ログインHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama ni Lola Azon. Madaling-araw nang maramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko.
"Ma'am, kukunan na po namin ng dugo ang pasyente." Agad akong napabangon. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Attending nurse iyon na tumitingin kay lola dalawang beses sa isang oras. "Ah... opo,” wika ko sabay ayos ng upo. Tinapik ng nurse si Lola Azon saka nito sinimulan ang paghahanap ng ugat ni lola na siyang pagkukuhanan ng dugo. Habang ginagawa niya iyon ay napapapikit ang lola ko. Hindi ko naman maiwasang maawa. Hindi kaya ng puso kong makita ang pag-ngibit ni lola. Pakiramdam ko ay puso ko ang tinutundo ng injection kaya nagpaalam muna ako sa nurse na lalabas muna, gayundin kay lola. “Lola, lalabas po muna ako sandali, ha? Babalik din po ako agad.” Hindi sumagot si Lola Azon. Ngiti ang siyang naging tugon niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sandali. Pinisil ko iyon bago Paglabas ko, nadatnan kong nakaupo si Tita Tess sa isa sa mga bakal na upuan sa labas ng silid. Mukhang kanina pa siya naghihintay. "Umupo ka muna,” utos nito. Tahimik akong sumunod. “Mamayang gabi ang alis natin kaya mamayang tanghali ay umuwi ka muna para mag-impake.” “Paano po si lola? Sino pong magbabantay sa kaniya?” “Ibinilin ko na siya kay Martin. Siya muna ang magbabantay dahil uuwi rin ako mamaya. Kakausapin ko ang asawa ko para humalili sa tito mo. Mag-alternate sila sa pagbabantay.” “Paano po ang mga anak niyo, tita? Sino po ang magbabantay sa kanila? Bawal pa naman po ang bata sa ospital.” Hindi sumagot kaagad si Tita Tess. Matalim ang tingin niya akong nilingon bago taasan ng isang kilay. “Kinse anyos na ang panganay ko kaya kaya na no’n magbantay sa mga kapatid niya. Hindi naman ‘yon binaby na kagaya mo. Bugbog ‘yon sa disiplina kaya mabilis nag-mature ‘di katulad sa’yo.” Napalunok ako. “Hindi naman po ako binaby ni lola. Pinalaki niya lang po ako sa paraang alam niya.” “Nangangatuwiran ka pa! Tumayo ka nga diyan at ipagtimpla mo muna ako ng kape. Magkakape muna ako bago umuwi.” Agad nga akong tumayo. “Wait lang po. Kukuha lang po ako ng baso sa loob.” Hindi na umimik pa si Tita Azon. Pagpasok ko naman ay saktong tapos nang kuhanan ng dugo si lola. “Apo—” “Lola, wait lang po, ah?! Inuutusan pa po kasi ako ni Tita Tess na ipagtimpla siya ng kape.” “Aba, narito pa pala ang panganay ko. Akala ko ay umalis na siya.” Ngumiti ako. “Kagabi pa po siya dito. Kasama ko po siyang magbantay sa inyo.” “Si Tess talaga! Akala ko ay wala na siyang pakialam sa akin. May katiting na pagmamahal pa pala siyang natitira para sa akin!” Sandali kong ibinaba ang mug na hawak ko. Naupo ako sa kama sa tabi ni lola at hinawakan ang kamay niya. “Lola, kahit po masungit si Tita Tess ay mahal na mahal po kayo no’n. Hindi niya lang sinasabi dahil hindi naman siya ma-vocal na tao pero nag-aalala din po ‘yon sa inyo. Isipin niyo po… busy po siya sa trabaho niya sa Maynila pero noong nalaman niya na na-ospital ka po ay umuwi siya kaagad. Doon pa lang po, napatunayan na niyang mahal niya kayo.” “Tama ka, apo. Siguro dapat akong humingi ng paumanhin sa Tita Tess mo. Baka masama ang loob no’n sa akin. Tawagin mo nga at papasukin mo dito sandali.” Tumango ako ngunit nang patayo na ako ay kapwa kami napatingin ni Lola Azon sa pintuan. Bigla kasi iyong lumagabog. “Baka hinangin lang siguro…” wika ni lola. Muli kong naalala ang utos ni Tita Tess nang makita ko ang mug sa lamesa. “Teka lang po, lola… inuutusan nga po pala ako ni Tita Tess. Kukuha muna po ako ng mainit na tubig sa dispenser, ha?! Saglit lang po ako.” Paglabas ko ng kwarto ni lola ay wala na roon si Tita Tess pero pinagtimpla ko pa rin siya ng kape. Baka kasi may pinuntahan lang kaya umalis saglit pero kalahating oras na ang lumipas ngunit hindi pa siya bumabalik kaya ako na ang uminom ng tinimpla ko. Samantala, nang bandang tanghali ay umuwi muna ako upang mag-impake. Wala akong maayos na mga damit kaya iilan lang din ang naimpake ko. Iyon lang ang mayroon ako. Habang inilalagay ko ang mga iyon sa maliit kong bag ay napansin ko ang lumang litrato namin ni lola. Kinuha ko iyon. Napangiti ako. "Isasama kita—” sambit ko sa picture frame namin ni lola na animo’y nakakapagsalita iyon para kausapin ko. Maingat ko iyong isinilid sa pagitan ng mga damit. Matapos kong mag-impake ng gamit na dadalhin ko sa Maynila ay dumaan muna ako sa palengke. Pinapunta kasi ako ni Aling Cora doon para kunin ang mga handog na nais ibigay ng mga kapwa tindera at tindero kay lola. “Victoria, ineng… bakit wala kayong tinda ngayon? Ang dami pa namang naghahanap ng tinapa at daing. Iyong mga suki niyo ang naghahanap,” usal ng matandang lalaki na tao sa kalapit pwesto namin. “Wala po kaming naitabing paninda sa bahay. Ubos na po. Tsaka hindi rin po ako nakagawa dahil sinulit ko pong alagaan si lola bago ako naghanda sa pagluwas sa Maynila.” Narinig ni Aling Cora ang sinambit ko kaya agad siyang nagtanong. “Teka, ineng… ano’ng gagawin mo sa Maynila? Alam na ba ‘yan ng lola mo na iiwan mo siya? Tsaka akala ko hindi mo iiwan ang lola mo? Ngayon pang nasa ospital siya tsaka ka pa aalis!” “Si lola po ang dahilan kaya ako pupunta doon.” Lalong nagsalubong ang magkabilang kilay ni Aling Cora. “Nag-away kayo ng lola mo?” “Nako, hindi po! Magtatrabaho po ako doon para sa kaniya. Isasama po ako ni Tita Tess.” “Gano’n ba?! Mag-iingat ka doon, ha? Palagi mong tatawagan ang lola mo. Alam mo naman na hindi sanay ‘yon na hindi ka kasama. Mag-aalala ‘yon sa’yo.” “Opo—” Mas lumapit sa akin si Aling Cora. Inilapag niya sa harap ko ang isang basket na naglalaman ng iba’t ibang prutas. Inabutan rin niya akong muli ng puting sobre. “Tulong ‘yan ng mga kapwa natin tindero at tindera. Susubukan ko ring lumapit sa munisipyo. Ipapakuha ko kay Martin ang medical abstract ng lola mo. Ako na ang maglalakad para makahingi ng tulong sa munisipyo. Gaya noong ginawa ko noong naospital ang anak ko.” “Maraming-maraming salamat po, Aling Cora. Makakabawi rin po kami ni lola sa inyo.” “Huwag mo munang isipin ‘yon! Basta sabihin mo sa lola mo na magpagaling dahil marami ng naghihintay sa tinapa at daing niya. “Opo. Makakarating po!” ~~~ “Lola, may dala po ako para sa inyo!” masayang wika ko pagpasok sa kwarto ni lola. Nanlaki ang mga mata ni Tito Martin nang ilapag ko sa lamesa ang mga dala ko. “Bakit bumili ka pa niyan? Alam mo namang kailangang-kailangan natin ng pera.” Baritonong sambit ni Tito Martin. Nginitian ko siya bago ituon ang tingin kay Lola Azon. “Hindi ko naman po binili ‘yan, tito. Bigay po ‘yan ng mga kapwa tindera ni lola. Ito nga po oh! Nagbigay pa sila ng pandagdag sa pambayad sa bills dito sa ospital.” Hindi nakaimik si Tito Martin. Tuwang-tuwa naman si lola. “Sana ay makalabas na ako para makabalik na ako sa pagtitinda.” “Lola, huwag niyo muna pong isipin ang pagtitinda. Ang mahalaga po ngayon ay magpalakas kayo at magpagaling. Kami na po muna ang bahala sa inyo.” “Basta, apo, ha?! Huwag kang magpapakapagod doon. Magpahinga ka rin. Huwag mong aabusuhin ang sarili mo.” “Pangako po, lola! Hindi po ako magiging sakit sa ulo. Magpapakabait po ako doon. Huwag po kayong mag-alala sa akin.”Pasado alas sais na ng gabi nang magtungo kami ni Tita Tess sa ospital para magpaalam kay Lola Azon. Dumaan muna kami roon bago magtungo sa bus station papuntang Maynila.Tahimik lamang akong nakaupo sa traysikel habang mahigpit na yakap ang maliit kong bag.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay lalo lamang bumibigat ang bawat minutong lumilipas habang papalapit kami sa ospital. Parang may parte sa akin na gustong umatras. Parang may parte sa akin na gustong manatili na lamang sa tabi ni lola.Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang traysikel sa tapat ng ospital. Tahimik akong bumaba."Huwag ka nang magtagal sa loob," paalala ni Tita Tess habang inaayos ang bag na dala niya. "May oras pa tayong hahabulin sa terminal."Tumango lamang ako bilang tugon bago tuluyang pumasok sa loob ng ospital.Pag-akyat ko sa second floor ay tahimik ang pasilyo. Tanging tunog lamang ng aircon at mahinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminga muna ako nang malalim bago marahang
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa gilid ng kama ni Lola Azon. Madaling-araw nang maramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko."Ma'am, kukunan na po namin ng dugo ang pasyente."Agad akong napabangon. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Attending nurse iyon na tumitingin kay lola dalawang beses sa isang oras."Ah... opo,” wika ko sabay ayos ng upo. Tinapik ng nurse si Lola Azon saka nito sinimulan ang paghahanap ng ugat ni lola na siyang pagkukuhanan ng dugo. Habang ginagawa niya iyon ay napapapikit ang lola ko. Hindi ko naman maiwasang maawa. Hindi kaya ng puso kong makita ang pag-ngibit ni lola. Pakiramdam ko ay puso ko ang tinutundo ng injection kaya nagpaalam muna ako sa nurse na lalabas muna, gayundin kay lola.“Lola, lalabas po muna ako sandali, ha? Babalik din po ako agad.”Hindi sumagot si Lola Azon. Ngiti ang siyang naging tugon niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya sandali. Pinisil ko iyon bago Paglabas ko, nadatnan kong nakaupo si Tita
Mula sa palengke ay umuwi muna ako sa amin. Pagkababa ko ng traysikel ay agad kong tinungo ang maliit naming bahay. Tahimik ang buong bakuran. Wala ang pamilyar na boses ni Lola Azon na palaging sumasalubong sa akin tuwing umuuwi ako mula sa palengke. Wala ring amoy ng sinaing na kanin o ng pinatutuyong daing na madalas niyang inaasikaso sa likod-bahay. Huminto ako sa may pintuan. Noon ko lang napagtanto kung gaano pala kalungkot ang bahay kapag wala ang taong bumubuo rito. Dahan-dahan kong itinulak ang lumang pintong yari sa kahoy. Sumalubong sa akin ang maliit naming sala. Naroon pa rin ang lumang sofa na ilang beses nang tinahian ni lola, ang mesa na kami mismo ang gumawa mula sa pinagtagpi-tagping tabla, at ang lumang orasan na paminsan-minsan na lamang tumutunog. Napangiti ako nang bahagya. Kahit simple ang bahay namin ay hindi ko kailanman naramdaman na may kulang sa akin dahil kasama ko si lola. Ang buong buhay ko ay umikot lamang kasama siya. Malalim akong nagbuntong
Halos isang oras pa ang lumipas bago tuluyang mailabas si Lola Azon mula sa emergency room.Tahimik kong sinundan ang stretcher na tinutulak ng dalawang nurse. Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko inaalis ang tingin ko sa mukha ni lola. Nakakabit pa rin sa kaniya ang suwero at oxygen cannula habang paminsan-minsang tumutunog ang portable monitor na nakakabit sa gilid niya."Ma'am, dito po tayo,” sambit ng isa sa nurse na kasama namin ni lola.Huminto kami sa tapat ng isang pribadong silid.Maingat na inilipat ng mga nurse si lola mula sa stretcher papunta sa kama. Isa-isa ring inayos ang mga nakakabit na tubo sa kaniyang katawan. Sinuri ang suwero, kinuhanan siya ng blood pressure, at ikinabit ang monitor na susukat sa tibok ng kaniyang puso."Azon Mendoza?" tanong ng isang nurse habang sinusuri ang chart ni Lola Azon.Tumango ako."Okay po. Mamaya ay may ilang laboratory requests pa pong kukunin sa pasyente. Kailangan din po nating obserbahan ang blood pres
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumilip sa salamin sa itaas ng pinto habang umaasang bubukas iyon at may magsasabing ayos na si lola. Mahigpit kong pinaglaruan ang laylayan ng suot kong lumang palda. Hindi ko na halos maramdaman ang sakit ng mga paa ko sa kakatayo at kakalakad. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagdasal simula nang isugod ko siya rito. "Sino po dito ang kasama ng pasyenteng si Azon Mendoza?" Mabilis akong napatayo mula sa bakal na upuan sa labas ng emergency room nang lumabas ang doktor. "Ako po, Doc. Apo po niya ako." "Pwede ba kitang makausap sandali?" Walang pagdadalawang isip akong tumango sa doktor pero kasabay no’n ay bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Mula nang isugod namin si lola kaninang umaga matapos siyang mawalan ng malay sa palengke ay hindi na ako mapakali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko. Sinundan ko ang dokt







