LOGINIsang gabing pagtatagpo ng kanilang katawan ang tuluyang nagpabago sa buhay ni Scarlet, nang dahil sa epekto ng aphrodisiac drug ay isinuko niya ang kaniyang sarili kay Ethan Montenegro—ang makapangyarihang binata na iniligtas ng kaniyang kapatid at nangakong aalagaan siya. “Stop, don’t do this,” mahinang sambit ni Ethan. “Ang init…” namumulang sagot naman ni Scarlet. Sapilitang dinala sa marangyang mansiyon sa Forbes Park si Scarlet. Paano niya matatakasan ang kaniyang galit kung sa bawat gabi ay pilit siyang muling ibinabalik ng kaniyang katawan sa kalinga ng taong kaniyang isinusumpa?
View MoreMabilis na tinawagan ni Leo ang numero, at matapos marinig ang sinabi sa kabilang linya ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sinabi niya naman kaagad kay Ethan ang kaniyang nalaman."Sir Ethan, nasa presinto po si Miss Scarlet.""Nasa presinto?" Napakunot-noo si Ethan, at agad na lumamig ang kaniyang boses."Bakit hindi siya tumawag para ipaalam?"Sa isip ni Leo ay siyempre, galit na galit sa 'yo si Miss Scarlet at napakatigas ng ulo niyon, paano naman siya tatawag sa 'yo? Mas pipiliin pa nitong makulong kaysa humingi ng tulong sa kaniya!Bagaman alam na alam ni Leo ang totoong dahilan, nanatili pa rin siyang magalang at maingat sa pagsagot."Baka po natatakot siyang magalit kayo, Sir.""Go to the precint now," utos ni Ethan."Opo!" Paalis na sana si Leo.Ngunit hindi pa nakakaalis si Leo nang biglang tumayo si Ethan."Huwag na, ako na mismo ang pupunta."Laking gulat naman ni Leo sa narini
Ipinikit ni Scarlet ang kaniyang mga mata. Sa huli ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at naglakad patungo sa kung nasaan si CynthiaSige. Gusto niyo akong pagka-isahan, 'di ba? Gusto niyo ring tuluyan na kaming magkasira, 'di ba?Ngayong gabi, ibibigay ko ang gusto ninyo! Kaya huwag nang umasa pang makakaalis dito si Cynthia nang walang nangyayari sa kaniya.Hindi ba't sinabi nitong malupit siya?Ipakikita niya rito kung gaano talaga siya kalupit!Humakbang si Scarlet at marahas na hinila si Cynthia mula sa mga bisig ni Primo."Umalis ka riyan."Namutla sa takot si Cynthia at nanginig ang buong katawan sa pinakitang karahasan ni Scarlet."Cous, pakiusap huwag mo akong saktan! Kuya Primo, please..."Sinubukang harangin ni Primo ang dalawa para pigilan si Scarlet sa ninanais nitong gawin.Ngunit huli na ang lahat dahil malakas na sinipa ni Scarlet si Cyn
Tinulungang tumayo ni Primo si Cynthia mula sa sahig habang sinusuri kung may galos ito o wala."Cynthia, ayos ka lang ba?"Sumiksik si Cynthia sa mga bisig ni Primo habang umiiyak."Kuya Primo, sinasabi ng pinsan ko na ninakaw ko raw ang kuwintas niya, pero hindi ko naman 'yon ginawa. Ayaw niyang maniwala sa akin...sinira niya ang bag ko at itinulak niya ako sa sahig."Napakunot-noo si Primo habang nakatitig kay Scarlet, lalo na nang makita ang sira-sirang damit ni Cynthia."Scar, bakit hindi mo muna siya kinausap nang maayos? Bakit kailangan mong manakit?""Ninakaw niya ang kuwintas ko, ito mismo! Bakit ako magiging magalang sa isang magnanakaw?" depensa ni Scarlet habang itinataas ang kuwintas sa kaniyang kamay.Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Primo."Ang kuwintas na 'yan...binili ko 'yan para kay Cynthia."Natigilan si Scarlet sa narinig. Hindi rin nakatulong ang pagsingit ni Cynthia sa usapan nilang dalawa.
Tulad ng inaasahan ay hindi binigo ni Scarlet si Ethan. Inirapan lang niya ang binata at patuloy na hinila ang kamay ni Cynthia."Sumama ka sa akin."Ang pagiging sunod-sunuran sa ngalan ng pag-ibig ay isang kahangalan.Isang malamig na panghahamak ang gumuhit sa mga mata ni Ethan habang naglalakad siya patungo sa ibang direksyon, tuluyang binabale-wala ang dalaga.Hindi naman nakalagpas kay Scarlet ang mapanghamak na tinging iyon sa kaniyang mga mata. Ngunit wala itong panahon para intindihin pa ang gustong ipahiwatig ng binata.Hinarap niya ang pinsan nang hindi pa rin umaalis sa p'westo niya."I came here to talk to you, Cyntia. Kung ayaw mo ng gulo, come with me.""Scar!" subok na pagpigil ni Primo na agad namang sinaway ni Cynthia."Ayos lang, Kuya Primo. Pinsan ko naman siya, kakausapin ko lang siya nang maayos. Nandiyan si Sir Ethan, pumunta ka muna doon at asikasuhin mo siya.""Pero..." Bahagyang nag-aalala si Primo at sumulyap kay Scarlet.Natatakot siyang baka saktan o i-bul
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews