LOGINSa loob ng silid ay nakahintay na roon si Charles, nakadekuwatro and bored na nagbabasa ng hawak niyang magazine. Nasa ganoong estado siya nang pumasok nalang bigla ang mga tauhan ni Ethan, karga-karga ang kawawang si Scarlet.
Pilit pa rin itong nagpupumiglas at buong lakas na sinusubukang makawala sa mga mararahas na hawak sa kaniya ng mga bodyguards.
"Ethan Montenegro! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayokong tumira dito kasama ka! Kaya pakawalan mo na ako ngayon."
"Walanghiya ka! This is against the law, illegal imprisonment 'to! Tatawag talaga ako ng pulis kapag nakawala ako rito!"
"Pervert! Bastos! Halimaw na sa kaanyuang tao! Walang puso..."
Natawa naman si Charles nang marinig ito. Nahagip din ng kaniyang mata ang papasok na sa Ethan kasama ang assistant nitong si Leo.
Napatigil naman sa pagtawa ang lalaki at agad na nagsalita.
"Ethan, anong nangyayari? Why do you have such a fiery lady right here? Minumura ka pa. Ano ba kasing ginawa mo ha? Did you force yourself on her? And she refused? Kaya mo siya dinala rito? Ano pang kalaswaan ang ginawa mo?" Kuryos na tanong ni Charles. Nagulat kasi ito na bigla nalang marinig ang matitinis na boses ng babae. Ito rin ang unang beses na marinig niyang minumura si Ethan.
Wala pa ring emosyon ang mukha ni Ethan...nanatili itong malamig at nakatingin lang ng diretso.
"Hindi po!" Sagot naman ni Leo. Hindi niya kasi maatim na ginaganiyan lamang ang boss niya.
"Kapatid ba 'to ni Justine?" Magkakilala sina Justine at Charles. Kung tutuusin ay parang kapatid na ang turing nila kay Justine kaysa sa pagiging isang ordinaryong kaibigan lamang. Bagamat pambihira ang galing nito sa larangan ng medisina ay hindi pa rin ito makakasabay sa mga lumaki sa marangyang buhay katulad nila.
"Opo," nakatangong sagot ni Leo.
"I never imagined that someone as gentle as Justine would have such a sister who has a fiery temper."
"Sino nga bang mag-aakala?"
"Genetic mutation," natatawang hinawakan ni Charles ang kaniyang babae.
"Kaya naman pala ganiyan ang mukha mo, Ethan, dahil din pala sa maliit na pusang 'yan?" Natatawang dagdag pa nito.
Halos malagutan na ng hininga si Charles sa sobrang pagkatawa.
Si Ethan Montenegro ay isang kagalang-galang at kinatatakutan simula't-sapol ng pinanganak ito. Wala pang sinuman ang nakagawa sa kaniya ng ganito katinding kahihiyan. At hindi mapigilin ni Charles ang kaniyang sarili na humalakhak dahil ngayon lamang niya nasaksihan ang ganitong pangyayari. Unti-unti naman itong humupa nang magtama ang mga mata nila ni Ethan.
"Are you happy?" Malamig at nagbabantang tanong ni Ethan.
"I heard you're injured. Let's fix it," nagpipigil na ngising sagot naman ni Charles. Isa rin kasi itong doktor.
"Let's go to my study room. I have something to tell you."
Pumanhik naman ang dalawa patungo sa study hall ni Ethan. Pagkarating doon ay agaran niyang hinubad ang suot nitong black na shirt at lumantad ang dumudugo nitong sugat.
"Bumukas ulit ang tahi mo," sambit ni Charles nang tignan ang sugat ni Ethan.
Naglakad naman ito patungo sa kung saan si Ethan, dala-dala ang gamot at gauze pad para sa sugat ng binata.
"Did you find something unusual in Justine's office?" Tanong ni Ethan.
"Gaya nga ng sabi mo, I ordered someone to break into his office. And guess what? Ang safe sa opisina ni Justine ay nakabukas na...p'wersahang binuksan."
Nang magising si Ethan kagabi ay kaagad siyang nagbigay ng utos sa mga tao niya para imbestigahan ang kompaniya ng kaibigan niyang si Justine. Ngunit sa kasamaang-palad ay huli na sila, wala na ang mga importanteng dokumento sa loob ng safe ni Justine.
Ang insidenting ito ay tiyak na may malalim na koneksiyon sa taong nagplano sa nangyari sa kanilang magkaibigan.
-------
Puwersahang ipinasok si Scarlet sa isang malaking bathtub, umuusok pa ito galing sa mainit na tubig na kasalukuyang binubuhos ng dalawang matandang katulong.
"Kagagaling niyo lang po sa ulan, ma'am. Kailangan niyong magbabad sa mainit na tubig para hindi kayo sipunin. Pagkatpos nito ay uminom po kayo ng tea para umayos ang inyong pakiramdam bago maghapunan..." sambit ng isang katulong habang patuloy na marahang pinupunasan ang mapuputing balat ni Scarlet.
Gusto pa sanang umalma ni Scarlet subalit nanglalambot at nanghihina na ang kaniyang katawan, dala na rin siguro ng pagod at naulanan siya.
Isang linggo na rin kasing kritikal ang lagay ng kaniyang kuya kaya palagi siyang puyat sa kababantay sa ospital. Idagdag pa ang matinding pag-away nila ni Ethan ng araw na 'yon kaya nang lumapat ang kaniyang likod sa malambot na kama ay hindi na siya nagpumiglas pa at unti-unti na siyang kinain ng kadiliman.
Nang magising si Scarlet kinaumagahan ay unang bumungad sa kaniya ang tartlong naglalakihang floor-to-ceiling windows, sa labas nito ay makikita ang malawak, luntian, at marangyang hardin sa mansiyon ng mga Montenegro.
Napakaganda.
Sari-saring emosyon ang naramdaman ni Scarlet nang mga oras na 'yon, ngunit nang maalala niyang pamamahay ito ni Ethan Montenegro ay agad na sumimangot ang kaniyang mukha at pabagsak na umupo sa sofa.
Mabilis na tinawagan ni Leo ang numero, at matapos marinig ang sinabi sa kabilang linya ay nagbago ang kaniyang ekspresyon. Sinabi niya naman kaagad kay Ethan ang kaniyang nalaman."Sir Ethan, nasa presinto po si Miss Scarlet.""Nasa presinto?" Napakunot-noo si Ethan, at agad na lumamig ang kaniyang boses."Bakit hindi siya tumawag para ipaalam?"Sa isip ni Leo ay siyempre, galit na galit sa 'yo si Miss Scarlet at napakatigas ng ulo niyon, paano naman siya tatawag sa 'yo? Mas pipiliin pa nitong makulong kaysa humingi ng tulong sa kaniya!Bagaman alam na alam ni Leo ang totoong dahilan, nanatili pa rin siyang magalang at maingat sa pagsagot."Baka po natatakot siyang magalit kayo, Sir.""Go to the precint now," utos ni Ethan."Opo!" Paalis na sana si Leo.Ngunit hindi pa nakakaalis si Leo nang biglang tumayo si Ethan."Huwag na, ako na mismo ang pupunta."Laking gulat naman ni Leo sa narini
Ipinikit ni Scarlet ang kaniyang mga mata. Sa huli ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at naglakad patungo sa kung nasaan si CynthiaSige. Gusto niyo akong pagka-isahan, 'di ba? Gusto niyo ring tuluyan na kaming magkasira, 'di ba?Ngayong gabi, ibibigay ko ang gusto ninyo! Kaya huwag nang umasa pang makakaalis dito si Cynthia nang walang nangyayari sa kaniya.Hindi ba't sinabi nitong malupit siya?Ipakikita niya rito kung gaano talaga siya kalupit!Humakbang si Scarlet at marahas na hinila si Cynthia mula sa mga bisig ni Primo."Umalis ka riyan."Namutla sa takot si Cynthia at nanginig ang buong katawan sa pinakitang karahasan ni Scarlet."Cous, pakiusap huwag mo akong saktan! Kuya Primo, please..."Sinubukang harangin ni Primo ang dalawa para pigilan si Scarlet sa ninanais nitong gawin.Ngunit huli na ang lahat dahil malakas na sinipa ni Scarlet si Cyn
Tinulungang tumayo ni Primo si Cynthia mula sa sahig habang sinusuri kung may galos ito o wala."Cynthia, ayos ka lang ba?"Sumiksik si Cynthia sa mga bisig ni Primo habang umiiyak."Kuya Primo, sinasabi ng pinsan ko na ninakaw ko raw ang kuwintas niya, pero hindi ko naman 'yon ginawa. Ayaw niyang maniwala sa akin...sinira niya ang bag ko at itinulak niya ako sa sahig."Napakunot-noo si Primo habang nakatitig kay Scarlet, lalo na nang makita ang sira-sirang damit ni Cynthia."Scar, bakit hindi mo muna siya kinausap nang maayos? Bakit kailangan mong manakit?""Ninakaw niya ang kuwintas ko, ito mismo! Bakit ako magiging magalang sa isang magnanakaw?" depensa ni Scarlet habang itinataas ang kuwintas sa kaniyang kamay.Mas lalo pang nagdilim ang mukha ni Primo."Ang kuwintas na 'yan...binili ko 'yan para kay Cynthia."Natigilan si Scarlet sa narinig. Hindi rin nakatulong ang pagsingit ni Cynthia sa usapan nilang dalawa.
Tulad ng inaasahan ay hindi binigo ni Scarlet si Ethan. Inirapan lang niya ang binata at patuloy na hinila ang kamay ni Cynthia."Sumama ka sa akin."Ang pagiging sunod-sunuran sa ngalan ng pag-ibig ay isang kahangalan.Isang malamig na panghahamak ang gumuhit sa mga mata ni Ethan habang naglalakad siya patungo sa ibang direksyon, tuluyang binabale-wala ang dalaga.Hindi naman nakalagpas kay Scarlet ang mapanghamak na tinging iyon sa kaniyang mga mata. Ngunit wala itong panahon para intindihin pa ang gustong ipahiwatig ng binata.Hinarap niya ang pinsan nang hindi pa rin umaalis sa p'westo niya."I came here to talk to you, Cyntia. Kung ayaw mo ng gulo, come with me.""Scar!" subok na pagpigil ni Primo na agad namang sinaway ni Cynthia."Ayos lang, Kuya Primo. Pinsan ko naman siya, kakausapin ko lang siya nang maayos. Nandiyan si Sir Ethan, pumunta ka muna doon at asikasuhin mo siya.""Pero..." Bahagyang nag-aalala si Primo at sumulyap kay Scarlet.Natatakot siyang baka saktan o i-bul
May bakas ng labis na pagmamahal sa mga mata ni Primo. Samantala ay nakaramdam naman ng kaunting pait si Scarlet...mukhang opisyal na ngang nagsasama ang dalawa. Kung p'wede lang na ibahin ang tadhana..."Kuya Primo!"Sa mga sandaling iyon ay isang matamis na boses ang narinig nila mula sa likod at ito rin ang dahilan kung bakit tuluyang natigil ang pag-uusap nilang dalawa.Napalingon naman dito si Scarlet. At nakita niya ang naglalakad na si Cynthia patungo sa kanila habang suot ang isang pearl white na damit. Talagang pinaghandaan nito ang gabi dahil ang kaniyang mahabang buhok ay nakakulot at maayos na nakalaylay sa kaniyang balikat---nagbibigay ito ng elegante at sopistikadong dating sa dalaga. Napakaganda niya ngayong gabi.Nagliwanag ang mga mata ni Primo sa pagkamangha nang makita ang ayos ni Cynthia."Ang ganda ng napili mong damit para sa gabing ito. It looks good on you...and you also look nice," nakangiting puri ni Primo sa kararating lang na si Cynthia."Salamat!" Kiming n
Subalit sa kabila ng kaniyang pagtahimik ay may isang baritonong boses ang biglang narinig para ipagtanggol siya."Anong pinagkakalat niyong hindi na kami nag-uusap?"Ang boses na iyon ay napakalamig na tila ba'y isa itong patalim na handang sugatan ang sinumang magsasalita na labag sa kagustuhan nito.Mabilis na napalingon si Scarlet at agad na nakilala kung kanino iyon. Si Primo...bahagyang sumikip ang kaniyang dibdib, kaya naman iniwas niya ang kaniyang tingin.Nakatayo doon si Primo. Ang kaniyang maikli na kulay-abong buhok, kasabay ng kaniyang matatalas na anggulo sa mukha, ay malamig na nakatitig sa mga tsismosang babae. Matangkad din si Primo, nasa 6'2" din ang height nito. Hindi rin maipaliwanag na karisma ang tinataglay ng binata kahit pa ang suot lang nito ay ang pinakasimpleng puting shirt at itim na pantalon.Natigilan ang mga babae noong una. Napakaguwapo talaga ni Primo!Ngunit ang kasunod na reaksyon nila ay matinding napahiya. Namula ang kanilang mga mukha at isa-isang







