Share

Chapter 7

Author: Quertoyou
last update publish date: 2026-07-01 23:45:31

Pabagsak na umupo ng sofa si Scarlet, suot-suot niya ang isang mamahaling silk nightgown na inihanda sa kaniya ng mga kasambahay ni Ethan. Nakita niya ito noon ng mapagawi siya sa elegant section ng Greenbelt 5 ng isang kilalang brand. Tinataniya niyang nasa kulang-kulang 500,000 ang isang set nito. 

"Sino ang tanga ang bibili ng ganitong kamahal na nightgown?" Singhal niya sa kawalan.

Dahil dito ay napagtanto ni Scarlet na may mga tao talagang waldas lang nang waldas ng pera...at isa na rito si Ethan Montenegro. Pero baka nga para sa lalaki ang 500,000 pesos ay barya lamang. 

Malamang sa malamang na kakaiba talaga ang pagiging mayaman ni Ethan---ang malambot at malaking kama na para kang nasa 5-star hotel suite. Dagdag mo pa ang napakagandang view ng garden nito sa Forbes, ibang level nga talaga ang binata. 

Nakaramdam naman ng pait at pagkahinayang si Scarlet dahil kung tutuusin ay kaya rin naman itong maabot ng kuya. Pinanganak silang hindi mayaman pero dahil sa pagsisikap ni Justine ay nakaya nitong ibigay ang marangyang pamumuhay sa kanyang kapatid. Hindi nga lang ito tumagal dahil na rin sa nangyaring insidente. 

Totoo nga ang kasabihan na hindi lahat ng magagandang bagay ay tumatagal...

Hindi ito maalis sa isipan ni Scarlet kung kaya't malalim siyang napabuntong-hininga bago tumayo sa kinauupuan niya.

Nasa ganoon siyang postura nang dumating ang dalawang kasambahay, at nang makitang gising na siya ay binuksan na ng mga ito ang ilaw. 

"Magandang araw po, ma'am."

Bago pa man makasagot si Scarlet ay tinulak na siya ng mga ito papunta sa isang walk-in closet na punong-puno ng mga magagandang designer clothes. Sigurado siya na daang libo rin ang presyo ng mga ito.

"Ito po ang mga inihanda ni Sir Ethan para suotin niyo sa pang-araw-araw," magalang na sambit ng isang kasambahay.

Hindi naman nakapagsalita si Scarlet at nanatiling nakatingin lang sa mga damit na nasa harapan niya. Hindi naman ito inalintala pa ng kasambahay at kinuha ang isang pink suit.

"Gusto niyo po bang suotin ito ngayong araw?" 

LImited edition ito ng business collection ng isang kilalang brand sa Pilipinas, at sigurado siyang hindi pa ito inilabas sa merkado.

"Hindi ko kailangan ang mga damit na 'yan," malamig na sambit ni Scarlet sabay hawi ng suit at naglakad palabas ng silid.

Iniisip siguro ni Ethan na kaya niya bilhin o kunin ang loob ni Scarlet gamit ang mga damit na ito ay nagkakamali siya. Dahil para kay Scarlet, hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaking naging dahilan nang pagkaratay ng kaniyang kuya sa ospital.

Kahit pa mayaman at maimpluwensiya si Ethan ay walang balak na manatili rito si Scarlet.

Bakas sa mukha ng mga kasambahay ang pagkabigla at panic. Hinabol nilang dalawa ang papalabas na si Scarlet.

"Miss Scarlet, hindi pa po kayo nagpapalit..."

Nasa labas naman ng room ni Scarlet si Ethan at mukhang kagigising lang din nito. Ang matangkad nitong pigura ay natatakpan ng maitim na robang suot niya. Kabaliktaran naman ng maitim na buhok niya ang maputi nitong balat.

Magandang lalaki talaga si Ethan pero para kay Scarlet ay walang-wala ang pisikal na kagandahan kung hindi naman makatauhan ang binata.

"What's going on here?" Malamig na sambit ni Ethan habang ang kaniyang mga mata ay napunta sa mapuputing binti ni Scarlet. 

"I already told you that you don't need to take care of me, Ethan. I want to leave now," matigas na ani naman ni Scarlet.

"Leave? In this house?" Sarkastikong tanong naman ng binata.

"Do you even have a place to stay? Or money to pay for your schooling?"

Napatameme naman doon si Scarlet. Totoo ngang wala siyang pera ngayon...pagkatapos kasi ng aksidente ng kaniyang kuya ay ni-seize ng banko ang assets ng binata. 

Plano rin kasi niyang doon muna makitira sa bahay ng kaniyang tito dahil na rin ang kuya niya ang bumubuhay sa mga ito pero nang makita niya ang totoong pagkatao ng pamilya ng tiyuhin niya ay parang asong umatras ang buntot niya. 

Ramdam niya kasing nagpaplano na ang Tita Dina niya para agawin kay Justine ang kompaniyang pinaghirapan nitong buohin. 

"Edi hindi ako mag-aaral." Nagmamatigas na sabi ni Scarlet.

Sa totoo lang ay mayroon pa siyang mga alahas galing sa kaniyang kuya at kung ibebenta niya ang iba sa mga ito ay marahil sapat na para makapagtapos siya. Ayaw niya lang talagang magpatalo kay Ethan at gusto niya itong kalabanin. 

Bahagyang napatawa naman si Ethan rito at nakakamatay na tumingin ulit sa dalaga. 

"Sasayangin mo lang ang sakripisyo at suporta ng kuya mo?" 

Nang maibanggit nang binata ang kuya ni Scarlet ay parang iiyak muli ang babae. Naramdaman niyang unti-onting sumasakit ang kanyang ilong, tanda ng nagbabadya nitong luha. 

"Anong karapatan mong banggitin ang kuya ko? If it wasn't because of you, my brother would still be here, standing beside me. Did you see his situation inside the ICU? Have you ever thought that these all happened because of you? Nasisira ang pamilya ko dahil sa'yo Ethan! Dahil sa'yo!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 23

    Mabilis na tinawagan ni Leo ang numero, at matapos marinig ang sinabi sa kabilang linya ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sinabi niya naman kaagad kay Ethan ang kaniyang nalaman."Sir Ethan, nasa presinto po si Miss Scarlet.""Nasa presinto?" Napakunot-noo si Ethan, at agad na lumamig ang kaniyang boses."Bakit hindi siya tumawag para ipaalam?"Sa isip ni Leo ay siyempre, galit na galit sa 'yo si Miss Scarlet at napakatigas ng ulo niyon, paano naman siya tatawag sa 'yo? Mas pipiliin pa nitong makulong kaysa humingi ng tulong sa kaniya!Bagaman alam na alam ni Leo ang totoong dahilan, nanatili pa rin siyang magalang at maingat sa pagsagot."Baka po natatakot siyang magalit kayo, Sir.""Go to the precint now," utos ni Ethan."Opo!" Paalis na sana si Leo.Ngunit hindi pa nakakaalis si Leo nang biglang tumayo si Ethan."Huwag na, ako na mismo ang pupunta."Laking gulat naman ni Leo sa narini

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 22

    Ipinikit ni Scarlet ang kaniyang mga mata. Sa huli ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at naglakad patungo sa kung nasaan si CynthiaSige. Gusto niyo akong pagka-isahan, 'di ba? Gusto niyo ring tuluyan na kaming magkasira, 'di ba?Ngayong gabi, ibibigay ko ang gusto ninyo! Kaya huwag nang umasa pang makakaalis dito si Cynthia nang walang nangyayari sa kaniya.Hindi ba't sinabi nitong malupit siya?Ipakikita niya rito kung gaano talaga siya kalupit!Humakbang si Scarlet at marahas na hinila si Cynthia mula sa mga bisig ni Primo."Umalis ka riyan."Namutla sa takot si Cynthia at nanginig ang buong katawan sa pinakitang karahasan ni Scarlet."Cous, pakiusap huwag mo akong saktan! Kuya Primo, please..."Sinubukang harangin ni Primo ang dalawa para pigilan si Scarlet sa ninanais nitong gawin.Ngunit huli na ang lahat dahil malakas na sinipa ni Scarlet si Cyn

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 21

    Tinulungang tumayo ni Primo si Cynthia mula sa sahig habang sinusuri kung may galos ito o wala."Cynthia, ayos ka lang ba?"Sumiksik si Cynthia sa mga bisig ni Primo habang umiiyak."Kuya Primo, sinasabi ng pinsan ko na ninakaw ko raw ang kuwintas niya, pero hindi ko naman 'yon ginawa. Ayaw niyang maniwala sa akin...sinira niya ang bag ko at itinulak niya ako sa sahig."Napakunot-noo si Primo habang nakatitig kay Scarlet, lalo na nang makita ang sira-sirang damit ni Cynthia."Scar, bakit hindi mo muna siya kinausap nang maayos? Bakit kailangan mong manakit?""Ninakaw niya ang kuwintas ko, ito mismo! Bakit ako magiging magalang sa isang magnanakaw?" depensa ni Scarlet habang itinataas ang kuwintas sa kaniyang kamay.Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Primo."Ang kuwintas na 'yan...binili ko 'yan para kay Cynthia."Natigilan si Scarlet sa narinig. Hindi rin nakatulong ang pagsingit ni Cynthia sa usapan nilang dalawa.

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 20

    Tulad ng inaasahan ay hindi binigo ni Scarlet si Ethan. Inirapan lang niya ang binata at patuloy na hinila ang kamay ni Cynthia."Sumama ka sa akin."Ang pagiging sunod-sunuran sa ngalan ng pag-ibig ay isang kahangalan.Isang malamig na panghahamak ang gumuhit sa mga mata ni Ethan habang naglalakad siya patungo sa ibang direksyon, tuluyang binabale-wala ang dalaga.Hindi naman nakalagpas kay Scarlet ang mapanghamak na tinging iyon sa kaniyang mga mata. Ngunit wala itong panahon para intindihin pa ang gustong ipahiwatig ng binata.Hinarap niya ang pinsan nang hindi pa rin umaalis sa p'westo niya."I came here to talk to you, Cyntia. Kung ayaw mo ng gulo, come with me.""Scar!" subok na pagpigil ni Primo na agad namang sinaway ni Cynthia."Ayos lang, Kuya Primo. Pinsan ko naman siya, kakausapin ko lang siya nang maayos. Nandiyan si Sir Ethan, pumunta ka muna doon at asikasuhin mo siya.""Pero..." Bahagyang nag-aalala si Primo at sumulyap kay Scarlet.Natatakot siyang baka saktan o i-bul

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 19

    May bakas ng labis na pagmamahal sa mga mata ni Primo. Samantala ay nakaramdam naman ng kaunting pait si Scarlet...mukhang opisyal na ngang nagsasama ang dalawa. Kung p'wede lang na ibahin ang tadhana..."Kuya Primo!"Sa mga sandaling iyon ay isang matamis na boses ang narinig nila mula sa likod at ito rin ang dahilan kung bakit tuluyang natigil ang pag-uusap nilang dalawa.Napalingon naman dito si Scarlet. At nakita niya ang naglalakad na si Cynthia patungo sa kanila habang suot ang isang pearl white na damit. Talagang pinaghandaan nito ang gabi dahil ang kaniyang mahabang buhok ay nakakulot at maayos na nakalaylay sa kaniyang balikat---nagbibigay ito ng elegante at sopistikadong dating sa dalaga. Napakaganda niya ngayong gabi.Nagliwanag ang mga mata ni Primo sa pagkamangha nang makita ang ayos ni Cynthia."Ang ganda ng napili mong damit para sa gabing ito. It looks good on you...and you also look nice," nakangiting puri ni Primo sa kararating lang na si Cynthia."Salamat!" Kiming n

  • The Ruthless Billionaire's Vow   Chapter 18

    Subalit sa kabila ng kaniyang pagtahimik ay may isang baritonong boses ang biglang narinig para ipagtanggol siya."Anong pinagkakalat niyong hindi na kami nag-uusap?"Ang boses na iyon ay napakalamig na tila ba'y isa itong patalim na handang sugatan ang sinumang magsasalita na labag sa kagustuhan nito.Mabilis na napalingon si Scarlet at agad na nakilala kung kanino iyon. Si Primo...bahagyang sumikip ang kaniyang dibdib, kaya naman iniwas niya ang kaniyang tingin.Nakatayo doon si Primo. Ang kaniyang maikli na kulay-abong buhok, kasabay ng kaniyang matatalas na anggulo sa mukha, ay malamig na nakatitig sa mga tsismosang babae. Matangkad din si Primo, nasa 6'2" din ang height nito. Hindi rin maipaliwanag na karisma ang tinataglay ng binata kahit pa ang suot lang nito ay ang pinakasimpleng puting shirt at itim na pantalon.Natigilan ang mga babae noong una. Napakaguwapo talaga ni Primo!Ngunit ang kasunod na reaksyon nila ay matinding napahiya. Namula ang kanilang mga mukha at isa-isang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status