Mag-log inMabilis kong hinila ang makapal na kumot at ipinangtakip ko sa aking katawan. Ang puso ko ay tila sasabog sa sobrang bilis ng tibok nito habang nanginginig na ang buong sistema ko. Tumingin ako kay Sir Raf na dahan-dahan ding nagmulat ng mga mata dahil sa malakas kong pagtili.
Pero imbis na mataranta siya katulad ng reaksyon ko, prente lang siyang bumangon. Ni hindi inalintana ang katotohanang wala rin siyang saplot sa katawan. Pasimple lang niyang dinampot ang isang bathrobe sa gilid ng kama at isinuot iyon bago hinarap ang natatakot kong mga mata.
"S-Sir... Ano'ng... Bakit niyo nagawa 'to sa akin?!" sumisikip ang dibdib kong tanong, ang luha ko ay nag-uunahan na sa pagpatak. "Bakit niyo ako ginalaw?! Ano'ng ginawa niyo sa akin?!"
Ang huling naaalala ko ay ang sakit ng pagtataksil ni Stefano, ang pagkalunod ko sa alak sa bar, at ang boses ng isang lalaki. Hindi ko naman sukat akalain na siya nga 'yung lalaki kagabi!
"Calm down, Pao. Let's talk like civilized adults," pautos ngunit malamig niyang sagot. Umupo siya sa isang single sofa sa tapat ng kama at pinagdaop ang mga palad niya.
"Civilized?!" Histerikal ko, mahina nang napahikbi. "Pinagsāmantalahan niyo po ako, Sir! Lasing ako! Wala ako sa sarili ko! Kaya paano niyo nagawa 'to sa akin?!"
Tinitigan niya ako ng diretso sa mata. Ang mga matang dati ay tila magiliw kapag ngumingiti sa akin sa opisina ay biglang naging yelo sa sobrang lamig. Walang bakas ng pagsisisi o konsensya sa mukha niya.
"Pinagsāmantalahan? No, Pao. You were begging me to take away your pain last night. But let's not waste time arguing about what happened naturally," aniya sa isang baritonong boses na nagpatayo ng mga balahibo ko. "Let's talk about why you’re here. Dahil hindi ito isang aksidente."
Natigilan ako. "A-Ano'ng ibig ninyong sabihin?"
"Usap-usapan sa kumpanya na gusto kita, hindi ba? To tell you the truth... hindi kita gusto, Pao. I don't have any romantic feelings for you."
Alam ko naman ang tungkol doon!
"Kung ganoon... bakit niyo po ako… ginalaw?!" nanginginig kong sigaw.
Huminga siya nang malalim bago sumandal sa sofa. "Dahil ikaw ang napili ko. Matagal na kitang pinagmamasdan, Pao. Humahanap lang talaga ako ng tiyempo para kausapin ka tungkol dito, but last night, you gave me the perfect opportunity. You seduced me... and even kissed me.”
Seduced him?! And kisses him?!
Naguguluhan ako.
“Sir, kung ginawa ko nga po ‘yan, alam niyo pong lasing ako kaya sana, hindi niyo na ako hinayaan!”
“But I wanted that opportunity so I took it," simple niyang sagot. "Ang fiancée kong si Cassandra, she's infertile. Baog siya. Wala siyang kakayahan na magkaanak. Pero obligasyon ko sa pamilya ko na magkaroon ng tagapagmana para hindi mapunta sa mga pinsan ko ang pamamahala ng Ashford Group."
Nanlaki ang mga mata ko. Ang fiancée niya ay baog? Pero ano'ng kinalaman ko roon?
"Kailangan ko ng isang babaeng magdadala ng anak ko. Ng anak namin,” pagpapatuloy niya. “At ikaw ang napili ko, Pao. Malinis ang background mo, galing ka sa disenteng pamilya sa probinsya, physically healthy ka, at higit sa lahat... madali kang pasunurin. Madali kang mauto," dire-diretsong wika niya na tila ba ang pagkatao ko ay isang produkto lang na sinuri niya sa merkado.
"S-Surrogate...?" nanginginig kong usal. "Ang ibig ninyong sabihin... ang cell niyo..."
"Yes, you're right. My genetic material. Ang plano ko talaga ay ialok sa 'yo ito sa legal na paraan. Artificial insemination kumbaga. Pero kagabi, habang hinahalikan mo ‘ko sa sofa, napagtanto ko na mas mabilis kung gagawin natin sa natural na paraan. So, I took my chance. And we did it."
Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko sa mga narinig ko. Ang lalaking buong akala ko ay ubod ng bait, ang CEO na akala ko ay may busilak na puso kaya ako tinutulungan at binibigyan ng malaking sahod, ay may ganito palang karumaldumal at kalkuladong plano sa akin.
Ginamit niya ang kahinaan ko kagabi, ang pagkakataong durog na durog ang puso ko dahil kay Stefano, para lang makuha ang gusto niya.
"Hayop..." mahina ngunit madiin at nanggagalaiti kong asik habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. "Hayop kayo, Sir Raf! Akala ko... akala ko ay totoong mabait kayo sa akin! May ganito ka palang pinaplano sa akin! Ginamit niyo ako!”
"Don't raise your voice at me, Pao. You don't want to see me angry,” kalmado pero nagpatindig ng mga balahibo kong banta niya.
Tumayo siya sa kinauupuang sofa, lumapit sa gilid ng kama, at may kinuhang envelope mula sa kaniyang mamahaling bag. Isang makapal na brown envelope. Nilapag niya iyon sa bedside table kaya napatingin ako doon.
"Limang milyong piso ‘yan. Cash," saad niya habang nakaturo sa envelope. "Iyan ang paunang bayad ko sa 'yo. At dahil nasarapan ako sa'yo kagabi, may tseke din d'yan. Kapag nanganak ka at ibinigay mo sa amin ni Cassandra ang sanggol, makakatanggap ka pa ng karagdagang sampung milyong piso. Makakabili ka na ng sarili mong bahay, at hindi mo na kailangang magtiis sa palamunin mong boyfriend."
Marahas akong napasinghap. Hindi ako makapaniwala na ganito pala siya! Ang sama niya! Sobrang sama niya!
"Hindi ko kailangan ng pera niyo!" diring-diri kong asik. "Hindi ko ipagpapalit ang dangal ko sa pera niyo! Hinding-hindi ako papayag sa maruming plano niyo!"
"Papayag ka rin, Pao,” aniya na may ngisi na sa labi, tumayo siya sa mismong harap ko. “Wala kang pagpipilian. At sa tingin ko, hindi mo na kailangang mag-isip pa dahil siguradong-sigurado ako... nabuntis na kita kagabi."
Napatigil ako sa pag-iyak sabay napatingin sa kaniya nang may takot. "A-Ano...?"
"I know my body. And it was your fertile window, ayon sa records na nakuha ko mula sa medical check-up mo sa kumpanya noong nakaraang buwan. Sapat na ang nangyari sa'tin kagabi para mabuntis kita. You’re carrying my child right now, or at least, you will be in a few days," tiwalang-tiwala niyang saad. "Wala rin naman nawala sa'yo dahil hindi ka na v*rgin. Kaya tanggapin mo na ang perang ‘yan. Mag-impake ka na at lumipat sa condo unit na inihanda ko para sa 'yo habang hinihintay natin ang kumpirmasyon ng pagbubuntis mo."
"Nababaliw na kayo, Sir... Demonyo ka… wala kang puso!" umiiyak kong sabi habang yakap-yakap pa rin ang kumot.
"I'll leave you for a few hours para makapag-isip at makapag-ayos ka ng sarili mo. Huwag kang gagawa ng eksena dito sa hotel kung ayaw mong mawalan ng trabaho lahat ng mga kakilala mo," huling bilin niya bago malamig na tumalikod at lumabas ng marangyang hotel room.
Nang marinig ko ang pag-click ng pinto, doon na ako tuluyang humagulgol ng iyak. Napasabunot ako sa sarili kong buhok at sigaw lang ako nang sigaw.
Bakit ba nangyari sa akin ito? Kahapon lang ay nadatnan kong nakikipagtālik sa iba si Stefano, tapos ngayon ay magigising ako sa tabi ng boss ko? 'Yung boss ko na akala ko ay mabait, mas masahol pa pala kay Satanas!
Tumingin ako sa brown envelope na nasa bedside table at inis itong dinampot. Ang laki ng laman nitong pera. Siguro naman ay sapat na ito ay para hindi na ako bumalik sa trabaho.
"Hindi... hindi ako papayag..." bulong ko sa sarili ko habang mahigpit ang pagkakahawak sa envelope. “Kung mabuntis nga niya ako, hinding hindi ako papayag na magtagumpay siya sa kaniyang plano!”
Aalis ako sa lugar na ito. Tutal, kagabi na nagtapos ang relasyon namin ni Stefano, wala na akong rason para manatili pa rito!
Mabilis kong pinagdadampot ang mga damit kong nakakalat sa sahig, pagkatapos ay sinuot ang mga iyon. Bitbit ang malaking pera, umuwi ako sa bahay para mag-impake. Laking pasalamat ko na wala ang walanghiya kong ex-boyfriend—marahil ay lumabas para mangutang na naman sa tindahan.
Sa mabilis na kilos ay isinilid ko sa isang malaking maleta ang lahat ng mahahalagang gamit ko, ang mga dokumento ko, at ang mga damit ko. Iniwan ko ang susi ng bahay sa ibabaw ng lamesa kasama ang singsing na ibinigay sa akin ni Stefano noong anibersaryo namin nakaraang taon. Tapos na kami. Tapos na ang buhay ko rito.
Nang buo na ang desisyon ko, nagtungo ako sa pinakamalapit na bus terminal papunta sa lugar kung saan alam kong hindi ako matutunton ng kahit sino, kahit si Sir na malawak ang koneksyon.
Kung talagang may mabubuo ang nangyari sa amin kagabi, bubuhayin ko ito mag-isa. At kahit mamuti na ang buhok ko, sisiguraduhin kong hinding hindi niya kami mahahanap!
PAOLA'S POVIlang buwan ang mabilis na lumipas matapos ang huling court hearing.Pagkatapos ng nakaka-stress na pangyayari, sa wakas at nalagpasan na rin namin lahat ng iyon. Mabilis na naipanalo ni Raf at Sandoval ang kaso. At syempre sa tulong din ni Atty. Mercer. Bagaman mahaba at nakakapagod ang naging laban sa korte, matagumpay nilang napabagsak lahat ng gawa-gawang ebidensya ng mga Valderama, specifically Andrew Valderama and his associates. They were all sentenced to life imprisonment for corporate fraud, arson, and attempted murder. Yes, may attempted murder dahil minsan na rin pala niyang binalak na ipapatay si Raf at Kyle. Ganoon pala siya kasamang tao. Bawi ang lahat ng ari-arian na ninakaw nila sa Ashford Group, at sa iba pang nabiktima nila. Though, may mga nawala din sa Ashford pero napatunayan na malinis din sila. At si Raf ay tuluyang nalinis ang pangalan niya.Bukod doon, ang pinakamagandang regalo na natanggap naming mag-asawa ay ang mga sumunod na kaganapan sa pami
PAOLA'S POVTinitigan ko ang basang mga mata ni Raf. Tila nanliit ang buo kong pagkatao sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala ang isang tulad niya ay iniiyakan na ako ngayon. Inipon ko ang natitira kong lakas at dahan-dahang itinaas ang isa kong kamay para haplusin ang kaniyang pisngi. Tila ikinagulat niya iyon dahil namilog ang mga mata niya sabay sandaling natigil ang pag-iyak niya."G-Galit ako sa'yo, Raf…" mahina kong panimula, muling pumatak ang mga luha ko. Hinawakan din niya ako sa pisngi at pinahid ang luha kong iyon. "Dapat galit na galit ako sa'yo dahil sa mga nalaman ko… katrayduran ginawa mo, e… p-pinagmukha mo ‘kong tānga…" Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya habang pinapahid din ang tahimik niyang luha na lumalandas sa kaniyang pisngi. "Pero ngayon na nakikita kong… umiiyak ka… nawala lahat ng naipon kong galit sana sa'yo… ganoon na kalalim ang nararamdaman kong pagmamahal sa'yo ngayon…" dugtong ko at napahikbi na ulit ako. “Sana… ‘wag mo na ‘yun uulitin. Sana…
PAOLA'S POVNaninikip ang dibdib ko habang inaalala ko lahat ng mga narinig ko sa korte. Ang paghinga ko ay wala na sa normal ang bilis, dahilan para bumilis din ang ritmo ng beeping sound sa monitor sa tabi ko."Wifey, please... calm down," pakiusap ni Raf. Bakas ang matinding kaba at takot sa kaniyang mukha habang sinusubukang abutin muli ang nangangatog ko ng kamay. "Think about the baby in your womb. Dr. Alcantara strictly said you can't be under extreme stress—""Wala kang pakealam!" singhal ko sa kaniya habang nakaturo ang nangangatog kong daliri sa kaniyang mukha. "Wala kang karapatang sabihin sa akin kung ano ang dapat kong isipin o maramdaman!"Natigilan siya. Napaatras siya nang kaunti pero nananatili siya sa tabi ko. Napahikbi na ako sabay marahas na napapikit."Anim na taon, Raf..." panimula ko sa nanginginig kong boses habang tuloy-tuloy sa pagpatak ang luha ko sa aking pisngi. "Anim na taon kong pinaniwalaan ang sarili ko na kailangan kong taguan ka kasi… kasalanan kong
THIRD PERSON'S POV"Paola!"Ang sigaw na 'yon ni Kyle ang huling boses na narinig ni Paola bago siya tuluyang mawalan ng malay."Nawalan ng malay si Mrs. Ashford! Tumawag kayo ng ambulansya!""Kunan niyo ng litrato! Bilis!"Nagkagulo ang buong hallway sa labas ng korte. Sa gitna ng sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at tulakan ng mga reporters, mabilis na nakipagsiksikan si Kyle sa kanila, pero hirap na hirap siyang abutin ang pwesto ni Paola. Tulak doon, tulak sa kung sino mang nakaharang sa daraanan niya. At makalipas ang ilang sandali, narating na rin niya ang walang malay at nakahandusay sa sahig na si Paola. Bahagya pa siyang natigilan sa tindi ng pagkakagulat Niya. "Paola! Hey, wake up!" natatarantang gising ni Kyle sa kaniya habang sinusubukang itulak ang mga mikroponong pilit isiniksiksik sa gawi nila. "Back off! Step back, damn it!"Sa loob naman ng silid-hukuman, umabot doon ang natatarantang sigawan sa labas. At nang marinig ni Raf ang pagbanggit sa pangalan ng kaniy
Raf's POVInakay ko siya at maayos na pinahiga bago namin ipagpatuloy ang paghahalikan. Ang kamay kong nasa magkabilang gilid na niya ay inabot niya ito saka inilapat sa ibabaw ng kaniyang brā. Fvck!“Stefano… s-sabihin mo sa'kin… sinōng mas mālaki sa'min ni Maricel?” pikit mata niyang tanong, muling ipinulupot sa baywang ko ang kaniyang mga binti. "who the hell is Maricel?! And stop calling me that name!" asik ko na saka ko diniinan ang pagkakahalik ko sa labi niya. Mula sa kaniyang labi, nalipat ang halik ko sa kaniyang panga hanggang sa pinadaosdos ko ito pababa sa pagitan ng panga at leeg niya. Magtutuloy-tuloy na sana ito kaso…Bigla siyang nakatulog!Naiwan akong hingal na hingal, bitin na bitin, at napahawak sa aking noo habang nakatitig sa kaniya. Sa huli ay napabuga na lang ako ng hangin at natawa. Dahan-dahan ay inayos ko pa ang pagkakahiga niya bago ko siya kinumutan. She looked exhausted from crying. Earlier, her eyes were swollen and red, yet she still responded to ev
Raf's POVIniwan ko na doon si Kyle na sinusubukang tumayo. Pagkapasok ko sa kinaroroonang silid ni Paola ay nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kama, taliwas sa sinabi ni Kyle na natutulog ito. Ang kaso, umiiyak ito habang pikit na pikit pa ang mga mata. “Paola!" lapit ko sa kaniya. Subalit agad din akong natigilan nang hawakan niya ang laylayan ng blouse niya at akmang huhubarin ito."Paola, stop!" nilapitan ko na talaga siya at hinawakan ang dalawa niyang kamay para pigilan siya. Sh*t, she's really drunk!"B-Bitawan mo ‘ko, Stefano!” sigaw niya at malakas niya akong tinulak pero dahil lasing na lasing na nga talaga siya, halos walang impact sa akin ang pagkakatulak niya But wait, did she just call me his stvpid ex?!“Hey, I'm Raf, your boss. Please, calm down," mahinahon kong pagtatama sabay hawak ulit sa mga kamay niya nang akmang maghuhubad na talaga siya. At ganoon na lang ang pagkakatameme ko sa kaniya nang bigla na lang siyang umiyak. Naupo siya sa kama at isa-isa nang na







