Share

CHAPTER 7: Who's that Kid?

Author: Lilianna Jade
last update publish date: 2026-07-11 23:32:41

"Victoria! Victoria, bumangon ka nga diyan!"

Nagulat ako nang maramdaman ko ang sunod-sunod na pagyanig sa balikat ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

"T-Tita Tess..." usal ko habang inaantok pa.

"Ano'ng oras na, ha?" iritado nitong sambit habang nakapamewang sa gilid ng kama ko. "Alas sais na ng umaga! Akala mo ba ay nasa probinsya ka pa at puwede kang matulog kung hanggang kailan mo gusto?"

Mabilis akong napabangon at napatingin sa maliit na orasan sa tabi ng kama. Nanlaki ang mga mat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 7: Who's that Kid?

    "Victoria! Victoria, bumangon ka nga diyan!"Nagulat ako nang maramdaman ko ang sunod-sunod na pagyanig sa balikat ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko."T-Tita Tess..." usal ko habang inaantok pa."Ano'ng oras na, ha?" iritado nitong sambit habang nakapamewang sa gilid ng kama ko. "Alas sais na ng umaga! Akala mo ba ay nasa probinsya ka pa at puwede kang matulog kung hanggang kailan mo gusto?"Mabilis akong napabangon at napatingin sa maliit na orasan sa tabi ng kama. Nanlaki ang mga mata ko."A-ala sais na po?!" sambit ko habang humihikab pa."Ano sa tingin mo? Nagsisinungaling ako?""Hindi po sa gano’n! P-pasensya na po, tita..." nahihiya kong sabi habang nagmamadaling ayusin ang kumot na ginamit ko kagabi. "Hindi po kasi ako nakatulog kagabi."Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit naman?""Hindi ko po alam. N-namamahay po yata ako."Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang sarili kong sagot."Namamahay?" ulit niya na para bang hindi makapaniwala sa narinig.Tumango ako na

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 6: First Night

    Halos alas onse na ng gabi nang tuluyan kaming makarating sa tapat ng villa ng amo ni Tita Tess.Napahinto ako. Hindi ko alam kung bahay pa ba ang nasa harapan ko o resort na.Napakalaki ng bakal na gate. Sa likod nito ay makikita ang napakalawak na bakuran, matataas na puno, at isang fountain sa gitna ng driveway na kumikislap dahil sa ilaw."Tita..." hindi ko napigilang sambitin. "Bahay po talaga ito?"Sinamaan niya ako ng tingin."Huwag kang magpapahalata na probinsyana ka. Masyado kang ignorante.”Agad akong tumahimik.Pagkabukas ng gate ay mabilis akong sumunod kay Tita Tess habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag.Pagpasok pa lamang namin sa loob ay halos mawalan ako ng hininga. Napakataas ng kisame. May malaking chandelier sa gitna ng sala. May puting sofa. May malaking telebisyon na mas malaki pa yata sa bintana ng bahay namin ni Lola Azon. At iyong hagdan, pakiramdam ko ay kasya na roon ang kalahati ng bahay namin."Tita..." mahina kong tawag."Huwag kang maingay." Suway

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 5: First Encounter

    Pasado alas sais na ng gabi nang magtungo kami ni Tita Tess sa ospital para magpaalam kay Lola Azon. Dumaan muna kami roon bago magtungo sa bus station papuntang Maynila.Tahimik lamang akong nakaupo sa traysikel habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat minutong lumilipas habang papalapit kami sa ospital. Parang may parte sa akin na gustong umatras. Parang may parte sa akin na gustong manatili na lamang sa tabi ni lola.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang traysikel sa tapat ng ospital. Tahimik akong bumaba."Huwag ka nang magtagal sa loob," paalala ni Tita Tess habang inaayos ang bag na dala niya. "May oras pa tayong hahabulin sa terminal."Tumango lamang ako bilang tugon bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital.Pag-akyat ko sa second floor ay tahimik ang pasilyo. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminga muna ako nang malalim bago marahang

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 4: Goodbye, Home

    Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama ni Lola Azon. Madaling-araw nang maramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko."Ma'am, kukunan na po namin ng dugo ang pasyente."Agad akong napabangon. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Attending nurse iyon na tumitingin kay lola dalawang beses sa isang oras."Ah... opo,” wika ko sabay ayos ng upo. Tinapik ng nurse si Lola Azon saka nito sinimulan ang paghahanap ng ugat ni lola na siyang pagkukuhanan ng dugo. Habang ginagawa niya iyon ay napapapikit ang lola ko. Hindi ko naman maiwasang maawa. Hindi kaya ng puso kong makita ang pag-ngibit ni lola. Pakiramdam ko ay puso ko ang tinutundo ng injection kaya nagpaalam muna ako sa nurse na lalabas muna, gayundin kay lola.“Lola, lalabas po muna ako sandali, ha? Babalik din po ako agad.”Hindi sumagot si Lola Azon. Ngiti ang siyang naging tugon niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sandali. Pinisil ko iyon bago Paglabas ko, nadatnan kong nakaupo si Tita

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 3: Her Decision

    Mula sa palengke ay umuwi muna ako sa amin. Pagkababa ko ng traysikel ay agad kong tinungo ang maliit naming bahay. Tahimik ang buong bakuran. Wala ang pamilyar na boses ni Lola Azon na palaging sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ako mula sa palengke. Wala ring amoy ng sinaing na kanin o ng pinatutuyong daing na madalas niyang inaasikaso sa likod-bahay. Huminto ako sa may pintuan. Noon ko lang napagtanto kung gaano pala kalungkot ang bahay kapag wala ang taong bumubuo rito. Dahan-dahan kong itinulak ang lumang pintong yari sa kahoy. Sumalubong sa akin ang maliit naming sala. Naroon pa rin ang lumang sofa na ilang beses nang tinahian ni lola, ang mesa na kami mismo ang gumawa mula sa pinagtagpi-tagping tabla, at ang lumang orasan na paminsan-minsan na lamang tumutunog. Napangiti ako nang bahagya. Kahit simple ang bahay namin ay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa akin dahil kasama ko si lola. Ang buong buhay ko ay umikot lamang kasama siya. Malalim akong nagbuntong

  • The Ruthless Billionaire's Little Maid   CHAPTER 2: For Lola Azon

    Halos isang oras pa ang lumipas bago tuluyang mailabas si Lola Azon mula sa emergency room.Tahimik kong sinundan ang stretcher na tinutulak ng dalawang nurse. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha ni lola. Nakakabit pa rin sa kaniya ang suwero at oxygen cannula habang paminsan-minsang tumutunog ang portable monitor na nakakabit sa gilid niya."Ma'am, dito po tayo,” sambit ng isa sa nurse na kasama namin ni lola.Huminto kami sa tapat ng isang pribadong silid.Maingat na inilipat ng mga nurse si lola mula sa stretcher papunta sa kama. Isa-isa ring inayos ang mga nakakabit na tubo sa kaniyang katawan. Sinuri ang suwero, kinuhanan siya ng blood pressure, at ikinabit ang monitor na susukat sa tibok ng kaniyang puso."Azon Mendoza?" tanong ng isang nurse habang sinusuri ang chart ni Lola Azon.Tumango ako."Okay po. Mamaya ay may ilang laboratory requests pa pong kukunin sa pasyente. Kailangan din po nating obserbahan ang blood pres

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status