LOGINPasado alas sais na ng gabi nang magtungo kami ni Tita Tess sa ospital para magpaalam kay Lola Azon. Dumaan muna kami roon bago magtungo sa bus station papuntang Maynila.
Tahimik lamang akong nakaupo sa traysikel habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat minutong lumilipas habang papalapit kami sa ospital. Parang may parte sa akin na gustong umatras. Parang may parte sa akin na gustong manatili na lamang sa tabi ni lola. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang traysikel sa tapat ng ospital. Tahimik akong bumaba. "Huwag ka nang magtagal sa loob," paalala ni Tita Tess habang inaayos ang bag na dala niya. "May oras pa tayong hahabulin sa terminal." Tumango lamang ako bilang tugon bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital. Pag-akyat ko sa second floor ay tahimik ang pasilyo. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminga muna ako nang malalim bago marahang itinulak ang pinto ng silid ni Lola Azon. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng pamilyar niyang ngiti. "Ayan na pala ang apo ko." Sambit ni Lola Azon. Nag-uusap sila ni Tito Martin nang pumasok ako. Napangiti rin ako kahit pilit. "Lola..." Lumapit ako sa kama niya at marahang hinawakan ang kamay niya. Mainit pa rin iyon. Pareho pa rin sa kamay na humawak sa akin noong bata pa ako. "Aalis na po kami ni Tita Tess,” paalam ko. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Lola Azon. "Ngayon na ba talaga?" Tumango ako. "Opo." Mahigpit niyang pinisil ang kamay ko. "Mag-ingat ka roon, apo." "Opo." "Huwag na huwag mong kakalimutan na kumain sa tamang oras, ha." "Opo." "Huwag kang magpapagutom para lang makatipid." Napatawa ako nang mahina kahit namumuo na ang luha sa mga mata ko. "Opo, lola." "At ang pinaka-importante sa lahat, huwag kang basta-basta magtitiwala sa ibang tao. Iba ang pag-iisip ng mga taga siyudad. Huwag kang basta-basta sasama sa hindi mo kilala.” "Opo, pangako po.." Sandaling natahimik si Lola Azon bago niya marahang hinaplos ang pisngi ko. "Kapag nahirapan ka, umuwi ka. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Itong pagpapagamot ko, kaya naman natin ‘tong gawa’n ng paraan. Hindi mo kailangang lumayo dito. Huwag ka na kayang magtrabaho doon? Dito ka na lang mag-apply sa lugar natin para araw-araw pa rin kitang makita at makasama.” Tuluyan nang bumigay ang mga luha ko. "Lola naman… hindi ko po kayo iiwan habang-buhay.” Ngumiti siya. "Alam ko." Mahigpit ko siyang niyakap. Ayokong bumitaw. Ayokong umalis. Pero kailangan. Para sa kaniya—para sa amin. Dahan-dahan akong bumitaw sa yakap niya bago pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. "Magpagaling po kayo habang wala ako, ha?" Tumango siya. “Palagi kang tatawag sa akin, ha? Huwag mong kakalimutan dahil gustong-gusto kong marinig ang boses mo.” “Wala pong problema, lola. Tatawag po ako palagi kay Tito Martin para makibalita. Mag-iingat po kayo palagi, ha?!” Tumango-tango na lamang si Lola Azon. Nang halikan ko siya sa noo ay nagpupunas na siya ng kaniyang luha. “Tito Martin, kayo na pong bahala kay Lola Azon, ha? Kapag may problema ay tumawag lang po kayo sa akin.” “Ako nang bahala kay mama. Umalis ka na!” “Apo—” Muli akong yumakap kay lola. Unti-unti ay niluwagan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Masakit para sa akin na nakikita siyang umiiyak dahil sa pag-alis ko pero kailangan kong gawin ito para mabuhay ng matagal si lola. Unti-unti kong binitiwan ang kamay ni Lola Azon kahit pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin na umalis. "Apo..." muli niyang tawag. Napalingon ako sa kaniya. "Huwag mong kakalimutan na ipagdasal ang sarili mo gabi-gabi, ha? At huwag na huwag mong kakalimutan na may inuuwian ka rito." Hindi ko na napigilan ang muling pagpatak ng mga luha ko. "Opo, lola,” sagot ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin kahit namumula na ang mga mata niya sa kakaiyak. "Maging mabuting tao ka palagi." Tumango ako. "Ikaw rin po. Magpapakabait po kayo sa mga nurse para mas mabilis kayong gumaling." Napatawa si Lola Azon habang pinupunasan ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "Ikaw talagang bata ka." Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumalikod. Dahil alam kong kapag nilingon ko pa siya ay baka mawalan ako ng lakas ng loob na umalis. Paglabas ko ng silid ay nadatnan ko si Tita Tess na naghihintay sa labas. "Tapos ka na?" Tumango ako. "Halika na. Mahuhuli tayo sa biyahe." Tahimik akong sumunod sa kaniya palabas ng ospital. Hindi ko namalayang napalingon pala ako sa bintana ng silid ni Lola Azon habang naglalakad kami papalayo. Pakiramdam ko ay may iniwan akong parte ng sarili ko sa ospital na iyon. Halos alas siyete na nang makarating kami sa bus terminal. Lumunok ako. Marami pang tao sa terminal. Marahil ay naghahabol din sila sa biyahe gaya namin. "Bilisan mo nga!" iritadong sambit ni Tita Tess. Agad akong napapitlag at mabilis na sumunod sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang makasakay sa bus. Napunta ako sa tabi ng bintana habang si Tita Tess naman ay naupo sa katabi kong upuan. Tahimik kong niyakap ang bag na dala ko. Maya-maya pa ay unti-unting umandar ang bus. Habang papalayo kami sa aming bayan ay unti-unti ring lumiliit sa paningin ko ang mga ilaw ng mga bahay, ang palengke, at ang mga lugar na kinalakihan ko. Hindi ko namalayang napaluha na naman pala ako. Tahimik kong pinunasan ang aking mga mata bago sumandal sa bintana. "Lola..." mahina kong bulong. "Pangako po, gagaling kayo. Magtatrabaho po akong mabuti para sa inyo.” Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na kaming nakarating sa Maynila. Agad akong napatingin sa matataas na gusali sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha. Napakaraming sasakyan. Napakaraming tao. Napakaingay. Parang ibang mundo. "Huwag kang tatanga-tanga rito," sambit ni Tita Tess habang naglalakad kami palabas ng terminal. “Hawakan mong maigi ‘yang bag mo.” Mabilis akong tumango. Mahigpit kong niyakap ang bag na dala ko habang pilit na sinasabayan ang mabilis niyang paglalakad. Ngunit sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may paparating na tao mula sa kabilang direksyon. Diretso akong nabangga sa matigas na dibdib nito. "A-aray!" Nabitawan ko ang dala kong bag. Kumalat sa sahig ang ilan kong gamit kabilang ang lumang larawan namin ni Lola Azon at ang rosaryong ibinigay niya sa akin. "S-sorry po!" agad kong sabi habang nagmamadaling pulutin ang mga iyon. Ngunit bago ko pa maabot ang larawan ay may nauna nang kamay na dumampot dito. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na long sleeves na nakatupi hanggang siko habang ang mamahaling relo sa kaniyang pulsuhan ay kumikislap sa ilalim ng ilaw ng terminal. Malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Walang emosyon. Tahimik niya akong tiningnan bago iniabot sa akin ang larawan. "Mag-ingat ka." Malalim at malamig ang boses niya. Agad kong tinanggap ang larawan. "S-salamat po." Hindi na siya sumagot. Tumalikod na siya at naglakad palayo. "Sir Sebastian!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa kaniya. Nakasuot ito ng itim na t-shirt habang habol-habol siya. "Nakahanda na po ang sasakyan." Tahimik lamang na tumango ang lalaking tinawag na Sebastian bago tuluyang sumakay sa naghihintay na itim na sasakyan. Samantalang ako naman ay naiwan na lamang na nakatitig sa papalayong kotse. Habang ang tingin ko ay nakatuon sa kotseng lulan ang lalaking bumangga sa akin, naramdaman ko ang bahagyang pagkurot ng tagiliran ko. “Aray ko po,” wika ko. Bigla kasi akong kinurot ni Tita Tess. “Hindi ba’t sabi ko sa’yo na huwag kang hihiwalay sa akin? Hindi ka pa nagtatagal dito, nagpapasaway ka na. Paano kung nawala ka? Hindi ka na naman nag-iisip eh.” Lumunok ako at bahagyang tumungo. “Sorry po!” “Tara na. Sasakay tayo ng jeep bago traysikel para makarating tayo sa villa ni Sir Sebastian.” Dinuro-duro ako ni Tita Tess bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Umayos ka! Hindi ka na bata para magpasaway.” “Opo!” Habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng jeep, muling sumagi sa isip ko ang pangalang binanggit ni Tita Tess. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay narinig ko na iyon na binanggit kanina—hindi ko lang maalala kung saan.Pasado alas sais na ng gabi nang magtungo kami ni Tita Tess sa ospital para magpaalam kay Lola Azon. Dumaan muna kami roon bago magtungo sa bus station papuntang Maynila.Tahimik lamang akong nakaupo sa traysikel habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat minutong lumilipas habang papalapit kami sa ospital. Parang may parte sa akin na gustong umatras. Parang may parte sa akin na gustong manatili na lamang sa tabi ni lola.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang traysikel sa tapat ng ospital. Tahimik akong bumaba."Huwag ka nang magtagal sa loob," paalala ni Tita Tess habang inaayos ang bag na dala niya. "May oras pa tayong hahabulin sa terminal."Tumango lamang ako bilang tugon bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital.Pag-akyat ko sa second floor ay tahimik ang pasilyo. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminga muna ako nang malalim bago marahang
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama ni Lola Azon. Madaling-araw nang maramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko."Ma'am, kukunan na po namin ng dugo ang pasyente."Agad akong napabangon. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Attending nurse iyon na tumitingin kay lola dalawang beses sa isang oras."Ah... opo,” wika ko sabay ayos ng upo. Tinapik ng nurse si Lola Azon saka nito sinimulan ang paghahanap ng ugat ni lola na siyang pagkukuhanan ng dugo. Habang ginagawa niya iyon ay napapapikit ang lola ko. Hindi ko naman maiwasang maawa. Hindi kaya ng puso kong makita ang pag-ngibit ni lola. Pakiramdam ko ay puso ko ang tinutundo ng injection kaya nagpaalam muna ako sa nurse na lalabas muna, gayundin kay lola.“Lola, lalabas po muna ako sandali, ha? Babalik din po ako agad.”Hindi sumagot si Lola Azon. Ngiti ang siyang naging tugon niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sandali. Pinisil ko iyon bago Paglabas ko, nadatnan kong nakaupo si Tita
Mula sa palengke ay umuwi muna ako sa amin. Pagkababa ko ng traysikel ay agad kong tinungo ang maliit naming bahay. Tahimik ang buong bakuran. Wala ang pamilyar na boses ni Lola Azon na palaging sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ako mula sa palengke. Wala ring amoy ng sinaing na kanin o ng pinatutuyong daing na madalas niyang inaasikaso sa likod-bahay. Huminto ako sa may pintuan. Noon ko lang napagtanto kung gaano pala kalungkot ang bahay kapag wala ang taong bumubuo rito. Dahan-dahan kong itinulak ang lumang pintong yari sa kahoy. Sumalubong sa akin ang maliit naming sala. Naroon pa rin ang lumang sofa na ilang beses nang tinahian ni lola, ang mesa na kami mismo ang gumawa mula sa pinagtagpi-tagping tabla, at ang lumang orasan na paminsan-minsan na lamang tumutunog. Napangiti ako nang bahagya. Kahit simple ang bahay namin ay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa akin dahil kasama ko si lola. Ang buong buhay ko ay umikot lamang kasama siya. Malalim akong nagbuntong
Halos isang oras pa ang lumipas bago tuluyang mailabas si Lola Azon mula sa emergency room.Tahimik kong sinundan ang stretcher na tinutulak ng dalawang nurse. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha ni lola. Nakakabit pa rin sa kaniya ang suwero at oxygen cannula habang paminsan-minsang tumutunog ang portable monitor na nakakabit sa gilid niya."Ma'am, dito po tayo,” sambit ng isa sa nurse na kasama namin ni lola.Huminto kami sa tapat ng isang pribadong silid.Maingat na inilipat ng mga nurse si lola mula sa stretcher papunta sa kama. Isa-isa ring inayos ang mga nakakabit na tubo sa kaniyang katawan. Sinuri ang suwero, kinuhanan siya ng blood pressure, at ikinabit ang monitor na susukat sa tibok ng kaniyang puso."Azon Mendoza?" tanong ng isang nurse habang sinusuri ang chart ni Lola Azon.Tumango ako."Okay po. Mamaya ay may ilang laboratory requests pa pong kukunin sa pasyente. Kailangan din po nating obserbahan ang blood pres
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumilip sa salamin sa itaas ng pinto habang umaasang bubukas iyon at may magsasabing ayos na si lola. Mahigpit kong pinaglaruan ang laylayan ng suot kong lumang palda. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng mga paa ko sa kakatayo at kakalakad. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagdasal simula nang isugod ko siya rito. "Sino po dito ang kasama ng pasyenteng si Azon Mendoza?" Mabilis akong napatayo mula sa bakal na upuan sa labas ng emergency room nang lumabas ang doktor. "Ako po, Doc. Apo po niya ako." "Pwede ba kitang makausap sandali?" Walang pagdadalawang isip akong tumango sa doktor pero kasabay no’n ay bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Mula nang isugod namin si lola kaninang umaga matapos siyang mawalan ng malay sa palengke ay hindi na ako mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko. Sinundan ko ang dokt







