagapan. Pati daw po ang puso niya ay naaapektuhan na rin dahil sa mga sakit niya.”

[“Kasalanan mo ‘yan, eh! Nagkanda-malas malas na ang pamilya namin mula ng pulutin ka ni mama sa simbahan. Kaya ka siguro tinapon ng tunay mong pamilya dahil malas ka!”]

Nilunok ko ang masakit na salitang binitawan ni Tita Tess. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niyang sinabi sa akin iyon.

[“Ano’ng sabi ng doktor? For sure ay confine ang kailangan diyan!”]

“Iyon nga po. Tita, malaking halaga daw po ang kailangan para maipagamot siya. Advise din po ng doktor na mai-confine siya ngayon dahil nasa kritikal na kondisyon na po si Lola Azon.”

[“Oh siya sige… tatawagan ko ang Tito Martin mo para masamahan ka niya diyan. Huwag kang tatanga-tanga, Victoria! Alagaan mo si mama. Kapag may nangyaring masama sa kaniya, lagot ka sa amin.”]

Napalamukos na lamang ako sa aking mukha matapos mamatay ang tawag. Hindi ko kasundo ang mga anak ni Lola Azon. Malas ang tingin sa akin ng magkapatid na si Tita Tess at Tito Martin. Tanging si lola lang ang nagmamahal sa akin kaya handa kong lunukin ang lahat ng masasakit na ibabato nila sa akin. Hindi ko iiwan si lola. Ibabalik ko ang lahat ng kabutihan niya sa akin.

Matapos kong mahimasmasan ay tumayo na ako. Papasok na sana ako sa loob ng emergency room para samahan si Lola Azon nang matigilan ako dahil biglang nag-vibrate ang cellphone kong lumang-luma na at basag-basag pa ang screen.

Nag-text si Tita Tess at binasa ko iyon habang nakatayo sa pintuan ng E.R.

‘Lumuwas ka dito sa Maynila! Magtrabaho ka para may ipambayad ka sa bills ni mama diyan sa ospital.’

Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko matapos basahin ang mensahe ni Tita Tess sa akin.

Napatingin ako sa salamin ng emergency room. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko si Lola Azon. Mahimbing siyang siyang natutulog.

Kung ang mawalay kay lola ang tanging paraan para humaba ang buhay niya, handa akong magtiis na hindi siya makita at makasama. Handa kong isakripisyo ang sarili kong kasiyahan gumaling lang siya.

Bigyan lang ako ng sign ni Lord ay tatanggapin ko na ang alok ni tita na sumama sa kaniya sa Maynila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 5: First Encounter

    Pasado alas sais na ng gabi nang magtungo kami ni Tita Tess sa ospital para magpaalam kay Lola Azon. Dumaan muna kami roon bago magtungo sa bus station papuntang Maynila.Tahimik lamang akong nakaupo sa traysikel habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat minutong lumilipas habang papalapit kami sa ospital. Parang may parte sa akin na gustong umatras. Parang may parte sa akin na gustong manatili na lamang sa tabi ni lola.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang traysikel sa tapat ng ospital. Tahimik akong bumaba."Huwag ka nang magtagal sa loob," paalala ni Tita Tess habang inaayos ang bag na dala niya. "May oras pa tayong hahabulin sa terminal."Tumango lamang ako bilang tugon bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital.Pag-akyat ko sa second floor ay tahimik ang pasilyo. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminga muna ako nang malalim bago marahang

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 4: Goodbye, Home

    Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama ni Lola Azon. Madaling-araw nang maramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko."Ma'am, kukunan na po namin ng dugo ang pasyente."Agad akong napabangon. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Attending nurse iyon na tumitingin kay lola dalawang beses sa isang oras."Ah... opo,” wika ko sabay ayos ng upo. Tinapik ng nurse si Lola Azon saka nito sinimulan ang paghahanap ng ugat ni lola na siyang pagkukuhanan ng dugo. Habang ginagawa niya iyon ay napapapikit ang lola ko. Hindi ko naman maiwasang maawa. Hindi kaya ng puso kong makita ang pag-ngibit ni lola. Pakiramdam ko ay puso ko ang tinutundo ng injection kaya nagpaalam muna ako sa nurse na lalabas muna, gayundin kay lola.“Lola, lalabas po muna ako sandali, ha? Babalik din po ako agad.”Hindi sumagot si Lola Azon. Ngiti ang siyang naging tugon niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sandali. Pinisil ko iyon bago Paglabas ko, nadatnan kong nakaupo si Tita

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 3: Her Decision

    Mula sa palengke ay umuwi muna ako sa amin. Pagkababa ko ng traysikel ay agad kong tinungo ang maliit naming bahay. Tahimik ang buong bakuran. Wala ang pamilyar na boses ni Lola Azon na palaging sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ako mula sa palengke. Wala ring amoy ng sinaing na kanin o ng pinatutuyong daing na madalas niyang inaasikaso sa likod-bahay. Huminto ako sa may pintuan. Noon ko lang napagtanto kung gaano pala kalungkot ang bahay kapag wala ang taong bumubuo rito. Dahan-dahan kong itinulak ang lumang pintong yari sa kahoy. Sumalubong sa akin ang maliit naming sala. Naroon pa rin ang lumang sofa na ilang beses nang tinahian ni lola, ang mesa na kami mismo ang gumawa mula sa pinagtagpi-tagping tabla, at ang lumang orasan na paminsan-minsan na lamang tumutunog. Napangiti ako nang bahagya. Kahit simple ang bahay namin ay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa akin dahil kasama ko si lola. Ang buong buhay ko ay umikot lamang kasama siya. Malalim akong nagbuntong

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 2: For Lola Azon

    Halos isang oras pa ang lumipas bago tuluyang mailabas si Lola Azon mula sa emergency room.Tahimik kong sinundan ang stretcher na tinutulak ng dalawang nurse. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha ni lola. Nakakabit pa rin sa kaniya ang suwero at oxygen cannula habang paminsan-minsang tumutunog ang portable monitor na nakakabit sa gilid niya."Ma'am, dito po tayo,” sambit ng isa sa nurse na kasama namin ni lola.Huminto kami sa tapat ng isang pribadong silid.Maingat na inilipat ng mga nurse si lola mula sa stretcher papunta sa kama. Isa-isa ring inayos ang mga nakakabit na tubo sa kaniyang katawan. Sinuri ang suwero, kinuhanan siya ng blood pressure, at ikinabit ang monitor na susukat sa tibok ng kaniyang puso."Azon Mendoza?" tanong ng isang nurse habang sinusuri ang chart ni Lola Azon.Tumango ako."Okay po. Mamaya ay may ilang laboratory requests pa pong kukunin sa pasyente. Kailangan din po nating obserbahan ang blood pres

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 1: The Diagnosis

    Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumilip sa salamin sa itaas ng pinto habang umaasang bubukas iyon at may magsasabing ayos na si lola. Mahigpit kong pinaglaruan ang laylayan ng suot kong lumang palda. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng mga paa ko sa kakatayo at kakalakad. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagdasal simula nang isugod ko siya rito. "Sino po dito ang kasama ng pasyenteng si Azon Mendoza?" Mabilis akong napatayo mula sa bakal na upuan sa labas ng emergency room nang lumabas ang doktor. "Ako po, Doc. Apo po niya ako." "Pwede ba kitang makausap sandali?" Walang pagdadalawang isip akong tumango sa doktor pero kasabay no’n ay bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Mula nang isugod namin si lola kaninang umaga matapos siyang mawalan ng malay sa palengke ay hindi na ako mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko. Sinundan ko ang dokt

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status